1 Corinto 3:1-3
1 Mga kapatid, hindi ako nakapagsalita sa inyo na tulad sa mga taong espirituwal, subalit tulad sa mga taong namumuhay ayon sa laman, tulad sa mga sanggol kay Cristo.

2 Pinainom ko kayo ng gatas sa halip na matigas na pagkain sapagkat hindi pa ninyo kaya ang matigas na pagkain at maging sa ngayon nga ay hindi pa ninyo kaya.
3 Ito ay sapagkat kayo ay nasa laman pa rin dahil mayroon pa rin kayong mga inggitan, paglalaban-laban at pagkakabaha-bahagi. Hindi ba kayo ay namumuhay pa sa laman, at namumuhay bilang mga tao?
Noong nakaraang mga sitas binigyan diin ni Apostol Pablo na ito ay “para sa lahat” ng mga taga-Corinto hindi siya nagtukoy ng isang tao lamang. Tinutukoy niya ang mga iglesya o ang lahat ng kapulungan ng iglesya sa Corinto. Sinasabi niya na ang lahat ay makalaman, sanggol pa sa pananampalataya, makasanlibutan pa.
Ngayon kailangan nating unawain kung ano ang itinuturo sa atin ng mga salitang iyon. Hindi sinabi ni Pablo na huwag mag-asawa ang sinuman kung siya’y isang makasalanan at hindi rin niya sinabi kaninuman na huwag mag-asawa sa isang di mananampalataya kundi binalaan niya na “huwag makipamatok sa mga di mananampalataya". Ito yung aspeto ng huwag makipamatok na napakahalaga para kay Pablo.
Sunod tingnan natin yung “huwag kayong” – hindi naman sinasabi ni Pablo na kung may-asawa kayo ng di mananampalataya ito ay hiwalayan ninyo. Ang ibig niyang iparating ay maging daan kayo sa kanilang pagkilala kay Hesus bilang panginoon. 1 Corinto 7:12-13
Ano ang ibig ipakahulugan ni Pablo sa “dimananampalataya” Tulad ng nasabi sa itaas na “kayong lahat” sa Corinto ay hindi pa nagtataglay ng Espiritu ng Diyos. Kung ganon ano ang ibig niyang sabihin: 1 Corinto 3:5, 1 Corinto 15:2. 11
Sa mga nabasa natin malinaw na ang mga taga Corinto ay masasabing di pa nagtataglay ng Espiritu ng Diyos. Siempre masasabi ng sinuman na mananampalataya pero sa kabila noon hindi pala. Isipin na lang sa humigit kumulang na 2 milyong kasapi ng pananampalatayang Kristiyano sa buong mundo, lahat ay masasabing mananampalataya pero hindi yun sigurado ayon sa binasa natin sa itaas at nakikita natin sa paligid.
Balikan natin yung ating tinatalakay, naniniwala ako na ang pinaka susi nito ay hindi yung huwag makipamatok. Pero ngayon sinasabi ni Pablo sa mga di-mananampalataya, malinaw na ito’y patungkol sa mga maling ginagawa nila. Una huwag kang makipamatok lalong lulubha kung makikipamatok ka sa di mananampalataya. At sinabi niya na ang kuro-kurong ito ay kanyang pansariling kaisipan lamang ayon sa gabay ng Diyos (1 Corinto 7:12)
Masasabi ko at maiihayag na malaya na kung patungkol sa pag-aasawa kung maaari lamang huwag makipamatok sa di-mananampalataya. Ang ibig kung sabihin kung maaari huwag na lang makipamatok ang mga mananampalataya sa mga di mananampalataya.
Yung salitang “di-mananampalataya” ibig sabihin ay hindi nananampalataya kay Hesus, masasabing isa siyang pagano, walang pananampalataya sa Diyos, suwail. Hindi naman natin masasabi na mawawala ang mga di-mananampalataya, siguro ang magagawa lang natin huwag maki-ayon sa kanilang mga gawa. Kailangan lang ang kaunting ingat at talino sa pakikisama sa kanila (1 Corinto 10:27)
Natitiyak ko iba sa atin ay may mga kasambahay o pamilya na hindi pa mananampalataya, doon lagi tayong nakikipag-ugnayan sa kanila. Ako mismo nakakita ng mag-asawa na di-mananampalataya ang isa at ang isa ay mananampalataya ngunit sila’y maligaya, maayos kumpara sa ibang parehong mananampalataya subalit magulo ang kanilang pagsasama.
Maipapayo ko lang sa iba na subukang ipaliwanag ang ibat ibang aspeto ng bawat sitwasyon. Pwede naman nating isaalang alang yung ating sariling kaalaman, subalit huwag naman masyadong mag-isip ng makasariling katuwiran at baka naman tayo’y humigit sa sinasabi sa (1 Timoteo 4:1 – 3).

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento