Ang tunay na dahilan kung bakit si Hesus ay di-tinugon?
Kung iisipin natin kapag tinatanong natin sa kaisipang ito ang isang sitwasyon o bagay ng “BAKIT”, ang talagang tinutumbok nito ay ang tanong na “ANG TAO BA AY MAY LAYANG PUMILI O MAGPASYA” o sa wikang English ay “FREE WILL” or “FREE CHOICES”? Walang makapagkakaila na ang sinuman ay gumagawa ng pag-pili o pag-pasya sa araw-araw. Halimbawa – pupunta ba ako sa bayan o sa talipapa na lang? Anong oras ba ako dapat magising? Ano ba ang aking almusal ngayon? Uulitin ko walang makakapagkaila niyan. Doon sa mga di tumugon sa paanyaya sa piging at kasalan – pasya ba o yun ang kanilang pinili (walang dapat pag-usapan doon). O merong isang malakas na kapangyarihan na siyang kumikilos at gumagawa sa atin ayon sa kanyang layunin at kalooban.
Pero itinatanong natin kanina na “BAKIT” sila hindi tumugon sa paanyaya sa pagtawag ng Diyos. Alam natin na ang mga Israelita ay di naniniwala sa tagapagligtas na si Hesus. Nang marinig ng mga Pariseo at punong saserdote ang tungkol sa talinhaga inisip nila na sila ang pinatutungkulan ni Hesus, sa ngayon sino sila – sila yung mga nangunguna sa mga simbahan na ang tingin nila sa sarili ay napakataas.
Kilalanin natin kung sinu-sino sila sa
Mateo 27:20 – Ang mga tao nama’y sinulsulan ng mga punong saserdote at mga matatanda ng bayan na hingin kay Pilato na si Barabas ang palayain, at si Hesus ay ipapatay.
Sino ang mga taong ito? Tingnan natin sa
Lucas 19:38 – Ang wika nila, Purihin ang hari na dumarating sa ngalan ng Panginoon! Kapayapaan sa langit! Purihin ang Diyos!
Doon sa talata 37 sinasabi na boong o lahat ng mga tao o alagad doon ay sumisigaw ng ubod lakas sa pagpuri sa Diyos. Ngunit isang araw ang parehong karamihan ng tao na sumisigaw na ang hari ay dumarating subalit sa sunod na araw sila rin yung sumisigaw kasama ng mga Pariseo at punong saserdote na ipapatay si Hesus.
Pano ito nangyari samantalang nakita nila ang ibat ibang kababalaghang ginawa ni Hesus? Wala bang saysay ang kanyang mga ipinakita sa kanila? Pero heto ang talagang dahilan kung bakit nila ito nagawa sa
Lucas 19:41-42 – Nang malapit na siya sa Jerusalem at matanaw niya ang lunsod, ito’y kanyang tinangisan. Sinabi Niya, kung nalalaman mo lamang sa araw na ito kung ano ang makapagdudulot sa iyo ng kapayapaan! Ngunit lingid ito ngayon sa inyong paningin.
Wow, napakalinaw na sitas nito para sa ating pinaguusapan. Balikan natin – Bakit nga ba di naniniwala ang mga Israelita kay Hesus? Sapagkat sa
Mateo 13:11 – Sumagot Siya, Ipinagkaloob sa inyo na malaman ang mga lihim tungkol sa paghahari ng Diyos, ngunit hindi ito ipinagkaloob sa kanila.
Ibig sabihin ang mga taong di tumugon sa paanyaya ni Hesus ay hindi ipinagkaloob sa kanila na malaman ang lihim ng paghahari ng Diyos, kaya maling sabihin na kanilang sariling pasya o pagpili ang di pagdalo sa paanyaya.
Sa sunod nating kabanata talakayin natin ang iba pang dahilan na mula sa kasulatan…

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento