Miyerkules, Disyembre 31, 2008

Iwan at Harapin..

Wala po akong masasabi sa pitak na ito kundi ang paalala lang para sa lahat na kung meron mang tayong mga bagay na hindi magandang nagawa sa nakaraang taong 2008 - iwan na po natin yun sa likuran natin at wag ng balikan. Kung maganda naman po ang inyong nasimulan noong nakaraang taon - ipagpatuloy po natin at hingin sa Diyos ang patuloy na pagbibigay ng gabay at lakas upang harapin ang bagong hamon ng buhay.

Harapin natin po ang darating na bagong taong 2009 ng may takot, pagsunod at pagkilala sa lumikha ng langit at lupa. Batid po natin na buong mundo ay nakararanas ng pandaigdig na kahirapan o krisis - subalit kung ilalagak po natin ang lahat sa Diyos, tiyak na meron Siyang gagawin para sa atin.
Binabati ko po kayong lahat na nakiisa, sumubaybay at natuto sa mga kaisipan po na aking inilahad sa inyo sa taong ito. Inaasahan ko po kayo na patuloy na makipag-aralan, pakipagtuklasan patungkol sa salita ng Diyos - sapagkat marami po ang katanungang dapat nating malaman ang sagot dito sa - SINO ANG TAMA?



MAPAGPALANG BAGONG TAON PARA SA LAHAT!!


Salamat po...

Linggo, Disyembre 14, 2008

Pagkilos ng Diyos

Sa ating mga nakaraang kaisipan naipakita natin kung ano ang mga nakaasaad sa kasulatan patungkol sa kalooban ng Diyos. Ngayon naman tingnan natin ang pagkilos ng Diyos mula pa noong una sa nakasulat na kung ito ba ay ayon sa Kanyang kalooban. Nakita natin ang mabiyayang kapangyarihan sa atin na hindi lang mabubuti at magagandang bagay ang nagmumula sa itaas, kundi para sa lahat sa Kanyang kalooban at panukala (Efeso 1:5 - Tayo ay tinalaga niya nang una pa upang ampunin sa kaniyang sarili sa pamamagitan ni Jesucristo ayon sa kaniyang kalooban. ), at alam natin na ang Diyos ang Siyang kumikilos at gumagawa sa lahat ng bagay (Efeso 1:11 - Sa kaniya rin tayo ay nagkamit ng mana. Itinalaga niya tayo nang una pa ayon sa layunin niya na gumagawa ng lahat ng mga bagay ayon sa layunin ng kaniyang kalooban.). Sa lahat ng bagay kasama ang mabuti, maganda at ang masamang bagay o pangyayari sa ating buhay.

Isaias 63:17 Bakit ba, O Yahweh kami’y tinulutang maligaw ng landas. At ang puso nami’y Iyong binayaan na maging matigas? Balikan mo kami, Iyong kaawaan, ang mga lingkod mo na tanging Iyo lamang.

Roma 9:16 & 18 Kaya’t ang pasiya ng Diyos ay nasasalig sa Kanyang habag at hindi sa kalooban o pagsisikap ng tao. Kaya kinahahabagan nga ng Diyos ang sinumang ibig Niyang kahabagan, at pinatitigas Niya ang ulo ng ibig Niyang pagmatigasin.

Hayan nakita ninyo dalawang sitas na nagpapakita na ang Diyos ang siyang may dahilan, may kaalaman, may kapangyarihang gumawa, kumilos ng may laya sa lahat ng bagay na Kanyang nilikha ayon sa Kanyang ibig. Dalawang mabibigat na sitas sa kasulatan na marami ang minsan hindi nila nauunawaan, na ang Diyos ang sanhi ng lahat ng bagay na nangyayari sa daigdig na ito. Pinipilit nating ang mabubuting bagay lang ang nagbubuhat sa itaas, pero nakaligtaan natin ang ibang mga sinasabi at nakasulat sa Kanyang kasulatan.

Dito sa ating bagong kaisipan ipakikita ko sa inyo ang maraming kapahayagan na nakataala sa kasulatan patungkol sa ating pinag-uusapan. Tulad ni Santiago, alam niya na tayo ay sinusubok ng Diyos upang maging matatag ang ating pananampalataya (Santiago 1:3 - Nalalaman ninyo na ang pagsubok sa inyong pananampalataya ay nagbubunga ng pagtitiis). At alam din niya na sa lahat ng bagay ang Diyos ay kumikilos, kaya sabi niya sa Santiago 4:15 - Ito ang dapat ninyong sabihin: Kung kalooban ng Panginoon, mabubuhay tayo. Gagawin natin ang bagay na ito o ang gayong bagay. . Sa panghuli nasabi ni Santiago na ang Diyos ay hindi nanunukso sa tao – sapagkat batid ni Santiago ang mga kaganapan sa pagkilos ng Diyos sa atin.

Heto pa sa Filipos 2:13 sapagkat ang Diyos ang nagbibigay sa inyo ng pagnanasa at kakayahang maisagawa ang Kanyang kalooban. Ngayon ano ang ipinakikita sa atin ng kasulatan sa pamamagitan ng ilang sitas sa itaas, di ba Siya ang may kapangyarihan, kakayahan, kalayaan, maylaya at may kalooban sa lahat ng bagay na nangyayari, nangyari at mangyayari pa lamang sa lahat ng Kanyang nilikha.

Sa sunod nating kaisipan ibibigay ko sa inyo ang unang halimbawa sa kasulatan kung paano kumilos ang Diyos ng ayon sa Kayang kalooban at panukala. Sisimulan natin ito sa pasimula ng kasulatan at iisa isahin natin ang bawat sinasabing katotohanan patungkol dito.

Martes, Nobyembre 25, 2008

Ang Layunin at Kalooban ng Diyos – 4K

K. Sinasalungat ba ni Pablo ang sariling katuruan?

Hindi!!! Balikan nga natin yung pangyayari sa mga sinasabi ni Pablo doon sa Roma 9:11-21 na mababasa natin na lahat ng maling pagpili ni Essau at ang Paraoh ay sa Diyos lahat nag-ugat samantalang doon sa talata 31 at 32 nakapatungkol ito sa mga Israelita na di matanggap ang Kristo samantalang ang Diyos lamang ang makagagawa ng lahat ng ito ayon sa Kanyang panukala at kalooban.

Ang mga Israelita ba na hindi tumugon sa paanyaya sa piging at kasalan ay walang dahilan? Ang kanila bang mga pasya ay maylaya? Isipin ninyo sumugal ba ang Diyos sa mga Hudyo na itatakwil nila si Hesus, at ipapako siya ng Kanyang isugo si Hesus dito? Natisod ba sila sa mga batong katitisuran sa kanilang pagpili, at layang magpasya? HINDI. Roma 11:8Ayon sa nasusulat: Binigyan sila ng Diyos ng espiritu ng pagkalito. Binigyan niya sila ng mga matang hindi nakakakita. Binigyan niya sila ng mga taingang hindi nakakarinig. Ito ay hanggang sa ngayon.

Ngayon ibibigay ko ang ilang mga katanungan at kasagutan na naka-ugnay sa mga turo ni Santiago at Pablo mula sa kasulatan.

1.) Sino ang gumagawa ng kasamaan? Kawikaan 16:4Lahat ng nilalang ng Diyos ay mayroong wakas. At ang masasama sa kaparusahan babagsak. Isaias 54:16 Ako ang lumikha ng mga panday, Na gumagawa ng sandata. At ang gumagamit sa sandata’y Ako rin at walang iba.

2.) Sino ang dahilan bakit hindi dumalo sa paanyaya sa kasalan? Isaias 63:17 Bakit ba, O Yahweh, kami’y tinulutang maligaw ng landas. At ang puso nami’y Iyong binayaan na maging matigas? Balikan mo kami, Iyong kaawaan. Ang mga lingkod mo na tanging iyo lamang.

3.) Kapag ang puso natin ay matigas at tayo’y nagkakasala sa Diyos, sino ang may pananagutan para tayo ay ituwid? Isaias 64:12 Yahweh, aming Diyos matitiis mo ba ang bagay na ito? Tatahimik ka ba habang naghihirap kami ng ganito?

4.) Sino ang dahilan sa ating pagsisisi at pagtalikod sa ating mga pansariling kakayahan? Tito 2:11-12 - Ito ay sapagkat ang biyaya ng Diyos na nagdadala ng kaligtasan ay nahayag sa lahat ng mga tao. Ito ay nagtuturo na dapat tayong mamuhay sa kasalukuyang panahon na may mabuting paggamit ng isip, mamuhay na matuwid at mamuhay na may pagkilala sa Diyos. Mamuhay tayong tumatanggi sa hindi pagkilala sa Diyos at makamundong pagnanasa. Hebreo 12:6 - Sapagkat itinutuwid ng Panginoon ang mga iniibig niya, pinapalo ang bawat tina-tanggap niya bilang anak.

5.) Sino ba ang dahilan sa naging kahinatnan ng mga Israelita? Jeremias 18:4Nakita kong kapag ang ginagawa niyang sisidlan ay nasira, minamasa Niya uli ang luwad at hinuhugisan nang panibago. 1 Corinto 5:5 - Ang hatol ko ay ibigay ninyo kay Satanas ang ganiyang tao para sa pagwasak ng kaniyang katawan. Ito ay upang maligtas ang kaniyang espiritu sa araw ng Panginoong Jesus.

Ngayon matapos kong ipakita sa inyo ang ilang katanungan na naka-ugnay sa ating pinag-uusapan – nakita rin natin ang mga kasagutan na mula sa kasulatan at malinaw na ang Diyos ang siyang gumagawa sa lahat ng bagay ayon sa Kanyang kalooban, panukala at pasya. Hindi ninuman ang pweding mangyari para masabing merong layang magpasya ang sinuman ng walang dahilan na nagmula sa Diyos.

Martes, Nobyembre 18, 2008

Ang Layunin at Kalooban ng Diyos – 4b

B. Nagtuturo ba si Santiago ng kalayaang pumili?

Balikan natin sandali yung ating naiwang mga sitas tungkol doon sa kasagutan ni Santiago sa Santiago 1:13-14 - Huwag sabihin ng sinumang tinutukso: Ako ay tinutukso ng Diyos. Ito ay sapagkat ang Diyos ay hindi maaaring matukso ng mga kasamaan at hindi niya tinutukso ang sinuman. Ang bawat tao ay natutukso kapag siya ay nahihila ng kaniyang masidhing pita at siya ay nasisilo nito. Tandaan na hindi itinuturo ni Santiago ang kakayahan ng tao upang maligtas. Batid ni Santiago ang “espiritu na nananahan sa atin” (na ibinigay ng Diyos) Roma:20-21. Alam din niya na hindi kasagutan kung meron mang kalayaang pumili kundi ibinibigay ng Diyos ang lahat ng Kanyang biyaya. Lalong batid niya ang kahulugan ng biyaya na siyang nagtuturo sa atin upang maituwid tayo sa pamumuhay (Tito 2:11-12) - Ito ay sapagkat ang biyaya ng Diyos na nagdadala ng kaligtasan ay nahayag sa lahat ng mga tao. Ito ay nagtuturo na dapat tayong mamuhay sa kasalukuyang panahon na may mabuting paggamit ng isip, mamuhay na matuwid at mamuhay na may pagkilala sa Diyos. Mamuhay tayong tumatanggi sa hindi pagkilala sa Diyos at makamundong pagnanasa.

Sa ating sitas na Santiago 1:14-15, - inihayag ni Santiago ang kabaliktaran ng anumang ating natutunan sa mga nakaraang namana. Heto yung tunay na itinuturo ni Santiago tungkol sa “kalayaang pumili” – sa Santiago 4:13-16 na ang ating buhay ay parang aso na nakasalalay sa kalooban ng Diyos. Santiago 4:13-16 - Makinig kayo ngayon, kayong nagsasabi: Ngayon o kaya bukas, kami ay pupunta sa gayong lungsod. Mananatili kami roon ng isang taon. Kami ay mangangalakal at tutubo. Ngunit hindi ninyo nalalaman kung ano ang mangyayari sa kinabukasan. Ito ay sapagkat ano ang iyong buhay? Ito ay tulad sa isang singaw na sa maikling oras ay lumilitaw at pagkatapos ay naglalaho. Ito ang dapat ninyong sabihin: Kung kalooban ng Panginoon, mabubuhay tayo. Gagawin natin ang bagay na ito o ang gayong bagay. Datapuwa't ngayon ay nagmamapuri kayo sa inyong mga kayabangan. Ang lahat ng ganitong pagmamapuri ay napakasama.

Iyan ang itinuturo ni Santiago na nakaugnay din sa itinuturo ni Pablo na ang mga pinili ay naka-ugnay noong una paman na maging anak ayon sa Kanyang (Diyos) kalooban. Siya rin ang kumikilos sa lahat ng bagay ayon sa kalooban Niya - Efeso 1:5 at 11 - Tayo ay tinalaga niya nang una pa upang ampunin sa kaniyang sarili sa pamamagitan ni Jesucristo ayon sa kaniyang kalooban. Sa kaniya rin tayo ay nagkamit ng mana. Itinalaga niya tayo nang una pa ayon sa layunin niya na gumagawa ng lahat ng mga bagay ayon sa layunin ng kaniyang kalooban. Ang Diyos lamang ang merong laying pumili at magpasya na mababasa at makikita mo sa kasulatan. Sa lahat ng nilikha tao o bagay ay kumikilos at nagpapasya ayon sa kalooban, plano, panukala ng Diyos.

Pahapyawan nga natin ang sinasabi sa Roma 9, dito sinabi ng Diyos na kinamumuhian Niya si Isau bago pa siya isilang. Ano ang layunin ng Diyos ditto – di ba upang ipakita sa lahat na kahahabagan ng Diyos ang nais Niyang kahabagan. Dito na malinaw na hindi kagustuhan ni Esau na siya ay kamuhian ng Diyos kundi ito ang layun ng Diyos at kahabagan Niya. Ganon din sa Paraoh pinatigas ang ulo nito upang ipakita sa lahat ang kanyang kapangyarihan, kahabagan at kalooban.

Kung babasahin natin ang boong kabanata tinapos ni Pablo ito sa pagsasabi na ang mga Israelita na sumusunod sa kautusan ay sumusunod sa katuwiran ng kautusan Roma 9:31-32 - Ang Israel ay nagsikap sumunod sa kautusan ng katuwiran ngunit hindi sila nakaabot sa katuwiran ng kautusan. Bakit? Ito ay sapagkat hindi sila nagsikap sa pamamgitan ng pananampalataya kundi sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan. Sila ay natisod sa batong katitisuran.

Sinalungat ba ni Pablo ang kanyang sariling katuruan? Iyan ang sunod nating tatalakayin…

Lunes, Nobyembre 10, 2008

Ang Layunin at Kalooban ng Diyos – 4a

Nagtuturo ba si Santiago ng kalayaang pumili?

Siguro isasagot ninyo sa tanong na ito ay ang sinabi ni Pablo na ito ang ating karapatan bilang nilikha ng Diyos. Tapos maitatanong ninyo bakit tayo binigyan ng karapatan pero wala naman tayong layang pumili? Ito ba yung itinuturo ni Santiago sa Santiago 1:13-14 - Huwag sabihin ng sinumang ako ay tinutukso ng Diyos. Ito ay sapagkat ang Diyos ay hindi maaaring matukso ng mga kasamaan at hindi niya tinutukso ang sinuman. Ang bawat tao ay natutukso kapag siya ay nahihila ng kaniyang masidhing pita at siya ay nasisilo nito. Ito ba yung katibayan sa kasulatan patungkol sa kalayaang pumili at magpasya? Hindi masasabi na itong sinabi ni Santiago ay magpapatunay na meron nga tayong layang pumili?

Sasabihin ko sa inyo na ang kasulatan ay sasagot sa inyo ng “HINDI” yan ang pinakakahulugan niyan. Nakakatiyak ako. Isipin ninyo na ang lahat ba ng ating pagpapasya at pamimili ay may laya at walang anumang magiging kaganapan o resulta sa atin o walang dahilan. Hindi ito ayon o turo ni Santiago sapagkat itinuturo niya na “huwag tayong mangangako” ng isang bagay dapat nating sabihin ay “SA KALOOBAN NG DIYOS”, mangyayari ito o magagawa ko ito o iyon. (Santiago 4:13-15). Ibig sabihin na si Santiago ay naniniwala na may kalayaan tayong pumili? Tingnan natin yung sinabi ni Santiago na “tayo’y natutukso kung tayo’y nadadala ng ating sariling laman at pagnanasa. Masasabi ba na ito na yung katunayan na meron tayong kalayaan maliban sa kalooban ng Diyos. Itinuturo ba ni Santiago na ang ating kaligtasan ay nakasalalay sa ating sariling kalayaang magpasya at pumili?

Narito yung buong ibig sabihin ni Santiago na patungkol sa natutukso (Santiago 1:2-3). Tingnan ninyo ini-ugnay niya ito na kailangan ang katiyagaan para magkaroon ng kaalaman. Sa mga taong walang tiyaga tiyak na hindi siya ang taong matalino ayon kay Lucas 21:19 sa pamamagitan ng inyong matiyagang pagtitiis, tatamuhin ninyo ang inyong buhay. Ngayon tingnan natin ang talata 12 ng Santiago 1: Pinagpala ang taong nagtitiis ng pagsubok dahil kapag siya ay nasubok na, tatanggap siya ng putong ng buhay na ipinangako ng Diyos sa kanila na umiibig sa Kanya.

Ituloy natin sa talatang 13huwag sabihin ng sinumang tinutukso; Ako ay tinutukso ng Diyos. Ito ay sapagkat ang Diyos ay hindi maaaring matukso ng mga kasamaan at hindi niya tinutukso ang sinuman. Pero bakit sa talatang 2 sinasabi na ituring ninyong buong kagalakan kapag dumaranas kayo ng iba’t ibang uri ng pagsubok, tapos sa talatang 14 – sinasabi niyang “ang bawat tao ay natutukso kapag siya ay nahihila ng kaniyang masidhing pita at siya ay nasisilo nito. Ang ibig bang sabihin na si Santiago nagbibigay ng babala sa atin na bantayan natin ang ating mga pita at ipagdiwang ito?

Siempre hindi yan ang ibig sabihin ni Santiago, kung kayo diyan ay naniniwala sa kalayaang pumili at magpasya mula sa anumang kalooban at plano ng Diyos na siyang lumikha ng kasamaan (Isaias 45:7).

At ito pa sinasabi sa Roma 9:16-18 - Kaya nga, ito ay hindi sa kaniya na nagnanais o sa kaniya na tumatakbo. Subalit ito ay sa Diyos na siyang may kahabagan. Ito ay sapagkat sinabi ng kasulatan kay Faraon: Upang maipakita ko sa pamamagitan mo ang aking kapangyarihan, inilagay kita sa kinalalagyan mo ngayon. Ginawa ko ito upang maihayag ang aking pangalan sa buong lupa. Kaya nga, mahahabag ang Diyos sa sinumang ibig niyang kahabagan. Patitigasin niya ang puso ng sinumang ibig niyang patigasin ang puso.
Sunod tingnan yung sagot ni Santiago sa Santiago 1:13-14 - Huwag sabihin ng sinumang tinutukso: Ako ay tinutukso ng Diyos. Ito ay sapagkat ang Diyos ay hindi maaaring matukso ng mga kasamaan at hindi niya tinutukso ang sinuman. Ang bawat tao ay natutukso kapag siya ay nahihila ng kaniyang masidhing pita at siya ay nasisilo nito.

Miyerkules, Oktubre 29, 2008

Ang Layunin at Kalooban ng Diyos – 3

Totoo bang si Pedro ay sumang-ayon kay Kristo?

2 Pedro 3:9 Ang Panginoon ay hindi nagpapabaya sa Kanyang pangako tulad ng inaakala ng ilan. Hindi pa Niya tinutupad ang pangakong iyon alang-alang sa inyo. Binibigyan niya ng pagkakataon ang lahat na makapagsisi at magbalik-loob sa Diyos, sapagkat hindi Niya nais na kayo’y mapahamak.

Totoo na araw-araw tayo ay pumipili nagpapasya sa mabuti at itinatakwil natin ang masama. Subalit sa mga nangyayari at mangyayari pa lang sa buhay natin ang Diyos ang Siyang gumagabay sa atin upang makaiwas tayo sa masama pero minsan mapagtatanto rin natin na ang Diyos ang gumagawa ng masamang sitwasyon, upang ipakita sa iyo kung ano ang layunin niya sa buhay mo.

Isaias 45:7 Ako ang lumikha ng dilim at liwanag. Ako ang nagpapadala ng kaginhawahan at kapahamakan. Akong si Yahweh ang gumagawa ng lahat ng ito.

Ito yung sitas sa kasulatan na hindi maunawaan ng karamihan sa mga tagasunod ni Hesus. Ito yung katotohanang pilit na ikinukubli ng nakararami na pag-usapan. Subalit dito nauunawaan natin na silang di nakauunawa ay ang mga taong binulag na malaman ang hiwaga ng paghahari ng Diyos tulad ng ating napag-usapan sa mga nakaraang usapin (Mateo 13:11). Mahirap unawain subalit iyan yung nakasulat sa kasulatan, hindi natin pwedeng baguhin o ilihis ang katotohanan. Marami ang nagbibigay ng kanilang pagka-unawa sa sitas sa itaas subalit hungkag sa katutuhanan at walang makitang ibang sitas na maaaring suporta sa kanilang sinasabi.

Balikan natin ang tanong sa itaas na sumang-ayon ba si Pedro kay Kristo? Ayon sa sitas na ating inilahad sa 2 Pedro 3:9. Oo, sumang-ayon siya sapagkat alam ni Pedro na ang Diyos ay hindi nagpapabaya sa Kanyang mga pangako at alam din natin yan. Sabi pa ni Pedro na hindi pa tinutupad ng Diyos ang pangakong iyon – sapagkat patuloy na naghihintay ang Diyos para sa ating pagbabalik loob sa Kanya. Ano ang layunin ng Diyos? Ang nais ng Diyos ang di mapahamak ang nakararami at tayo. Ibig sabihin ni Pedro na nangyayari pa ang mga bagay na yaon sa mga nilikha sapagkat ito yung kalooban ng Diyos upang manumbalik sila sa Diyos.

Binibigyan tayo ng pagkakataong tumugon sa Kanyang mga paanyaya, babala upang tayo ay hindi mapahamak. Layunin Niya na ipakita sa anumang kapamaraanan na Siya ang gumagawa sa lahat ng bagay sa ikabubuti natin, kasama diyan yung kasamaan, kabulagan sa katotohanan at pagtatakwil kay Hesus. Subalit sa bandang huli ipakikita ng Diyos ang Kanyang kalooban at layunin sa tao. Yan ang hindi matanggap ng tao, iniisip nila na ang Diyos ay hindi makatarungan kung gagawan ng masama ang mga nilikha lalo’t kung magbubuhat sa Diyos.

Nakita natin na si Pedro ay sang-ayon kay Kristo, sa layunin na binibigyan ang lahat ng pagkakaton na manumbalik sa Diyos. Sa iba na binabaliwana ito, naroon yung tiyaga ng Diyos hanggang makita ng tao yung talagang layunin ng Diyos. Babalik ang tao sa Diyos na Siyang lumikha sa kanila. Ipinadarama lamang ng Diyos yung nararapat sa Kanyang mga anak, sapagkat pinarurusahan ng Diyos yung mga taong mahal sa Kanya. Kung ikaw ay hindi nakakaranas ng parusa o pagtutuwid mula sa Diyos, tanungin mo ang iyong sarili kung bakit – anak ka ba ng Diyos.

Mahirap isipin at unawain ang ibig ipabatig ng Diyos ayon sa Kanyang layunin at kalooban. Minsan iisipin natin na hindi siya makatarungan, subalit kung pag-aaralan natin ito’y sa ating ikabubuti. Tulad ng sabi ko ang Diyos ang gumagawa sa lahat ng bagay ayon sa Kanyang layunin at kalooban sa anumang kapamaraan.

Martes, Oktubre 21, 2008

Ang Layunin at Kalooban ng Diyos – 2

Ang tunay na dahilan kung bakit si Hesus ay di-tinugon?

Kung iisipin natin kapag tinatanong natin sa kaisipang ito ang isang sitwasyon o bagay ng “BAKIT”, ang talagang tinutumbok nito ay ang tanong na “ANG TAO BA AY MAY LAYANG PUMILI O MAGPASYA” o sa wikang English ay “FREE WILL” or “FREE CHOICES”? Walang makapagkakaila na ang sinuman ay gumagawa ng pag-pili o pag-pasya sa araw-araw. Halimbawa – pupunta ba ako sa bayan o sa talipapa na lang? Anong oras ba ako dapat magising? Ano ba ang aking almusal ngayon? Uulitin ko walang makakapagkaila niyan. Doon sa mga di tumugon sa paanyaya sa piging at kasalan – pasya ba o yun ang kanilang pinili (walang dapat pag-usapan doon). O merong isang malakas na kapangyarihan na siyang kumikilos at gumagawa sa atin ayon sa kanyang layunin at kalooban.

Pero itinatanong natin kanina na “BAKIT” sila hindi tumugon sa paanyaya sa pagtawag ng Diyos. Alam natin na ang mga Israelita ay di naniniwala sa tagapagligtas na si Hesus. Nang marinig ng mga Pariseo at punong saserdote ang tungkol sa talinhaga inisip nila na sila ang pinatutungkulan ni Hesus, sa ngayon sino sila – sila yung mga nangunguna sa mga simbahan na ang tingin nila sa sarili ay napakataas.

Kilalanin natin kung sinu-sino sila sa

Mateo 27:20 Ang mga tao nama’y sinulsulan ng mga punong saserdote at mga matatanda ng bayan na hingin kay Pilato na si Barabas ang palayain, at si Hesus ay ipapatay.

Sino ang mga taong ito? Tingnan natin sa

Lucas 19:38 Ang wika nila, Purihin ang hari na dumarating sa ngalan ng Panginoon! Kapayapaan sa langit! Purihin ang Diyos!

Doon sa talata 37 sinasabi na boong o lahat ng mga tao o alagad doon ay sumisigaw ng ubod lakas sa pagpuri sa Diyos. Ngunit isang araw ang parehong karamihan ng tao na sumisigaw na ang hari ay dumarating subalit sa sunod na araw sila rin yung sumisigaw kasama ng mga Pariseo at punong saserdote na ipapatay si Hesus.

Pano ito nangyari samantalang nakita nila ang ibat ibang kababalaghang ginawa ni Hesus? Wala bang saysay ang kanyang mga ipinakita sa kanila? Pero heto ang talagang dahilan kung bakit nila ito nagawa sa

Lucas 19:41-42 Nang malapit na siya sa Jerusalem at matanaw niya ang lunsod, ito’y kanyang tinangisan. Sinabi Niya, kung nalalaman mo lamang sa araw na ito kung ano ang makapagdudulot sa iyo ng kapayapaan! Ngunit lingid ito ngayon sa inyong paningin.

Wow, napakalinaw na sitas nito para sa ating pinaguusapan. Balikan natin – Bakit nga ba di naniniwala ang mga Israelita kay Hesus? Sapagkat sa

Mateo 13:11 Sumagot Siya, Ipinagkaloob sa inyo na malaman ang mga lihim tungkol sa paghahari ng Diyos, ngunit hindi ito ipinagkaloob sa kanila.

Ibig sabihin ang mga taong di tumugon sa paanyaya ni Hesus ay hindi ipinagkaloob sa kanila na malaman ang lihim ng paghahari ng Diyos, kaya maling sabihin na kanilang sariling pasya o pagpili ang di pagdalo sa paanyaya.

Sa sunod nating kabanata talakayin natin ang iba pang dahilan na mula sa kasulatan…

Martes, Oktubre 14, 2008

Ang Layunin at Kalooban ng Diyos - I

Sino silang nagbaliwala kay Kristo?
Pansinin natin sa Mateo 21:45 at sa Lucas 14:1 - si Hesus ay nakikipag-usap sa mga punong saserdote at mga Pariseo na ganon din ang tinutukoy sa Mateo 22. Ibig sabihin meron na tayong panimulang kaisipan na sila ang mga taong tinutukoy ni Hesus sa talinhaga.

Sa Lucas 14 may mga ibinigay na dahilan kung kaya hindi nakadalo sa piging - ito ay ang mga sumusunod - nakabili ako ng bukid, at kailangan kong puntahan, sinasabi ng isa - nakabili ako ng limang pares na baka at kailangan kong isingkaw para masubok. At ang isa naman ang dahilan ay - bago akong kasal kaya hindi ako makakadalo. Subalit tingnan natin ang sagot doon sa mga ibinigay na dahilan ng sabihin sa kanyang panginoon ang naging resulta ng paanyaya. Ini-utos sa alipin na lumabas sa mga lansangan, lungsod at makikipot na daan upang anyayahan ang mga pulubi, pingkaw, bulag at mga pilay.

Nakita ninyo - ipinakikita ni Hesus sa talinhaga na wala sa sinumang inanyayahan (ang mga di dumalo) ang gustong malaman ang katutuhanan at di nila batid kung ano ang ibig sabihin nito sapagkat sa sitas (Juan 6:35 - Ako ang pagkaing nagbibigay-buhay, sabi ni Hesus. ang lumalapit sa akin ay hindi na magugutom, at ang nananalig sa akin ay hindi na mauuhaw kailanman). Sapagkat si Hesus ang tunay na tinapay o pagkain na pinag-aanyaya sa piging at kasalan.

Malinaw na sinasabi ni Hesus na ang mga di dumalo sa piging ang siyang mga taong nagtatakwil sa Kanya. Balikan natin yung Mateo 21:45 dito narinig ng mga Pariseo at punong saserdote ang sinasabi ni Hesus tungkol sa talinhaga, kaya iniisip nila na sila ang pinatatamaan at tinutukoy ni Hesus - totoo naman diba, ito'y para sa kanila. Pero ang tanong - sa ngayon, meron bang pinatatamaan pa rin ang mga sitas na ating pinag-uusapan? Meron pa kayang mga Pariseo at punong saserdote sa ngayon? Sinu-sino sila sa ngayon? Ang sagot meron at marami pa rin hanggang ngayon.

Subalit ito ang malaking katanungan - Bakit sila di tumugon sa paanyaya sa piging sa Lucas 14:16 at sa kasalan sa Mateo 22:4? Katulad ng tano na - Bakit ang iba sa ngayon ay hindi tumutugon at binabaliwala ang kanilang tagapagligtas? May kinalaman ba ang kanilang mga pinuno o taga panguna upang ilayo sila kay Kristo?

Tayo'y tinatanong - bakit nga ba marami ay hindi tumutugon sa mga paanyaya, samantalang ito'y sa ikabubuti naman nila? Kayo tumugon na ba kayo sa paanyaya ni Hesus sa kanyang piging o nananatili pa rin sa inyo yung tanong na BAKIT?

Sa sunod na kabanata talakayin natin ang talagang tunay na dahilan kung bakit di dumalo o tumugon ang mga inanyayahan sa piging at kasalan. At kung bakit sa kabila ng paanyaya ay patuloy o naroon pa rin ang pagtutul ng mga nakararami. Ano ang kaugnayan nito sa ating tinatalakay na "layunin at kalooban ng diyos"..

Lunes, Oktubre 6, 2008

Ang Layunin at Kalooban ng Diyos - Panimula

Halos lahat ng mga Kristiyano kung tatanungin ay naniniwala silang ang Diyos na ating pinaglilingkuran at kinikilala ay "makapangyarihan sa lahat". Sa aling mang diksyonaryo ang ibig sabihin ng makapangyarihan ay kataas-taasang kapangyarihan o sumasalahat na kapangyarihan. Isa ang nakatitiyak nito iilan lang ang magsasabing ang Diyos ay di makapangyarihan sa lahat, sino ang mga ito - ang mga taong di kumikilala na may Diyos. Ang kasulatan mismo ang magpapatunay na ang Diyos na makapangyarihan ang siyang kataas-taasang:


Isaias 40:15 - Di ba ninyo alam, sa harap ni Yahweh ang alinmang bansa ay walang kabuluhan? Tulad lang ng isang patak na tubig sa isang sisidlan. Ang mga pulo ay parang alikabok lamang ang timbang.


Awit 103:19 - Si Yahweh nga ang nagtayo ng trono sa kalangitan, mula doon sa nilikhang maghaharing walang hanggan.


Sa aklat ni Daniel kabanata 4 - Ang Diyos ay nagbigay sa hari ng panaginip na syang gumugulo sa kanyang isipan. Apat na beses sa buong kabanata na nabanggit na ang lahat ay malalaman ng ang Diyos ay makapangyarihan at Siyang maghahari sa lahat ng nilikha ayon sa Kanyang kalooban. Ayon dito na ang Diyos ang maghahari sa Kanyang mga nilikha, ito man ay masama at mabuti.


Nakita natin sa itaas na ang Diyos ang maghahari sa tao ayon sa Kanyang kalooban hindi ayon sa kalooban ng Kanyang nilikha. Siya ang nagpatigas ng puso ng Paraoh upang hindi makaalis ang mga Israelita sa Ehipto (Exudos 4). Bakit ito ginawa ng Diyos? Upang ipakita sa lahat sa Siya ang makapangyarihan sa lahat - magagawa Niya ang lahat ayon sa Kanyang kapangyarihan, plano at panukala sa tao. Sa palagay ninyo ang Diyos ba ay pinatitigas lang ang puso ng mga namumuno (tulad ng Paraoh), na hindi niya ginagawa ito sa mga karaniwang nilikha tulad natin?


Kaya nga ang pangunahing layunin at pakay ng kaisipang ito ay kung ano ang sinasabi sa kasulatan, kung kaya punamagatan ko itong - Ang Layunin at Kalooban ng Diyos - na hango sa sitas sa kasulatan:


Efeso 1:11 - Sa Kanya rin tayo ay nagkamit ng mana. Itinalaga Niya tayo nang una pa ayon sa LAYUNIN NIYA na gumagawa ng LAHAT ng mga BAGAY ayon sa LAYUNIN NG KANIYANG KALOOBAN.


Isinusulat ko ito sa dahilang marami ang di naniniwala at binabali wala ang nakasulat at ibig ipakahulugan ng Efeso 1:11 na nakapaloob dito kung meron bang "kalayaang pumili" or "free will" ang tao. Kung wala tayong kalayaang pumili, magpasya, paano naman ang mga taong inanyayahan sa "kasalan" sa Mateo 22 at ang malaking "piging" sa Lucas 14 - na alam natin na marami ang hindi tumugon sa paanyaya.


Layunin din nito na ipakita mula sa kasulatan - kung bakit ang mga inanyayahang bisita ay binaliwala ang paanyaya sa kanila. At kung bakit sa lahat ng ating kapasyahan tayo ay kumikilos at gumagawa? Sa totoo lang ang sitas na ito ay nagtuturo ng tungkol sa "kaganapan at epekto". Subalit sinisiguro ko sa inyo na ipakikita ko lahat sa kasulatan kung paano ang Diyos ay gumagawa sa LAHAT NG BAGAY ayon sa Kanyang kalooban. Una nga rito ay ang talinhaga sa Mateo 22 at Lucas 14 - sundan sa sunod na kabanata....

Lunes, Setyembre 29, 2008

Silang Ayaw Kay Eba – III

Dito sa ating huling kabanata ng ating pinag-uusapan, balikan natin yung ika-10 kautusan kung ano ang sinasabi sa ika-7 kautusan, sapagkat meron ding sinasabi si Apostol Pablo tungkol dito.

Roma 7:7Ano nga ang ating sasabihin? Ang kautusan baga’y kasalanan? Huwag namang mangyari. Datapuwat hindi ko sana nakilala ang kasalanan, kundi sa pamamagitan ng kautusan sapagkat hindi ko sana nakilala ang kasalanan, kung hindi sinabi ng kautusan, huwag kang mananakim.

Aba meron ba kayong ipupuntos pa, sapagkat lumalabas na meron kayong ibig ipakahulugan na kung hindi sa kautusan ng Diyos hindi malalaman na kasalanan pala yung mga ginagawang masama ng tao. Ano ba ang sinasabi rito tungkol doon?

Exodo 20:17 Huwag mong iimbutin ang bahay ng iyong kapwa, huwag mong iimbutin ang asawa ng iyong kapwa, ni ang kanyang aliping lalake o babae, ni ang kanyang baka o asno, ni anuman bagay ng iyong kapuwa.

Dito malinaw na sinasabi sa mga mananampalataya ni Hesus na huwag iimbutin o pagnanasahan ang asawa ng kapwa, kasama ang katulong o aliping lalake at babae. Nagpapatunay ito na si Hesus ay galit at itinatakwil ang gumagawa ng kasalanang pagiging alanganin maliban sa lalake o babae – ibig sabihin kasalanan ang pagiging bakla o tomboy, tiyak na may kaparusahan para sa mga gumagawa nito.

Ano ang magandang kasagutan sa mga ganitong sitwasyong. Ayon kay Pablo sa (1 Corinto 7:7-9) na kailangan mag-asawa ang walang asawa sapagkat ang bawat isa ay may kaloob ang Diyos para sa kanya, hindi magbibigay ang Diyos ng mali sapagkat siya yung nagbibigay ng kautusan.

1 Corinto 7:7-9
7- Ibig ko sana na ang lahat ng lalaki ay maging tulad ko, ngunit ang bawat isa ay may kani-kaniyang kaloob mula sa Diyos. Ang isa ay may kaloob sa ganitong bagay at ang isa ay may kaloob sa ganoong bagay.
8 - Sa mga walang asawa at sa mga balo ay sinasabi ko: Mabuti para sa kanila ang manatili sa kalagayang tulad ko.
9 - Ngunit kung hindi sila makapagpigil, hayaan silang mag-asawa sapagkat higit na mabuti ang mag-asawa kaysa mag-alab sa matinding pagnanasa.

Upang maiwasan ang pakiki-apid kailangan sa bawat lalake at babae ay mag-asawa (1 Corinto 7:2 - Gayunman, upang maiwasan ang pakikiapid, makapag-asawa nawa ang bawat lalaki at gayundin nawa ang bawat babae.) , hindi sinabi dito na kumuha ng lalake at maging asawa ng kapwa lalake, ganon din ang mga babae. Batid ni Pablo ang tungkol sa babae sa kapwa babae at lalake sa kapwa lalake ng sulatin niya ang sulat para sa mga taga-Roma (Roma 1:26-27). Sapagkat nakikita niya iyon sa paligid na iniugnay lamang niya iyon sa mga pangyayari noong unang mga panahon pa. Ang ganong gawa ay hindi sagot sa anumang nararamdamang init o para makaiwas sa pakiki-apid madaragdagan pa nga ng lubhang malaking kasalanan.

Tandaan natin ayon kay Pablo may katapat na parusa ang mga gumagawa nito sa (Roma 1:32). At ganon din si Santiago ang nagsasabi na lahat ng magandang kaloob ay galling sa taas at yun ay bigay ng Diyos hindi kasama ditto na kaloob ang pagiging bakla o tomboy (Santiago 1:17)

Santiago 1:17 - Ang bawat mabuting pagbibigay at bawat ganap na kaloob ay mula sa itaas at nagbubuhat sa Ama ng mga liwanag na walang pagbabago, ninoman ng pagtalikod.

Nawa po may natutunan kayo at kayong mga gumagawa nito magbago na kayo at manumbalik sa Diyos hindi pa po huli ang lahat…. Hinihintay kayo ng Diyos…

Lunes, Setyembre 22, 2008

Silang Ayaw Kay Eba – II

“Wala namang masama hangga’t hindi nakakasakit o nakakasama sa ibang tao”. Yan ang karaniwang maririnig natin at pilit nating binibigyan ng katuwiran na hindi masama, meron pa nga nagbibingi-bingihan at nagbubulag-bulagan na lang sa mga nakikita. Kahit ang gobyerno, paaralan, pamayanan at ang mga simbahan ay tanggap ang ganitong kalakaran, walang silang paki-alam hangga’t walang gulong ginagawa. Tama ba ang ganitong kaisipan at depensa ng nakararami?

Isa pang katuwiran ng ibang gumagawa ng labag sa ating pinag-uusapan ay ang “isinilang na ganon, lumalabas pa nito na ang Diyos ang sinisisi sa nangyari sa kanila. Na kung hindi ginagawa ng Diyos ng ganon sila disin sana’y hindi sila nagkakasala. Samantalang maliwanag na nabanggit sa kasulatan na nilikha ng Diyos ang lalake (Adan) at babae (eda) lamang walang tinatawag na ikatlong kasarian o alanganin. Kahit na marami tayong mababasa tungkol dito at ipinipilit ng iba na meron tinatawag na “dugong alanganin” sa English ay “gay hormone”. Meron naman sa iba nagsasabi na ito’y namamana. Pero kayo ang tatanungin ko ito nga ba ay namamana o talagang ganito na sila noong ipanganak – o sila mismo ang bumago sa buhay nila.

Santiago 4:12 – Iisa ang tagapagbigay ng kautusan at hukom, samakatuwid, baga’y ang makapagliligtas at makapagwawasak: datapuwat sino ka na humahatol sa iyong kapwa.

Ano ang kinalaman nito sa ating pinag-uusapan? Naalala ba ninyo si Haring David ng siya’y magkasala sa (1 Hari 2:1-9). Doon inamin ni David ang pagkakasala niya kay Urias at sa asawa niyang si Betseba. Kahit sinong hari sa boong mundo ay may karapatang ipadala kahit sinong sundalo sa unahan ng giyera upang siya’y mamatay at agawin ang asawa nito sa kanya (ganyan ang ginawa ni David), marami ang nangyayaring katulad nito, subalit hindi ito tama sa mata ng Diyos. Ibig sabihin ang Diyos ang nakakabatid ng kasalanan at katuwiran ng tao, yan ang ibig sabihin ng sitas sa itaas. Subalit kabaliktaran ang nangyayari sa ngayon sapagkat ang mga gumagawa ng ganitong kasalanan tulad ng ating pinag-uusapan ay bale wala sa nakakarami, kaya tama ang sabi si Isaias sa – Isaias 5:20-23.

Tandaan natin na ang Diyos ay pinarurusahan ang nangangalunya na kasama sa 10 kautusan (Exodo 20:14). Kung titingnan natin nasa kaisipan ng iba na ang pangangalunya ay ang pagkakaroon ng isang asawa tapos may kinakasamang pang iba. Iyan ang isang makitid na kaisipan sapagkat ayon kay Hesus sa (Mateo 5:27-28) – ang tumingin sa babae ng may pagnanasa sa puso ito’y pangangalunya na. Dito walang katawang ugnayan isip at puso lamang nagkakasala na, eh lalo na yung baguhin natin yung kalooban ng diyos na ang lalake ay sa babae, hindi yung baliktaran…

Mateo 5:27-28
27 - Narinig ninyong sinabi nila noong unang panahon: Huwag kang mangalunya.
28 - Ngunit sinasabi ko sa inyo: Ang sinumang tumingin sa isang babae na may masamang pagnanasa sa kaniya ay nagkakasala na ng pangangalunya sa kaniyang puso.

Marami sa atin na yung baluktot ay itinutuwid sa maling paraan at yung tuwid ay binibigyan ng katuwiran. Lalo na ang mga magulang na merong mga anak na may ganitong ginagawa, sa kanila habang ang anak ay nakakatulong sa pamilya ipinagmamalaki pa nila ang ganitong bagay na ginagawa. Mahirap humusga subalit nais ko lang iparating na kailangan nating makita ang katutuhanan na sa paligid ay kailangan ang paglilinis hindi yung dalawang kamay pang tinatanggap ang mga ganitong gawa at kalakaran.

Lunes, Setyembre 15, 2008

Silang Ayaw Kay Eba - I

Isaias 58:1 Sinabi ni Yahweh, “Ikaw ay sumigaw ng ubos-lakas. Ang sala ng bayan Ko sa kanila’y ihayag.

Matagal na rin ng aking ihayag ang kaugnay na kabanata nito sa aking nakaraan entri ang “Homosexuality is a sin?” Bale ito yung karugtong kung saan kinuha natin yung mga pahayag ni Apostol Pablo sa kanyang mga sulat. Bakit ko naman naisipang dugtungan ang nakaraang kabanata? Hindi matanggap ng aking espiritu ang aking mga nakikita sa paligid, naririnig, nababasa at napapanood sa TV na hayagang tanggap ng kabuuan ng bayan ang mga ganitong lisyang gawain. Tulad ng paunang sitas ng entri na ito kailangang ihayag, isigaw ng boong lakas ang kanilang mga kasalanan.

Tingnan natin kung ano ang sinasabi ni Pablo sa mga sumusunod na sitas: Roma 1:24, 26, 27 at 32.
24 – Dahil dito’y sa karumihan ng mga pita ng kanilang mga puso ay ibinigay sila ng Diyos sa kahalayan, upang alisan nila ng puri ang kanilang mga katawan sa kanilang sarili.
26 – Dahil dito’y ibinigay sila ng Diyos sa mga mahahalay na pita, sapagkat pinalitan ng kanilang mga babae ang katutubong kagamitan niyaong nalalaban sa katutubo.
27 – At gayon din naman ang mga lalake, na nang iwan na ang katutubong kagamitan sa mga babae, ay nangagningas sa kanilang karumihan ng pita ang isa’t isa, na gumagawa ng kahalayan ang mga lalake sa mga kapwa lalake, at tumatanggap sa kanilang sarili ng kagantihan ng kanilang pagkakamali.
32 – Na, bagamat nalalaman nila ang kautusan ng Diyos, na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay mga karapat-dapat sa kamatayan, ay hindi lamang gayon ang ginagawa, kundi naman pinapayagan ang mga nagsisigawa ng mga yaon.

Sige balangkasin nga natin kung anong bagay ang matutuklasan natin sa mga sitas sa itaas. Makikita natin yong tatlong mahalagang puntos dito – ito ay ang mga sumusunod:

1. upang alisan nila ng puri ang kanilang mga katawan sa kanilang sarili
2. sapagkat pinalitan ng kanilang mga babae ang katutubong kagamitan niyaong nalalaman sa
katutubo
3. lalake, na nang iwan na ang katutubong kagamitan sa mga babae, ay nangagningas sa kanilang karumihan ng pita ang isa’t isa, na gumagawa ng kahalayan ang mga lalake sa mga kapwa lalake

Sa mga katutuhanang nahayag sa itaas makikita natin sa paligid, meron pa nga nito sa loob mismo ng mga iglesya ni Hesus. Kaya tama lang ang tinuran ni Pablo sa sitas na 32 sa itaas na - ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay mga karapat-dapat sa kamatayan, ay hindi lamang gayon ang ginagawa, kundi naman pinapayagan ang mga nagsisigawa ng mga yaon.

Ano ang maaari nating gawin sa mga ganitong bagay tulad ng ating nasabi sa itaas na ipagsigawan at ihayag sa lahat sa kanila ang kanilang mga kasalanan, kung hindi natin gagawin ang ganon nagkakasala tayo –

Santiago 4:17 - Kaya nga, ang sinumang nakakaalam sa paggawa ng mabuti at hindi ito ginagawa, ito ay kasalanan sa kaniya.

Martes, Setyembre 9, 2008

Pakikipamatok – II

1 Corinto 3:1-3
1 Mga kapatid, hindi ako nakapagsalita sa inyo na tulad sa mga taong espirituwal, subalit tulad sa mga taong namumuhay ayon sa laman, tulad sa mga sanggol kay Cristo.
2 Pinainom ko kayo ng gatas sa halip na matigas na pagkain sapagkat hindi pa ninyo kaya ang matigas na pagkain at maging sa ngayon nga ay hindi pa ninyo kaya.
3 Ito ay sapagkat kayo ay nasa laman pa rin dahil mayroon pa rin kayong mga inggitan, paglalaban-laban at pagkakabaha-bahagi. Hindi ba kayo ay namumuhay pa sa laman, at namumuhay bilang mga tao?

Noong nakaraang mga sitas binigyan diin ni Apostol Pablo na ito ay “para sa lahat” ng mga taga-Corinto hindi siya nagtukoy ng isang tao lamang. Tinutukoy niya ang mga iglesya o ang lahat ng kapulungan ng iglesya sa Corinto. Sinasabi niya na ang lahat ay makalaman, sanggol pa sa pananampalataya, makasanlibutan pa.

Ngayon kailangan nating unawain kung ano ang itinuturo sa atin ng mga salitang iyon. Hindi sinabi ni Pablo na huwag mag-asawa ang sinuman kung siya’y isang makasalanan at hindi rin niya sinabi kaninuman na huwag mag-asawa sa isang di mananampalataya kundi binalaan niya na “huwag makipamatok sa mga di mananampalataya". Ito yung aspeto ng huwag makipamatok na napakahalaga para kay Pablo.

Sunod tingnan natin yung “huwag kayong” – hindi naman sinasabi ni Pablo na kung may-asawa kayo ng di mananampalataya ito ay hiwalayan ninyo. Ang ibig niyang iparating ay maging daan kayo sa kanilang pagkilala kay Hesus bilang panginoon. 1 Corinto 7:12-13

Ano ang ibig ipakahulugan ni Pablo sa “dimananampalataya” Tulad ng nasabi sa itaas na “kayong lahat” sa Corinto ay hindi pa nagtataglay ng Espiritu ng Diyos. Kung ganon ano ang ibig niyang sabihin: 1 Corinto 3:5, 1 Corinto 15:2. 11

Sa mga nabasa natin malinaw na ang mga taga Corinto ay masasabing di pa nagtataglay ng Espiritu ng Diyos. Siempre masasabi ng sinuman na mananampalataya pero sa kabila noon hindi pala. Isipin na lang sa humigit kumulang na 2 milyong kasapi ng pananampalatayang Kristiyano sa buong mundo, lahat ay masasabing mananampalataya pero hindi yun sigurado ayon sa binasa natin sa itaas at nakikita natin sa paligid.

Balikan natin yung ating tinatalakay, naniniwala ako na ang pinaka susi nito ay hindi yung huwag makipamatok. Pero ngayon sinasabi ni Pablo sa mga di-mananampalataya, malinaw na ito’y patungkol sa mga maling ginagawa nila. Una huwag kang makipamatok lalong lulubha kung makikipamatok ka sa di mananampalataya. At sinabi niya na ang kuro-kurong ito ay kanyang pansariling kaisipan lamang ayon sa gabay ng Diyos (1 Corinto 7:12)

Masasabi ko at maiihayag na malaya na kung patungkol sa pag-aasawa kung maaari lamang huwag makipamatok sa di-mananampalataya. Ang ibig kung sabihin kung maaari huwag na lang makipamatok ang mga mananampalataya sa mga di mananampalataya.

Yung salitang “di-mananampalataya” ibig sabihin ay hindi nananampalataya kay Hesus, masasabing isa siyang pagano, walang pananampalataya sa Diyos, suwail. Hindi naman natin masasabi na mawawala ang mga di-mananampalataya, siguro ang magagawa lang natin huwag maki-ayon sa kanilang mga gawa. Kailangan lang ang kaunting ingat at talino sa pakikisama sa kanila (1 Corinto 10:27)

Natitiyak ko iba sa atin ay may mga kasambahay o pamilya na hindi pa mananampalataya, doon lagi tayong nakikipag-ugnayan sa kanila. Ako mismo nakakita ng mag-asawa na di-mananampalataya ang isa at ang isa ay mananampalataya ngunit sila’y maligaya, maayos kumpara sa ibang parehong mananampalataya subalit magulo ang kanilang pagsasama.

Maipapayo ko lang sa iba na subukang ipaliwanag ang ibat ibang aspeto ng bawat sitwasyon. Pwede naman nating isaalang alang yung ating sariling kaalaman, subalit huwag naman masyadong mag-isip ng makasariling katuwiran at baka naman tayo’y humigit sa sinasabi sa (1 Timoteo 4:1 – 3).

Miyerkules, Setyembre 3, 2008

Pakikipamatok – I

Marami na ang nakabasa ng sitas na kung saan sinasabi ni Pablo “huwag kayong makipamatok sa mga di-sumasampalataya” pinagpapalagay ng iba na lahat ay bawal sa pag-aasawa ng isang Kristisyano. Ano ang ibig ipakahulugan nito huwag makipamatok kahit na yung mga nakasal na sa di mananampalataya o ituloy ang pakikipamatok kahit sa di mananampalataya. Siguro marami ang sasalungat kapag sinabi ko na ito’y hindi lamang lahat patungkol sa pag-aasawa ng Kristiyano?

Ang kahulugan ng “huwag kayong makipamatok” ay hindi lahat patungkol sa pag-aasawa subalit meron itong bahagi tungkol dito. Basahin natin ang mga talatang ito:

2 Corinto 6:14-18
14 Huwag kayong makipamatok sa hindi mananampalataya sapagkat anong pakikipag-isa mayroon nga ang katuwiran sa hindi pagkilala sa kautusan ng Diyos? Anong pakikisama mayroon ang liwanag at kadiliman?
15 Paano magkakasundo si Cristo at si Belial? O anong bahagi mayroon ang mananampalataya sa hindi mananampalataya?
16 Anong kasunduan mayroon ang banal na dako ng Diyos sa mga diyos-diyosan? Ito ay sapagkat kayo nga ang banal na dako ng buhay na Diyos. Tulad ng sinabi ng Diyos: Mananahan ako sa kanila at lalakad kasama nila. Ako ang magiging Diyos nila at sila ang aking tao.
17 Sabi ng Panginoon: Kaya nga, lumabas kayo mula sa kanila at humiwalay. Huwag kayong hihipo ng maruming bagay at tatanggapin ko kayo.
18Ako ang magiging ama ninyo at kayo ang magiging mga anak ko. Ito ang sabi ng Panginoong Makapangyarihan sa lahat.

Ang salitang “pakikipamatok” na ang ibig pakahulugan ay makiugnay, makisama, maki-ayon, makibagay at iba pa. Sinasabi ito ni Pablo sa mga taga Corinto sapagkat sila’y nararahuyo sa pagano at ang kanilang lugar ay punong puno ng mga templo ng mga pagano, upang sila’y huwag makibagay, maki-ayon sa kanilang mga gawa at paniniwala. Kailangan nilang layuan ang mga “hindi mananampalataya, hindi matuwid, nasa kadiliman, mga suwail at ang mga rebulto. Yan yung mga sinasabi ni Pablo sa itaas na mga sitas, kung mapapansin ninyo walang kinalaman sa pag-aasawa o kaugnayan sa pag-aasawa.

Anong ibig sabihin ni Pablo sa lahat ng yan? Una di maaaring manirahan sa bansa o lugar ang isang tao na hindi nakikipag-ugnayan sa isa’t isa o sa lahat ang naninirahan doon o tinatawag na may sariling mundo. Kahit na si Hesus ay nanalangin at nakatuon sa Ama kung ano ang Kanyang nais para sa atin anuman ang kalalagayan sa buhay na ito – Juan 17:15. Dito hinihiling Niya sa Ama na huwag hayaang makipamatok sila sa di mananampalataya.

Paano natin ito maii-ugnay sa pag-aasawa? Iminumungkahi ba ni Pablo sa lahat ng mga taga-Corinto na huwag at dapat na di mag-asawa sa ibang kasapi ng iglesya? Hindi diba? Siya ay nagsabi na: Huwag makipamatok sa mga di-mananampalataya, lahat ba ng kasapi ay masasabing pinapatnubayan ng Espiritu? Hindi diba? Maaari bang ang isang pinapatnubayan ng Espiritu ay nakipamatok sa di mananampalataya. Tingnan natin sa mga sumusunod na sitas:

1 Corinto 3:1-3
1 Mga kapatid, hindi ako nakapagsalita sa inyo na tulad sa mga taong espirituwal, subalit tulad sa mga taong namumuhay ayon sa laman, tulad sa mga sanggol kay Cristo. 2 Pinainom ko kayo ng gatas sa halip na matigas na pagkain sapagkat hindi pa ninyo kaya ang matigas na pagkain at maging sa ngayon nga ay hindi pa ninyo kaya. 3 Ito ay sapagkat kayo ay nasa laman pa rin dahil mayroon pa rin kayong mga inggitan, paglalaban-laban at pagkakabaha-bahagi. Hindi ba kayo ay namumuhay pa sa laman, at namumuhay bilang mga tao?

Itutuloy na lang po sa sunod…

Sabado, Agosto 30, 2008

Kailan Ka Bagong Nilalang?

Madalas marinig natin ito - “madaling maging Kristiyano ngunit mahirap magpaka-Kristiya no”, baguhin natin ito sa ibang anyo – madaling maging lingkod ni Kristo ngunit mahirap ang sumunod kay Kristo. Marami ang nagsasabi na nakakasunod naman sila kay Kristo at sa mga nakasulat sa kasulatan. Dito sa bago kong entri talakayin natin yung mga karaniwang mapapansin sa isang Kristiyano raw. At kailan ba natin masasabi ang isang tao ay bago ng nilalang sa harap ng Diyos at ng mga nakapaligid sa kanya. Sa mga sitas sa ibaba mababasa natin ang ganito:

2 Corinto 5:17-18
17 - Kaya nga, kung ang sinuman ay na kay Cristo, siya ay bago nang nilalang. Ang mga dating bagay ay lumipas na, narito, ang lahat ng bagay ay naging bago.
18 - Ang lahat ng mga bagay ay sa Diyos. Sa pamamagitan ni Jesucristo dinala niya tayo upang ipagkasundo sa kaniya. At ibinigay niya sa atin ang gawain ng paglilingkod para sa pakikipagkasundo.

Simulan natin sa sitas na 17 sinasabi “kung ang sinuman ay na kay Kristo” – ibig sabihin ang taong tinutukoy ay tumanggap o kumilala kay Kristo, pinatutungkulan para sa lahat na taos pusong tinanggap at kumilala kay Hesus – “siya ay bago nang nilalang”. Ibig sabihin may binago, may pinalitan sa taong yun. At sabi pa ang lahat ng sa taong yun ay lumipas na, ang ipinalit sa kanya ay lahat bago na. Tanong: Kailan ito naganap sa isang tao? Naganap na ba ito sa isang tao? Kung hindi pa kalian ito magaganap sa tao?

Sa sunod na sitas 18 – ipinakikita lang ni Apostol Pablo na ang lahat ng bagay ay sa Diyos, Siyang may likha nito. Ginamit ng Diyos ang Kanyang bugtong na anak upang dalahin tayo sa pakikipagkasundo sa Diyos. Tapos ginagabayan naman tayo ni Hesus upang ang ibang tao naman ang siyang madala sa pakikipagkasundo sa Diyos. Ganyan dapat ang kalakaran na gusto ng Diyos. Subalit parang taliwas ito sa mga nangyayari sa mga iglesya ng Diyos, marami ang nag-aangkin na sila’y taga-sunod ni Hesus subalit hindi ito nakikita sa kanila kilos, gawa at ugali. Ito naba yung sinasabing “bagong nilikha".

Sa ibang salin imbes na “na kay Cristo” ito ay “nakipag-isa kay Cristo”. Noong mga nakaraan kong entri natalakay ko ang tungkol sa tamang pakikipagkaisa subalit ito ay sa mga kasamang mananampalataya sa iglesya. Sa kaisipan natin ngayon ang pinag-uusapan dito ay ang pakikipag-kaisa kay Cristo, ibig sabihin tinanggap mo Siyang panginoon at tagapagligtas, taos puso mo siyang susundin, paglilingkuran sa isip, salita at sa gawa. Ganon naman ang ginagawa ko ah – ewan ko, ikaw, kayo ang makasasagot niyan.

Heto lang ang masasabi ko at uulitin kong muli ang mga apostol ni Hesus noong panahon nila mahigit tatlong taon silang magkakasama, subalit masasabi na hindi pa sila masasabing mga bagong nilalang – sapagkat noong nagkaroon ng sitwasyon si Hesus bago siya ipako, sila’y nagsipangalat, ipinagkanulo, itinakwil, ikinaila. Naging bagong nilalang lang sila ng matapos mabuhay na muli si Hesus – doon sinabi ni Hesus na dito sa ibabaw ng bato itatayo ko ang aking iglesya at walang kampon ng kadiliman ang mananaig sa kanila. Sino ang tinutukoy niya ang mga alagad niya…. Ganon din ang kaisipan ni Apostol Pablo, dati siya’y taga-usig ni Hesus subalit ng siya’y baguhin ni Hesus doon nagsimula ang pagiging – bagong nilalang niya. Ibig sabihin ang Diyos pa rin ang magkakaloob ng daan, paraan at lakas para maging mabong nilalang ka sa harap Niya, wala tayong magagawa sa ganang ating sarili lakas.....

Kaya kayo diyan nasa puso ba ninyo ang pagsasabing kayong nakipag-isa kay Hesus o nasa nguso lamang, at ito ba ay isinasagawa ninyo – kung hindi dahan dahan lang tayo kasi baka tayo’y nagkakasala.

Lunes, Agosto 25, 2008

Balat Kayo o Pagkakaisa

Sa ating kultura o matandang kaugalian meron silang kasabihan na “kung sama-sama, kayang-kaya”. Ang ganitong kaisipan hanggang ngayon ay meron pa rin namang sumusunod at nakakasunod ika nga. Sa mga iglesya ganito rin ang nagiging paninindigan at panuntunan ng marami, sapagkat totoo naman na malaki ang magagawa kung sama-sama ang bawat isa. Kahit sa kasulatan isang kapamaraanan din ng mga lingkod ng Diyos ang sistemang sama-sama, tulad ng ginawa ni Reyna Ester ng Susan. Sila’y nagkaisa na mag-ayuno upang ilapit sa Diyos ang kanilang karaingan (Ester 4:16).

Ganon din ang ginawa ni Nehemia – pag-kakaisa rin ang panawagan niya sa mga Israelita upang gawin ang moog ng Jerusalem. Kung natatandaan ninyo si Gideon mula sa angkan ni Benjamin na sinabihan ng Diyos na pangunahan ang kanilang angkan upang labanan ang mga kaaway. Sa kabila ng pagtutol niya, ipinakita ng Diyos ang kapangyarihan niya kay Gideon. Marami pang mga lingkod ng Diyos ang nagpakita ng pagkikipag-kaisa upang sundin ang kalooban at pinag-uutos ng Diyos.

Sa panahon ngayon makikita pa rin ba ang pagkakaisa sa mga iglesya ni Hesus? Nauunawaan ba sa ngayon ang tunay na diwa, kahulugan ng pagkakaisang hinihingi ng Diyos. Ano ba ang karaniwang makikita sa isang iglesya sa ngayon? Malimit pag-usapan ang patungkol sa ikalalago ng iglesya at laging nasasabi ang kahalagayan ng pagkakaisa upang maisulong ang minimithing bagay. Minsan maririnig sa mga usapan na nakikipag-isa ang isang kapatid, pero sa bibig lang pala yun. Ano ang nagiging dahilan, bakit sila ganito? Maraming bagay ang pwedeng isaalang alang – wala sa puso nila ang kanilang mga sinasabi, o merong nagiging dahilan kung bakit ito nangyayari. Merong hiya lang ang nagbubunsod para sumang-ayon subalit taliwas sa kanilang nilalaman ng puso...

Masasabi ba na pagkakaisa kung salita lang ang maririnig sa isang tao? O nag-uutos lang siya dahil siya’y medyo mataas ang kalalagayan sa buhay o dahil siya ay pastor? Siguro mas maganda kung elders, deacons o pastor ang siyang manguna sa ikagaganda ng iglesya hindi yung puro utos, at maraming dahilang ikinakabit para lamang makaiwas, kasi nasa isip nila na hindi bagay ang ganoong gawain sa kanila. Ang pag-aktong parang isang nangunguna dapat sa salita at sa gawa tulad ng ginawa ni Nehemia at Reyna Ester pinangunahan nila ang mga pinagagawa ng Diyos sa kanila. Sa ngayon nakikita natin na parang mga Periseo ang mga Elders, Deacons at Pastor, sila yung ayaw marumihan ang mga kamay o masaling kahit ang kanilang dulo ng daliri. (Mateo 23). Tama ba ito…. O isa ba kayo o tayo rito?

Huwag tayong magtago sa ating sariling anino, ipakita natin na nasa puso ang ating paglilingkod – isipin lagi na sa Diyos tayo naglilingkod hindi sa tao..

Huwebes, Agosto 21, 2008

Bahala Na Nga

Hihiramin ko yung email na natanggap ko, sapagkat maganda at akmang akma sa buhay Kristiano. Siguro nabasa na rin ninyo o pinadalhan din kayo ng email na ito, pero hayaan ninyong ilathala ko ulit ito para naman doon sa mga mambabasa ko sa ibang lugar.

Que Sera, Sera,
Whatever will be, will be
The future's not ours, to see
Que Sera, Sera
Whatever will be, will be.

Yan ay lyrics ng popular na awit noon ni Doris Day (circa 1956) na marahil hanggang ngayon ay paminsan-minsa' y naririnig pa natin, o ating inaawit marahil kapag tayo'y ganadong kumanta. Ayon sa Wikipedia Encyclopedia, ang awit na ito'y pinasikat ni Doris Day nung 1956 at naging feature song sa pelikulang "The Man Who Knew Too Much" na ang bida ay si Doris Day mismo kasama si James Stewart. Nakasama sa Billboard magazine chart nung taon ding iyon ang awit na ito, at nanalo sa Academy Award for Best Original Song. Sa Tagalog ang salitang "Que Sera, Sera" ay maaaring i-translate sa simpleng katagang "Bahala Na".

Maraming maipapakahulugan ang salitang "Bahala Na" depende sa gumagamit o sa nagsasalita nito. Kapag di matiyak ang isang bagay na gagawin kung ito ba ay magtatagumpay o hindi, dahil marahil sa kakulangan ng panahon o ng akmang pamamaraan, sinasabi nating "bahala na!". Na ang nais ipakahulugan ay "Kung uubra, fine. Kung hindi, OK lang." Kumbaga, ipinasasa-Maykapal natin ang magaganap. Kung ano ang Kanyang kalooban ay siyang makapangyari.

This could be the positive way ng paggamit ng salitang "Bahala Na" na siyang eksaktong kahulugan ng awit na "Que Sera, Sera". Hindi natin hawak ang bukas. Hindi natin mailalagay sa ating palad ang kapalaran ninuman, kung kaya't dapat nating ipasa-Diyos ang magaganap sa darating na bukas. "Que Sera, Sera" Sa Ingles ay "whatever will be, will be" at sa Tagalog ay "Bahala Na". Ang salitang "Bahala Na" ay mula naman sa salitang "Bathala", isang malalim na translation ng salitang "Diyos" na siyang ginagamit ng ating mga ninuno nung araw kapag tinutukoy nila ang isang Diyos na makapangyarihan. Isang Diyos na may lalang ng langit at lupa.

Kaya nga, kahit dito sa Gitnang Silangan, maririnig mo ang salitang "Inshallah", na ganun din ang ibig sabihin "Bahala na ang Diyos". Kung ibig Niya, mangyayari, kung hindi, ay hindi. Yun nga lamang, mali ang aplikasyon at minsa'y naaabuso ang paggamit ng salitang "Bahala Na" o "Inshallah", o ang "Que Sera, Sera". Ito'y ginagamit na lamang scapegoat para maiwasan ang isang bagay na gagawin o isang commitment na dapat tuparin. "God willing" ang maririnig pa natin minsan. Pero sa totoo lang ay di mo talaga nais na gawin.

Na walang pinagkaiba sa naririnig natin sa mga katutubo rito sa Saudi Arabia na "Inshallah". Di ba't isa sa mga utos ng Panginoon ay "You shall not misuse the name of the LORD your God". (Exodus 20:7) Kung kaya't ating paka-ingatan ang dila. Baka tayo'y nagkakasala na sa pagbigkas ng "Bahala na". God willing. Que Sera, Sera. "Bahala na!" Ang katagang ito'y maaaring ipantukoy din sa mga mediocre na bagay na ating ginagawa. Yung di natin ibinibigay ang pinaka "da best". Kung ano lang ang meron, kung ano lang ang ibig. Pero sa katotohanan ay may mas mainam pa tayong magagawa.

Bilang mga lingkod ng Panginoon, ang salitang "Bahala na" ay di dapat gamitin kapag Siya'y may ipagagawa sa atin. We must always make it sure that we give our best, the very best kapag para sa Panginoon. Hindi yung mediocre lamang. Dapat may akmang paghahanda at tamang oras, hindi yung pabara-bara lamang at isinisingit lamang kapag may panahon. Dapat laging "on time" kapag may commitment na tinanguan para sa Panginoon, hindi yung palaging late at lagi mo na lamang sambit "sensya na huh.. ma-traffic eh."

Kung magbibigay naman sa Panginoon, dapat sapat at husto at ayon sa puso. Hindi yung tira-tira lamang at kung ano lang ang mabunot sa bulsa, at minsa'y lukot-lukot pa. Kung magkakaloob sa Panginoon, dapat yung "da best." "Bahala na!" yan rin ba ang katagang madalas mong nasasambit? "Bahala na" dahil di ka nakapaghanda, di ka nakapagplano, at nagahol ka na sa oras. "Bahala na" dahil di mo nais na i-commit ang iyong buong oras at panahon. "Bahala na" dahil ipinagwawalang- bahala mo lamang ang bawat araw na dumarating.

May magandang aral tayong matutunan sa langgam na siyang inihalimbawa ng Bibliya sa Proverbs 30:25 na ang sabi, "Ants are creatures of little strength, yet they store up their food in the summer." Marunong silang magpahalaga sa bawat araw. Hindi tatamad-tamad. Nagtratrabaho habang may araw, habang may lakas. Hindi pa-bandying- bandying. Hindi mahilig mag-mall-ing. Hindi panay good-time. Masinop. Nag-iimpok. Naghahanda sa darating na bukas. Upang dumating man ang bagyo o unos, sila'y nakatitiyak na di maghihikahos, di magkukulang.

Wala sa bokabularyo nila yung "bahala na!" Ikaw... tayo tulad rin ba ng langgam? O ika'y nilalanggam na sa sobrang tamis ng iyong ngiti dahil napapangiti ka sa iyong sarili. Nawa'y ang ngiting iyan ay sanhi ng katiyakang ika'y nakapaghanda tulad ng langgam at binibiggyang- halaga ang bawat araw sa iyong buhay. "Bahala na…" Que sera, sera...

Lunes, Agosto 18, 2008

Pananakot Ba o Mensahe?

Noong nakaraang Biyernes masasabi ko na hindi kumain yung espiritu ko, kumain man subalit biglang isinuka sa kadahilanan patungkol sa naging mensahe daw na galing sa Diyos. Hindi naman ako nasasaktan kaya lang yung uri ng pananalita ng taga-pagsalita yun ang hindi matanggap ng espiritu ko, para bang isang bato na pilit mong ibinabato sa isang bagay pero hinding hindi mo naman siya tamaan. Parang isang sugat na pinipilit gamutin ng isang gamot na hindi naman para doon sa sugat.

Kung hindi ako nagkakamali unang pagkakataon lang niyang makapag dala ng mensahe para sa aming iglesya. Noong una palagay ang isip ko at espiritu ko kasi kilala ko siya dahil sa mga nakaraang pag-aaral naging taga-pagturo na rin siya at hindi mo siya kakikitaan ng ganong pananalita, puno siya ng makabuluhang kaalaman. Subalit noong nakaraang Biyernes, hindi lang ako ang nagising ang espiritu kundi halos lahat ng nakikinig at nakasama sa gawaing yaon. Siguro naging kasalanan ko ngayon kasi nakapag-isip ako na parang sinabihan ng aming pastor yung mensahero kung ano ang gusto niyang sabihin sa kongregasyon.

Na para bang ito ang iyong tumbukin sa iyong mensahe sapagkat walang nagbibigay ng ikapu sa iglesyang ito, meron man pero ilan lang. Nararapat bang ipagkalandakan sa harap ng mga nakikinig na “ikaw ay mapupunta sa imyerno kung hindi ka magbibigay ng ikapu”. Saan sa kasulatan mo matatagpuan ito na tahasang sasabihin ang ganitong bagay, kung meron nito pakisabi sa akin baka hindi ko nakita at naunawaan ang nakasulat doon. Maraming naiwang katanungan sa mga nakarinig ng mensahe merong nagsasabi na hindi raw dapat ganon, meron naman na wala lang sa kanila, meron naman na pumasok sa isang tainga pero pinalabas sa kabila at yung sa akin nga isinuka.

Gusto ko na tumayo pero nanaig pa rin yung pagpipigil sa sarili ko, kasi naalala ko yung magiging resulta noon kung tatayo ako upang magsalita at salungatin yung sinasabi. At alam ko kung nagsalita ako tiyak babalik sa akin yun – at ganito ang kanilang maaaring ibalik sa akin. “Kaya ka nagagalit kasi hindi ka nagbibigay ng ikapu mo”. Pero kung tatanungin mo naman sila kung saan makikita yung mga sinabi nila, wala namang saktong sitas na magpapatunay. Kapag nagsalita ka aakusahan kang binulag, naliligaw at mali ang natutunan at minsan tatanungin pa kung saan natutunan ang ganon. Kayo ano sa palagay ninyo ano nga ba ang nararapat – sundin kung ano yung nasa kasulatan o sa lantarang pananakot na sundin ang ganitong mga utos.

Hindi ko naman sinasabi na laban ako sa pagbibigay ng ikapu, kung nagbibigay ka mabuti yun, ang medyo nakakapag-init ng spiritu ay yung “sabi nga ilang mga kapatidlantaran, sapilitang ipatupad ang mga ganon. Nawawala na yung sinasabing kalayaan, kusang loob na pagbibigay na tahasang sinasabi sa mga sitas sa kasulatan. Hindi ko rin naman masisisi sila sapagkat marami silang isinaalang alang kaya kailangan ang mga ikapu, subalit ang tanong tama bang sa ganoong pamamaraan, at saan ba dapat gamitin ang mga ikapu. Alam ko rin na marami ang bumabagsak sa ganitong larangan. Pero wag namang gawing panakot ang ganitong bagay para lang ipatupad iyon, naniniwala tayong may Banal na Espiritu na siyang magpapaalala ng ganitong bagay sa tamang kapamaraanan.

Kung sa tingin ninyo mali ako sa mga nasabi ko sa itaas, hintay ko ang inyong mga komento at handa akong humingi ng paumanhin sa lahat ng aking nagawan ng masama kung mapapatunayan ayon sa kasulatan. Sinadya kong hindi lagyan ng anumang sitas sa kasulatan ang entre kong ito upang mailabas ko lang yung aking naramdaman. Salamat po at pagpalain po tayong lahat ng Diyos.

Huwebes, Agosto 14, 2008

Ika Nga Ng Diyos Dito..

Noong nakaraan tinalakay natin ang tungkol sa “agimat” na ipinakita ko sa inyo ang mga sitas na naka-ugnay sa kasulatan. Ngayon naman ay talakayin natin ang tungkol sa mga manghuhula at astrologo. Sa bagong kong entre - Ano nga ba ang sinasabi ng Diyos tungkol dito.

Isaias 47:13-15
13 – Wala kang magagawa sa kabila ng marami nang payo sa iyo, patuloy ka man sa inaasahan mong mga “astrologo”, sa mga taong humuhula sa mangyayari bukas batay sa kalagayan ng kalangitan at mga bituin.
14 – Sila’y parang dayaming masusunog, ni ang sarili’y di maililigtas, sa alab ng apoy, pagkat ito’y di karaniwang init na pampaalis ng ginaw.
15 – Walang maitutulong sa iyo ang mga salamangkero na hinihingan mo ng payo sa buong buhay mo.

Sa panahong yaon ang mga tao ay nararahuyo na lapitan ang mga manghuhula at mga astrologo upang malaman nila kung ano ang kanilang kapalaran, hinaharap at kung ano ang mangyayari. Nakalimutan nila ang Diyos na siyang makasasagot sa kanilang mga tanong. Kaya binigyan silang ng babala at sinabi yung katutuhanang hindi sila maililigtas ng mga iyon maliban sa isang Diyos si Yahweh lamang. Inihalitulad sila sa dayami na susunugin sa apoy. Sinasabi rin na ang pagsangguni sa mga ito ay kahalintulad ng pag-samba sa diyus diyusan.

Levitico 19:26b
26b – Huwag ninyong paiiralin ang panghuhula o panggagaway.

Kukunin ko yung panukala ng isa sa mga nakabasa noong nakaraan kong entre na “wala daw namang mawawala kung susunod sa ganitong kalakaran” ika nga. Sa tingin ng tao walang itong halaga, sapagkat hindi niya alam kung ano nga ba ang iniutos o ano yung ayaw ng Diyos tungkol dito. Hindi rin isinaalang alang ng tao na ang Diyos ay mapanibughuin ayaw Niyang may ibang diyos na sinasamba ang tao maliban sa Kanya na may likha ng langit at lupa. Minsan nagkakatotoo naman daw ang kanilang mga sinasabi tungkol sa kapalaran at nagiging kalakasan na rin. May katutuhanan kaya ito na nagkakatotoo ang mga hula nila o nagkataon lang talaga na ganon ang mangyayari sa kanya sa araw na yun. Kasi kapag doon tayo na kanila nanghawakan ang kasiguraduhan ay ang pagkaligaw natin sa sinasabi ng Diyos. Tingnan natin yung mga sinabi ng mga gumagawa nito noong panahon ni Daniel..

Daniel 2:10-11
10 – Sumagot ang mga manghuhula, wala pong tao sa daigdig na makagagawa ng iniuutos ninyo. Wala ring hari gaano man ang kapangyarihan niya na nag-utos ng ganyan sa sinumang salamangkero, engkantador o manghuhula.
11 – Napakahirap gawin ng iniuutos ninyo. Mga diyos lamang ang makagagawa niyan ngunit hindi naman sila makaka-usap.

Daniel 2:27-28
27 – Sumagot si Daniel, ang hiwagang hinihiling ng hari ay hindi maipapaliwanag ng sinumang pantas, engkantador, salamangkero o astrologo.
28 – Ngunit mayroon pong isang Diyos sa kalangitan na naghahayag ng mga hiwaga. At sa pamamagitan po ng inyong panaginip ay inihayag Niya sa inyo ang mangyayari sa hinaharap.


Anong sinabi nila walang sinuman ang makakapagsabi ng tungkol sa mga panaginip maliban na siya ay kinakasihan o ihayag ng Diyos, lahat ng kanilang masasabi ay hula na walang katutuhanan. Makikita natin ito kahit sa panahon ngayon sa TV, magazine, komiks, sa mga tabing daan at halos sa lahat ng lugar, uulitin ko minsan ginagamit pa nila ang pangalan ng Diyos sa kanilang lisya gawa.

Bilang pangwakas, ang masasabi ko huwag ninyong hayaan na kayo ay marahuyo sa mga ganitong kalakaran ng mundo. Talikuran ninyo sila upang hindi kayo mapahamak, walang silang magagawa sa inyong kaligtasan sapagkat ang kaligtasan ay kay Hesus lamang – Mga Gawa 4:12 Wala nang ibang kaligtasan sa kanino man kundi si Hesus sapagkat walang ibang pangalan sa ilalim ng langit na ibinigay sa mga tao na ikaliligtas natin.

Lunes, Agosto 11, 2008

Anong Masama Rito?

Sa buhay ng tao sa mga panahong ito ang kailangan ay talino, kaalaman at pag-iingat sa anumang gagawin – talino at kaalaman sa salita ng Diyos. Bakit? Sapagkat ang daigdig na ito ay puno na ng kasalanan, kamunduhan at laganap na ang kasamaan. Ang tao ay madaling mabihag sa materyal na bagay, sa katanyagan, sa kagandahan, sa kayamanan. Walang halaga sa tao ang Diyos sinasabi lang nilang mahalaga pero hindi totoo sa kanila puso, ganyan tayong tao sa ngayon. Pero ano ba ang kaugnayan nito sa bagong entre ko? Ano ba ang kaisipan natin ngayon na nakaugnay sa kasulatan. Sa kasulatan maraming mga sitas ang tumutukoy sa tinatawag na “agimat” o “pampasuwerte” o madyik daw.

Kasama ba rito yung tinatawag sa makabagong panahon na “feng-sui” na kinuha sa kaugalian ng mga Intsik. Sa mga naunang panahon naging palasak o kilala ang mga agimat ng mga matatanda lalo na sa mga probinsya. Ibat ibang uri meron nito, kahit pa noong mga naunang panahon laganap na rin ito. Pero ano ang sabi ng kasulatan tungkol dito – ito ay pag-samba sa diyos diyusan, na napakalaking kasalanan sa Diyos. Subalit ano ba ang sinasabi ng Diyos patungkol sa mga ito, tingnan natin sa mga sumusunod na sitas:

Isaias 2:6Itinakwil mo ang lahi ni Jacob na iyong bayan, pagkat ang lupain ay puno ng mga manghuhula. At mga manggagaway, gaya ng mga Filisteo. Nakikibagay sila sa kaugalian ng mga dayuhan.

Yan yung unang sinasabi sa kasulatan, itinakwil ng Diyos ang lahi ni Jacob sapagkat naki-ayon sila sa mga kaugalian ng mga dayuhan, napuno ng ibat ibang manghuhula, manggagaway, mga agimat, at ibang paniniwala, sa kabila na alam nilang ayaw ng Diyos na magkaroon sila ng ibang diyos maliban sa Kanya. Ang ganito kaya ay hindi nangyayari sa ngayon o mas masahol pa? Subalit sinabi rin ng Diyos sa kasulan na:

Isaias 3:18-20
18 – Sa araw na iyon, aalisin ni Yahweh ang mga pahiyas sa paa, ulo at leeg.
19 – Ang mga kuwintas, pulseras at bandana
20 – Ang mga pahiyas sa buhok, braso, baywang, mga sisidlan ng pabango at mga AGIMAT.

Ezekiel 13:20 Kaya nga ipinasasabi ni Yahweh, “nasusuklam ako sa mga benda ninyong may madyik” para mabihag ang loob ng mga tao. Hahablutin ko iyon sa inyong mga galang galangan at papalayaing tulad ng ibon ang isipan ng mga taong nabihag ninyo.

Siguro dahil sa pagbabago ng panahon nawawala na yung mga agimat, subalit marami naman ang ipinalit na ibang bagay, meron pa na ginagamit ang pangalan ng Diyos sa kanilang ginagawa. Yung iba naman inaakala nilang tama yung kanilang ginagawa at paniniwala sa mga bagay na walang kabuluhan. Ang masakit nito kahit na mga taga-sunod na ni Hesus, may gumagawa at naniniwala pa rito tulad na lang sa feng-sui, wala daw namang mawawala kung susunod – “malay nga daw kung totoo”. Kapag ganito ang katuwiran, mapapahamak sa kawalan ng kaalaman tungkol sa kung ano ang nakasulat sa kasulatan na dapat sundin at gawin… Sa ngayon meron pa bang ganitong agimat at iba pa, marami at kayo ang makakasagot niyan – baka kayo meron nito, galit ang Diyos sa inyo.

Linggo, Agosto 3, 2008

Alalahanin o Gawin..

Sa iba’t ibang samahan ng simbahan, pananampalataya may kanya kanyang paniniwala sa pagsunod sa kung anong sinasabi, nakasulat sa salita ng Diyos. Meron ang iba’y lumalabag kung ano ang dapat at karapat dapat. Tulad na lang nitong bago kong kaisipan ang alalahanin o gawin. May pagkakaiba ba ng kahulugan, sabi ng iba kapag sinsabing “alalahanin” ibig sabihin isa-isip na merong gawa o isipin lang, samantalang kapag “gawin” ibig sabihin ini-uutos ito na gawin ang isang bagay, isang alituntunin, isang kaisipan. Anong kaugnayan nito sa kasulatan? Ang salitang alalahanin ay unang kong nakita sa mga sitas sa ibaba, samantalang yung salitang gawin ay napakaraming beses mong makikita sa kasulatan sapagkat ito ay patungkol sa mga alituntunin ng Diyos.

Mga Gawa 2:42 42 Sila ay matatag na nagpatuloy sa turo ng mga apostol, sa pagkikipag-isa, sa pagpuputul-putol ng tinapay, at sa mga pananalangin.

Noong unang mga kalipunan ng mananampalataya, ipinagpatuloy nila ang mga kaalaman na kanilang natutunan sa mga nauna sa kanila mga lingkod ng Diyos. Tulad na lang ng mga kapatid noon matapos umakyat o lumisan ni Hesus sa langit, ipinagpatuloy nila ang turo ng mga apostol ang pagpuputul-putol ng tinapay. Diba ito'y ipinagpapatuloy din sa ngayon ng mga nakararaming mga iglesya ni Hesus, sapagkat kasama sa sinabing alalahanin ito rin ay kailangang gawin hanggang sa pagdating ni Hesus. Subalit bakit yung iba’y sinasabing dapat lang na alalahanin na lang ito na wala ng kaukulang gagawin o uulitin pa ang kanilang mga ginawa noon. Bakit nila ito nasabi? Sapagkat sinasabi raw ni Apostol Pablo ang ganito sa mga sumusunod na talata:

1 Corinto 11:23-2623 Ito ay sapagkat tinanggap ko mula sa Panginoon ang siya ko namang ibinibigay sa inyo. Ang Panginoong Jesus, nang gabing siya ay ipinagkanulo, ay kumuha ng tinapay. 24 Pagkatapos niyang magpasalamat, pinagputul-putol niya ito, at sinabi: Kunin ninyo, kainin ninyo, ito ang aking katawan na pinagputul-putol para sa inyo. Gawin ninyo ito sa pag-alaala sa akin. 25 Sa gayunding paraan kinuha niya ang saro pagkatapos maghapunan. Sinabi niya: Ang sarong ito ay ang bagong tipan sa aking dugo. Sa tuwing kayo ay iinom nito, gawin ninyo ito sa pag-alaala sa akin. 26 Ito ay sapagkat sa tuwing kakain kayo ng tinapay na ito at iinom sa sarong ito, inihahayag ninyo ang kamatayan ng Panginoon hanggang sa siya ay dumating.

Ito raw ay paalala o pinagsasabihan ni Apostol Pablo ang mga nakakatipon sa Corinto sa dahilang wala sa ayos ang kanilang pagtitipon, pasasalo-salo ng pagkain, kaya ipina-alala sa kanila kung anong nararapat sa isang pagtitipon. Ang tanong natin ngayon. Nararapat pa bang ipagpatuloy ang pagsasagawa ng banal na hapunan sa ngayon? Sa akin walang masama dito kung ipagpapatuloy itong ganapin kasi yun ang sinasabi sa kasulatan na alalahanin na naroon yung gawin kung paano ginawa. Subalit sa iba ang depensa nila kung ipagpapatuloy raw ito dapat lahat ng mga ginawa ni Hesus ay alalahanin din tulad ng pag pasan ng krus at iba. Sabi pa nila na bakit raw yun lang gusto ang ginagawa tulad ng utos ng Diyos na ipangilin ang araw ng Sabat, pero ano ang ginawa ngayon hindi na ipinangilin pinalitan pa ng ayon sa gusto at utos ng tao hindi ng Diyos.

Kung pag-aaralan natin oo nga naman marami tayong inaalala o dapat gawin pero hindi natin ginagawa lalo na yung nagsasabing sila ang tunay na tagasunod ng kasulatan. Ang sinusunod natin minsan ay kung ano yung sinsabi ng nakararami o kilala sa lipunan, nakakalimutan natin kung ano ang dapat nating sundin. Kaya ang masasabi ko lang ngayon huwag nating kaliligtaan na sumangguni sa kasulatan kung ano talaga ang sinsabi roon patungkol sa alalahanin o gawin.

Huwebes, Hulyo 31, 2008

Tagasunod Kailan Ito?

Sa ibang anyo ito rin ay tagasunod, alagad. Naging palasak o kilala sa banal na kasulatan ang mga alagad o tagasunod ni Hesus na hanggang ngayon ay kilalang kilala ng lahat na naniniwala sa Diyos. Ilan sa alagad ni Hesus ang nagamit pa upang maitala ang mga kaganapan noong panahong naririto pa si Hesus. Sila yung mga taong kasa-kasama ni Hesus na nangangaral ng pag-hahari ng Diyos. Pero ang tanong ay – Ang mananampalataya ba ni Hesus ay masasabi ng taga-sunod ni Hesus?

Kapag sinabing mananampalataya ito’y kumikilala na, sumusunod at nagsasagawa ng mga aral ni Hesus. Kailan masasabi na isang nang mananampalataya ang isang tumanggap kay Hesus? Ito ba’y pagkatapos tanggapin si Hesus bilang panginoon at tagapagligtas? Masasabi bang sila’y tagasunod na ni Hesus? Maraming katanungan diba, kasi nga marami ang nag-aakala na kaagad-agad ang isang tao ng tumanggap siya ay mananampalataya na. Pero kalian nga ito masasabi? Ayon sa kasulatan ay ganito – Juan 6:44 - Walang taong makakalapit sa akin malibang ilapit siya ng Ama na nagsugo sa akin at ibabangon ko siya sa huling araw.

Ano ang ibig kong sabihin sa mga sitas na inilahad ko sa itaas? Malinaw na walang sinuman ang makakalapit sa akin, sino yun, kay Hesus maliban na siya ay ilapit, dalhin, ibigay ng Ama kay Hesus. Kaya merong mga sinasabing mananampalataya ni Hesus pero hindi pa siya inilalapit, dinadala at ibinibigay ng Ama kay Hesus. Bakit? Sapagkat hindi pa nakikita sa kanya yung tunay na palatandaan na ng isang mananampalataya. Marami ang ganyan sa loob mismo ng iglesya ni Hesus. Paano nangyari ito? Simple sa bibig lang nila nasabi na sila’y mananampalataya o taga-sunod na ni Hesus, sa gawa at buhay ay walang pagbabago.

Ang pagiging mananampalataya ni Hesus ay isang mahabang proseso ng buhay Kristiyano, bakit ko nasabi sapagkat hindi ito isang pagkain na agad ay malalasahan mo kung masarap o hindi. Ang tunay na proseso ng pagiging mananampalataya ay masakit sa una sapagkat marami sa buhay mo ang unti unting mawawala, mababago at isusuko. Kapag naganap na lahat ng ito sa iyong buhay saka mo lang masasabi na ikaw ay isa ng mananampalataya ni Hesus. Makikita na sa iyo yung sinsabi sa Galatia 5:22-23 na bunga ng Banal na Espiritu. At kapag nasabi na ng mga nakapaligid sa iyo na kakaiba ka na ngayon.

Kung titingnan natin sa buhay ng mga alagad ni Hesus noon. Makikita mo ba yung agad na pagbabago sa kanila, gayong tatlo’t kalahating taon silang tinuruan, kasama at nakakita sa mga ginawa ni Hesus. Marami silang natutunan, naranasan, nakitang mga kababalaghan subalit hindi agad sila masasabing nanampalataya agad, subalit tinatawag silang mga alagad ni Hesus. Pero bakit sa tuwina sinasabihan sila ni Hesus na “kayong maliliit ang pananampalataya”. Sapagkat sa loob ng mga panahong yaon hindi pa sila lubusang naniniwala sa kabila ng napakarami nilang nasaksihang mga kababalaghan mula kay Hesus.

Kailan sila totoong nanampalataya diba noong matapos mabuhay na muli si Hesus at doon lang silang nagsimulang gampanan ang kanilang tinanggap na gawain na alagad ni Hesus. Doon sila masasabing isang mananampalataya at lingkod si Kristo. Kaya para sa akin sa taong karirinig pa lang ng salita ng Diyos hindi agad-agad ito masasabing mananampalataya naroon pa rin yung proseso. Subalit hindi ko sinasabing salungat ito doon sa kasulatan na “hindi babalik ang salita ng Diyos ng walang kabuluhan”. Makikita lang doon na ang Diyos ay may layunin at naaayon doon sa sarili Niyang plano sa taong iyon… Ikaw ano ang naging karanasan mo bago ka naging mananampalataya ni Hesus?

Linggo, Hulyo 27, 2008

Araw ng Pagsamba Tama o Mali?

Sa daigdig ng Kristianismo ang araw ng pagsamba o pag simba ay isa ng kaugalian ng lahat, sapagkat ito ang kanilang nakagisnang aral na sinusunod. Merong ilan na kakaiba ang kanilang pagsasagawa ng araw ng Diyos, tulad ng mga Seventh Days Adventist o kung tawagin ay Sabadista. Araw ng Sabado sila sumisimba. Sa mga muslem naman araw ng Biernes ang kanilang araw na laan para sa kanilang Allah. Pero ano ba ang tamang araw ng pagsimba ng isang Kristiano? Kung tayong mga tagasunod ni Hesus ay talagang tapat sa sinasabi sa kasulatan patungkol sa araw na ilalaan para sa Diyos, susundin natin kung ano yung nakasulat, diba? Pero ano ang nangyayari sa ngayon, parang pinalitan na ng ayon sa pinagkaisahan, sa kaugalian at kautusan ng tao.

Ano ba ang sinasabi sa kasulatan patungkol sa araw na dapat ilaan sa Diyos. Heto yung ilan sa mga sitas na sinasabi sa kasulatan:

Genesis 2:2-3 – 2 By the seventh day God had finished the work he had been doing; so on the seventh day he rested from all his work. 3 And God blessed the seventh day and made it holy, because on it he rested from all the work of creating that he had done.

Exodus 20:8-11 – 8 "Remember the Sabbath day by keeping it holy. 9 Six days you shall labor and do all your work, 10 but the seventh day is a Sabbath to the LORD your God. On it you shall not do any work, neither you, nor your son or daughter, nor your manservant or maidservant, nor your animals, nor the alien within your gates. 11 For in six days the LORD made the heavens and the earth, the sea, and all that is in them, but he rested on the seventh day. Therefore the LORD blessed the Sabbath day and made it holy.

Ano ang sinsabi sa Genesis sa itaas na sitas ang Diyos ay namahinga sa ikapitong araw matapos Niyang likhain ang lahat at ito ay Kanyang pinag-pala. Pero ang tanong ng iba ano bang araw ang ikapitong araw? Sa ating sinusunod na araw sa isang linggo, araw ng Sabado ang tinutukoy na ikapitong araw na ganon din naman ang sinsabi sa kasulatan. Bakit kaya ito hindi sinusunod lalo na ng mga tagasunod ni Kristo sa ngayon, sa kabila nito ano ang kanilang paniniwala sa ngayon?

Heto ang mas matinding katibayan na kung talagang ang pag-uusapan ay yung pagsunod kung ano ang naka-sulat sa kasulatan, lahat tayo ay may pagsuway, sapagkat makikita sa itaas na inilagay mismo ng Diyos sa kanyang kautusan ang araw na dapat ilaan sa Kanya. Subalit ano ang mga depensa natin, kasi yan na yung kinagisnang araw na pagsimba at pangingilin. Si Hesus ano ang Kanyang kaugalian at turo patungkol dito. Sa mga sumusunod na sitas makikita na si Hesus mismo ay sumusunod hindi lamang sa kaugalian Nilang mga Hudyo kundi pati kautusan ng Diyos.

Lucas 4:16 - Siya ay pumunta sa Nazaret, ang lugar na kinalakihan niya. Ayon sa kaniyang kinaugalian, siya ay pumasok sa sinagoga sa araw ng Sabat. Siya ay tumayo upang bumasa.

Marcos 6:2- Nang sumapit ang Sabat, nagsimula siyang magturo sa sinagoga. Ang maraming nakarinig ay nanggilalas. Sinasabi nila: Saan kinuha ng taong ito ang ganitong ang mga bagay? At ano itong karunungang ibinigay sa kaniya na maging ang ganitong himala ay ginawa ng mga kamay niya?

Ang isang malaking katanungan bakit naging Linggo ang araw na inilaan para sa Diyos? Ayon sa mga nakaraang kasaysayan, ito ay nagsimula pa noong kapanahunan pa ng mga Romano sa pamumuno ni Constantine. Sa panahong yaon ang mga pagano at ang kristiano ay nag-aaway patungkol sa relihiyon. Kaya nagpalabas si Contantine na “kautusan” na gawin Linggo o Sunday ang araw ng pagsamba. Mula noon hanggang ngayon bulag na ang lahat patungkol dito kung ano ang tama at mali sa kautusang iyon. Meron bang nilabag sa utos ng Diyos? Oo, sapagkat ang “Sunday” ay kinuha sa pangalan ng diyos ng mga pagano na “Sun” – na kung iisipin natin ito ay pagsamba sa diyos diyusan. Tama o Mali.

Pero sabi ng iba wala namang epekto kahit anong araw ang ilaan mo para sa Diyos ang mahalaga ay ibinigay mo sa Diyos ang araw na yun. Kung titingnan natin parang walang masama naman diba? Pero ano sa tingin ninyo nalulugod kaya ang Diyos doon na hindi nasunod yung sinsabi Niya sa kasulatan? Kayo ang makasasagot niyan….

Martes, Hulyo 22, 2008

Sukatan ng Tao..

Paano nga ba nasusukat ang isang tao? Ang pinag-uusapan natin ay yung pananaw, kalalagayan, pananalig ng isang tao hindi kung gaano siya kataas o katangkad. Meron nagsasabi na masusukat daw ang isang tao sa pamamagitan ng kaniyang kalalagayan sa buhay. Ano ito? Kung mayaman o dukha. Paano nasusukat ang tao sa pamamagitan ng yaman? Madaling masukat ito sapagkat tiyak akong nakalabas yun sa kaanyuan ng isang taong mayaman, kasunod noon ang karakter niya para sa ibang tao. Ibig sabihin sa pagtingin mo pa lang makikita mo na kung ang isang tao ay mayaman – siempre, pero hindi mo kaagad makikita yung karakter niya sapagkat ito’y makikita kapag nakasama, naka-usap at kumilos. Yan ang tao….

Paano naman sumusukat ang tao? Sumusukat ang tao karaniwan na sa pagtingin na kasunod ang pag husga sa kapwa tao, ganyan ang karaniwang tao. Ano ba ang babala ni Santiago sa mga taong may ganitong karakter, tunghayan natin sa mga sumusunod na talata:

Santiago 2: 1-4 - 1 Mga kapatid ko, kayo ay may pananampalataya na nasa Panginoong Jesucristo na Panginoon ng kaluwalhatian at kayo na may pananampalatayang ito ay huwag magkaroon ng pagtatangi ng mga tao. 2 Maaaring may pumasok sa inyong sinagoga na isang taong may gintong singsing at marangyang kasuotan. Maaari ding may pumasok na isang taong dukha na napakarumi ng damit. 3 At higit ninyong binigyan ng pansin ang may marangyang kasuotan at sinasabi mo sa kaniya: Maupo po kayo rito sa magandang dako. Sa taong dukha ay sinasabi mo: Tumayo ka na lang dito o di kaya ay maupo ka sa tabi ng patungan ng aking paa. 4 Hindi ba kayo rin ay may mga pagtatangi-tangi sa inyong mga sarili? Hindi ba kayo ay naging mga tagahatol na may masasamang isipan?

Sa unang sitas sa itaas babala ni Santiago na wag tayong magtangi sa pagtingin sa ibang tao. Ano ang ibig ipakahulugan nito na kaugnay sa ating pinag-uusapan? Ibig sabihin na tumingin tayo sa tao ng pantay pantay walang mayaman at dukha, wag agad manghusga sa isang tao sa pagtingin pa lamang hanggat hindi nalalaman ang tunay na dahilan. Dito sa ating pinag-uusapan nagbigay si Santiago ng halimbawa kung paano tumingin at magtangi ang mga tao noon, na tiyak ako na hanggang sa ngayon ganito pa rin ang nangyayari kahit sa loob ng Iglesya ni Jesus. Meron pa ngang masahol pa dito kung magturing sa ibang tao na sa tingin ay isang dukha – naroon yung masasakit na salita, pagsasapwera at pangmamaliit. Tama ba ito sa mga lingkod ng Diyos?

Santiago 2: 5-75 Makinig kayo, minamahal kong mga kapatid. Hindi ba pinili ng Diyos ang mga dukha sa sanlibutang ito na mayayaman sa pananampalataya? Hindi ba pinili silang taga-pagmana ng paghaharing ipinangako niya sa mga umiibig sa kaniya? 6 Hinamak ninyo ang taong dukha. Hindi ba ang mayayaman ang umaapi sa inyo at kumakaladkad sa inyo sa harap ng mga hukuman? 7 Hindi ba sila ang lumalait sa mabuting pangalan na itinatawag sa inyo?

Heto naman ang katotohanan na sinasabi ng kasulatan, na yaong mga nakakarinig ng mga masasakit na salita, pangmamaliit ang siyang pinili ng Diyos na maging mayaman sa pananampalataya, sapagkat ang karaniwang mayayaman ay yaman ang tinitingala hindi ang Diyos, ayon ba kayo doon? Yan ang katutuhanan na silang mga dukha ang piniling taga-pagmana ng kaharian ng Diyos, sapagkat sinabi sa kasulatan na mahirap pumasok ang mayaman sa langit..

Santiago 2: 8-11 8 Kung tinutupad ninyo ang maharlikang kautusan ayon sa kasulatan, mabuti ang inyong ginagawa. Ito ay nagsasabi: Ibigin mo ang iyong kapwa tulad ng pag-ibig mo sa iyong sarili. 9 Kaya kung kayo ay nagtatangi ng tao, kayo ay nagkakasala at sinusuway ang kautusan bilang mga lumalabag. 10 Ang sinumang tumutupad sa buong kautusan ngunit natitisod sa isang bahagi ay nagkakasala sa buong kautusan. 11 Ito ay sapagkat sinabi ng Diyos: Huwag kang makiapid. Sinabi rin niyang huwag kang papatay. Kung hindi ka man nakiapid ngunit ikaw naman ay pumatay, ikaw ay lumabag din sa kautusan.

Sa sitas na 8 mahirap matagpuan sa mayaman ang pag-big sa kapwa sapagkat masasabi nating wala rin silang pag-ibig sa kanilang sarili, sapagkat nakatoon sa yaman ang kanilang kaisipan at kung paano pa yumaman. Doon naman sa nagsasabi na tumutulong naman ako sa mga dukha, tanungin nila ang kanilang sarili kung tunay ba ang kanilang pagtulong o ito’y ginagawa lang sapagkat nakikinabang sila sa mga taong ito.

Santiago 2:12-13 12 Kaya magsalita ka at gumawa tulad ng mga hahatulan na ng kautusan ng kalayaan. 13 Ito ay sapagkat walang kahabagang hahatulan ng Diyos ang sinumang nagkait ng habag. Ang kahabagan ay nananaig sa kahatulan.

Anong sinasabi sa mga sitas sa itaas magpakumbaba hindi tama ang sagot na depende sa tao yun, sapagkat ang hinihingi ng Diyos ay laging pagpapakumbaba, hindi yung pag husga sa mga taong hindi nila kauri. Sapagkat alalahanin ninyo na lahat tayo’y nilikha na kawangis ng Diyos….