Sabado, Mayo 17, 2008

Women Role in the Church!!!

1 Corinthians 11:3 – Now I want you to be aware that the HEAD of every man is Christ, yet the HEAD of the woman is the man, yet the HEAD of Christ is GOD.

Meron bang kaugnayan ang sitas sa itaas sa ating kaisipan ngayon? Sa tingin ko malaki ang kaugnayan nito sa ating tatalakayin, sapagkat may kontrobersyal ang mga babae sa loob ng sambahan o kongregasyon, iglesia. Ano nga ba ang maaring katatayuan ng mga babae sa loob ng iglesia? Bakit may mga sitas sa kasulatan na nagsasabi na manahimik ang mga babae sa loob? Kaisipan lang ba yun ni Apostol Pablo o maybatayan siya kung bakit ito ipinagbawal na magsalita o mamahala sa mga lalaki at sa kongregasyon. Sinasabi sa itaas na sitas ang namumuno sa mga lalaki ay si Kristo, sa mga babae naman ang dapat mamuno ay mga lalaki. Bakit kaya? Ayaw ba ni Kristo sa mga babae, kaya Niya nasabi yun o may kinalaman ang kaugalian, katayuan at kakayan ng mga babae. Ano ang ibig iparating sa ating ng bagay na ito?

1 Corinto 14:33-35 – Gaya ng dapat mangyari sa lahat ng iglesya ng Diyos. Ang mga babae’y kailangang tumahimik sa mga pagtitipon sa iglesya. Sapagkat hindi ipinahihintulot sa kanila ang magsalita sa gayong pagkakatipon; kailangang sila’y pasakop gaya ng sinabi ng Kasulatan. Kung mayroon silang nais malaman, magtanong sila sa kanilang asawa pagdating sa bahay; sapagkat kahiya-hiyang magsalita ang isang babae sa loob ng iglesya.

Alam ko na marami ang sumasalungat sa mga pahayag na yun ni Apostol Pablo, lalo na sa ngayon na marami na ang mga babae na ginagamit sa mga malalaking kongregasyon. Kung pagtutuunan natin ng pansin ang mga nakasulat sa kasulatan kahit pa noong Lumang Tipan pa ang mga babae ay hindi tahasang nabibilang sa anumang kapulungan o anumang samahang pang-simbahan. Ang kaugaliang yaon nadala hanggang sa panahon ng ating Panginoong Hesus. Hindi naman masasabi na walang silbi ang mga babae subalit kung sa biglang pag-aakala ay ganon ang maiisip. Tulad na lang ng si Hesus ay magpakain ng 5000, bakit kaya hindi isinama sa bilang ang mga babae? O ito ay nangyari lang kasi hindi na isinama ng sumulat ng pangyayaring yaon, o kaugnay pa rin ito sa kaugalian. Ano ba ang pinanghahawakan ng mga sumasalungat sa ganitong kapahayagan na ang mga babae ay dapat manahimik na lamang sa loob ng kongregasyon. O talaga namang dapat na manahimik na lang ang mga babae. Kahit ngayong makabagong panahon na, ang tanong ay bakit? Sino ang tama?

Pero sabi nila maraming lingkod ng Panginoon na ginagamit, nagpapagamit at meron pa ngang mas marami at malaki ang korgregasyon kaysa sa mga lalaki. Meron akong narinig sa isang seminar na hindi daw dapat pagbawalan ang mga babae na makapagsalita, mamuno, manguna sa mga lalaki sa kongregasyon sapagkat pantay pantay lamang ang lalake at babae sa harap ng Diyos. At kung ano ang nagagawa ng lalake ay magagawa na rin ng mga babae, naroon na ako kaya lang baka meron lang nilalabag na sitas sa kasulatan ang ideyang yun. Kayo, sumasang-ayon ba kayo na manahimik na lang ang mga babae sa loob ng iglesya o hayaan na lang na magkaroon ng paligsahan ang dalawa kasarian, baka kung sagayon mas marami pang marahuyo na manumbalik sa Diyos. Ano sa palagay nyo?

Siguro sa pananaw ni Apostol Pablo ang mga babae ay di dapat makihalo sa pag-uusap ng mga lalake sa iglesya upang hindi maging pangit tingnan na parang walang kabuluhan ang mga lalaki, tulad ng ating unang sitas na dapat magpasakop ang mga babae sa mga lalaki. Subalit tayo ay binigyan ng kaalamang magpasya ng mabuti at masama – kung sa paglilingkod sa Diyos mas magandang tingnan na ang mga babae ay mamuno na lang sa mga kapwa babae upang maiwasan ang pag labag sa kasulatan. Ito man ay kaugalian ng mga tao noong panahong yaon, subalit nasulat at ipina-aalam sa atin ito. Ayaw ko nang sabihin na ang mga babae noon ay mga masisitsit ayon sa kasulatan, pero ang tanong ko naman nagbago naba ito sa ngayon o katulad pa rin ng dati o mas malubha ngayon. Minsan nga nagiging metsa pa ito ng pag-aaway ng mga lalaki sa mga samahan diba.
Paanyaya:
Ang may nais na makabasa ng ibat-ibang sitas ng kasulatan ayon sa mga kaganapan sa buhay maaaring bumisita
http://expalanation-ko.blogspot.com o click mo lang ang link na ito at dadalhin ka sa sinasabi ko….
God bless you…

Walang komento: