Tingnan nga natin sa bagong kaisipang ito kung ano ang ating mapupulot na katutuhanang sinasabi mula sa banal na kasulatan tungkol dito. Kung isasalin natin ito sa wikang tagalog ito ay “to you” – “sa iyo” at ang “for you” – para sa iyo, may pagkaka-iba ba ang dalawang salitang ito. Ang saalitang “sa iyo” na ang ibig pakahulugan ay ang pagtukoy, pag-angkin, pag-aari, pangyayari o kaganapan (masama man o maganda) sa isang tao. Ang salitang “para sa iyo” na ang ibig pakahulugan ay pagtanggap ng isang bagay, pangyayari, o kaganapan ng isang pangyayari na may kaukulang layunin. Matapos nating Makita ang kahulugan ng dalawang salita masasabi nab a natin na may pagkaka-iba ang dalawang ito. Kung pagbabatayan natin ang kahulugan nito mula sa banal na kasulatan, makikita natin na ito ay may kanya-kanyang layunin o katangian. Heto ang ilan sa mga gamit nito na karaniwang nagagamit natin sa araw araw, bago natin silipin ang mga pangyayaring kaugnay dito.
TO YOU (SA IYO)
Sa iyo ang lupang ito
Dahil sa iyo nangyari ang lahat ng ito
Sa iyo nagmula ang lahat ng kasamaan
Dahil sa iyong ginawa natanggap mo ang mga bagay na di mo inaasahan
May dahilan kaya nangyari sa iyo ang lahat ng iyan
FOR YOU (PARA SA IYO)
Para sa iyo talaga ang mga pagpapalang ito
Para sa iyo ang lahat ng pagsubok na iyan, upang matuto ka
Para sa iyo ano ang masasabi mo sa nangyayari sa iyo.
Sa buong bibliya ang Diyos ay nangusap sa lahat ng tinawag, ginamit, pinagpala, pinahirapan, sinubok Niya ayon sa Kanyang LAYUNIN at plano. Tama sa lahat ng pagkakataon ang Diyos ay laging may layunin sa lahat ng pangyayari sa buong banal na kasulatan. O hanggang sa ngayon sa panahon natin lagging ganon ang kanyang pakay sa atin ang natatanging layunin. Ito man ay sa pagbibigay ng pagpapala, pag-subok, pangyayari at kaganapan. Marami ang mariringgan natin na nagsasabi ang sinisisi nila ay ang Diyos tulad ng “bakit ito nangyari sa akin (sa iyo)” Hindi kaya mas marapat nating gamitin ay ang salitang “nangyari kaya ito sa akin dahil ito ang para sa akin (para sa iyo)” kasi may layunin ang Diyos kaya nangyari ito.
Ang medyo nakaka-gulo dito sa ating pinag-uusapan ay ang sitwasyon na minsan magagamit din natin ang salitang ito sa iisang kahulugan. Tulad ng “dahil sa iyo o akin” nagamit ako o ikaw para magbago ka, samantalang pwede rin naman na “para sa iyo o akin” talaga ang mga ito kasi may layunin Siya sa akin. Tingnan nga natin sa Bibliya sa buhay at layunin kay Hudas Escariote. Marami ang nagsasabi na “dahil sa kanya” napako si Hesus, ibig sabihin sinisisi natin siya sa lahat ng nangyari kay Hesus. Kung hindi dahil sa kanya hindi Siya mahuhuli at mapapako sa krus. Ganon nga ba ang tunay na dahilan noon, hindi kaya yun talaga ang dapat mangyari kasi yun ang layunin ng Diyos “para sa atin o para sa iyo”. Subalit hindi makita ng iba ang talagang layunin ng Diyos, nais nilang ang layuning iyon ay maganap ayon sa isip ng tao hindi ng Diyos. Subalit napaka linaw ang sabi ng Diyos sa Isaias 55:11 – Ganyan din ang Aking salita. Magaganap nito ang lahat Kong nasa. Ganyan ang Diyos, kapag sinabi Niya ang isang bagay, pangyayari o sitwasyon, ito’y mangyayari kahit anumang paraan. Hindi Siya nakukuha sa palakasan, suhulan, o anumang kalalagayan ng pangyayari.
Malimit natin magamit ang “sa iyo o akin” sapagkat natural na ata sa tao ang ganong ugali na mahilig manisi, at magturo ng iba. Hindi natin nakikita ang ibig ipakahulugan ng isang pangyayari, ng isang sitwasyon sa ating buhay. Agad tayong nagbibigay n gating saloobin, nararamdaman sa mga nangyayari sa atin. Nakakalimutan natin na may Diyos na siyang nakaka-alam, nakakakita, nagkokontrol sa buhay natin. Nakalimutan natin ang mahalagang sangkap ng buhay na ibinigay sa atin ng Diyos, yun ang natatangin layunin Niya sa ating buhay. Naaalala ko ang isang sitas sa Efeso 1: 5 Tayo’y Kanyang itinalaga noong pang una upang maging mga anak Niya sa pamamagitan ni Hesus. Iyan ang Kanyang layunin at kalooban. Natatandaan ba ninyo sa halamanan ng Eden doon matapos sabihin ng Diyos kay Adan na kinain niya ang pinagbabawal na bunga ng kahoy ay nanisi pa si Adan at itinuro ay si Eva. Diba malinaw na talagang magaganap yung kasalanang kanilang ginawa sapagkat may natatanging “layunin” ang Diyos para sa Kanyang mga nilikha. Ano yun? Ang isugo ang Kanyang bugtong na Anak na si Hesus para sa ikaliligtas ng mga nilikha.
Kaya ngayon masasabi na ba natin na huwag nating sisihin ang ating sarili, ibang tao o sinuman sa mga nangyayari, sapagkat baka ito ay nagaganap dahil ito ay “para sa iyo” upang ipakita ng Diyos ang Kanyang kapangyarihan, pag-ibig at kapahayagan. Lagi Niyang sinasabi na “humayo kayo at wag ng magkasala”. Eh kung ganon pwede ba nating sisihin ang Diyos sa mga nangyayari sa atin? Hindi, sapagkat ginagawa niya yan sa iyo dahil para matuto ka, magbalik ka sa Kanya at matuwid ka ng landas.
Tandaan ninyo ang lahat ng pangyayari dito sa daigdig ay kontrolado ng Diyos ito man ay masama at mabuti dahil sa Kanyang natatanging LAYUNIN sa tao.. Isaias 45:6-7 Ginawa Ko ito upang Ako ay makilala ng buong daigdig. Na makilala nila Ako si Yahweh. Ako lamang ang Diyos at wala nang iba. Ako ang lumikha ng dilim at liwanag. Ako ang nagpapadala ng kaginhawaan at kapahamakan. Akong si Yahweh ang gumagawa ng lahat ng ito.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento