Paano nga ba nasusukat ang isang tao? Ang pinag-uusapan natin ay yung pananaw, kalalagayan, pananalig ng isang tao hindi kung gaano siya kataas o katangkad. Meron nagsasabi na masusukat daw ang isang tao sa pamamagitan ng kaniyang kalalagayan sa buhay. Ano ito? Kung mayaman o dukha. Paano nasusukat ang tao sa pamamagitan ng yaman? Madaling masukat ito sapagkat tiyak akong nakalabas yun sa kaanyuan ng isang taong mayaman, kasunod noon ang karakter niya para sa ibang tao. Ibig sabihin sa pagtingin mo pa lang makikita mo na kung ang isang tao ay mayaman – siempre, pero hindi mo kaagad makikita yung karakter niya sapagkat ito’y makikita kapag nakasama, naka-usap at kumilos. Yan ang tao….
Paano naman sumusukat ang tao? Sumusukat ang tao karaniwan na sa pagtingin na kasunod ang pag husga sa kapwa tao, ganyan ang karaniwang tao. Ano ba ang babala ni Santiago sa mga taong may ganitong karakter, tunghayan natin sa mga sumusunod na talata:
Santiago 2: 1-4 - 1 Mga kapatid ko, kayo ay may pananampalataya na nasa Panginoong Jesucristo na Panginoon ng kaluwalhatian at kayo na may pananampalatayang ito ay huwag magkaroon ng pagtatangi ng mga tao. 2 Maaaring may pumasok sa inyong sinagoga na isang taong may gintong singsing at marangyang kasuotan. Maaari ding may pumasok na isang taong dukha na napakarumi ng damit. 3 At higit ninyong binigyan ng pansin ang may marangyang kasuotan at sinasabi mo sa kaniya: Maupo po kayo rito sa magandang dako. Sa taong dukha ay sinasabi mo: Tumayo ka na lang dito o di kaya ay maupo ka sa tabi ng patungan ng aking paa. 4 Hindi ba kayo rin ay may mga pagtatangi-tangi sa inyong mga sarili? Hindi ba kayo ay naging mga tagahatol na may masasamang isipan?

Sa unang sitas sa itaas babala ni Santiago na wag tayong magtangi sa pagtingin sa ibang tao. Ano ang ibig ipakahulugan nito na kaugnay sa ating pinag-uusapan? Ibig sabihin na tumingin tayo sa tao ng pantay pantay walang mayaman at dukha, wag agad manghusga sa isang tao sa pagtingin pa lamang hanggat hindi nalalaman ang tunay na dahilan. Dito sa ating pinag-uusapan nagbigay si Santiago ng halimbawa kung paano tumingin at magtangi ang mga tao noon, na tiyak ako na hanggang sa ngayon ganito pa rin ang nangyayari kahit sa loob ng Iglesya ni Jesus. Meron pa ngang masahol pa dito kung magturing sa ibang tao na sa tingin ay isang dukha – naroon yung masasakit na salita, pagsasapwera at pangmamaliit. Tama ba ito sa mga lingkod ng Diyos?
Santiago 2: 5-7 – 5 Makinig kayo, minamahal kong mga kapatid. Hindi ba pinili ng Diyos ang mga dukha sa sanlibutang ito na mayayaman sa pananampalataya? Hindi ba pinili silang taga-pagmana ng paghaharing ipinangako niya sa mga umiibig sa kaniya? 6 Hinamak ninyo ang taong dukha. Hindi ba ang mayayaman ang umaapi sa inyo at kumakaladkad sa inyo sa harap ng mga hukuman? 7 Hindi ba sila ang lumalait sa mabuting pangalan na itinatawag sa inyo?
Heto naman ang katotohanan na sinasabi ng kasulatan, na yaong mga nakakarinig ng mga masasakit na salita, pangmamaliit ang siyang pinili ng Diyos na maging mayaman sa pananampalataya, sapagkat ang karaniwang mayayaman ay yaman ang tinitingala hindi ang Diyos, ayon ba kayo doon? Yan ang katutuhanan na silang mga dukha ang piniling taga-pagmana ng kaharian ng Diyos, sapagkat sinabi sa kasulatan na mahirap pumasok ang mayaman sa langit..
Santiago 2: 8-11 – 8 Kung tinutupad ninyo ang maharlikang kautusan ayon sa kasulatan, mabuti ang inyong ginagawa. Ito ay nagsasabi: Ibigin mo ang iyong kapwa tulad ng pag-ibig mo sa iyong sarili. 9 Kaya kung kayo ay nagtatangi ng tao, kayo ay nagkakasala at sinusuway ang kautusan bilang mga lumalabag. 10 Ang sinumang tumutupad sa buong kautusan ngunit natitisod sa isang bahagi ay nagkakasala sa buong kautusan. 11 Ito ay sapagkat sinabi ng Diyos: Huwag kang makiapid. Sinabi rin niyang huwag kang papatay. Kung hindi ka man nakiapid ngunit ikaw naman ay pumatay, ikaw ay lumabag din sa kautusan.
Sa sitas na 8 mahirap matagpuan sa mayaman ang pag-big sa kapwa sapagkat masasabi nating wala rin silang pag-ibig sa kanilang sarili, sapagkat nakatoon sa yaman ang kanilang kaisipan at kung paano pa yumaman. Doon naman sa nagsasabi na tumutulong naman ako sa mga dukha, tanungin nila ang kanilang sarili kung tunay ba ang kanilang pagtulong o ito’y ginagawa lang sapagkat nakikinabang sila sa mga taong ito.
Santiago 2:12-13 – 12 Kaya magsalita ka at gumawa tulad ng mga hahatulan na ng kautusan ng kalayaan. 13 Ito ay sapagkat walang kahabagang hahatulan ng Diyos ang sinumang nagkait ng habag. Ang kahabagan ay nananaig sa kahatulan.
Anong sinasabi sa mga sitas sa itaas magpakumbaba hindi tama ang sagot na depende sa tao yun, sapagkat ang hinihingi ng Diyos ay laging pagpapakumbaba, hindi yung pag husga sa mga taong hindi nila kauri. Sapagkat alalahanin ninyo na lahat tayo’y nilikha na kawangis ng Diyos….
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento