Noong nakaraang Biyernes masasabi ko na hindi kumain yung espiritu ko, kumain man subalit biglang isinuka sa kadahilanan patungkol sa naging mensahe daw na galing sa Diyos. Hindi naman ako nasasaktan kaya lang yung uri ng pananalita ng taga-pagsalita yun ang hindi matanggap ng espiritu ko, para bang isang bato na pilit mong ibinabato sa isang bagay pero hinding hindi mo naman siya tamaan. Parang isang sugat na pinipilit gamutin ng isang gamot na hindi naman para doon sa sugat.
Kung hindi ako nagkakamali unang pagkakataon lang niyang makapag dala ng mensahe para sa aming iglesya. Noong una palagay ang isip ko at espiritu ko kasi kilala ko siya dahil sa mga nakaraang pag-aaral naging taga-pagturo na rin siya at hindi mo siya kakikitaan ng ganong pananalita, puno siya ng makabuluhang kaalaman. Subalit noong nakaraang Biyernes, hindi lang ako ang nagising ang espiritu kundi halos lahat ng nakikinig at nakasama sa gawaing yaon. Siguro naging kasalanan ko ngayon kasi nakapag-isip ako na parang sinabihan ng aming pastor yung mensahero kung ano ang gusto niyang sabihin sa kongregasyon.
Na para bang ito ang iyong tumbukin sa iyong mensahe sapagkat walang nagbibigay ng ikapu sa iglesyang ito, meron man pero ilan lang. Nararapat bang ipagkalandakan sa harap ng mga nakikinig na “ikaw ay mapupunta sa imyerno kung hindi ka magbibigay ng ikapu”. Saan sa kasulatan mo matatagpuan ito na tahasang sasabihin ang ganitong bagay, kung meron nito pakisabi sa akin baka hindi ko nakita at naunawaan ang nakasulat doon. Maraming naiwang katanungan sa mga nakarinig ng mensahe merong nagsasabi na hindi raw dapat ganon, meron naman na wala lang sa kanila, meron naman na pumasok sa isang tainga pero pinalabas sa kabila at yung sa akin nga isinuka.
Gusto ko na tumayo pero nanaig pa rin yung pagpipigil sa sarili ko, kasi naalala ko yung magiging resulta noon kung tatayo ako upang magsalita at salungatin yung sinasabi. At alam ko kung nagsalita ako tiyak babalik sa akin yun – at ganito ang kanilang maaaring ibalik sa akin. “Kaya ka nagagalit kasi hindi ka nagbibigay ng ikapu mo”. Pero kung tatanungin mo naman sila kung saan makikita yung mga sinabi nila, wala namang saktong sitas na magpapatunay. Kapag nagsalita ka aakusahan kang binulag, naliligaw at mali ang natutunan at minsan tatanungin pa kung saan natutunan ang ganon. Kayo ano sa palagay ninyo ano nga ba ang nararapat – sundin kung ano yung nasa kasulatan o sa lantarang pananakot na sundin ang ganitong mga utos.
Hindi ko naman sinasabi na laban ako sa pagbibigay ng ikapu, kung nagbibigay ka mabuti yun, ang medyo nakakapag-init ng spiritu ay yung “sabi nga ilang mga kapatid” lantaran, sapilitang ipatupad ang mga ganon. Nawawala na yung sinasabing kalayaan, kusang loob na pagbibigay na tahasang sinasabi sa mga sitas sa kasulatan. Hindi ko rin naman masisisi sila sapagkat marami silang isinaalang alang kaya kailangan ang mga ikapu, subalit ang tanong tama bang sa ganoong pamamaraan, at saan ba dapat gamitin ang mga ikapu. Alam ko rin na marami ang bumabagsak sa ganitong larangan. Pero wag namang gawing panakot ang ganitong bagay para lang ipatupad iyon, naniniwala tayong may Banal na Espiritu na siyang magpapaalala ng ganitong bagay sa tamang kapamaraanan.
Kung sa tingin ninyo mali ako sa mga nasabi ko sa itaas, hintay ko ang inyong mga komento at handa akong humingi ng paumanhin sa lahat ng aking nagawan ng masama kung mapapatunayan ayon sa kasulatan. Sinadya kong hindi lagyan ng anumang sitas sa kasulatan ang entre kong ito upang mailabas ko lang yung aking naramdaman. Salamat po at pagpalain po tayong lahat ng Diyos.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento