B. Nagtuturo ba si Santiago ng kalayaang pumili?
Balikan natin sandali yung ating naiwang mga sitas tungkol doon sa kasagutan ni Santiago sa Santiago 1:13-14 - Huwag sabihin ng sinumang tinutukso: Ako ay tinutukso ng Diyos. Ito ay sapagkat ang Diyos ay hindi maaaring matukso ng mga kasamaan at hindi niya tinutukso ang sinuman. Ang bawat tao ay natutukso kapag siya ay nahihila ng kaniyang masidhing pita at siya ay nasisilo nito. Tandaan na hindi itinuturo ni Santiago ang kakayahan ng tao upang maligtas. Batid ni Santiago ang “espiritu na nananahan sa atin” (na ibinigay ng Diyos) Roma:20-21. Alam din niya na hindi kasagutan kung meron mang kalayaang pumili kundi ibinibigay ng Diyos ang lahat ng Kanyang biyaya. Lalong batid niya ang kahulugan ng biyaya na siyang nagtuturo sa atin upang maituwid tayo sa pamumuhay (Tito 2:11-12) - Ito ay sapagkat ang biyaya ng Diyos na nagdadala ng kaligtasan ay nahayag sa lahat ng mga tao. Ito ay nagtuturo na dapat tayong mamuhay sa kasalukuyang panahon na may mabuting paggamit ng isip, mamuhay na matuwid at mamuhay na may pagkilala sa Diyos. Mamuhay tayong tumatanggi sa hindi pagkilala sa Diyos at makamundong pagnanasa.
Sa ating sitas na Santiago 1:14-15, - inihayag ni Santiago ang kabaliktaran ng anumang ating natutunan sa mga nakaraang namana. Heto yung tunay na itinuturo ni Santiago tungkol sa “kalayaang pumili” – sa Santiago 4:13-16 na ang ating buhay ay parang aso na nakasalalay sa kalooban ng Diyos. Santiago 4:13-16 - Makinig kayo ngayon, kayong nagsasabi: Ngayon o kaya bukas, kami ay pupunta sa gayong lungsod. Mananatili kami roon ng isang taon. Kami ay mangangalakal at tutubo. Ngunit hindi ninyo nalalaman kung ano ang mangyayari sa kinabukasan. Ito ay sapagkat ano ang iyong buhay? Ito ay tulad sa isang singaw na sa maikling oras ay lumilitaw at pagkatapos ay naglalaho. Ito ang dapat ninyong sabihin: Kung kalooban ng Panginoon, mabubuhay tayo. Gagawin natin ang bagay na ito o ang gayong bagay. Datapuwa't ngayon ay nagmamapuri kayo sa inyong mga kayabangan. Ang lahat ng ganitong pagmamapuri ay napakasama.
Iyan ang itinuturo ni Santiago na nakaugnay din sa itinuturo ni Pablo na ang mga pinili ay naka-ugnay noong una paman na maging anak ayon sa Kanyang (Diyos) kalooban. Siya rin ang kumikilos sa lahat ng bagay ayon sa kalooban Niya - Efeso 1:5 at 11 - Tayo ay tinalaga niya nang una pa upang ampunin sa kaniyang sarili sa pamamagitan ni Jesucristo ayon sa kaniyang kalooban. Sa kaniya rin tayo ay nagkamit ng mana. Itinalaga niya tayo nang una pa ayon sa layunin niya na gumagawa ng lahat ng mga bagay ayon sa layunin ng kaniyang kalooban. Ang Diyos lamang ang merong laying pumili at magpasya na mababasa at makikita mo sa kasulatan. Sa lahat ng nilikha tao o bagay ay kumikilos at nagpapasya ayon sa kalooban, plano, panukala ng Diyos.
Pahapyawan nga natin ang sinasabi sa Roma 9, dito sinabi ng Diyos na kinamumuhian Niya si Isau bago pa siya isilang. Ano ang layunin ng Diyos ditto – di ba upang ipakita sa lahat na kahahabagan ng Diyos ang nais Niyang kahabagan. Dito na malinaw na hindi kagustuhan ni Esau na siya ay kamuhian ng Diyos kundi ito ang layun ng Diyos at kahabagan Niya. Ganon din sa Paraoh pinatigas ang ulo nito upang ipakita sa lahat ang kanyang kapangyarihan, kahabagan at kalooban.
Kung babasahin natin ang boong kabanata tinapos ni Pablo ito sa pagsasabi na ang mga Israelita na sumusunod sa kautusan ay sumusunod sa katuwiran ng kautusan Roma 9:31-32 - Ang Israel ay nagsikap sumunod sa kautusan ng katuwiran ngunit hindi sila nakaabot sa katuwiran ng kautusan. Bakit? Ito ay sapagkat hindi sila nagsikap sa pamamgitan ng pananampalataya kundi sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan. Sila ay natisod sa batong katitisuran.

Sinalungat ba ni Pablo ang kanyang sariling katuruan? Iyan ang sunod nating tatalakayin…
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento