Biyernes, Mayo 23, 2008

Slain in Spirit!!

Sa makabagong mundo natin ngayon kung ano yung “in” sa anumang bagay yun ang sinusunod kahit na ng mga mananampalataya ni Hesus. Halimbawa ang “in” ngayon ay kulot ang buhok, kalbo, maikli, nakamaigsi ng damit tiyak sabi nga mabilis pa sa alas kwatro laganap at patok agad yun sa masa. Ano kayang kapangyarihan meron ang “uso” bakit napakadaling gawin ng marami? Pero kapag patungkol sa kasulatan o salita ng Diyos marami ang sumasalungat dito, marami ang mga palusot. Eh ano naman sa iyo yun, wala naman kaming ginagawang masama at walang nilalabag na alituntunin. Matagal kong ini-isip at tinatanong ang sarili ko, paano ko kaya sisimulan ang bagong kaisipang ito samantalang matagal na itong sinusunod, ginagawa, at naging panuntunan na ng nakaparaming iglesya ni Hesus. Sabi nga mahirap ng pabulaanan sapagkat napakaraming mong makakalaban. Halos lahat ng denominasyon ng Iglesya ni Hesus ay kasama ito sa kanilang mga aral. Pero tanungin mo naman sila kung ito ay makikita sa kasulatan, wala namang maipakita, meron man taliwas sa kanilang sinasabi, bagkus ang kanilang katwiran eh bakit si ganon sa TV, sa America at iba pang walang katapusang palusot.

Di ko pa naman masasabi na nabasa ko na ang buong kasulatan subalit wala akong nabasa o nabanggit man lang ang patungkol sa “slain in spirit”. Totoo ba ito o isa na namang gawa gawa o doktrina ng mga Iglesya. Kung babalangkasin natin ang salitang “slain” o sa wikang tagalog ito ata yung “patay” o pinatay, pinatumba, bumagsak ng wala sa sarili. Yung “spirit” alam na natin yan. Ayon sa aking Dakes Annotated Bible Concordance ang salitang “slain” ay makikita sa mga sitas na Genesis 4:8 and 23, Job 1:15-17, Proverbs 7:26, Luke 9:22 at Ephesians 2:16, etc… ibig sabihin marami pa. Sinubukan kong tingnan ang isa sa mga nasa itaas yung Ephesians 2:16 and that he might reconcile both unto God in one body by the cross, having slain the enmity thereby. Wala hindi pwede itong i-ugnay sa ating pinag-uusapan kasi tungkol ito sa kamatayan ni Hesus ng tayo ay nakipag-isa sa Kanya. Ang ating pinag-uusapan ay yung nakikita natin na “natutumba o bumabagsak patalikod” kapag napatungan, hinipan, nadaan ng kamay ng mga nag-sasalita. Kung yung tungkol naman sa Genesis 4:8 sigurado ko hindi yun kasi tungkol yun sa pagkapatay ni Cain kay Abel. Kahit sa mga bible dictionary wala akong nabasa na kahulugan ng “slain in spirit”.

Tingnan natin sa kalakaran ng mundo ngayon, marami ang mananampalataya ni Hesus na taliwas ang kanilang paniniwala, kasi naman mas naniniwala sila sa kanilang nakikita, napapanood, naririnig sa radio, tv, internet at sa mga pagtitipon, ang katwiran nila mga lingkod ng Diyos yun. Lalo na yung mga tinatawag na sikat na lingkod ng Diyos. Maaari ba natin silang husgahan eh salita ng Diyos ang kanilang dala at nakikita ang kanilang mga bunga, anong bunga ang ibig nilang sabihin? – ang napakaraming taga-sunod, naniniwala. Pero heto ang tanong wala kaya silang nilalabag na sitas sa kasulatan o nagagawa nila yun dahil Hosea 4:6 My people are destroyed for lack of knowledge: because thou hast rejected knowledge, I will also reject thee, that thou shall be no priest to me; seeing thou hast forgotten the law of thy God, I will also forget they children. Kung titingnan natin wala talagang sitas sa kasulatan na maaaring i-ugnay sa ating pinag-uusapan ang “slain in spirit”.

Meron isang tagpo sa kasulatan kay Apostol Pablo ng papunta siya sa Damasco para tuligsahin ang mga alagad ni Hesus. Sa daan nagpakita ang espiritu ni Hesus sa kanya at siya ay napasubasob. Pansinin ninyo na napasubasob hindi patihaya ang bagsak tulad ng makikita natin sa ngayon. Ito raw yung katunayan na puspos ng Banal na Espiritu ang isang nagpatung ng kamay. Pero meron din naman na nakakaranas na itinutulak ang ulo kaya bumabagsak, meron naman na nakikisama na lang kasi raw nakakahiya kung hindi siya babagsak. Napakarami sa ngayon na kung pagmamasdan natin ay kakatwa ang mga ginagawa at walang batayan o sitas na matatagpuan sa kasulatan. Subalit napakarami ng gumagawa. Alin ba ang ating susundin yung kung ano ang nakasulat o yung mga gawang aral lamang ng mga taong ina-angkin na siya ay puspos ng espiritu ng Diyos. Ako po’y hihingi ng paumanhin sa sinuman na makapagbibigay sa akin ng sitas sa kasulatan na nag-sasabi patungkol dito sa ating pinag-uusapan. Iniisip ko po ngayon na isa na naman itong doktrina ng tao hindi ng Diyos. Sapagkat kung sa Diyos ito makikita natin na nakasulat sa kasulatan. Ang nakakalungkot lang nga po yung nakasulat na ipinagagawa ng Diyos yun pa ang hindi natin magawa, at minsan kinakaligtaan pa.

Ako po ay tahasang sumasalungat sa ganitong aral na wala sa kasulatan. At heto pa, kapag nagbabagsakan na ang mga pinatungan, hinipan ng taga-pagsalita ang kasunod noon ay ang “speaking in tongues”. Kayo ano ang kaisipan ninyo sa mga ganitong aral totoo ba ito o gawa lang ng tao? Hayaan ninyo sa sunod na kaisipan tatalakayin ko naman ang nabanggit ko sa itaas na “speaking in tongues”. Ito ay binabanggit at mababasa natin sa kasulatan, pero ano ang sa tingin natin ay labag sa nasusulat. Tandaan natin idaragdag ng Diyos ang mga salot ng aklat na ito sa sinumang magdaragdag at magbabawas sa anumang nakasulat dito. At heto pa po, sabi sa kasulatan “huwag kayong susubra o lalabis sa anumang nakasulat sa aklat na ito.

Kung kailangan po ninyo ng karagdagang kapaliwanagan o naghahanap kayo ng salita ng Diyos na pwede ninyo gawing pagkain ng espiritu sa araw-araw, bukas po ang aking
http://explanation-ko.blogspot.com . Ito po ay mga kapaliwanagan ng tao na naka-ugnay sa salita ng Diyos na angkop sa ating mga buhay.

God bless you…. Abangannnnnnn.

Walang komento: