Ang ating katawan ay binubuo ng ibat-ibang bahagi na may kanya kanyang katawagan, gamit at kahalagahan. Kung ang katawan mo ay kulang ng anumang sangkap na talagang makikita sa isang taong nilikha ng Diyos – masasabi na siya’y isang taong hindi buo, siempre naman, pero may mga parte naman ng katawan na hindi masyadong mahalaga. Meron naman na napakahalaga, meron din naman na ito'y nagagamit sa mabuting paraan at minsan sa masamang paraan. Sa bago nating kaisipan ipakikita ko sa inyo ang dulot nitong kabutihan at kasamaan sa ating katawan na naka-ugnay sa kasulatan.
Makikita sa kasulatan Mateo 18:6-9 - Ngunit ang sinumang maging katitisuran sa isa sa mga maliliit na ito na sumasampalataya sa akin ay mabuti pang talian ng malaking gilingang bato ang kaniyang leeg at itapon sa dagat. Sa aba ng sangkatauhan dahil sa mga katitisuran. Ito ay sapagkat kailanman ay hindi mawawala ang mga kadahilanan ng pagkatisod. Ngunit sa aba ng taong pinanggalingan ng pagkatisod. Kaya nga, kung ang iyong kamay o ang iyong paa ang makakapagpatisod sa iyo, putulin mo ito at itapon. Higit pang mabuti para sa iyo ang pumasok sa buhay na pingkaw o pilay kaysa may dalawang kamay o dalawang paa, ngunit ihahagis naman sa apoy na walang hanggan. Kung ang iyong mata ang makakapagpatisod sa iyo, dukitin mo ito at itapon. Higit pang mabuti para sa iyo ang pumasok sa buhay na may isang mata, kaysa may dalawang mata, ngunit ihahagis naman sa apoy ng impiyerno.
Makikita sa kasulatan Mateo 18:6-9 - Ngunit ang sinumang maging katitisuran sa isa sa mga maliliit na ito na sumasampalataya sa akin ay mabuti pang talian ng malaking gilingang bato ang kaniyang leeg at itapon sa dagat. Sa aba ng sangkatauhan dahil sa mga katitisuran. Ito ay sapagkat kailanman ay hindi mawawala ang mga kadahilanan ng pagkatisod. Ngunit sa aba ng taong pinanggalingan ng pagkatisod. Kaya nga, kung ang iyong kamay o ang iyong paa ang makakapagpatisod sa iyo, putulin mo ito at itapon. Higit pang mabuti para sa iyo ang pumasok sa buhay na pingkaw o pilay kaysa may dalawang kamay o dalawang paa, ngunit ihahagis naman sa apoy na walang hanggan. Kung ang iyong mata ang makakapagpatisod sa iyo, dukitin mo ito at itapon. Higit pang mabuti para sa iyo ang pumasok sa buhay na may isang mata, kaysa may dalawang mata, ngunit ihahagis naman sa apoy ng impiyerno.
Nakita natin sa itaas kung sa kapahayagang nasusulat o (literal) ipinakikita na kung ang isang bahagi ng iyong katawan o sangkap ng katawan ay nagiging sanhi ng katitisuran, kasalanan, kamatayan mabuti pa rito ang putulin, dukitin, alisin, talian at itapon mas mabuti pa ang mapunta sa langit ng walang mga sangkap na ito kaysa sa impiyerno na buo ang lahat ng ito. Bakit natin natanong ito sapagakat sa mga nabanggit sa itaas isang bahagi ng katawan ang malaki ang nagagawang kasamaan sa katawan ang hindi kasama sa sitas na ating pinag-uusapan. Ano ang bahagi ng ating katawan na ito ang aking nais ipabatid sa inyo? Ito ay ating matatagpuan sa aklat ni Santiago. Ito ay ang “DILA”.
Santiago 3: 1 -2 -Mga kapatid ko, nalalaman ninyo na tayong mga guro ay tatanggap ng lalong higit na kahatulan. Kaya nga, huwag maging guro ang marami sa inyo. Ito ay sapagkat tayong lahat sa maraming paraan ay natitisod. Kung ang sinuman ay hindi nagkakamali sa kaniyang pananalita, siya ay taong ganap at napipigil niya ang kaniyang buong katawan.
Ano ang kaugnayan nito sa ating pinag-uusapan, sabi rito huwag daw nating mithiin na maging taga-pagturo sapagkat mabigat ang kasalanan dito. Bakit nasabi ni Santiago ito, dahil kaya sa nakikita niya ang nangyayari sa palagid na marami ang nagtuturo ng mga aral na labag sa kasulatan. Alam natin na hindi naman lahat sila, meron din naman na tapat sa kung ano ang sinasabi sa kasulatan. Tama walang makapagsasabi na siya ay hindi nagkakamali sa pamamagitan ng kanyang dila o pananalita. Bakit ang dila ay maliit na bagay subalit malaki ang nagagawa nito sa ating katawan? Sapagkat sinasabi rin ng kasulatan sa Proverbs 18:21 The tongue has the power of life and death, and those who love it will eat its fruit.
Santiago 3: 3 -6 - Narito, nilalagyan natin ng bokado ang bibig ng mga kabayo upang tayo ay sundin nila. Sa pamamagitan ng bokado ay naililiko natin ang buong katawan nila. Tingnan din ninyo ang mga barko. Ang mga ito ay malalaki at itinutulak ng malalakas na hangin. Gayunman, bagamat malalaki, ang mga ito ay inililiko ng napakaliit na timon saan man naisin ng taga-timon. Gayundin naman ang dila. Ito ay isang maliit na bahagi ng katawan ngunit nagyayabang ng mga dakilang bagay. Narito, ang maliit na apoy ay nagpapaliyab ng malalaking kahoy. Ang dila ay tulad ng apoy, sanlibutan ng kalikuan. Ang dila ay bahagi ng ating katawan na dumudungis sa kabuuan nito. Sinusunog nito ang mga pamamaraan kung paano tayo nabubuhay at ito ay pinag-aapoy ng impiyerno.
Ang dila ay hinalintulad sa giya o bukado ng kabayo na kung saan nais natin pumunta ito’y susunod, inihalintulad din sa timon ng barko na maliit na bahagi ng barko pero kayang idako kahit saan ang barko. Subalit ang dila ay maliit na bahagi rin subalit hindi kayang supilin ninuman, nagagawa nitong maging masama ang boong katawan. Ito’y isang apoy na tumutupok sa kabuuan nang isang tao, kapag hindi nasupil. Kahit na sabihing mga tagasunod na ni Hesus marami pa rin ang hindi nasusupil ang kanyang dila.
Santiago 3: 7 - 9 - Ito ay sapagkat napaamo na ang lahat ng uri ng mga hayop at mga ibon at mga gumagapang na hayop at mga bagay sa dagat. At ito ay paaamuin ng tao. Ngunit walang nakapagpaamo sa dila. Ito ay masamang bagay na hindi mapipigil at puno ng kamandag na nakakamatay. Sa pamamagitan ng dila ay pinupuri natin ang Diyos Ama. Ginagamit din natin ito sa pagsumpa sa mga taong ginawa ng Diyos ayon sa kaniyang wangis.
Tama mula pa noong una sa kasulatan naroon na yaong napapa-amo ang lahat ng uri ng hayop lumilipad, gumagapang at lumalangoy, subalit ang dila ay hindi kayang supilin ninuman. Ang masakit nito ang dila ang ginagamit natin sa pagpupuri at pagsamba sa Diyos at ito rin ang ginagamit natin sa pag-alimura sa tao na nilikha ng Diyos na kawangis. Ano ang mariing sinsabi ni Santiago na hindi dapat ito mangyari sapagkat hindi maaring bumalong ang tubig alat at tubig tabang sa iisang agos. Ngayon, meron bang lunas upang masupil ang dila?
Meron ang kasulatan din ang maaring sumupil sa ating dila. Ayon sa 2 Corinto 5:17 - Kaya nga, kung ang sinuman ay na kay Cristo, siya ay bago nang nilalang. Ang mga dating bagay ay lumipas na, narito, ang lahat ng bagay ay naging bago. Woow nakita ninyo malinaw ito na ang sinumang “na kay o nagkipag-isa” kay Jesus ay bagong nilalang, anong ibig sabihin nito? Ibig sabihin ang boo nating pagkatao ay isinuko natin upang baguhin tayo ni Kristo. Meron pa sa Galatia 5:22-23 tungkol sa bunga ng Banal na Espiritu, na kailangang makita sa atin…. Ang bunga.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento