Miyerkules, Abril 9, 2008

Ang Pasimula (Ikatlong Yugto)


Siguro nakukulitan na kayo sa aking ginagawang walang katuturang layuning ito subalit kung pag-aaralan at lilimiin ninyo ang bawat yugto ng kaisipang ito, meron kayong mapupulot na bagay na makatutulong sa inyong buhay mananampalataya. Hayaan ninyo na isa-isahin ko ang mga natutunan ko mula ng matuto akong magbasa, tumuklas ng mga bagay na tungkol sa pinag-mulan ng Diyos, unang mga tao na kasama na rito ang ilang mga kaisipan patungkol sa pinag-mulan ng daigdig na ito. Subalit tandaan ninyo na hindi yun ang ating pinag-uusapan dito, kundi kung sino ang tama sa dalawang kaisipan patungkol sa pinagmulan ng kasalanan? Sa una at sa ikalawang yugto may mga bagay na akong natalakay patungkol dito, subalit nananatili pa ring may naiiwang katanungan na subukan nating tuklasin ang mga kasagutan upang hindi manatiling katanungan ang layunin nito.

Nabanggit natin sa mga nakaraang pahina na si Adan at Eva ay inilagay ng Diyos sa halamanan ng Eden at mula doon ay natala sa bibliya na si Eva ay natukso sa ipinagbabawal na punong kahoy. Ang tanong - sino ang naglagay ng punong kahoy sa gitna ng halamanan? Bakit inilagay ito sa halamanan? Bakit naging maganda sa paningin ng lalake at babae ang punong ito? Ilan lang ito sa mga katanungan laging kumikintal sa isang nilikha ng Diyos. Ang unang tanong SINO – may sumasagot ng ganito ang Diyos at meron namang nasasabing kagagawan ito ng demonyo sa layuning gamitin nga sa pag-tukso sa unang tao. Subalit masasabi nating tama ang una na ang Diyos ang naglagay nito sa gitna ng halamanan. Pero paano naman ang tanong na BAKIT – may nagsasabi na gagamitin ito upang subukin ang unang mga tao sa pagsunod sa Diyos, may iba nag sasabi na ang tao ay may sariling kalayaang pumili ng anumang magustuhan. Pero, bakit di na lang sinabi ng Diyos na wag ninyong kanin yan sapagkat ayaw ko kayong subukan kasi mahal ko kayo at nasisiyahan ako sa pag-kalikha sa inyo. Subalit natala sa bibliya na nalungkot at nagsisi ang Diyos sa pagkalikha sa tao kasi naging makasalan ang lahat, walang nakarating sa kaluwalhatian ng Diyos.

Kayo na nakabasa nito may mga kaisipan at katanungan kayo na nanatiling katanungan sa inyong isip – pero isa lang ang masasabi ko patuloy ninyong tuklasin sa kanyang salita ang hiwagang nakabalot sa ating katanungan – Sino ba ang tama?

Itutuloy….

1 komento:

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

umareba ka sa iyong sinimulan