Roma 8:28 - Alam natin na ang Diyos ay kumikilos sa lahat ng mga bagay at pinaglalakip-lakip para sa kabutihan nila na mga umiibig sa Diyos, sa kanila na mga tinawag ng Diyos ayon sa kaniyang layunin.
Kababasa ko lang sa Facebook ang kwento ng isang pamilya na nagkaroon ng di magandang pangyayari sa kanilang buhay na sa bandang huli natanong nila na "paano na kami ngayon?". Karaniwang naririnig, nasasabi natin mismo kapag tayo ang nakaranas ng isang sitwasyon ng panghihinayang, nawalan o di kaya di nakuha ang isang bagay. Katanungang magdadala sa ating buhay ng isang hamon o ito ay isang dahilan sa ating pagbagsak.
Marami na akong narinig nito lalo na kapag sa isang pamilya ang tatay ay namatay at ang nanay ay walang trabaho - na ibig sabihin paano na ang kanilang buhay, paano na sila kakain, paano na ang kanyang mga anak. Mga katanungang palaging naghahanap ng kasagutan base sa sitwasyong kinalalagyan. Masasabi ba nating normal lamang ang ganitong kaisipan ng isang tao, siguro ganon nga, subalit kapag nakakilala ka na sa Diyos, ganito pa rin ba ang dapat karaniwang tanong?
Kung titiningnan natin ang sitas sa itaas at bibigyan natin ng kaugnayan sa ating pinag-uusapan mayroon tayong makukuhang kasagutan na ang problema o sitwasyon sa ngayong nararanasan ay ayon sa Kanyang layunin. Subalit naroon pa rin yung katanungang - ito ba ang bagay na pinaglakip-lakip ng Diyos para sa ikabubuti? Samantalang nawalan na nga o natatakot na nga sa maaaring maganap kasi nawalan, namatay o posebling kahirapan ang haharapin nila.
Balikan natin yung sitas na "ang Diyos ay kumikilos sa lahat ng bagay" walang pasubali na yung mga nangyari, nangyayari at mangyayari pa sa buhay ng tao kasama ang mga mananampalaya ng Diyos ay ang Diyos ang Siyang kumikilos o may kagagawan para sa layunin Niya para sa atin. Masakit kung titingnan natin pero kung naniniwala tayo sa Diyos ito ay isa lamang sa mga paraan ng Diyos para masukat kung gaano tayo nanampalataya sa Diyos.
Naalala ko ang buhay ni Job ng subukin siya ng Diyos gamit ang galamay ni Satanas. Naranasan ni Job ang lahat ng pasakit, nawalan, karamdaman sa buhay. Kahit ang asawa niya ay nagtuturo o nag-uudyok na sa kanya na sumpain na ni Job ang Diyos dahil sa hirap at sakit na dinaranas ni Job sa panahong yaon. Subalit naroon ang katatagan ni Job ni hindi niya sinisi ang Diyos ng mawala ang lahat niyang anak.
Santiago 5:11 - Narito, itinuturing nating pinagpala ang mga nakapagtiis. Narinig ninyo ang pagtitiis ni Job at nalaman ninyo ang ginawa ng Panginoon sa katapusan na lubhang mapagmalasakit at maawain.
Tayo sa bawat problema o pagsubok sa ating buhay naroon lagi ang pagsisi natin sa Diyos at minsan nga laging nating natatanong ang ganito - Paano na Kami Ngayon? Para bang tapos na ang lahat, para bang wala ng kabuluhan ang kanilang buhay, para bang katapusan na ng mundo nakakalimutan natin ang makapangyarihang Diyos. Pero ang katutuhanan kung naniniwala lang tayo sa Diyos hindi Niya tayo pababayaan sapagkat mahal tayo ng Diyos.
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na yoke. Ipakita ang lahat ng mga post

Lunes, Pebrero 3, 2014
Martes, Setyembre 9, 2008
Pakikipamatok – II
1 Corinto 3:1-3 1 Mga kapatid, hindi ako nakapagsalita sa inyo na tulad sa mga taong espirituwal, subalit tulad sa mga taong namumuhay ayon sa laman, tulad sa mga sanggol kay Cristo.
2 Pinainom ko kayo ng gatas sa halip na matigas na pagkain sapagkat hindi pa ninyo kaya ang matigas na pagkain at maging sa ngayon nga ay hindi pa ninyo kaya.
3 Ito ay sapagkat kayo ay nasa laman pa rin dahil mayroon pa rin kayong mga inggitan, paglalaban-laban at pagkakabaha-bahagi. Hindi ba kayo ay namumuhay pa sa laman, at namumuhay bilang mga tao?
Noong nakaraang mga sitas binigyan diin ni Apostol Pablo na ito ay “para sa lahat” ng mga taga-Corinto hindi siya nagtukoy ng isang tao lamang. Tinutukoy niya ang mga iglesya o ang lahat ng kapulungan ng iglesya sa Corinto. Sinasabi niya na ang lahat ay makalaman, sanggol pa sa pananampalataya, makasanlibutan pa.
Ngayon kailangan nating unawain kung ano ang itinuturo sa atin ng mga salitang iyon. Hindi sinabi ni
Pablo na huwag mag-asawa ang sinuman kung siya’y isang makasalanan at hindi rin niya sinabi kaninuman na huwag mag-asawa sa isang di mananampalataya kundi binalaan niya na “huwag makipamatok sa mga di mananampalataya". Ito yung aspeto ng huwag makipamatok na napakahalaga para kay Pablo.
Sunod tingnan natin yung “huwag kayong” – hindi naman sinasabi ni Pablo na kung may-asawa kayo ng di mananampalataya ito ay hiwalayan ninyo. Ang ibig niyang iparating ay maging daan kayo sa kanilang pagkilala kay Hesus bilang panginoon. 1 Corinto 7:12-13
Ano ang ibig ipakahulugan ni Pablo sa “dimananampalataya” Tulad ng nasabi sa itaas na “kayong lahat” sa Corinto ay hindi pa nagtataglay ng Espiritu ng Diyos. Kung ganon ano ang ibig niyang sabihin: 1 Corinto 3:5, 1 Corinto 15:2. 11
Sa mga nabasa natin malinaw na ang mga taga Corinto ay masasabing di pa nagtataglay ng Espiritu ng Diyos. Siempre masasabi ng sinuman na mananampalataya pero sa kabila noon hindi pala. Isipin na lang sa humigit kumulang na 2 milyong kasapi ng pananampalatayang Kristiyano sa buong mundo, lahat ay masasabing mananampalataya pero hindi yun sigurado ayon sa binasa natin sa itaas at nakikita natin sa paligid.
Balikan natin yung ating tinatalakay, naniniwala ako na ang pinaka susi nito ay hindi yung huwag makipamatok. Pero ngayon sinasabi ni Pablo sa mga di-mananampalataya, malinaw na ito’y patungkol sa mga maling ginagawa nila. Una huwag kang makipamatok lalong lulubha kung makikipamatok ka sa di mananampalataya. At sinabi niya na ang kuro-kurong ito ay kanyang pansariling kaisipan lamang ayon sa gabay ng Diyos (1 Corinto 7:12)
Masasabi ko at maiihayag na malaya na kung patungkol sa pag-aasawa kung maaari lamang huwag makipamatok sa di-mananampalataya. Ang ibig kung sabihin kung maaari huwag na lang makipamatok ang mga mananampalataya sa mga di mananampalataya.
Yung salitang “di-mananampalataya” ibig sabihin ay hindi nananampalataya kay Hesus, masasabing isa siyang pagano, walang pananampalataya sa Diyos, suwail. Hindi naman natin masasabi na mawawala ang mga di-mananampalataya, siguro ang magagawa lang natin huwag maki-ayon sa kanilang mga gawa. Kailangan lang ang kaunting ingat at talino sa pakikisama sa kanila (1 Corinto 10:27)
Natitiyak ko iba sa atin ay may mga kasambahay o pamilya na hindi pa mananampalataya, doon lagi tayong nakikipag-ugnayan sa kanila. Ako mismo nakakita ng mag-asawa na di-mananampalataya ang isa at ang isa ay mananampalataya ngunit sila’y maligaya, maayos kumpara sa ibang parehong mananampalataya subalit magulo ang kanilang pagsasama.
Maipapayo ko lang sa iba na subukang ipaliwanag ang ibat ibang aspeto ng bawat sitwasyon. Pwede naman nating isaalang alang yung ating sariling kaalaman, subalit huwag naman masyadong mag-isip ng makasariling katuwiran at baka naman tayo’y humigit sa sinasabi sa (1 Timoteo 4:1 – 3).
Noong nakaraang mga sitas binigyan diin ni Apostol Pablo na ito ay “para sa lahat” ng mga taga-Corinto hindi siya nagtukoy ng isang tao lamang. Tinutukoy niya ang mga iglesya o ang lahat ng kapulungan ng iglesya sa Corinto. Sinasabi niya na ang lahat ay makalaman, sanggol pa sa pananampalataya, makasanlibutan pa.
Ngayon kailangan nating unawain kung ano ang itinuturo sa atin ng mga salitang iyon. Hindi sinabi ni
Pablo na huwag mag-asawa ang sinuman kung siya’y isang makasalanan at hindi rin niya sinabi kaninuman na huwag mag-asawa sa isang di mananampalataya kundi binalaan niya na “huwag makipamatok sa mga di mananampalataya". Ito yung aspeto ng huwag makipamatok na napakahalaga para kay Pablo.Sunod tingnan natin yung “huwag kayong” – hindi naman sinasabi ni Pablo na kung may-asawa kayo ng di mananampalataya ito ay hiwalayan ninyo. Ang ibig niyang iparating ay maging daan kayo sa kanilang pagkilala kay Hesus bilang panginoon. 1 Corinto 7:12-13
Ano ang ibig ipakahulugan ni Pablo sa “dimananampalataya” Tulad ng nasabi sa itaas na “kayong lahat” sa Corinto ay hindi pa nagtataglay ng Espiritu ng Diyos. Kung ganon ano ang ibig niyang sabihin: 1 Corinto 3:5, 1 Corinto 15:2. 11
Sa mga nabasa natin malinaw na ang mga taga Corinto ay masasabing di pa nagtataglay ng Espiritu ng Diyos. Siempre masasabi ng sinuman na mananampalataya pero sa kabila noon hindi pala. Isipin na lang sa humigit kumulang na 2 milyong kasapi ng pananampalatayang Kristiyano sa buong mundo, lahat ay masasabing mananampalataya pero hindi yun sigurado ayon sa binasa natin sa itaas at nakikita natin sa paligid.
Balikan natin yung ating tinatalakay, naniniwala ako na ang pinaka susi nito ay hindi yung huwag makipamatok. Pero ngayon sinasabi ni Pablo sa mga di-mananampalataya, malinaw na ito’y patungkol sa mga maling ginagawa nila. Una huwag kang makipamatok lalong lulubha kung makikipamatok ka sa di mananampalataya. At sinabi niya na ang kuro-kurong ito ay kanyang pansariling kaisipan lamang ayon sa gabay ng Diyos (1 Corinto 7:12)
Masasabi ko at maiihayag na malaya na kung patungkol sa pag-aasawa kung maaari lamang huwag makipamatok sa di-mananampalataya. Ang ibig kung sabihin kung maaari huwag na lang makipamatok ang mga mananampalataya sa mga di mananampalataya.
Yung salitang “di-mananampalataya” ibig sabihin ay hindi nananampalataya kay Hesus, masasabing isa siyang pagano, walang pananampalataya sa Diyos, suwail. Hindi naman natin masasabi na mawawala ang mga di-mananampalataya, siguro ang magagawa lang natin huwag maki-ayon sa kanilang mga gawa. Kailangan lang ang kaunting ingat at talino sa pakikisama sa kanila (1 Corinto 10:27)
Natitiyak ko iba sa atin ay may mga kasambahay o pamilya na hindi pa mananampalataya, doon lagi tayong nakikipag-ugnayan sa kanila. Ako mismo nakakita ng mag-asawa na di-mananampalataya ang isa at ang isa ay mananampalataya ngunit sila’y maligaya, maayos kumpara sa ibang parehong mananampalataya subalit magulo ang kanilang pagsasama.
Maipapayo ko lang sa iba na subukang ipaliwanag ang ibat ibang aspeto ng bawat sitwasyon. Pwede naman nating isaalang alang yung ating sariling kaalaman, subalit huwag naman masyadong mag-isip ng makasariling katuwiran at baka naman tayo’y humigit sa sinasabi sa (1 Timoteo 4:1 – 3).
Miyerkules, Setyembre 3, 2008
Pakikipamatok – I
Marami na ang nakabasa ng sitas na kung saan sinasabi ni Pablo “huwag kayong makipamatok sa mga
di-sumasampalataya” pinagpapalagay ng iba na lahat ay bawal sa pag-aasawa ng isang Kristisyano. Ano ang ibig ipakahulugan nito huwag makipamatok kahit na yung mga nakasal na sa di mananampalataya o ituloy ang pakikipamatok kahit sa di mananampalataya. Siguro marami ang sasalungat kapag sinabi ko na ito’y hindi lamang lahat patungkol sa pag-aasawa ng Kristiyano?
Ang kahulugan ng “huwag kayong makipamatok” ay hindi lahat patungkol sa pag-aasawa subalit meron itong bahagi tungkol dito. Basahin natin ang mga talatang ito:
2 Corinto 6:14-18
14 Huwag kayong makipamatok sa hindi mananampalataya sapagkat anong pakikipag-isa mayroon nga ang katuwiran sa hindi pagkilala sa kautusan ng Diyos? Anong pakikisama mayroon ang liwanag at kadiliman?
15 Paano magkakasundo si Cristo at si Belial? O anong bahagi mayroon ang mananampalataya sa hindi mananampalataya?
16 Anong kasunduan mayroon ang banal na dako ng Diyos sa mga diyos-diyosan? Ito ay sapagkat kayo nga ang banal na dako ng buhay na Diyos. Tulad ng sinabi ng Diyos: Mananahan ako sa kanila at lalakad kasama nila. Ako ang magiging Diyos nila at sila ang aking tao.
di-sumasampalataya” pinagpapalagay ng iba na lahat ay bawal sa pag-aasawa ng isang Kristisyano. Ano ang ibig ipakahulugan nito huwag makipamatok kahit na yung mga nakasal na sa di mananampalataya o ituloy ang pakikipamatok kahit sa di mananampalataya. Siguro marami ang sasalungat kapag sinabi ko na ito’y hindi lamang lahat patungkol sa pag-aasawa ng Kristiyano?Ang kahulugan ng “huwag kayong makipamatok” ay hindi lahat patungkol sa pag-aasawa subalit meron itong bahagi tungkol dito. Basahin natin ang mga talatang ito:
2 Corinto 6:14-18
14 Huwag kayong makipamatok sa hindi mananampalataya sapagkat anong pakikipag-isa mayroon nga ang katuwiran sa hindi pagkilala sa kautusan ng Diyos? Anong pakikisama mayroon ang liwanag at kadiliman?
15 Paano magkakasundo si Cristo at si Belial? O anong bahagi mayroon ang mananampalataya sa hindi mananampalataya?
16 Anong kasunduan mayroon ang banal na dako ng Diyos sa mga diyos-diyosan? Ito ay sapagkat kayo nga ang banal na dako ng buhay na Diyos. Tulad ng sinabi ng Diyos: Mananahan ako sa kanila at lalakad kasama nila. Ako ang magiging Diyos nila at sila ang aking tao.
17 Sabi ng Panginoon: Kaya nga, lumabas kayo mula sa kanila at humiwalay. Huwag kayong hihipo ng maruming bagay at tatanggapin ko kayo.
18Ako ang magiging ama ninyo at kayo ang magiging mga anak ko. Ito ang sabi ng Panginoong Makapangyarihan sa lahat.
Ang salitang “pakikipamatok” na ang ibig pakahulugan ay makiugnay, makisama, maki-ayon, makibagay at iba pa. Sinasabi ito ni Pablo sa mga taga Corinto sapagkat sila’y nararahuyo sa pagano at ang kanilang lugar ay punong puno ng mga templo ng mga pagano, upang sila’y huwag makibagay, maki-ayon sa kanilang mga gawa at paniniwala. Kailangan nilang layuan ang mga “hindi mananampalataya, hindi matuwid, nasa kadiliman, mga suwail at ang mga rebulto. Yan yung mga sinasabi ni Pablo sa itaas na mga sitas, kung mapapansin ninyo walang kinalaman sa pag-aasawa o kaugnayan sa pag-aasawa.
Anong ibig sabihin ni Pablo sa lahat ng yan? Una di maaaring manirahan sa bansa o lugar ang isang tao na hindi nakikipag-ugnayan sa isa’t isa o sa lahat ang naninirahan doon o tinatawag na may sariling mundo. Kahit na si Hesus ay nanalangin at nakatuon sa Ama kung ano ang Kanyang nais para sa atin anuman ang kalalagayan sa buhay na ito – Juan 17:15. Dito hinihiling Niya sa Ama na huwag hayaang makipamatok sila sa di mananampalataya.
Paano natin ito maii-ugnay sa pag-aasawa? Iminumungkahi ba ni Pablo sa lahat ng mga taga-Corinto na huwag at dapat na di mag-asawa sa ibang kasapi ng iglesya? Hindi diba? Siya ay nagsabi na: Huwag makipamatok sa mga di-mananam
palataya, lahat ba ng kasapi ay masasabing pinapatnubayan ng Espiritu? Hindi diba? Maaari bang ang isang pinapatnubayan ng Espiritu ay nakipamatok sa di mananampalataya. Tingnan natin sa mga sumusunod na sitas:
1 Corinto 3:1-3
1 Mga kapatid, hindi ako nakapagsalita sa inyo na tulad sa mga taong espirituwal, subalit tulad sa mga taong namumuhay ayon sa laman, tulad sa mga sanggol kay Cristo. 2 Pinainom ko kayo ng gatas sa halip na matigas na pagkain sapagkat hindi pa ninyo kaya ang matigas na pagkain at maging sa ngayon nga ay hindi pa ninyo kaya. 3 Ito ay sapagkat kayo ay nasa laman pa rin dahil mayroon pa rin kayong mga inggitan, paglalaban-laban at pagkakabaha-bahagi. Hindi ba kayo ay namumuhay pa sa laman, at namumuhay bilang mga tao?
Itutuloy na lang po sa sunod…
Ang salitang “pakikipamatok” na ang ibig pakahulugan ay makiugnay, makisama, maki-ayon, makibagay at iba pa. Sinasabi ito ni Pablo sa mga taga Corinto sapagkat sila’y nararahuyo sa pagano at ang kanilang lugar ay punong puno ng mga templo ng mga pagano, upang sila’y huwag makibagay, maki-ayon sa kanilang mga gawa at paniniwala. Kailangan nilang layuan ang mga “hindi mananampalataya, hindi matuwid, nasa kadiliman, mga suwail at ang mga rebulto. Yan yung mga sinasabi ni Pablo sa itaas na mga sitas, kung mapapansin ninyo walang kinalaman sa pag-aasawa o kaugnayan sa pag-aasawa.
Anong ibig sabihin ni Pablo sa lahat ng yan? Una di maaaring manirahan sa bansa o lugar ang isang tao na hindi nakikipag-ugnayan sa isa’t isa o sa lahat ang naninirahan doon o tinatawag na may sariling mundo. Kahit na si Hesus ay nanalangin at nakatuon sa Ama kung ano ang Kanyang nais para sa atin anuman ang kalalagayan sa buhay na ito – Juan 17:15. Dito hinihiling Niya sa Ama na huwag hayaang makipamatok sila sa di mananampalataya.
Paano natin ito maii-ugnay sa pag-aasawa? Iminumungkahi ba ni Pablo sa lahat ng mga taga-Corinto na huwag at dapat na di mag-asawa sa ibang kasapi ng iglesya? Hindi diba? Siya ay nagsabi na: Huwag makipamatok sa mga di-mananam
palataya, lahat ba ng kasapi ay masasabing pinapatnubayan ng Espiritu? Hindi diba? Maaari bang ang isang pinapatnubayan ng Espiritu ay nakipamatok sa di mananampalataya. Tingnan natin sa mga sumusunod na sitas:1 Corinto 3:1-3
1 Mga kapatid, hindi ako nakapagsalita sa inyo na tulad sa mga taong espirituwal, subalit tulad sa mga taong namumuhay ayon sa laman, tulad sa mga sanggol kay Cristo. 2 Pinainom ko kayo ng gatas sa halip na matigas na pagkain sapagkat hindi pa ninyo kaya ang matigas na pagkain at maging sa ngayon nga ay hindi pa ninyo kaya. 3 Ito ay sapagkat kayo ay nasa laman pa rin dahil mayroon pa rin kayong mga inggitan, paglalaban-laban at pagkakabaha-bahagi. Hindi ba kayo ay namumuhay pa sa laman, at namumuhay bilang mga tao?
Itutuloy na lang po sa sunod…
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)