Gawa 2:4-8 – At silang lahat ay napuspos ng Santong Espiritu at nagsalita ng ibat-ibang wika, ayon sa ipinagkaloob sa kanila ng Espiritu. May mga Judiong buhat sa iba’t ibang bansa, ang mga taong palasamba sa Diyos. Nang marinig ang ugong na ito, nagdatingan ang maraming tao. Namangha sila sapagkat sinasalita ng mga alaagad ang mga wika nila. Sa kanilang pagtataka ay kanilang nasabi, “Hindi ba Galileo silang lahat? Bakit ang atin-ating katutubong wika ang naririnig natin sa kanila?
Ito ang unang makikita natin na nabanggit ang pagsasalita ng ibat-ibang wika, pero pansinin ninyo “sinasalita ng mga alagad ang mga wika nila”. Ibig sabihin na alam ba ng alagad na magsalita ng wika ng ibang bansa o bayan tulad ng Partia, Elam at iba pang lugar doon na iba ang wika kaysa sa mga alagad na Judio. HINDI, Wala silang alam sa anumang ibang wika maliban sa kanilang wika, subalit bakit ito nangyari – ng sumakanila ang Espiritu nakapagsalita sila ng iba’t ibang wika. Ano ang pagkakaiba nito sa kasalukuyang kaganapan sa mga iglesya ni Hesus, ganito bang iba’t ibang wika o naiiba sila, sapagkat kung susuriin mo iisang kataga, tunog, at di mawaring wika ang maririnig mo sa mga taong ito parang ganito (abra katabra, sakatum bra tat a a). Ito raw ang sinasabing napuspos sila ng Santong Espiritu. Isa pang mapapansin mo sa pagsasalita ng ibang wika noon na sinasalita ng mga alagad ang wika ng Diyos ayon sa Espiritu sa salitang Judio subalit dumarating sa mga pandinig ng mga tao ayon sa wika nila at ito ay nauunawaan kung kaya namangha ang mga naroroon. Subalit ngayon kapag narinig mo na may nagsalita nito hindi mo na mauunawaan, hindi pa maganda sa mga bagong makakarinig.
Pero bakit walang maglakas loob na kausapin, sansalain ang mga ganitong ginagawa kung sa tingin ng iba ay hindi na nagdudulot ng kaayusan sa iglesya. Ang maririnig nating mga sagot nila ay sapagkat nahihiya sila sa mga nagsasalita nila kasi lingkod ng Diyos yun at itinuturing na nakikipag-usap ito sa Diyos. Oo nga naman. Subalit tandaan natin na si Apostol Pablo ang nagpahayag na pakanasahin natin ay ang makapagpahayag ng salita ng Diyos. 1 Corinto 14:2- Ang nagsasalita sa ibang wika ay sa Diyos nakikipag-usap, hindi sa tao, sapagkat walang nakauunawa sa kanya; gayunman, nagsasalita siya ng mga hiwaga sa tulong ng Espiritu Santo. Yun pala naman ang pagsasalita sa ibang wika ay sa Diyos nakikipag-usap, pero ito ang tanong. Kung ganon bakit sa loob pa ng iglesya yun nangyari na makapagdudulot ng kaguluhan o pagtatanong sa nakararami na hindi naiitindihan ang tungkol doon. Kaya sabi naman ulit ni Apostol Pablo na kung magsasalita kayo ng iba’t ibang wika kailangan may magpaliwanag nito upang maintindihan ng mga makakarinig. Sabi niya sa talata 10- Maraming iba’t ibang wika sa daigdig, at bawat isa’y may kahulugan. Nakuha ninyo maraming wika sa daigdig at lahat ay may kahulugan pero sa ngayon wala nakababatid kung anong kahulugan ng nga salitang maririnig natin sa mga nag “speaking in tongues” sa ngayon. At ito pa, sabi ni Pablo kailangan may magpaliwanag o magsalin ng wikang yun. Sabi naman nila meron naman nagsasalin, sino, eh di yung nagsalita rin ng ibang wika. Pwede bay un at nabanggit ba na pwede yun? Tingnan nga natin sa talatang 13- Dahil dito kailangang ipanalangin ng nagsasalita sa ibang wika na bigyan din siya ng kaloob na makapagpaliwanag nito. Yun pwede naman pala na siya rin ang mag paliwanag ng mga sinabi niya upang maunawaan ng mga nakikinig kung ano ang sinalita niya.
Pero kung hindi siya tiyak na may magpapaliwanag ano ang dapat gawin ng nagsasalita nito. Sa talatang 28- Ngunit kung walang magpapaliwanag, manahimik na lamang ang bawat isa at makipag-usap nang sarilinan sa Diyos. Ganon pala naman kung walang magpapaliwanag, eh wag pilitin na ipaliwanag upang makita lamang na puspos kunwari sila ng Espiritu ng Diyos. Bakit nasabi ni Pablo ang ganon, sapagkat alam ni Pablo na ito ang makabubuti sa iglesya, at alam niya na ang Diyos ay diyos ng kaayusan hindi kaguluhan, kanatungan at pag-aalilangan.
Nabanggit natin na ang pagsasalita ng ibang wika ay sa Diyos nakikipag-usap, ibig sabihin na ito ay pansarili lamang, hindi makabubuti sa iba. Kung kaya nasabi ni Pablo na kung kapahayagan ng Diyos ang kanilang tinanggap dapat ang tumanggap ay tumayo at salitain ito sapagkat makabubuti ito sa iglesya. Marami ang nagsasabi na ang pagsasalita daw ng ibang wika ay nagaganap para hindi malaman o maunawaan ni Satanas kung ano ang sinasabi ng isang nagsasalita. Meron ba noon sa kasulatan o ito ay dahilan na lamang nila, sapagkat kung ikaw ay dinatnan ng Espiritu ng Diyos walang karapatan at kapangyarihan si Satanas sa iyo sapagkat makapangyarihan ang espiritu na nasa iyo. Ang nakakalungkot din ngayon ay waring lahat ng mga gumagawa nito ay lumalabag lahat sa kung anong nakasulat sa kasulatan. Dalangin ko na nawa mali ako kaysa sa aking nasabi o nakikita sa ngayon, sapagkat kung tama ako sa aking kaisipang ito marami sa ngayon ang nabubulagan sa mga pinaggagawa nila.
Bakit nangyayari ang mga ganitong kaganapan sa mga iglesya? Masasabi natin na ito’y nakikita, ginagaya sa mga lingkod ng Diyos sa ngayon. Sino ang ating dapat sisihin dito yung mga taong gumagawa o yung mga taong gumagaya at hindi nagsasaliksik kung ano talaga yung totoong sinasabi sa kasulatan. Hindi ko sinasabi na laban ako sa mga nagsasalita ng ibang wika, sapagkat ito ay makikita sa kasulatan at alam ko magaganap o nagaganap ito. Ang tahasang pinasusubalian ko lamang ay ang paggawa ng iba na taliwas sa kung ano ang nakasulat sa kasulatan.
Nais ko rin po na makapag-salita ng ibang wika sa totoong kapamaraanan na mauunawan ng mga makikinig tulad ng nangyari sa mga alagad sa panahon ng pentekostal. Sa mga karagdagang kaalaman, kapaliwanagan at tulong patungkol sa salita ng Diyos, subukan po ninyong bisitahin ang aking http://explanation-ko.blogspot.com o click nyo lang ang link na yan at dadalhin kayo sa sinasabi ko.
God bless you…..