Bago ang lahat ay hayaan nating balangkasin ang salitang Kalayaan. Ano bang ibig sabihin nito? Ito ba’y isang bagay na puwede mong ilagay sa isang sulok at iwan nalang sukat. Kung bibigyan natin ng kaunting pansin ang salitang kalayaan sa buhay ng tao – marami ang napapahamak sa malabis na pag-abuso sa kalayaan. Bilang isang magulang natutuhan ko na gamitin ang kalayaan ng tama para sa aking dalawang anak na sa tingin ko ay angkop sa kanila sapagkat nakita ko ang naging kaganapan noon na naging mabuti sa kanila. Sinasabi na ang salitang kalayaan – ay nangangahulugang malaya ka sa anumang gawin, isipin, salitain na walang anumang kaganapang mangyayari mabuti man o masama ito. Ito ba ang ibig ninyong kahulugan o meron pang iba kayong nasa-isip? Binigyan nga ba si Adan at Eva ng kalayaang pumili, kumain, gawin ang lahat sa halamanan?, pero bakit sinabi pa ng Diyos sa kanila na maaari ninyong kanin ang lahat ng bunga ng punong kahoy dito huwag lamang ang bunga ng punong kahoy na iyon sa gitna. Maliwanag na may alituntunin ang Diyos sa harden na kapag nilabag may kaganapang mangyayari sa gumawa, may batas doon. Nasaan ang kalayaan, nawala dib a……
Walang kalayaang ibinigay ang Diyos kay Adan at Eva. Ibig sabihin kabaligtaran ng nasa itaas na kaisipan ang pinatutungkulan nito. Subalit, paano mo masasabi na walang kalayaang ibinigay ang Diyos sa unang magulang. Tahasang masasabi ko na hindi kalayaan yaon sapagkat nagbigay ng babala ang Diyos sa tao. Alam ng Diyos na mahina ang tao, alam ng Diyos na magkakasala ang tao. Subalit nasaan ang sinabi na nilikha ang tao na kawangis, kalarawan ng Diyos.
Ang puntos ko rito alin ba sa dalawang kaisipan ang tama – meron tayong kalayan o walang kalayaan. Kayo na ang humusga sapagkat kapag sinabi mo na wala tayong kalayaan darating ang panahon na sisisihin ng tao ang Diyos (pero karaniwan naman ganon ang ginagawa ng tao sa Diyos). Mag-isip naman kayo, ako na lang lagi eh…. Tingnan natin sa maka-mundong kapaliwanagan kung meron bang kalayaan o wala ang tao. Ang gobyerno ng alinmang bansa ay nagkakaroon ng kani-kanilang batas na susundin ng bawat nasasakupan nila o pinamamahalaan nila. Karaniwang nakapaloob sa bawat batas na kanilang ginawa ay mayroong kaparusahan ayon sa bigat ng kanilang kasalanan.
2 komento:
Maayos mong ibinibigay ang nasa iyong kaisipan ng malaya at may tiwala sa sarili
hinahanap ko yung karugtong, nasaan sya...matagal paba? gusto ko munang tapusin lahat ng pwedi mong ilahad, tapos nun, saka ako mag bibigay ng puna. Sana hindi matagal hah.....
Mag-post ng isang Komento