Isaias 58:1 – Sinabi ni Yahweh, “Ikaw ay sumigaw ng ubos-lakas. Ang sala ng bayan Ko sa kanila’y ihayag.
Matagal na rin ng aking ihayag ang kaugnay na kabanata nito sa aking nakaraan entri ang “Homosexuality is a sin?” Bale ito yung karugtong kung saan kinuha natin yung mga pahayag ni Apostol Pablo sa kanyang mga sulat. Bakit ko naman naisipang dugtungan ang nakaraang kabanata? Hindi matanggap ng aking espiritu ang aking mga nakikita sa paligid, naririnig, nababasa at napapanood sa TV na hayagang tanggap ng kabuuan ng bayan ang mga ganitong lisyang gawain. Tulad ng paunang sitas ng entri na ito kailangang ihayag, isigaw ng boong lakas ang kanilang mga kasalanan.
Tingnan natin kung ano ang sinasabi ni Pablo sa mga sumusunod na sitas: Roma 1:24, 26, 27 at 32.
24 – Dahil dito’y sa karumihan ng mga pita ng kanilang mga puso ay ibinigay sila ng Diyos sa kahalayan, upang alisan nila ng puri ang kanilang mga katawan sa kanilang sarili.
26 – Dahil dito’y ibinigay sila ng Diyos sa mga mahahalay na pita, sapagkat pinalitan ng kanilang mga babae ang katutubong kagamitan niyaong nalalaban sa katutubo.
27 – At gayon din naman ang mga lalake, na nang iwan na ang katutubong kagamitan sa mga babae, ay nangagningas sa kanilang karumihan ng pita ang isa’t isa, na gumagawa ng kahalayan ang mga lalake sa mga kapwa lalake, at tumatanggap sa kanilang sarili ng kagantihan ng kanilang pagkakamali.
32 – Na, bagamat nalalaman nila ang kautusan ng Diyos, na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay mga karapat-dapat sa kamatayan, ay hindi lamang gayon ang ginagawa, kundi naman pinapayagan ang mga nagsisigawa ng mga yaon.
Sige balangkasin nga natin kung anong bagay ang matutuklasan natin sa mga sitas sa itaas. Makikita natin yong tatlong mahalagang puntos dito – ito ay ang mga sumusunod:
1. upang alisan nila ng puri ang kanilang mga katawan sa kanilang sarili
2. sapagkat pinalitan ng kanilang mga babae ang katutubong kagamitan niyaong nalalaman sa
katutubo
3. lalake, na nang iwan na ang katutubong kagamitan sa mga babae, ay nangagningas sa kanilang karumihan ng pita ang isa’t isa, na gumagawa ng kahalayan ang mga lalake sa mga kapwa lalake
Sa mga katutuhanang nahayag sa itaas makikita natin sa paligid, meron pa nga nito sa loob mismo ng mga iglesya ni Hesus. Kaya tama lang ang tinuran ni Pablo sa sitas na 32 sa itaas na - ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay mga karapat-dapat sa kamatayan, ay hindi lamang gayon ang ginagawa, kundi naman pinapayagan ang mga nagsisigawa ng mga yaon.
Ano ang maaari nating gawin sa mga ganitong bagay tulad ng ating nasabi sa itaas na ipagsigawan at ihayag sa lahat sa kanila ang kanilang mga kasalanan, kung hindi natin gagawin ang ganon nagkakasala tayo –
Lunes, Setyembre 15, 2008
Silang Ayaw Kay Eba - I
Santiago 4:17 - Kaya nga, ang sinumang nakakaalam sa paggawa ng mabuti at hindi ito ginagawa, ito ay kasalanan sa kaniya.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento