Sabado, Abril 12, 2008

Parable (Talinghaga)


Sa buhay ng tao marami ang mga pangyayari na binibigyan ng ibat-ibang kahulugan ayon sa kalagayan, antas, pananampalataya ng isang tao. Sa pasimula pa ng kasaysayan ng tao nagpalipat-lipat ang ibat-ibang kaugalian, kasaysayan, paniniwala mula sa bibig ng kanilang mga ninuno naroon ang mga kasabihan, bugtong, paniniwala, kaugalian. Dahil dito makikila ang ibat-ibang tao. Bakit ko nasabi ito sapagkat ang bagong kaisipan na ating tatalakayin ay tungkol sa mga natalang naging tatak ng ating Panginoong Hesus mula ng simulan ang kaniyang ministeryo - ano itong sinasabi kong naging tatak Niya. Ito yung "talinghaga" na sinasabing lahat ng mga pagpapahayag Niya sa harap ng mga kalipunan ng tao ay nagsasalita Siya sa pamamagitan ng talinghaga. Naniniwala ba kayo?

Sa mga natala sa bibliya na mga talinghaga (parables) ito ay karaniwang makikita sa apat na aklat ng mga apostoles ni Hesus na sina Mateo, Marcos, Lucas, at Juan, karaniwang natala ang mga talinghaga na ito ayon sa pagkakahayag ng mga sumulat subalit kung papansinin ninyo hindi nalalayo ang bawat isa sa kanilang ginamit na kapahayagan. Ang mga ito ay nasulat sa ibat-ibang kapamaraanan, panahon, pangyayari at ibat-ibang lugar. Makikita sa bawat talinghaga ang mahusay na pagpapahayag kung ano ang tinutukoy sa kaisipang binabanggit at kalagayan ng mga kaharap.

Sa isang bahagi ng banal na kasulatan ay matalino at maayos na inihayag ni Lucas sa Lucas 16:19-31 ang pinagtatalunang “Ang Mayaman at si Lazaro” – marami ang nagtatanong ito ba ay isang talinghaga o isang sanaysay lamang ng isang manggagamot para sa kanyang mambabasa? Tahasan nilang pinasusubalian na ito ay isang talinghaga sapagkat binabanggit sa sanaysay ang pangalan ng isang tao – si Lazaro. Sa pagbanggit ng pangalan ng isang tao ay hindi masasabi na batayan ng isang talinghaga, sapagkat sa ibang mga talinghaga ay nabanggit ang mga sumusunod: Marcos 4:15 (nabanggit ang pangalang Satanas), Mateo 13:37 (nabanggit ang Anak ng Tao), sa Mateo 13:39 (nabanggit ang demonyo), Mateo 15:13 (nabanggit ang Diyos Ama). Tulad ng nasabi ko na sa itaas na si Hesus ay nagsalita sa mga tao, Pariseo ng mga talinghaga, karaniwang sinisimula niya ang pagsasalita ng patalinghaga (Marcos 12:1) at sa Mateo 13:34. Suriin ninyo ang hanay ng mga talinghaga na inihayag ni Hesus mula sa Lucas 15 ang “Ang nawalang Tupa, Ang Nawalang Salaping Pilak, Ang Alibughang Anak, Lucas 16 Ang Tusong Katiwala at ang pang lima ay itong Ang Mayaman at si Lazaro”. Suriin ninyong mabuti ang pakasunod sunod ng pagkakahayag ni Hesus mula sa nawalang tupa, ang nawalang salaping pilak kung kayo ay palabasa sa ibang mga salin ito ay ginamitan ng “o” at “sinabi pa” na ibig sabihin magkakarugtong o magka-ugnay. At doon sa Lucas 16 tingnan ninyo na ang pagkakalahad ni Hesus – “may isang mayaman” at sa pang limang talinghaga ginamit ulit niya ito “may isang mayaman” Tandaan po natin na ang talinghaga ay di maaaring isalin sa anyong nabasa lamang, sapagkat ito’y dapat isalin ayon sa hinihingi ng paglalarawan o mga kahulugan ayon sa angkop na kahulugan. Tulad ng alibughang anak nabanggit doon na sinabi ng ama sa panganay ang kanyang bunsong anak ay “patay na” – subalit ito ay hindi talaga patay kundi umalis o naglayas, humiwalay lamang. Doon sa talinghaga sa Lucas 6:39-42 nabanggit dito na “ang tinitingnan mo’y ang puwing ng iyong kapatid, ngunit hindi mo pinapansin ang talihan sa iyong mata” di pwede nating isalin ang “talihan” sa ganong anyo sapagkat hindi kapani paniwala ang ganong kalaking puwing sa isang mata. Ang alam natin na ang talinghaga ay isang tunay na kasaysayan na ginagamit lamang ni Hesus upang maunawaan ang kanyang mga turo, subalit kabaligtaran nga ang nangyari sapagkat ilan sa mga talinghaga ay hindi binigyan ng kahulugan ni Hesus kaya sila'y nagbubulong-bulungan.

Makikita ninyo ang katutuhanan sa dalawang tauhan na mahirap makita ang sinasabing kapahamakan dinaranas ng mayaman at kaligtasan o kaaliwan ni Lazaro. Ang masisiguro lang natin ang mayaman ay nasa lagay na kaparusahan at si Lazaro ay nasa pagkalinga at kaaliwan, ngunit di nasabi sa sanaysay kung bakit ito nangyari. Kung titingnan natin ito sa kapahayagang literal, ito ay masasabi nating walang lohikal, taliwas sa bibliya, at salungat ang mga pangyayari at hindi kapani-paniwala. Subalit kong susuriin natin ito sa anyong naglalarawan sa hinihinging kahulagan makikita natin ang talagang ipinahihiwatig ng Diyos sa tao. Kailangan nating malaman ang totoong katauhan ng dalawang ito bago natin makita ang totoong pinakakahulugan ng Diyos sa atin. Ang mayaman ay nakakalasap ng “magagandang bagay” sa kanyang buhay dito sa lupa samantalang si Lazaro ay nakakalasap ng “masamang bagay” sa kanyang buhay dito. Yan ang totoo diba? Natatandaan ninyo ang sinabi ni Hesus – mahirap sa mayaman ang makamit ang kalangitan o pagharian ng Diyos, totoo yun diba? Subalit hindi batayan yun sa pagiging mayaman ang isang tao sapagkat maraming mayaman na maka-Diyos ang sinasabi ko lang dito ay kung ang pina-iiral ay ang kapangyarihan ng kayaman sa buhay hindi ang kalooban ng Diyos. Hindi ko sinasabi dito na ayon ako sa mayaman nais ko lang ipakita na yung mayaman ay pwede ring pagharian ng Diyos at magkaroon ng mana sa Kanyang kaharian kung gagamitin niya ang kanyang kayamanan sa nararapat.

Itutuloy




Walang komento: