Sa mapapadaan, makakapabasa at mamumuna ipinapauna ko po sa inyo ang kaisipang ito ay batay sa mga nakalap na kaisipan, kapahayagan, nabasa at paniniwala sa makabagong pamayanan. Wala pong kinalaman ang gumawa nito sapagkat ako po ay taga-sulat lamang ng kaisipan o pitak na ito ayon sa aking pagka-unawa. Kung may kulang po o lumabis kayo na lang po ang bahalang umintindi. Wala pong kinalaman ang aking kasalukuyang paniniwala binigyan ko lang ng pagkakataon na isalarawan ang lahat ng mga kaalaman na nakarating sa akin.
Ang doktrina ng pagiging tatlong ng Diyos ay isang karaniwang kaalaman at paniniwala ng mga Kristiyano at ito ay kanilang tinatanggap ng buong puso. Hindi na kinakailangan pa ang mahabang kapaliwanagan o pagsusuri kung ito ba ay matatangpuan sa banal na kasulatan ko hindi. Ang paniniwalang ito ay nagpasalin-salin na sa ibat-ibang panahon at ibat-ibang henerasyon. Kapag ang pinag-uusapan ay pagiging tatlong persona ng Diyos lahat ng mga Kristiyano na naniniwala dito ay sumusunod sa mga ilahad ng mga eskolar na sumulat ng mga salin sa bibliya. Ang ating pinag-uusapan ditto ay ang pagiging tatlo persona ng Diyos ang:
Diyos AMA
Banal na Espiritu
Diyos Anak (Hesus)
Marami ang sumasalungat sa ganyang paniniwala, kasi naniniwala sila na ang Diyos ay iisa at ayon sa kanila kapag ang Diyos ay may tatlong persona ito’y lumalabag sa maraming kapahayagan at walang makikitang sitas sa bibliya. Ang mga sumusunod ang kanilang pinanghahawakang paniniwala na:
Walang sinasabi o mababasa sa bibliya na ang Diyos ay tinawag na tatlong person o Triune God.
Ang salitang trinity ay hindi ginamit o pinatungkol sa kung Sino o Ano ang Diyos
Ang Diyos ay hindi inihalintulad sa “a person” o “isang tao”
Ang Banal na Espiritu ay hindi nabanggit sa bibliya na isang Diyos
Alam na si Kristo ay Anak, Siya’y hindi maaring maging Diyos Ama o kapantay ng Kanyang Ama.
Bakit? Sinasabi sa Juan 14:28 – Sinabi ko na sa inyo, Ako’y aalis, ngunit babalik ako. Kung ini-ibig ninyo Ako, ikagagalak ninyo ang pagpunta ko sa Ama, sapakat dakila ang Ama kaysa Akin. Protesta nila na ang banal na espiritu ay hindi tinawag na Diyos sa bibliya, ang Diyos ay hindi tinawag na tatlo. Subalit ang doktrinang ito ang pinaniniwalaan ng milyon milyong Kristiyano. Pero ano ba ang kahulugan ng salitang “trinity” sa diksyonaryo? Sa Hastings Dictionary sinasabi na ang Trinity – the Christian doctrine of God as existing in three persons and one substance is not demonstrable logic or scriptural proof. Kung titingnan natin sa kahulugan nito ang Diyos ay hindi inihalintulad sa isang “substance” sapagkat ang Diyos ay espiritu. Juan 4:24 – Ang Diyos ay espiritu, kaya Siya’y dapat sambahin sa espiritu at sa katutuhanan. Ibig sabihin hindi Siya dapat ihalintulad sa isang substance sapagkat Siya’y espiritu.
Paano ito nabuo ng mga eskolar ang pagiging tatlong persona ng Diyos, ayon sa kanila ito’y nagmula sa kahulugan ng salitang “triune” to mean three in one. This means that God, a singular being, exist in a plural manner… Sa Hebreo ang pangalan ng Diyos ay “ELOHIM” na matatagpuan sa lahat ng naunang kasulatan. Ang salitang Elohim na ang ibig sabihin ay three in one – ito’y binigyan ng kahulugan ng ibat-ibang sumulat kasama ang Noah Webster na nagbigay din ng kahulagan ng triune ay three in one. Subalit tingnan natin kung ano talaga ang tunay na pakahulugan ng salitang ELOHIM (Eloheem) sa Hebreo – is the plural form of ELOWAH (Eloah) which answer to “The Deity” at Theos – na ibig sabihin PLACER (God), literally DISPOSER or ARBITER. At kung ibig ng iba na makita kung tama itong sinasabi hanapin ninyo sa ibat-ibang diksyonaryo ang salitang ating pinag-uusapan.
Meron naman depensa ang iba na nasa bibliya raw ang pagiging tatlong persona ng Diyos at matatagpuan daw sa 1 Juan 5:7. Tingnan nga natin ang sitas na ito sa ibat-ibang salin ng bibliya para Makita natin kung tama nga ang kanilang sinasabi.
The Concordant Literal New Testament – 1 John 5:7 - …seeing that three there are that are testifying, the spirit, and the water and the blood, and the three are for the one thing.
A New Translation by James Moffatt – 1 John 5:7 – The witnesses are three, the Spirit, and the water and the blood, and the three of them are in accord.
The Emphatic Diaglott – 1 John 5:7 – For there are three which testify; the Spirit, and the water, and the blood; and the three are of one.
Sa itaas ang ilang salin patungkol sa ating pinag-uusapan. At heto naman sa ibaba ang ilan sa salin na makikita ditto ang ganitong Footnote – These text concerning witnesses is not contained in ANY Greek manuscript which was written earlier than the 15th century. It is not cited by ANY of the Greek ecclesiastical writers nor by ANY of the early Latin fathers..
KJV - 1 John 5:7 – For there are three that bear record in heaven, the Father, the Word, and the Holy Ghost: and these three are one.
The Holy Bible – New Catholic Version – 1 John 5:7 – For there are three that bear witness (in heaven: the Father, the Word, and the Holy Spirit, and these three are one. And there are three that bear witness on earth): the Spirit, and the water, and the blood, these three are one.
Ngayong nakita natin ang mga kapahayagan sa itaas masasabi nab a nating mabubuo na ang bagong pagkilala sa Diyos. Wala pong layun ang kaisipang ito bagkus ang layon po nito ay ihayag lamang kung ano ang maaari nating mapulot na mabuti at katutuhanan dito. Hindi po nanghihikayat ito bagkus ay humihingi sa inyo na samahan ako sa pagtuklas pa para sa kaisipang ito. Alam kop o na ang bibliya ay sagana sa kapahayagan at katutuhanang maaari nating i-ugnay sa usaping ito.
Itutuloy…..
Lunes, Mayo 12, 2008
Trinity!!!
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento