Marami na ang nakabasa ng sitas na kung saan sinasabi ni Pablo “huwag kayong makipamatok sa mga di-sumasampalataya” pinagpapalagay ng iba na lahat ay bawal sa pag-aasawa ng isang Kristisyano. Ano ang ibig ipakahulugan nito huwag makipamatok kahit na yung mga nakasal na sa di mananampalataya o ituloy ang pakikipamatok kahit sa di mananampalataya. Siguro marami ang sasalungat kapag sinabi ko na ito’y hindi lamang lahat patungkol sa pag-aasawa ng Kristiyano?
Ang kahulugan ng “huwag kayong makipamatok” ay hindi lahat patungkol sa pag-aasawa subalit meron itong bahagi tungkol dito. Basahin natin ang mga talatang ito:
2 Corinto 6:14-18
14 Huwag kayong makipamatok sa hindi mananampalataya sapagkat anong pakikipag-isa mayroon nga ang katuwiran sa hindi pagkilala sa kautusan ng Diyos? Anong pakikisama mayroon ang liwanag at kadiliman?
15 Paano magkakasundo si Cristo at si Belial? O anong bahagi mayroon ang mananampalataya sa hindi mananampalataya?
16 Anong kasunduan mayroon ang banal na dako ng Diyos sa mga diyos-diyosan? Ito ay sapagkat kayo nga ang banal na dako ng buhay na Diyos. Tulad ng sinabi ng Diyos: Mananahan ako sa kanila at lalakad kasama nila. Ako ang magiging Diyos nila at sila ang aking tao.

17 Sabi ng Panginoon: Kaya nga, lumabas kayo mula sa kanila at humiwalay. Huwag kayong hihipo ng maruming bagay at tatanggapin ko kayo.
18Ako ang magiging ama ninyo at kayo ang magiging mga anak ko. Ito ang sabi ng Panginoong Makapangyarihan sa lahat.
Ang salitang “pakikipamatok” na ang ibig pakahulugan ay makiugnay, makisama, maki-ayon, makibagay at iba pa. Sinasabi ito ni Pablo sa mga taga Corinto sapagkat sila’y nararahuyo sa pagano at ang kanilang lugar ay punong puno ng mga templo ng mga pagano, upang sila’y huwag makibagay, maki-ayon sa kanilang mga gawa at paniniwala. Kailangan nilang layuan ang mga “hindi mananampalataya, hindi matuwid, nasa kadiliman, mga suwail at ang mga rebulto. Yan yung mga sinasabi ni Pablo sa itaas na mga sitas, kung mapapansin ninyo walang kinalaman sa pag-aasawa o kaugnayan sa pag-aasawa.
Anong ibig sabihin ni Pablo sa lahat ng yan? Una di maaaring manirahan sa bansa o lugar ang isang tao na hindi nakikipag-ugnayan sa isa’t isa o sa lahat ang naninirahan doon o tinatawag na may sariling mundo. Kahit na si Hesus ay nanalangin at nakatuon sa Ama kung ano ang Kanyang nais para sa atin anuman ang kalalagayan sa buhay na ito – Juan 17:15. Dito hinihiling Niya sa Ama na huwag hayaang makipamatok sila sa di mananampalataya.
Paano natin ito maii-ugnay sa pag-aasawa? Iminumungkahi ba ni Pablo sa lahat ng mga taga-Corinto na huwag at dapat na di mag-asawa sa ibang kasapi ng iglesya? Hindi diba? Siya ay nagsabi na: Huwag makipamatok sa mga di-mananampalataya, lahat ba ng kasapi ay masasabing pinapatnubayan ng Espiritu? Hindi diba? Maaari bang ang isang pinapatnubayan ng Espiritu ay nakipamatok sa di mananampalataya. Tingnan natin sa mga sumusunod na sitas:
1 Corinto 3:1-3
1 Mga kapatid, hindi ako nakapagsalita sa inyo na tulad sa mga taong espirituwal, subalit tulad sa mga taong namumuhay ayon sa laman, tulad sa mga sanggol kay Cristo. 2 Pinainom ko kayo ng gatas sa halip na matigas na pagkain sapagkat hindi pa ninyo kaya ang matigas na pagkain at maging sa ngayon nga ay hindi pa ninyo kaya. 3 Ito ay sapagkat kayo ay nasa laman pa rin dahil mayroon pa rin kayong mga inggitan, paglalaban-laban at pagkakabaha-bahagi. Hindi ba kayo ay namumuhay pa sa laman, at namumuhay bilang mga tao?
Itutuloy na lang po sa sunod…

1 komento:
Tama ka naman bro. dahil hindi naman talaga yun ipinagbawal ng panginoon, ang katunayan nga ang sabi sa I Corinto 7:13-14 ay "13 At ang babaing may asawang hindi sumasampalataya, at kalooban niyang makipamahay sa kaniya, ay huwag niyang hiwalayan ang kaniyang asawa.
14 Sapagka't ang lalaking hindi sumasampalataya ay nagiging banal sa pamamagitan ng kaniyang asawa, at ang babaing hindi sumasampalataya ay nagiging banal sa pamamagitan ng kaniyang asawa: sa ibang paraa'y ang inyong mga anak ay nangagkaroon ng kapintasan; nguni't ngayo'y mga banal."
at sa I Pedro 3:1 "1 Gayon din naman, kayong mga asawang babae, pasakop kayo sa inyong sarisariling asawa; upang, kung ang ilan ay hindi tumalima sa salita, ay mangahikayat ng walang salita sa pamamagitan ng ugali ng kanikaniyang asawang babae;"
Mali lang ang pagkakaintindi nila sa salitang pakikipamatok.
Mag-post ng isang Komento