
Salamat po...

Sa ating mga nakaraang kaisipan naipakita natin kung ano ang mga nakaasaad sa kasulatan patungkol sa kalooban ng Diyos. Ngayon naman tingnan natin ang pagkilos ng Diyos mula pa noong una sa nakasulat na kung ito ba ay ayon sa Kanyang kalooban. Nakita natin ang mabiyayang kapangyarihan sa atin na hindi lang mabubuti at magagandang bagay ang nagmumula sa itaas, kundi para sa lahat sa Kanyang kalooban at panukala (Efeso 1:5 - Tayo ay tinalaga niya nang una pa upang ampunin sa kaniyang sarili sa pamamagitan ni Jesucristo ayon sa kaniyang kalooban. ), at alam natin na ang Diyos ang Siyang kumikilos at gumagawa sa lahat ng bagay (Efeso 1:11 - Sa kaniya rin tayo ay nagkamit ng mana. Itinalaga niya tayo nang una pa ayon sa layunin niya na gumagawa ng lahat ng mga bagay ayon sa layunin ng kaniyang kalooban.). Sa lahat ng bagay kasama ang mabuti, maganda at ang masamang bagay o pangyayari sa ating buhay.
K. Sinasalungat ba ni Pablo ang sariling katuruan?
B. Nagtuturo ba si Santiago ng kalayaang pumili?
Nagtuturo ba si Santiago ng kalayaang pumili?
Totoo bang si Pedro ay sumang-ayon kay Kristo?
Ang tunay na dahilan kung bakit si Hesus ay di-tinugon?
Sino silang nagbaliwala kay Kristo?
Halos lahat ng mga Kristiyano kung tatanungin ay naniniwala silang ang Diyos na ating pinaglilingkuran at kinikilala ay "makapangyarihan sa lahat". Sa aling mang diksyonaryo ang ibig sabihin ng makapangyarihan ay kataas-taasang kapangyarihan o sumasalahat na kapangyarihan. Isa ang nakatitiyak nito iilan lang ang magsasabing ang Diyos ay di makapangyarihan sa lahat, sino ang mga ito - ang mga taong di kumikilala na may Diyos. Ang kasulatan mismo ang magpapatunay na ang Diyos na makapangyarihan ang siyang kataas-taasang:
Dito sa ating huling kabanata ng ating pinag-uusapan, balikan natin yung ika-10 kautusan kung ano ang sinasabi sa ika-7 kautusan, sapagkat meron ding sinasabi si Apostol Pablo tungkol dito.
”, lumalabas pa nito na ang Diyos ang sinisisi sa nangyari sa kanila. Na kung hindi ginagawa ng Diyos ng ganon sila disin sana’y hindi sila nagkakasala. Samantalang maliwanag na nabanggit sa kasulatan na nilikha ng Diyos ang lalake (Adan) at babae (eda) lamang walang tinatawag na ikatlong kasarian o alanganin. Kahit na marami tayong mababasa tungkol dito at ipinipilit ng iba na meron tinatawag na “dugong alanganin” sa English ay “gay hormone”. Meron naman sa iba nagsasabi na ito’y namamana. Pero kayo ang tatanungin ko ito nga ba ay namamana o talagang ganito na sila noong ipanganak – o sila mismo ang bumago sa buhay nila.Isaias 58:1 – Sinabi ni Yahweh, “Ikaw ay sumigaw ng ubos-lakas. Ang sala ng bayan Ko sa kanila’y ihayag.
Matag
al na rin ng aking ihayag ang kaugnay na kabanata nito sa aking nakaraan entri ang “Homosexuality is a sin?” Bale ito yung karugtong kung saan kinuha natin yung mga pahayag ni Apostol Pablo sa kanyang mga sulat. Bakit ko naman naisipang dugtungan ang nakaraang kabanata? Hindi matanggap ng aking espiritu ang aking mga nakikita sa paligid, naririnig, nababasa at napapanood sa TV na hayagang tanggap ng kabuuan ng bayan ang mga ganitong lisyang gawain. Tulad ng paunang sitas ng entri na ito kailangang ihayag, isigaw ng boong lakas ang kanilang mga kasalanan.
Tingnan natin kung ano ang sinasabi ni Pablo sa mga sumusunod na sitas: Roma 1:24, 26, 27 at 32.
24 – Dahil dito’y sa karumihan ng mga pita ng kanilang mga puso ay ibinigay sila ng Diyos sa kahalayan, upang alisan nila ng puri ang kanilang mga katawan sa kanilang sarili.
26 – Dahil dito’y ibinigay sila ng Diyos sa mga mahahalay na pita, sapagkat pinalitan ng kanilang mga babae ang katutubong kagamitan niyaong nalalaban sa katutubo.
27 – At gayon din naman ang mga lalake, na nang iwan na ang katutubong kagamitan sa mga babae, ay nangagningas sa kanilang karumihan ng pita ang isa’t isa, na gumagawa ng kahalayan ang mga lalake sa mga kapwa lalake, at tumatanggap sa kanilang sarili ng kagantihan ng kanilang pagkakamali.
32 – Na, bagamat nalalaman nila ang kautusan ng Diyos, na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay mga karapat-dapat sa kamatayan, ay hindi lamang gayon ang ginagawa, kundi naman pinapayagan ang mga nagsisigawa ng mga yaon.
Sige balangkasin nga natin kung anong bagay ang matutuklasan natin sa mga sitas sa itaas. Makikita natin yong tatlong mahalagang puntos dito – ito ay ang mga sumusunod:
1. upang alisan nila ng puri ang kanilang mga katawan sa kanilang sarili
2. sapagkat pinalitan ng kanilang mga babae ang katutubong kagamitan niyaong nalalaman sa
katutubo
3. lalake, na nang iwan na ang katutubong kagamitan sa mga babae, ay nangagningas sa kanilang karumihan ng pita ang isa’t isa, na gumagawa ng kahalayan ang mga lalake sa mga kapwa lalake
Sa mga katutuhanang nahayag sa itaas makikita natin sa paligid, meron pa nga nito sa loob mismo ng mga iglesya ni Hesus. Kaya tama lang ang tinuran ni Pablo sa sitas na 32 sa itaas na - ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay mga karapat-dapat sa kamatayan, ay hindi lamang gayon ang ginagawa, kundi naman pinapayagan ang mga nagsisigawa ng mga yaon.
Ano ang maaari nating gawin sa mga ganitong bagay tulad ng ating nasabi sa itaas na ipagsigawan at ihayag sa lahat sa kanila ang kanilang mga kasalanan, kung hindi natin gagawin ang ganon nagkakasala tayo –
1 Corinto 3:1-3
Pablo na huwag mag-asawa ang sinuman kung siya’y isang makasalanan at hindi rin niya sinabi kaninuman na huwag mag-asawa sa isang di mananampalataya kundi binalaan niya na “huwag makipamatok sa mga di mananampalataya". Ito yung aspeto ng huwag makipamatok na napakahalaga para kay Pablo.
di-sumasampalataya” pinagpapalagay ng iba na lahat ay bawal sa pag-aasawa ng isang Kristisyano. Ano ang ibig ipakahulugan nito huwag makipamatok kahit na yung mga nakasal na sa di mananampalataya o ituloy ang pakikipamatok kahit sa di mananampalataya. Siguro marami ang sasalungat kapag sinabi ko na ito’y hindi lamang lahat patungkol sa pag-aasawa ng Kristiyano?
palataya, lahat ba ng kasapi ay masasabing pinapatnubayan ng Espiritu? Hindi diba? Maaari bang ang isang pinapatnubayan ng Espiritu ay nakipamatok sa di mananampalataya. Tingnan natin sa mga sumusunod na sitas:
iya no”, baguhin natin ito sa ibang anyo – madaling maging lingkod ni Kristo ngunit mahirap ang sumunod kay Kristo. Marami ang nagsasabi na nakakasunod naman sila kay Kristo at sa mga nakasulat sa kasulatan. Dito sa bago kong entri talakayin natin yung mga karaniwang mapapansin sa isang Kristiyano raw. At kailan ba natin masasabi ang isang tao ay bago ng nilalang sa harap ng Diyos at ng mga nakapaligid sa kanya. Sa mga sitas sa ibaba mababasa natin ang ganito:
ntri natalakay ko ang tungkol sa tamang pakikipagkaisa subalit ito ay sa mga kasamang mananampalataya sa iglesya. Sa kaisipan natin ngayon ang pinag-uusapan dito ay ang pakikipag-kaisa kay Cristo, ibig sabihin tinanggap mo Siyang panginoon at tagapagligtas, taos puso mo siyang susundin, paglilingkuran sa isip, salita at sa gawa. Ganon naman ang ginagawa ko ah – ewan ko, ikaw, kayo ang makasasagot niyan.
Sa ating kultura o matandang kaugalian meron silang kasabihan na “kung sama-sama, kayang-kaya”. Ang ganitong kaisipan hanggang ngayon ay meron pa rin namang sumusunod at nakakasunod ika nga. Sa mga iglesya ganito rin ang nagiging paninindigan at panuntunan ng marami, sapagkat totoo naman na malaki ang magagawa kung sama-sama ang bawat isa. Kahit sa kasulatan isang kapamaraanan din ng mga lingkod ng Diyos ang sistemang sama-sama, tulad ng ginawa ni Reyna Ester ng Susan. Sila’y nagkaisa na mag-ayuno upang ilapit sa Diyos ang kanilang karaingan (Ester 4:16).