Nagtuturo ba si Santiago ng kalayaang pumili?
Siguro isasagot ninyo sa tanong na ito ay ang sinabi ni Pablo na ito ang ating karapatan bilang nilikha ng Diyos. Tapos maitatanong ninyo bakit tayo binigyan ng karapatan pero wala naman tayong layang pumili? Ito ba yung itinuturo ni Santiago sa Santiago 1:13-14 - Huwag sabihin ng sinumang ako ay tinutukso ng Diyos. Ito ay sapagkat ang Diyos ay hindi maaaring matukso ng mga kasamaan at hindi niya tinutukso ang sinuman. Ang bawat tao ay natutukso kapag siya ay nahihila ng kaniyang masidhing pita at siya ay nasisilo nito. Ito ba yung katibayan sa kasulatan patungkol sa kalayaang pumili at magpasya? Hindi masasabi na itong sinabi ni Santiago ay magpapatunay na meron nga tayong layang pumili?
Sasabihin ko sa inyo na ang kasulatan ay sasagot sa inyo ng “HINDI” yan ang pinakakahulugan niyan. Nakakatiyak ako. Isipin ninyo na ang lahat ba ng ating pagpapasya at pamimili ay may laya at walang anumang magiging kaganapan o resulta sa atin o walang dahilan. Hindi ito ayon o turo ni Santiago sapagkat itinuturo niya na “huwag tayong mangangako” ng isang bagay dapat nating sabihin ay “SA KALOOBAN NG DIYOS”, mangyayari ito o magagawa ko ito o iyon. (Santiago 4:13-15). Ibig sabihin na si Santiago ay naniniwala na may kalayaan tayong pumili? Tingnan natin yung sinabi ni Santiago na “tayo’y natutukso kung tayo’y nadadala ng ating sariling laman at pagnanasa. Masasabi ba na ito na yung katunayan na meron tayong kalayaan maliban sa kalooban ng Diyos. Itinuturo ba ni Santiago na ang ating kaligtasan ay nakasalalay sa ating sariling kalayaang magpasya at pumili?
Narito yung buong ibig sabihin ni Santiago na patungkol sa natutukso (Santiago 1:2-3). Tingnan ninyo ini-ugnay niya ito na kailangan ang katiyagaan para magkaroon ng kaalaman. Sa mga taong walang tiyaga tiyak na hindi siya ang taong matalino ayon kay Lucas 21:19 – sa pamamagitan ng inyong matiyagang pagtitiis, tatamuhin ninyo ang inyong buhay. Ngayon tingnan natin ang talata 12 ng Santiago 1: Pinagpala ang taong nagtitiis ng pagsubok dahil kapag siya ay nasubok na, tatanggap siya ng putong ng buhay na ipinangako ng Diyos sa kanila na umiibig sa Kanya.
Ituloy natin sa talatang 13 – huwag sabihin ng sinumang tinutukso; Ako ay tinutukso ng Diyos. Ito ay sapagkat ang Diyos ay hindi maaaring matukso ng mga kasamaan at hindi niya tinutukso ang sinuman. Pero bakit sa talatang 2 sinasabi na ituring ninyong buong kagalakan kapag dumaranas kayo ng iba’t ibang uri ng pagsubok, tapos sa talatang 14 – sinasabi niyang “ang bawat tao ay natutukso kapag siya ay nahihila ng kaniyang masidhing pita at siya ay nasisilo nito. Ang ibig bang sabihin na si Santiago nagbibigay ng babala sa atin na bantayan natin ang ating mga pita at ipagdiwang ito?
Siempre hindi yan ang ibig sabihin ni Santiago, kung kayo diyan ay naniniwala sa kalayaang pumili at magpasya mula sa anumang kalooban at plano ng Diyos na siyang lumikha ng kasamaan (Isaias 45:7).
At ito pa sinasabi sa Roma 9:16-18 - Kaya nga, ito ay hindi sa kaniya na nagnanais o sa kaniya na tumatakbo. Subalit ito ay sa Diyos na siyang may kahabagan. Ito ay sapagkat sinabi ng kasulatan kay Faraon: Upang maipakita ko sa pamamagitan mo ang aking kapangyarihan, inilagay kita sa kinalalagyan mo ngayon. Ginawa ko ito upang maihayag ang aking pangalan sa buong lupa. Kaya nga, mahahabag ang Diyos sa sinumang ibig niyang kahabagan. Patitigasin niya ang puso ng sinumang ibig niyang patigasin ang puso.

Sunod tingnan yung sagot ni Santiago sa Santiago 1:13-14 - Huwag sabihin ng sinumang tinutukso: Ako ay tinutukso ng Diyos. Ito ay sapagkat ang Diyos ay hindi maaaring matukso ng mga kasamaan at hindi niya tinutukso ang sinuman. Ang bawat tao ay natutukso kapag siya ay nahihila ng kaniyang masidhing pita at siya ay nasisilo nito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento