Sa iba’t ibang samahan ng simbahan, pananampalataya may kanya kanyang paniniwala sa pagsunod sa kung anong sinasabi, nakasulat sa salita ng Diyos. Meron ang iba’y lumalabag kung ano ang dapat at karapat dapat. Tulad na lang nitong bago kong kaisipan ang alalahanin o gawin. May pagkakaiba ba ng kahulugan, sabi ng iba kapag sinsabing “alalahanin” ibig sabihin isa-isip na merong gawa o isipin lang, samantalang kapag “gawin” ibig sabihin ini-uutos ito na gawin ang isang bagay, isang alituntunin, isang kaisipan. Anong kaugnayan nito sa kasulatan? Ang salitang alalahanin ay unang kong nakita sa mga sitas sa ibaba, samantalang yung salitang gawin ay napakaraming beses mong makikita sa kasulatan sapagkat ito ay patungkol sa mga alituntunin ng Diyos.
Mga Gawa 2:42 – 42 Sila ay matatag na nagpatuloy sa turo ng mga apostol, sa pagkikipag-isa, sa pagpuputul-putol ng tinapay, at sa mga pananalangin.
Noong unang mga kalipunan ng mananampalataya, ipinagpatuloy nila ang mga kaalaman na kanilang natutunan sa mga nauna sa kanila mga lingkod ng Diyos. Tulad na lang ng mga kapatid noon matapos umakyat o lumisan ni Hesus sa langit, ipinagpatuloy nila ang turo ng mga apostol ang pagpuputul-putol ng tinapay. Diba ito'y ipinagpapatuloy din sa ngayon ng mga nakararaming mga iglesya ni Hesus, sapagkat kasama sa sinabing alalahanin ito rin ay kailangang gawin hanggang sa pagdating ni Hesus. Subalit bakit yung iba’y sinasabing dapat lang na alalahanin na lang ito na wala ng kaukulang gagawin o uulitin pa ang kanilang mga ginawa noon. Bakit nila ito nasabi? Sapagkat sinasabi raw ni Apostol Pablo ang ganito sa mga sumusunod na talata:
1 Corinto 11:23-26 – 23 Ito ay sapagkat tinanggap ko mula sa Panginoon ang siya ko namang ibinibigay sa inyo. Ang Panginoong Jesus, nang gabing siya ay ipinagkanulo, ay kumuha ng tinapay. 24 Pagkatapos niyang magpasalamat, pinagputul-putol niya ito, at sinabi: Kunin ninyo, kainin ninyo, ito ang aking katawan na pinagputul-putol para sa inyo. Gawin ninyo ito sa pag-alaala sa akin. 25 Sa gayunding paraan kinuha niya ang saro pagkatapos maghapunan. Sinabi niya: Ang sarong ito ay ang bagong tipan sa aking dugo. Sa tuwing kayo ay iinom nito, gawin ninyo ito sa pag-alaala sa akin. 26 Ito ay sapagkat sa tuwing kakain kayo ng tinapay na ito at iinom sa sarong ito, inihahayag ninyo ang kamatayan ng Panginoon hanggang sa siya ay dumating.
Ito raw ay paalala o pinagsasabihan ni Apostol Pablo ang mga nakakatipon sa Corinto sa dahilang wala sa ayos ang kanilang pagtitipon, pasasalo-salo ng pagkain, kaya ipina-alala sa kanila kung anong nararapat sa isang pagtitipon. Ang tanong natin ngayon. Nararapat pa bang ipagpatuloy ang pagsasagawa ng banal na hapunan sa ngayon? Sa akin walang masama dito kung ipagpapatuloy itong ganapin kasi yun ang sinasabi sa kasulatan na alalahanin na naroon yung gawin kung paano ginawa. Subalit sa iba ang depensa nila kung ipagpapatuloy raw ito dapat lahat ng mga ginawa ni Hesus ay alalahanin din tulad ng pag pasan ng krus at iba. Sabi pa nila na bakit raw yun lang gusto ang ginagawa tulad ng utos ng Diyos na ipangilin ang araw ng Sabat, pero ano ang ginawa ngayon hindi na ipinangilin pinalitan pa ng ayon sa gusto at utos ng tao hindi ng Diyos.
Kung pag-aaralan natin oo nga naman marami tayong inaalala o dapat gawin pero hindi natin ginagawa lalo na yung nagsasabing sila ang tunay na tagasunod ng kasulatan. Ang sinusunod natin minsan ay kung ano yung sinsabi ng nakararami o kilala sa lipunan, nakakalimutan natin kung ano ang dapat nating sundin. Kaya ang masasabi ko lang ngayon huwag nating kaliligtaan na sumangguni sa kasulatan kung ano talaga ang sinsabi roon patungkol sa alalahanin o gawin.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento