Minsan kapag ang usapan ay nadadako patungkol sa mga patay, namatay, mamamatay marami ang magkaka-iba ng mga paniniwala at pananaw. Kasi naman marami ang nagtatanong ng “dead people are really DEAD?” o “Ang tao bang namatay o patay ay talagang patay?” Pero ano ang katutuhanan? Ito ang nalalaman ko, ang isang taong patay ay hindi na makakapunta kahit saan. Ito ay hindi makakapunta sa langit, o magagawang lumutang sa himpapawid o mga alapaap o ang masamang taong namatay ay hindi rin makakapunta man sa tinatawag na “hell” o dagat-dagatang apoy. Sapagkat ang patay ay patay na at manatiling patay hanggang sa “itakda sa kanya ang pagkabuhay na muli” at ito ay magaganap sa hinaharap na panahon, hindi sa araw o panahon ng kamatayan ng isang tao. Heto ang isang patunay mula sa bibliya tungkol sa isang patay sa Joshua 1:1-2 Now after the death of Moses the servant of the Lord, it came to pass, that the Lord spoke unto Joshua the son of Nun, Moses’ minister, saying, Moses my servant is DEAD….” Tanong sino ang nagsasalita? Diba si Yahweh ang nagsasalita sinasabi Niya kay Josue na patay na si Moses.
Pansinin ninyo hindi naman sinabi ng Diyos na “patay na ang katawan” ni Moses subalit ito ang tanong – Si Moses kaya ay buhay sa piling ng Diyos? Ang sagot ay HINDI. Sapagkat kapag ang isang tao ay mamatay siya ay patay at mananatiling patay hanggang sa pagdating ng “pagkabuhay na muli ng mga patay” masama man o mabuti ang tao. Ang tao ay posibleng buhay ang katawan ngunit sa espiritu ay patay siya ngunit kapag ang katawan ay namatay hindi pwedeng maging buhay siya sa espiritu. Bakit? Sapagkat sinasabi sa Mangangaral 12:7 – Alalahanin mo Siya bago manumbalik sa lupa an gating katawang lupa at ating espiritu ay magbalik sa Diyos na may bigay nito. Pero bakit meron sinasabing nagmumulto, multo, o momo daw. Ang masasabi ko rito, minsan ito ay haka-haka na lamang, gawa gawa na lang ng kanyang imahinasyon, o pwede rin siguro masamang espiritu. Kung titingnan natin sa bibliya ang buong kabanata ng 1 Corinto 15 ay patungkol sa “pagkabuhay na muli ng mga patay”
Ang medyo nakakalungkot nito kahit mga mananampalataya na ni Hesus at nakakabasa na sa bibliya ng tungkol sa mga patay, patuloy pa rin ang paniniwala nila sa mga ganitong kinaugalian. At talagang hayagan pa nila itong isinasagawa halimbawa na kapag namatay ang isang tao, ang espiritu nito ay mananatiling kasama ng mga minamahal niya sa buhay ng hanggang 40 araw, sinasabi pa na minsan magpapakita ito sa mga taong merong pang hindi nasabihan o nabilinan, minsan naman daw tinatakot yung iba kasi raw may nagawang kasalanan sa namatay. Totoo ba ito? O ang tanong – Totoo bang nagbabalik pa ang isang patay? Totoo bang nakaka-usap pa ang isang patay? Totoo bang makakapaghiganti pa ang isang taong namatay na sa pamamagitan ng kanyang pagbabalik upang maghiganti? Napaka-raming katanungan diba, pero ano ba ang itinuturo ng banal na kasulatan patungkol diyan. Hebreo 9:27 – itinakda sa mga tao ang minsan lang mamatay at pagkatapos ay ang paghuhukom.
Heto meron akong isang kwento tungkol sa isang namatay daw ngunit magbabalik at makaka-usap ng isang buhay, parang yung pelikulang “Ghost” naaalala ninyo. Yung pinsan ko ang pangalan niya ay Mariano (Tyo Ano) kung tawagin namin sa lugar namin. Siya’y isang magbubukid, siempre nasa bukid siya kasama ang isa niyang anak na si Bido (Pogi) kung tawagin namin. Alas kwatro ng hapon inabutan sila ng ulan sa gitna ng bukid, siempre hahanap sila ng makakanlungan, sa isang puno ng bangkal sa di kalayuan at ang ulan ay may kasamang malalakas na kulog at matatalim na kidlat. Sa di inaasahan mula sa kanilang kanlungan tumama ang isang matalim na kidlat at sapol si Tyo Ano patay agad kasi napuruhan siya nangitim ang katawan dahil sa tama ng kidlat. Si Bido medyo nadaplisan lamang kaya buhay siya. Sumunod doon binurol tapos inilibing pag-kalipas ng 3-4 na buwan dahil daw sa kalungkutan sa pagkamatay ni Tyo Ano, nagkasakit ang kanyang asawa si Tiya Funtina hanggang siya ay mamatay rin at inilibing.
Makalipas ang ilang lingo ng pagkalibing napansin na nagkaroon ng di magandang nararamdaman ang isa sa mga anak na babae si Ate Presia ng mag-asawa, para siyang nanlilisik lagi ang mata, nagsasalita ng kahit ano. Baryo kaya tawag ng albularyo, ginamot at sabi sinasapian daw siya ng tatay niya, paano daw nalaman na sumasapi ang tatay doon sa babae, kasi raw ang boses ay boses lalaki (boses daw ng Tyo Ano). Marami ang naniwala, kasi marami ang nakarinig ng ganoong sinaryo kapag sinusumpong. At heto pa si Bido ay ganon din ang nangyari, sabi sinapian naman ng Tya Funtina kasi babae naman ang boses. Kaya nagulo ang buong baryo naging balita kahit saan lugar sa baryo ang pangyayari na ang magkapatid ay sinasapian ng mga espiritu ng mga namatay na. May dumating na mga katoliko, nilagyan ng rosaryo sa leeg, isang malaking krus sa dibdib subalit tinatawanan lang ng dalawa. At minsan nag-uusap ang boses ng dalawa at sinasabi ang mga hinanakit nila sa kanyang mga kapatid (boses ng mag-asawa), mga kapitbahay, kaya nagkaroon ng haka-haka sila, na kaya daw nagbalik ay sa dahilang hindi raw sila nakapag-usap bago namatay si Tyo Ano.
Siguro kayo ay meron ding mga karanasan tulad nito, noong una naniniwala ako kasi nakasaksi rin ako ng minsan sumpungin sila. Subalit ngayon ko lang napagtanto ang mga posibleng kasagutan sa ganong pangyayari. Pero kayo ano ang inyong masasabi tungkol sa ganitong mga kasaysayan, masasabi na marami ang nakasaksi, nakarinig. Masasabi ba natin na ito ay haka-haka, gawa gawa lamang, masamang espiritu o talagang nagbalik ang isang patay kasi may nalimutan siyang gawin, sabihin at iparating sa sinuman….. Sino ang tama?

3 komento:
naniniwala ba ako sa multo? o may multo ba? ang patay ba ay patay na? hindi ko direktang masagot yan.
iba-iba kasi ang paniniwala, pero siguro bilang kristiyano, .... ngi wala ring akong maisagot, may maisasagot naman hindi lang ako sigurado.
i had this one experiece myself, first hand... 5 years old ako noon, though alam kong patay na 'yong tito ko, but still isang madaling araw eh nakita ko syang naka-upo sa gilid ng aming kama. we chat. hindi ko na nga lang matandaan kung ano ang pinag-usapan namin. that time parang normal lang 'yong experience na 'yon, until after several years na naunwaan ko na ang patay eh patay, at may multo, doon palang ako natakot, hanggang sa ngayon takot ako sa multo kahit nga diba sa mga patay na tao hindi ko kayang tingnan o lalo na hawakan.
given that, hindi ko pa rin nasagot ang tanong mo.
Totoo ba ang multo o kaluluwa ng isang namatay na? Isang doktor ang nagsabi, katatapos ko lang buksan ang katawan ng isang bangkay pero wala akong nakitang kaluluwa sa katawan nito. Ang isinagot ko, ng buksan mo ba ang utak niya, nakita mo ang isip o nakita mo ba ang pag-ibig sa kanyang puso? Ang kaluluwa ay tulad din ng isip at pag-ibig na hindi mo makikita pero hindi mo maitatanggi ang kanilang existence. Tama ba?
i have to agree with arman, that the absence of something beyond our senses doesnt necessarily means it doesnt exist. unconsiously we breath, right? and yet the air we breath cannot be seen by our eyes but i know we're agree both that air exist.
its all about faith... as we know, faith is the substance of things we hoped for; the evidence of things we cannot see.
Mag-post ng isang Komento