Mateo 10:36 Ang kaaway ng isang tao ay ang kaniyang sariling kasambahay.
Lucas 1:71 Kaniyang sinabi na tayo ay ililigtas mula sa ating mga kaaway. Gayundin, mula sa kamay ng lahat ng mga napopoot sa atin.
Sa Banal na Kasulatan tahasang makikita at mababasa natin na “ang Diyos ay pag-ibig” bakit? Sapagkat Siya ang unang umibig sa atin ng isugo Niya ang

Ngayon naman balangkasin natin ang salitang “kaaway”. Ano bang ibig ipakahulugan nito? Ang kaaway

Matapos nating makita ang magkabilang kahulugan ng ating kaisipan. Tanungin natin ano ba ang mahirap na mahalin ang isang kaaway? Ginawa na ba ito ng Diyos at ni Hesus? Oo naman kaya nga sinabi Niya na dati tayo’y mga banyaga at mga kaaway ng Diyos dahil sa ating mga kasalanang nagawa, subalit patuloy, nagtiyaga Siya sa atin at inabot upang makipagkasundo. Ito yung ibig ipakahulugan doon sa Colosas 1:21 sa itaas. Pero ang hirap eh na mahalin ang kaaway o umaaway at gawan ng mabuti at ipanalangin. Tama ang sinasabi sa itaas Mateo 10:36 na ang kaaway ng isang tao ay ang kaniyang sarili, kasi nga napaka-hirap supilin, turuan, mapasunod ang ating sarili, lalo na kapag lagi nating naiisip yung mga ginawa ng taong kaaway mo.
Heto ang sitwasyon. Ginawa ko naman ang sinasabi na patawarin ang nagkasala, napopoot, nang-aalipusta sa akin at ako mismo ang lumapit upang humingi ng kapatawaran, kahit na sabihin hindi yun matatawag na kasalanan. Subalit ganon pa rin ang nangyari galit na galit sa tuwing makakarinig ng mga pangangatwiran mula sa akin. Ano ang aking gagawin lalapitan ko na naman siya para humingi ng kapatawaran? Hindi kaya subra na ang ganon? Oo alam ko ang sinasabi sa kasulatan. Ilan bang beses dapat patawarin ang isang kapatid o nagkasala sa iyo? Pitungpot Pitong beses mong patawarin ang nagkasala sa iyo, yun ang sinasabi. Wala na bang katapusan yun kapag lagi na lang ganon? Matuto kaya ang isang taong ganon ang pag-uugali?
Siguro ito ang pinaka mahirap gawin sa lahat ng mga ipinag-uutos ng ating Panginoong Hesus. Madaling sabihin, ituro, pero mahirap gawin sapagkat mahirap kalaban ang sariling pagkatao. Subalit yan yung tahasang ipinakita at itinuturo si Hesus sa atin bilang kanyang mga tinawag at taga-sunod.
1 komento:
kaya nga "kaaway" ang term na ginamit kasi nga aawayin mo sya, kasi kung hindi mo sya aawayin e'di hindi kaaway ang term, kundi "kaibigan"...
balik sa entry: totoo 'yon mahirap mahalin ang kaaway. mahirap magpatawad. subalit kasama ito sa mga iniwanang turo ni Kristo, at sya mismo ang nagsabi nito. dito siguro masusukat ang hangganan kung hanggang saan natin kayang sumunod kay Kristo.
at sa "sitwasyon" mo, siguro patuloy ka lang magpatawad (at sa pagpapatawad naroon ang paglimot), patuloy ka lang bumaba (ang bumababa ay itinataas diba), patuloy kang magmahal...at bilang taga-sunod ni Kristo ginagawa mo na ang part mo, at siguro sapat na 'yon, hayaan mong gawin ni Kristo ang part nya.
Mag-post ng isang Komento