Martes, Abril 15, 2008

Ang Mayaman at si Lazaro (Ika-apat na Yugto)

Sa ating nakaraang pag-uusap natuklasan natin ang ating hinahanap kung sino ang tinatawag na mayaman at lumabas sa ating paghahanap na si Judah ang tinutukoy ayon sa mga inilahad na paglalarawan mula sa banal na kasulatan. Subalit nananatili pa rin ang katanungan kung ito bang katutuhanan ay tatanggapin ng mga makababasa nito? Matapos nating alisan ng talukbong ang mayaman at lumabas ang tunay na pagkatao niya, narito ang isa pang tauhan sa ating kasaysayan na kailangang makilala ng mga mambabasa at mga nagnanais na malaman ang katutuhanan – kung ito nga ba ay talinghaga o isang kasaysayan lamang.

Sino ba talaga si Lazaro? Meron ba siyang inilalarawan sa ating kaisipan? Tulad ng mga nagsasabi na hindi ito talinghaga sapagkat may pangalan ng tao o pangalan ang tauhan. Ngayon ay matutunghayan ninyo ang paglalahad o pag-aalis ng talukbong kay Lazaro. Sa talatang 22 makikita natin na - dinala ng anghel si Lazaro sa piling ni Abraham (bossom of Abraham) – unang tanong nasaan ba si Abraham sa sanaysay na ito? alam ko ang sagot ninyo nasa langit. Subalit tandaan ninyo na may sinabi na ako noong nakaraan na hindi kapani-paniwala na si Abraham ay nasa langit, bakit? Sapagkat si Abraham ay hindi unang bunga ng pagka-buhay na muli, ang ating Panginoong Hesus pa lamang ang unang bunga ng pagka-buhay at yan ay ipinakita ko ang sagot mula sa bibliya. Ayon sa kasulatan at sa mga turo ni Pablo ang mga namatay na, mamamatay palang ay mapupunta sa isang lugar at doon sila'y mga tulog, ibig sabihin si Abraham ay tulog pa hanggang sa ngayon. Kung ganon kailan sila bubuhaying muli? Ayon sa banal na kasulatan bubuhayin muli ang mga patay (tulog) sa muling pagbabalik ni Hesus, nakuha ninyo - kung hindi hanapin na lang ninyo ang sagot sa bibliya lagi na lang ba ako...

Pero paano nangyari ito samantalang sinabi sa bibliya na dinala ng mga anghel si Lazaro sa piling ni Abraham. Bigyan natin ng mabuting paglalarawan ito “sa piling ni Abraham” – ibig ipahiwatig nito malapit, kasama, laging kasama, kasambahay ni Abraham. Tulad ng ating Panginoong Hesus, Siya’y masyadong malapit sa piling ng Kanyang Ama (Juan 1:18). Ganundin si Juan na malapit sa puso ni Hesus (Juan 13:23). Ibig sabihin si Judah ay hindi malapit sa piling ni Abraham subalit si Lazaro ay malapit o kasama at nasa piling ni Abraham – sino siya?

Ngunit sinabi ni Abram. Yahweh ano pang gantipala ang ibibigay mo sa akin? Wala naman akong anak! Wala akong tagapagmana kundi si Elieser na taga-Damascus. Hindi mo ako pinag-kalooban ng anak, kaya isa kong alipin ang magmamana ang aking mga ari-arian (Genesis 15:2-3). Subalit kung babasahin ninyo ang Genesis 13 ipinangako na ng Diyos kay Abraham na magmamana at magkakaroon ng mga kayamanan ang kanyang mga magiging anak, pero wala siyang anak, paano yun?

Si Elieser ay tapat na katiwala ni Abraham na mula sa Damascus ibig sabihin isa siyang Hentil or Gentiles (aso or dog – kung ituring, kilalanin ng mga Hudyo). Siya ay magiging mayaman kapag nangyari ang ganon kung ibibigay ni Abraham ang kanyang mga ari-arian sa kanya. Nabigay ba sa kanya? Parang hindi eh.. Kung titingnan nga natin ang kasaysayan ni Elieser walang nabanggit na kayamanang ibinigay ang Diyos sa kanya samantalang sinabi ni Abraham na itinuturing niyang tagapagmana ito. Nakita ninyo na si Elieser ay isang Hentil, ibig sabihin siya ay "aso" (dogs) na naghihintay lamang sa “mumo” malalaglag sa dulang ng mayaman. Bakit naman aso ang turing nila, pakibasa na lang sa (Marcos 6:27-29).

Wala ba kayong napapansin na parang nawala na ang talukbong kay Lazaro at lumalabas na siya si Elieser ang matapat na katiwala ni Abraham. Lazaro ay si Eliezer. Noong nakaraan din nasabi natin na ang ibig sabihin ng pangalang Lazaro ay (helpless) sa tagalong ata ito ay “kaawa-awa” subalit may nakita akong isang bagay na magpapatotoo na ang pangalang Lazaro at Eliezer ay iisa. Sapagkat yung Hebreo ng Lazaro ay Elazar or Eleizer galing sa EL (God) at AZAR (Help). Wow ang galing diba? Kung alam lang ni Lazaro ang ibig sabihin ng kanyang pangalan sa Hebreo matatanto niya na ang pagpapala ay nalalapit na sa kanya.

Ngayong nalaman na natin kung sino talaga si Lazaro maron pa tayong tutuklasin sapagkat mga tauhan palang ang ating naiipakilala, marami pang mga bagay ang kailangang masagot upang mawala ng lubusan ang mga tanong patungkol dito na kung ito ba ay “talinghaga o kasaysayan”. Sino ang tama?

Itutuloy

2 komento:

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

THIs IS A SONG,


Sa nga buumbuo sa mga tumitindi pa lalo sa umiinit na samahang kapuso!!!


ellis.

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Ngayong nalaman na natin kung sino talaga si Lazaro maron pa tayong tutuklasin sapagkat mga tauhan palang ang ating naiipakilala, marami pang mga bagay ang kailangang masagot upang mawala ng lubusan ang mga tanong patungkol dito na kung ito ba ay “talinghaga o kasaysayan”. Sino ang tama?