Biyernes, Abril 11, 2008

Free Will (Laya mag-pasya o pumili)


Ang nakaraang kaisipan sa ibaba ay isang balangkas lamang ng isang salita na ang pinagmulan ay ang ugat na salitang “laya”. Kaya ngayon subukan nating balakasin ang ugat na salitang LAYA – subalit talakayin natin ito sa anyong naka-ugnay sa pagpapasya at pagpili. Isunod natin ang tanong na mayroon bang laya tayong magpasya o pumili ng anupaman ng wala tayong iniisip na anupamang mangyayari. Bakit ko nasabi yun sapagkat ang salating laya na ang ibig sabihin ay malaya sa anumang kaganapang nakalipas, kasalukuyan at panghinaharap.

Tulad ng ating mga unang mga magulang totoo bang may laya silang gawin, piliin, magpasya anumang bagay doon sa halamanan ng sila ay ilagay ng Diyos doon? Alalahanin natin na nagbigay ng kautusan o babala ang Diyos para sa dalawa. Ano ang magiging apekto nito sa ating pinag-uusapan, malaki sapagkat kung may laya silang gawin anuman ang maibigan nila doon di na sana sila binigyan ng babala o utos ng Diyos. Subalit marami ang nagsasabi na ang tao ay hindi ROBOT, tama kayo sapagkat ang tao ay di nilikhang isang robot na di-susi. Ang tao ay nilikha na mayroong karapatang pumili, magpasya, gawin ang anuman ngunit walang laya sa anupaman sapagkat bawat gawin natin masama man o mabuti meron itong katapat na parusa o pag-papala sa mga gigawa nito. Ibig kong ipuntos dito na may pagpili, pagpasya tayo subalit hindi ito ligtas sa anumang kaganapang pangnakaraan, kasalukuyan at panghinaharap, maaari itong masama o mabuti ang magiging kaganapan sa atin. Taliwas sa ating kaisipan at kahulugan na ang salitang laya ay ligtas sa anumang bagay na nakaugnay sa nakalipas, sa ngayon at sa hinaharap.

Sige ilagay natin yung iniisip ninyo na si Lucifer a.k.a. Satanas noong bago pa siya mag-rebelde sabi nga. Tulad ng nauna nating paglalarawan sa kanya, siya ay isang anghel, mang-aawit sa harapan ng Diyos sa kalangitan, payag kayo? Subalit nagkaroon siya ng pagnanasa na mataasan ang Diyos, kaya siya ay nagbalak mag aklas laban sa Diyos kaya lang nabuko siya (tama ba yung isinasaad ko dito). Nangyari nga ang pag-aaklas niya at ang mga kasama niyang mga aktibista na ang naging kaganapan sila’y napatapon dito sa lupa. Lumalabas nga naman na may laya siyang gunawa, pumili, nagpasya sa kanyang mga ginawa. Pero ito ang mga tanong – Matapos niyang balakin, isagawa iyon – ano na ang nangyari? Di ba pinarusahan sila, kasi kung sinasabi ninyong may laya siya dapat sanay wala silang kaparusahan, kundi ay hinayaan lang sila kasi kalayaan nilang gawin yun. Subalit sa kabilang dako na wala silang laya kasi pinarusahan sila ng Diyos. Nakuha ba ninyo ang puntos ng kaisipang walang laya si Lucifer/Satanas.

Heto pa ang tanong alam kaya ng Diyos yung mga binalak si Lucifer na pag-aaklas? Kung ang sagot ninyo ay hindi, diyan kayo nagkakamali sapagkat ang Diyos ang Siyang nakababatid ng lahat ng bagay, nangyari, nangyayari at mangyayari pa. Kung ganon bakit nangyari ang ganong bagay sa kalangitan? Dapat pa bang sagutin yan? Kung babalikan natin ang napakaraming sitas sa bibliya na ang lahat ng nangyari, nangyayari at mangyayari pa sa daigdig o sa tao ay naka-plano na noong una pa man sa Diyos. Ibig sabihin na mula kay Lucifer/Satanas na sinasabi, Adan at Eva sa halamanan, ang punong kahoy ang kasalanan ang lahat ng ito ay nasa plano ng Diyos. BAKIT?

Bakit? Hindi ninyo alam ang sagot. Naalala ninyo ang mga hula ng mga naunang lingkod ng Diyos ang sinasabi ko ay ang mga propeta ng Diyos marami sa kanila ang humula, sinabi at ipinabatid sa atin na may isisilang, darating na mangunguna, maghahari at makikilala ng lahat, sino ito? – di ba si HESUS yun ang pinangakong tagapagligtas….ang ipinangako, ang inihula. Payag ba kayo? Kung hindi tigilan na natin ito kasi kahalitulad kayo sa sinabi ko na TUOD na hindi alam ang pasimula at ayaw tuklasin kung bakit sila naging tuod.

Itutuloy na lang nating sa darating na panahon.. sa kalooban ng Diyos. Mga kaibigan ko sa sunod na kaisipan ilalahad natin dito ayt tungkol sa isang malawak na usapin - ito ay ang tungkol sa parabula ni Hesus or Parables in the bible.

2 komento:

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Nakita ko ang kakaibang banat mo pero kulang pa sa puso ang iyong paglalahad. Ilarawan ng may kaakibat na dagdag na supurta ng kinan ng kaisipan.

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Napansin ko, ang inilalahad na kaisipan ay may kinalaman sa Biblia, peru hindi makita kung saan hango ng mga salita ng Dyos ang mga nailalahad, tulad ng, saan matatagpuan na si Lucifer ay nag rebelde, biblia ba ang may sabi or ang kathang isip ng tao?