Martes, Abril 29, 2008

The Church..

May mga bagay o salita na kung susuriin ay napakaraming kahulugan, maraming ipinahihiwatig, inilalarawan. Tulad ng salitang “church” ito’y naging palasak at karaniwang nakikita sa bibliya. Dito’y ipinakikita ang ibat-ibang katawagan patungkol sa salitang “church” o sa wikang tagalog ay simbahan o kalipunan ng mananampalataya. Subalit tingnan natin ang ibat-ibang katawagan nito ayon sa ibat-ibang paniniwala, kalalagayan at iba pa. Ibang mga katawagan pero may pagkakapareho sa ibang anyo:

1. Templo – Temple
2. Synaguoge o Sinagoga
3. Mosque
4. Simbahan o Sambahan o Iglesia
5. Kapilya o Tuklong
6. Mananampalataya
7. Dambana o Altar
8. Iglesia ni Cristo
9. Church of Satan

Ilan lang sa itaas ang mga bagay na kumakatawan sa salitang “church” subalit nagkaka-iba sa katawagan, ibig ipakahulugan at kalalagayan. Sa Lumang Tipan ng Bibliya karaniwang tawag sa church ay “templo” (temple) kung saan ang mga Israelita ay sumasamba at ito rin ang isa sa mga ini-utos ni Yahweh na gawin ng ilang mga piniling Hari ng Israel. Sa panahon ng ating Panginoong Hesus ito’y naging bahagi rin ng kaniyang ministeryo. Subalit sa aklat ng mga Gawa dito nagsimula ang church hanggang sa mga sulat, at turo ni Pablo at ng mga lingkod ni Hesus. Dito ang salitang church ay binigyan na ng kahulugan na “kalipunan ng mananampalataya” ayon sa 1 Corinto 3:16. Subalit sa mga Romano Katoliko ang salitang church ay tinatawag na “simbahan” ang lugar na kanilang pinupuntahan upang sumamba, ibig sabihin isang estraktura, sa mga mananampalataya ni Hesus ito ay tinatawa na "panambahan". Meron bang pagkakaiba?

Alam natin na ang tinatawag na “mosque” ay lugar na pinagtitipunan ng mga muslim upang sumamba sila, kaya matatawag rin natin itong church. Ang “kapilya” ay karaniwang naririnig at makikita sa mga nayon, at lalawigan, maliliit itong estraktura para sa maliit na kalipunan ng mga sumasamba. Ang “dambana o altar” ay nabasa at nakita natin sa bibliya sa lumang tipan, lugar ito upang idaos ang pagsamba sa Diyos o mga diyos-diyosan. Sa Greek ang salitang “church” means EKKLESIA – meaning assembly of man or gathering of man (Acts 19:32, 39, 41). Ang salitang “church” ay nabanggit 115 times sa bibliya. Sa Bagong Tipan may nabanggit din na “synaguoge” ay isang lugar ng dalanginan, sambahan.

Hebreo 10:25 - Huwag nating pabayaan ang ating pagtitipun-tipon katulad ng iba na may ganyang kaugalian. Sa halip, palakasin natin ang loob ng isa't isa, lalo na, na inyong nakikita na nalalapit na ang araw. Ano mo ba ang talagang ibig ipakahulugan ng talatang ito? Ito ba ay may kaugnayan sa ating kaisipan ngayon na “sambahan” o “kalipunan ng mananampalataya” Tulad ng ating kahulugan na ang “iglesia” ay ang mga kalipunan ng mga mananampalataya ni Hesus o lahat ng uri ng mananampalataya na nagkakatipon ayon sa kanilang paniniwala. Subalit mariin na sinabi ng bibliya na “tayo” ang templo ng banal na espiritu (1 Corinto 3:16 - Hindi ba ninyo alam na kayo ang banal na dako ng Diyos at ang Espiritu ng Diyos ay nananahan sa inyo?) Ibig sabihin ng nauna nating talata na kailangan sa isang tagasunod ni Hesus ang isang lugar upang magsama-sama, magpalakasan, magtulungan ang bawat isa.

Narito ang ibat-ibang pakahulugan ng salitang “church” sa bibliya na binigyan ko ng mga pagkukunan na mga talata:

1. An assembly of citizens summoned by a crier to a place of council to transact business. (Act 19:32)
2. Any gathering of men assembled by chance or tumultuously (Acts 19:32, 41)
3. Any assembly of Israelites gathered together for business (Judges 21:8) or for sacred purposes (Joshua 8:35)
4. The whole congregation of “called out” ones; god’s elect of the OT period (Acts 7:38)
5. An assembly of Christians gathered to worship (1 Cor 11:18, 14:4-5)
6. The NT church of “called out” ones from both Jews and Gentiles (1 Cor 12:13)
7. A general assembly of representative believers from many local churches to transact business (Acts 15:22)
8. A local company of Christians who meet regularly (Matthew 18:17)
9. The general assembly of Christians in heaven (Hebrews 12:23)
10. Many local congregation of Christians (Acts 9:31)

Ngayon nakita natin ang ibat-ibang pakahulugan nito na nakaugnay lahat sa salitang “church”. Bilang isang mananampalataya ni Hesus, nakikita ba sa bawat isa ang hinihinging kahulugan ng pagiging “church” ?

Sabado, Abril 26, 2008

Homosexuality is a Sin?

"Cry aloud, spare not, lift up your voice like a trumpet, and show my people their transgressions, and the house of Jacob their sins" Isaiah 58:1.

Siguro masasabi na ito'y kaka-iba o kahangalan kung hayagan kong itatanong ang ganitong tanong na - Homosexuality is a sin? sa wikang tagalog ay Ang pagiging bakla/tomboy ba ay kasalanan? Hindi ba malinaw na nahayag sa banal na kasulatan ang tungkol dito. O marami ang nakabasa tungkol dito subalit masasabing nagbibingi bingihan lamang at ang katwiran ay wala namang ina-abuso o tinatapakan at meron pang nagsasabi na hindi na aplikabol ito sa ngayon sapagkat tanggap na ng tao ang ganitong kalakaran, meron naman na ang sabi, ganito na sila mula pa pagkabata nila, kaya wala silang kasalanan. Sa mga nabanggit na kapahayagan masasabi ba natin na tama nga sila na hindi nila ito kasalanan - kung hindi eh SINO ang dapat sisihin?


Ang layunin natin dito ay upang isa-isahin ang mga kapahayagang sinasahi sa kasulatan. Napansin ba ninyo sa kautusan ng Diyos na ibinigay kay Moses, ang magnakaw, pumatay, ang tumistigo ng walang katutuhanan ay mga kasalanan. Bakit kaya hindi isinama yung homosexuality is a sin? Dahil ba alam na ng Diyos na ganito ang mangyayari sa tao, tingnan mo sa medya, mga artista, sa gobyerno, sa simbahan, sa kalipunan ng mga tao sa mundo hindi na sila naniniwala na ang pagiging homosexual ay kasalanan. Hindi ko iniisip o hinahatulan sila ang gusto ko lang eh maipakita nga kung kasalanan ito o hindi sa kapahayagang galing sa nasusulat sa banal na kasulatan. Subukan nating silipin ang sitas sa kasulan Leviticos 20:13 - if a man also lie with mankind, as he lies with a woman, both of them have committed an abomination: they shall surely be put to death; their blood shall be upon them. Kung hindi ito kasalanan wala akong karapatan na magsalita, magsulat ng patungkol dito subalit kong ito ay kasalanan hindi ito magiging tama at ako'y magkakasala kung hindi ko sasabihin (Santiago 4:17). Kaya hihiramin ko ang pananalita ng ating Panginoong Hesus na "makinig ang may tainga at tumingin ang may mata", tama ba yun, mali ata.


Depensa ng iba ay ganito: ang pagiging homo ng isang tao ay hindi kasalanan sapagkat sabi nila noong ministeryo ni Hesus sa lupa hinding-hindi Niya nabanggit o naging pangaral ang tungkol sa ganito at kung kasalanan ito dapat binanggit ito sa 10 kautusan. Ano sa palagay ninyo? Sa aking palagay hindi na dapat pang maging isa sa mga 10 kautusan sapagkat si Hesus ay hindi rin nabanggit ang patungkol sa "drug addict, pornography, smoking, spousal abuse, torture, subalit alam nating ito'y kasalanan.


What is homosexuality? Sa totoo lang ang "homosexual" at "lesbian" ay hindi matatagpuan sa bibliya o banal na kasulatan. Ang salitang "homosexual" ay galing sa German invention upang mapalitan ang di magandang salitang "sodomite". Alam natin na ang salitang "sodomy" ay hango sa salitang naging palasak sa bibliya ang Sodom. Sa kabila ng hindi tahasang nabanggit ang salitang homo sa bibliya, subalit sigurado akong nabanggit doon ang mga nagsasagawa ng mga ganoong kasanayan o pakikipag-ugnayang sexual sa kapwa kasarian. Ito ay masasabi nating kasing bigat na kasalanan tulad ng pag-samba sa diyos-diyosan, pakiki-apid, pagnanakaw, pagpatay at iba pa. Ang salitang homo ay parehong ini-uugnay sa lalaki at babae, ang lalakeng homo ang tawag ay "bakla", "silahis" at ang babae namang homo ay tinatawag na "tomboy", "tibo"


Pagbigyan natin ang hilig ng iba nagsasabing ang ganitong gawi at hindi kasalanan sapagkat wala na tayo sa kautusan kundi nasa biyaya na tayo ng Diyos. Subalit tingnan natin ang naisulat ni Pablo sa mga Taga-Roma 1:26-27 - Sa dahilang ito, hinayaan sila ng Diyos sa pagnanasang walang dangal sapagkat maging ang kababaihan nila ay nagbago ng likas nilang gamit patungo sa taliwas sa kalikasan. Gayundin ang mga lalaki sa pag-iwan nila sa likas na gamit ng mga babae. Sila ay nag-aalab sa pita sa isa't isa. Ang mga lalaki kasama ang lalaki ay gumagawa ng kahihiyan at tinanggap nila ang kaparusahang karapat-dapat sa mga liko nilang gawa. Ano sa tingin ninyo meron bang kaugnayan ito sa ating pinag-uusapan, o hindi kayo makapaniwala na meron palang ganitong mga sitas sa kasulatan.


May isa pa akong sitas na ipakikita sa inyo 1 Corinto 6:9-10 (1 Corinthians 6:9-10 - Do you not know that the wicked will not inherit the kingdom of God? Do not be deceived: Neither the sexually immoral nor idolaters nor adulterers nor male prostitutes nor homosexual offenders nor thieves nor the greedy nor drunkards nor slanderers nor swindlers will inherit the kingdom of God. Dito makikita mo na binanggit ang salitang male prostitute nor homosexual offenders, kaya malinaw pa sa tubig baso na kasalanan ang may ganitong ginagawa. Wala ng dahilan pa na mangatwiran pa ang iba nagsasabi na hindi sinasabi sa kasulatan ito. Salamat sa NIV sa kanilang bersyon hindi na kailangan pang gamitin ang Greek na salita para lang makuha ang talagang hinahanap. May tumututol pa ba? Kung meron pa next time bigyan ko pa ng ibang kapaliwanagan ng ayon sa ibang sitas sa bibliyan. God bless you... see you soon....

Huwebes, Abril 24, 2008

666... Ano ito?

Sa mga salita ng Diyos na nakapaloob sa 66 hati na aklat ng Bibliya, ibat-ibang lingkod ng Diyos ang naatasang sumulat nito sa ibat-ibang panahon, lugar, kalalagayan at pagpapahayag ayon sa itinakda ng Diyos sa pamamagitan ng Kanya Banal na Espiritu. Ito ay binubuo ng 39 na aklat na matatagpuan sa Lumang Tipan, at ang 27 na aklat naman sa Bagong Tipan. Ang Lumang Tipan ay ang mga Genesis, Exodo, Levitico, Mga Bilang, Deuteronomio, Josue, Mga Hukom, Ruth, 1 Samuel, 2 Samuel, 1 Mga Hari, 2 Mga Hari, 1 Mga Cronica, 2 Mga Cronica, Esdras, Nehemias, Ester, Job, Mga Awit, Mga Kawikaan, Ang Mangangaral, Ang Awit ni Solomon, Isaias, Jeremias, Mga Panaghoy, Ezekiel, Daniel, Oseas, Joel, Amos, Obadias, Jonas, Mikas, Nahum, Habacuc, Sofanias, Ageo, Zacarias, Malakias.

Sa Bagong Tipan naman ay 27 ang mga sumusunod Mateo, Marcos, Lucas, Juan, Mga Gawa, Mga Taga Roma, 1 Mga Taga-Corinto, 2 Mga Taga-Corinto, Mga Taga-Galacia, Mga Taga-Efeso, Mga Taga-Filipos, Mga Taga-Colosas, 1 Mga Taga-Tesalonica, 2 Mga Taga-Tesalonica, 1 Timoteo, 2 Timoteo, Tito, Filemon, Mga Hebreo, Santiago, 1 Pedro, 2 Pedro, 1 Juan, 2 Juan, 3 Juan, Judas at ang Pahayag.

Sa mga nabanggit natin sa itaas mula sa Genesis hanggang kay Malakias mababasa, makikita natin na
ang Diyos ay nagpahayag sa kanyang bayan sa pamamagitan ng mga lingkod ng Diyos ayon sa kani-kanilang pagkatawag. Ipinakita rin dito ang ibat-ibang kasaysayan ng mga hari, tao, lingkod, mga batas, kautusan, mga hula, kababalaghan at hiwaga ng Diyos. Sa Bagong Tipan naman ay makikita natin kung paano ipinanganak, nag-turo, nagpakita ng kababalaghan, pagpapagaling, mga-sulat, mga babala, talinghaga, mga patotoo at mga hula. Ito ay nakapaloob sa aklat ng Pahayag na ating pag-uusapan ngayon. Sa Pahayag 13:17-18 sinasabi ay ito - Ang may tatak lamang ng mabangis na hayop ang makakabili o ang makakapagbili. Dapat ay taglay nila ang tatak o ang pangalan o ang bilang ng pangalawang mabangis na hayop. Ito ang kaalaman: Ang may pang-unawa ay dapat bilangin ang bilang ng mabangis na hayop. Ang dahilan, ito ang bilang ng isang tao. Ang bilang ay anim na raan at animnapu't anim (666).

Ano nga ba ang kahulugan nito? Ang aklat ng Pahayag ay binubuo ng mga kapahayagang tinanggap n
i Juan mula sa ating Panginoong Hesus. Ito’y mga pangyayaring magaganap sa hinaharap, ito’y binubuo ng ibat ibang pagsasalarawan o simbolo. Nagbigay ng babala si Juan dito nagsasabi sa Pahayag 22:18-19 ang ganito - Ang dahilan nito ay nagpapatotoo rin ako sa lahat ng nakakarinig ng mga pahayag ng Diyos sa aklat na ito. Sinabi ko: Kapag dinagdagan ng sinuman ang mga bagay na ito, idadagdag ng Diyos sa kaniya ang mga salot na aking isinulat sa aklat na ito. Kung binawasan ng sinuman ang mga salita sa aklat ng pahayag na ito, aalisin ng Diyos ang kaniyang bahagi sa aklat ng buhay. Aalisin din ang kaniyang bahagi sa banal na lungsod at mula sa mga bagay na isinulat sa aklat na ito. Ito ang huling aklat sa bibliya.
Marami ang nagsasabi at naniniwala na ang nasabing bilang ay bilang ng "anti-Christ", ito raw ang tatak ng demonyo, satanas at iba pang laganap sa lahat ng dako. Subalit nananatili ang tanong "Totoo ba ito?" Ito ba yung ibig ipakahulugan sa ipinahayag ni Juan san kanyang aklat ng Pahayag? Marami ang naglalabasan na ibat-ibang pakahulugan nito sa ngayon, tulad ng lang ng makikita ninyo sa itaas na larawan at mga haka-haka patungkol dito.
Tulad ng sinasabi na ang Roman number nila ay nag-sasaad at kahulugan ng numerong 666, siguro sa dahilang sila ang nakasakop noon sa Israel sa panahon ng ating Panginoong Hesus. Meron ding nagsasabi at makikita rin sa internet na ang makabagong teknolohiya tulad ng "computer" at "calculation" ay may kahulugang 666 kung ibabase sa mga letrang binigyan din ng kahulugang numero. Ilan lang yan sa mga kahulugan dawng numerong 666 sa aklat ni Juan na Pahayag. Sino nga ba ang nagsasabi ng tama? Ngunit tingnan natin sa ibang kapahayagan. Merong nagsasabi na sa Greyegong salin ng Pahayag 13:18 ay hindi patungkol sa isang tao lamang. Sa Greek word translated "man" in Revelation 13:18 is not "aner" kundi ito'y "anthropos" which means "a human being", male or femal" (reference Strong's Concordant).
Natiro ang ilang pahayag mula sa kanila. "Furthermore, it not the number of "a" anything. It is just the number of human or of mankind! Even the Revised Standard Version translators saw this and therefore, state, "it's number is six hundred sixty-six". The number of the wild best is not the number of "a" man, but rather the number o "man" or "mankind".

Martes, Abril 22, 2008

Bible, Doktrina ka ba?

Kayo, ikaw, tayong lahat anong katuruan ang tinanggap mo mula ng magka-isip ka at mapagtanto ang isang bagay na sa tingin mo ay may magandang kahihinatnan sa buhay mo? Natala sa lahat ng mga talaan sa kasaysayan ng buong mundo na ang bibliya ang pinaka-malaki, marami, sikat na limbag sa lahat ng nai-limbag na aklat. Payag ba kayo roon? Sapagkat lahat na halos ng salita sa buong mundo ay meron itong salin, bersyon, o akda. Sinasabi na ang bibliya ay salita ng Diyos para sa mga tao na nilikha Niya, ito ay Kanyang kinasihan para magamit sa pagtuturo, pagtutuwid, paggabay, pagpapabulaan ng maling aral (2 Temoteo 3:16). Ito ang nilalaman ng mga salita ng Diyos noong nakaraan, sa kasalukuyan at panghinaharap. Totoong maraming hiwaga ang nakapaloob sa salita ng Diyos, subalit ito ay unti unting ipinababatid sa mga taong may pagpupursige na tuklasin ito ayon sa gabay ng Kanyang Banal na Espiritu. Subalit lahat ba ay nakasumpong nito, sinasabi sa (Hosea 4:6) na napapahamak ang aking bayan dahil sa kamang-mangan. Ito ay punong puno ng mga pangako, batas, kasaysayan, hula, awit, kasabihan at mga utos ng Diyos.

Batid natin na ang bibliya ang salita ng Diyos, nakakabasa na tayo nito, may laya tayong pag-aralan ito, may laya taong mag-salin nito ayon sa ating pagka-unawa, at iba pa. Hindi agad ito naging bahagi ng ating buhay mula noong tayo ay musmos pa, kundi unti unti tayong namulat ayon sa ini-aaral sa atin ng ating mga magulang, gayon din naman sila, ibig sabihin nagpasalin-salin ito mula sa mga ninuno natin. Posible kaya na nagkaroon na ng pagkakamali sa bibliya, sapagkat ito'y nagpasalin-salin na lamang, na ang orihinal na kopya nito ay mahirap nang matagpuan? Subalit hindi yan ang ating pinag-uusapan dito, kundi ang bibliya ba ay puno ng doktrina mula sa Diyos? Marami ng panahon ang lumipas o nagdaan, marami na ring ibat-ibang pananampalataya, pagkilala, pagka-unawa tungkol sa bibliya o salita ng Diyos. Subalit nananatili pa rin ang katanungan sa isip ng isang nilikha ng Diyos ito yung tungkol sa doktrina na natutunan, nalaman, nakikita natin sa ibat-ibang samahang pang-simbahan.

Doktrina, ano ba ang kahulugan nito? Doctrina ay isang salaitang Latin na ang ibig sabihin ay isang pagkakakilanlan ng isang pananampalataya o kumakatawan sa pangkalahatang katuruan o kautusan, paninindigan, kalalagayan ayon sa kanilang pinaniniwalaan. Karaniwang nagsasaad ito ng mga "religious dogma" na ipinatutupad sa mga samahan o simbahan. Ito ay ginagamit din bilang kaugnay sa mga paninindigan sa batas, karaniwang kaugalian batas, at ibat-ibang paninidigan ayon sa kanilang paniniwala. Ang "doktrina" -tinatawag na dogma, ay paniniwalaang wasto ang katuruang tinanggap, lalong lalo na ang mga nagsalita ay galing sa mga namamahala sa mga samahan o simbahan. Ito rin ay tinatawag na "katuruan". Subalit ang katanungan ay ganito - Ang Salita ba ng Diyos ay binubuo ng mga doktrina o dogma?

Sa isang payak na kaisipan tulad ko noong una, sa totoo lang noong nakarinig ako ng salita ng Diyos, sinsabi sa Juan 3:16 - gayun na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan kaya ibinigay o sinugo Niya ang Kanyang bugtong na anak upang ang sinumang sumampalataya sa Kanya ay di mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Kung titingnan mo ang talatang ito ay iisa lang ang hinihiling ng Diyos sa ating nilikha niya ang "sumampalataya" sa Kanyang Anak (Hesus), bakit? upang tayo ay maligtas at magakaroon ng buhay na walang hanggan na kasama Niya. Napaka-payak nito, subalit ewan ko kung bakit sa ngayon napakarami ng mga dogma, doktrina, katuruan na itinuturo ng ibat-ibang samahan, pananampalataya at simbahan. Ito kaya ay tahasang nakatala sa bibliya o ito ay kanila lamang nilikha upang maging kakaiba ang kanilang samahan. Meron naman na pinipilit nilang hanapan ng kaugnayan sa bibliya upang maging angkop sa kanila katuruan.

Napakaraming mga sitas sa bibliya ang nagsasabi tungkol sa pag-sunod, babala, pag-ibig ng Diyos, hiwaga ng Diyos, hula, biyaya ng Diyos - subalit ang lahat ng ito ay hindi ko masasabing isang dogma, doktrina sapagkat kung pinanampalatayanan mo ang iisang Diyos sa Kanyang salita, bibigyan ka ng kapaliwanagan, pananampalaya na hindi na kailangan ang anumang doktrina na ginawa ng tao. Kung masasabi nating ang salita ng Diyos ay isang doktrina o dogma ayon sa sinasabi ng Banal na Espiritu, ito ay makabubuti sa atin. Subalit kung ang isang doktrina o dogma ay hindi makikita, mababasa, itinuturo sa bibliya ito ay doktrina mula sa tao na tahasang masasabi ko na hindi makakabuti at makakapag-ligtas sa tao. Ang doktrina o dogma o katuruan ba ay nakakapagligatas sa tao? HINDI. Bakit? Sapagkat ang makakapaglitas sa tao ay ang kanyang pananampalataya kay Hesus na sinugo ng Diyos. Ano lang ang hinihingi - manampalataya at ang pag-sunod hindi ang anumang doktrina na mula sa anumang samahan...





Sabado, Abril 19, 2008

Rapture totoo ba?

Rapture! Rapture! Rapture!!!

Dito sa bago kong entre nakasalalay dito ang aking ugnayan sa kasalukuyang grupo na inaaniban, bakit ko nasabi ito sapagkat ang usaping ito ay medyo maselan lalo na doon sa mga Kristiyano na masidhi ang paniniwala sa kaganapan ng bagay na ito. Subalit bilang isang tao na may malayang kaisipan at pananaw ilalahad ko yung mga bagay na napag-alaman ko ayon sa dinidikta sa akin ng aking espiritu. Siguro naman ay may mga tao rin na bukas ang kaisipan upang pag-aralan o tuklasin ang mga bagay na ganito. Dalawa lang ang maaaring mangyari sa akin una paratangan ako na naiba na ang pananampalataya o isa akong kulto, huhusgahan, lilibakin at katakut-takot na pag-puna at tuligsa at ang ikalawa ay may ilang pupuri at hahanga sa mga gawang ganito. Saan kayo rito sa dalawang maaaring mangyari sa akin?

Sa buhay Kristiano marami ang nagsasabi na madaling maging Kristiano ngunit mahirap magpaka-Kristiano. Ito siguro ang kaisipan na lagi idinidepensa at sinabi ko kahit saan ako mapunta at ito rin ang naging paalala ko sa aking maybahay noong panahon na nakakaranas siya ng pag-uusig. Sa aking pag-aaral ng salita ng Diyos marami akong napag-alamang mga katutuhanan, masasabi kong malaki ang naging tulong sa akin lalo na buhay Kristiyano. Mula ng magsimula akong kumilala sa ating Panginoong Hesus naging kaisipan ko ang mapag-alaman ang ibat-ibang mga doktrina sa banal na kasulatan. Pero ang tanong meron bang sinasabing mga doktrina sa bibliya o ito ay likha lamang na tao upang masabi na sila ay nai-iba sa mga naglalabasang ibat-ibang pananampalataya o grupo. Ilan sa mga doktrina na nalalaman ko ay ang pagiging tatlong persona ng Diyos, kahit na hindi ito tahasang makikita sa bibliya marami ang naniniwala ayon sa mga kapaliwanagan sa banal na kasulatan. Isa pa ang pagbibigay na sinasabing ito ay isang kautusan sa banal na kasulatan, Kung pag-aaralan ang ibat-ibang grupo ng panampalatayang Kristiyano marami pang doktrina ang kanilang sinusunod at kasama ng dito ang doktrina tungkol sa “Rapture”.

Ang pagbabalik ng ating Manlilikha, Panginoon, Tagapaligtas, Hesu Kristo sa daigdig ay isang kakaibang kapangyarihan at pangyayari. Ito ang itinuturing na pinaka-malaking pangyayari sa kasaysayan ng buong mundo, sapagkat marami ang uma-asa at naniniwala. Marami ang nagsasabi na ang “rapture” o pagdagit sa wikang tagalog ay nagiging sanhi ng pagkakabaha-bahagi ng mga kalipunan ng mananampalataya. Bakit? Sapagkat ilan sa mga di-naniniwala dito ay naniniwala ng walang batayang malinaw na ipinakikita mula sa kasulatan. Ang kanilang pinanghahawakang pang-yayari ay ang naganap kay Enok na lingkod ng Diyos noong lumang tipan at kay Ellias na parehong sinasabing hindi nakaranas ng kamatayan. Kung i-uugnay natin ito sa kamatayan maraming salita ng Diyos ang magiging salungat dito, sapagkat sinasabi sa kasulatan itinakda sa tao ang minsan lang mamatay at ang kasunod nito ay paghuhukom (Hebreo 9:27). Malinaw na itinakda ng Diyos sa tao ang mamatay ng minsan, o ang lahat ay kailangan mamatay muna bago hukuman, malinaw ito.

Ang mga di-naman naniniwala sa ganitong doktrina ay may mga talatang pinagkukunan nila ng paniniwala na walang pagdagit na mangyayari. Ayon sa kanila ang pagbabalik ng Panginoong Hesus ay isang pangyayari na nakatala sa kasulan at pagkatapos nito ay ang kaniyang pag-hahari. Kaya kung titingnan natin ang dalawang grupong ito wala pa tayong makitang mabigat na dahilan kung sino sa kanila ang nagsasabi ng katotohanan, sapagkat pareho silang may pinanghahawakang talata mula sa kasulan. Pero balikan natin ang tanong na Ano ang ibig sabihin ng pagdagit o rapture?

Sa mga naniniwala sa pag-dagit ang 1 Tesalonica 4:13-18 ang pinanghahawakan na nagpapatunay na merong magaganap na pag-dagit. Kung pag-aaralan nga natin ang mga talaatang ito walang magiging suliranin patungkol sa bawat bagahi na nagsasabi ng pag-babalik ng ating Panginoong Hesus. Subalit ang naiiwang katanungan lagi sa magkabilang kalipunan ay ang SINO at KAILAN ang kaganapang pag-dagit sa mga nananampalatay sa ating Panginoong Hesus. Meron itong dalawang pangyayari na maaari nating makita o masagot ang mga katanungan:

Sinu-sino ang mga dadagitin? Marami ang nagsasabi ang lahat ng kalipunan ng katawan ni Kristo na binubuo ng mga Hentil at ng mga Hudyong nananampalataya. Ang mga apotoles at mga santo ng Israel na mabubuhay na muli na ito'y magaganap bago na kasama ang ating Panginoong Hesus. Ang iba naman ay naniniwala na LAHAT ng santo (patay, buhay, Hudyo at Hentil) ang magiging kasama ni Hesus sa ikalawang pagbabalik.

Kailan ang pagdagit na ito magaganap? May tatlong sikat na katuruan ang nagsasabi kung kailan si Hesus magbabalik. Marami ang naniniwala na ang huling pitong (7 taon) taon sa Daniel o ito yung 70 linggong hula naghihiwalay sa 1000 taon at sa unang 69 linggo, at nagsasabi ng katuparan nito sa huling 7 taon ng ikalawang pagbabalik ni Hesus. At ito yung sinasabing mahahati sa dalawa ang paghihirap at ang matinding paghihirap (Mateo 24:21)

Ang katuruan ay nagsasabi na ang pag-dagit ang magaganap bago ang matinding paghihirap at ito ay tinatawag na (pre-tribulation). Sa ikalawang katuruan ang pag-dagit ay magaganap sa kalaginaan ng 7 taon na sinasabi sa Daniel na tinatawag na (mid-tribulation). At ang pangatlo ay magaganap sa katapusan ng matinding paghihirap na tinatawag na (post-tribulation)

Ang salitang “rapture” o pag-dagit ay hindi matatagpuan sa banal na kasulatan. Ito ay hinango sa salitang Latino na “rapio” na ang ibig sabihin ay “to seize, to take by force, at sa Greek na salita na “harpazo” na ibig sabihin ay “caught up” at “snatched away”. Raptureo pag-dagit ay ginagamit ang ibig sabihing “caught up” at “snatched away” sa 1 Tesalonica 4.

Miyerkules, Abril 16, 2008

Ang Mayaman at si Lazaro (Huling Yugto)

Tulad ng nasabi ko noong nakaraan ang dalawang pangunahing tauhan ay naalisan ng tulukbong at sila ay nakilala natin ayon sa mga kapahayagan nagmula sa banal na kasulatan. Hindi natin pwedeng angkinin ang mga kaganapan sapagkat ipinakita lang sa atin ng Diyos ang hiwaga at ang pagkilos Niya sa sinumang nagpupursige na tuklasin ang mga ito. Mapalad ang sinuman na nananampalataya na ang katutuhanang ito at kapaliwagan sa tanglinghaga. Natatandaan ba ninyo na nasabi ko rin noon sa mga nakaraang pagtalakay natin na ang Diyos ang nagbibigay kapaliwanagan sa bawat talinghaga inihayag ni Hesus sa mga tao at mapalad ang sinuman na pinagkalooban noon.

Ngayon naman ay tingnan natin kung ano pang kulang na kapahayagan upang malubos ang kapaliwanagan tungkol sa usaping ito. Balikan natin sadali yung talatang 20 nakasaad doon na ang pulubi ang nakalupasay sa may pintuan ng mayaman, ano ang ibig sabihin nito? Malaki ang kaugnayan niyan sa nasabi ko noon tungkol sa mga Hentil sapagkat sa panahong yaon hindi pinapayagan ang mga Hentil na magkaroon ng pagkakataon na makapasok man lang sila sa kapulungan ng Judah. Maaari lang sila hanggang sa kalipunan ng mga hentil. At ang mga Hentil ay itinuturing na mga aso at tanging mumo lamang na nalalaglag mula sa mga Hudyo ang sa kanila’y matatanggap. Ibig sabihin malaki ang pagkakaiba ng mga Hudyo at mga Hentil noon di katulad ng panahon ni Hesus na binigyan laya Niya ang mga Hentil (Efeso 2:13-18). At sa ngayon ang mga Hentil ay hindi na kailangang tumayo lang sa may pintuan kundi malaya na silang makakapasok at nakikipag-isa na sila sa espirito ng Diyos Ama.

Si Lazaro ay walang sugat sa piling ni Abraham, sapagkat siya ay pinagaling na. Si Lazaro ay hindi nagpapahiwatig na siya’y salat sa material na mga bagay kundi espiritwal na kahirapan tulad ng mga Hentil noon. Yan yung pinaka puntos na tinutukoy ng talinghagang ito. Alam natin na si Judah ay mayaman sa kaalamang espiritwal tulad ng binabanggit sa Pahayag 3:17 ang Laodecia diyan si Judah inihahalintulad.

Sa Talatang 24 sinasabi roon na - Amang Abraham mahabag po kayo sa akin. Utusan ninyo si Lazaro na isawsaw sa tubig ang dulo ng kanyang daliri at palamigin ang aking dila – sa palagay ninyo sino ang tinutukoy dito, naalala ba ninyo yung Mateo 23:4 na ang mga Pariseo ay ni daliri ay ayaw nilang igalaw upang tumulong sa pagdadala ng mga iyon. Subalit dito ang mataas na mayaman ang mga pinagpala ang siyang humihingi ng tulong sa mga Hentil, ganyan ang kalalagayan ng dalawang tauhan. Bakit nangyari yaon sapagkat sinasabi sa Isaias 3:8 na guguho ang Jerusalem at babagsak ang Judah sapagkat lumabag sila sa Diyos sa salita at sa gawa.

Ang pinaka huling bahagi na kapaliwanagan nito ay ang Talatang 26 – higit sa lahat, inilagay sa pagitan natin ang isang malaking bangin upang ang mga narini at hindi makapariyan at ang mga nariyan ay hindi makaparini. Ano ang sinasabing “malaking bangin sa pagitan”? Ito ba ay literal na bangin, ito ba ay dagat na may tubig o ito yung pagitan ng impiyerno at ng langit? Hindi maaaring pagitan ng impiyerno at langit kasi walang tubig sa pagitan noon. Saan ito makikita o matatagpuan? Marami ang sinasabing malalaking bangin sa bibliya subalit may mga salin na ito ay gulpo ibig sabihin may tubig. Tulad ng mga Israelita noong silay tatawid sa Pulang Dagat hindi sila makakatawid doon kung hindi tinuyo ng Diyos ang kanilang daraanan. Ang pagitan ng Jordan at ng Canaan ay malaking gulpo. Ang tinutukoy dito ay ang naging kasalanan nila sa Diyos.

Kung nanatiling katanungan sa inyo ang ating tinalakay siguro sa mga darating na panahon ay pwede nating palawakin pa ito, pero sa ngayon hanggang dito na lang muna ito. Walang imposible sa Diyos, Siya ang nakakabatid ng lahat ng bagay, kaya sa mga tinalakay natin ito nawa ay kapulutan ninyo ng aral at nawa maunawaan ninyo ang katotohanan. Sino ang Tama? Ang nagsasabing ito ay kasaysayan lamang o sa mga nagsasabing ito ay isang TALINGHAGA.

God bless you….

Martes, Abril 15, 2008

Ang Mayaman at si Lazaro (Ika-apat na Yugto)

Sa ating nakaraang pag-uusap natuklasan natin ang ating hinahanap kung sino ang tinatawag na mayaman at lumabas sa ating paghahanap na si Judah ang tinutukoy ayon sa mga inilahad na paglalarawan mula sa banal na kasulatan. Subalit nananatili pa rin ang katanungan kung ito bang katutuhanan ay tatanggapin ng mga makababasa nito? Matapos nating alisan ng talukbong ang mayaman at lumabas ang tunay na pagkatao niya, narito ang isa pang tauhan sa ating kasaysayan na kailangang makilala ng mga mambabasa at mga nagnanais na malaman ang katutuhanan – kung ito nga ba ay talinghaga o isang kasaysayan lamang.

Sino ba talaga si Lazaro? Meron ba siyang inilalarawan sa ating kaisipan? Tulad ng mga nagsasabi na hindi ito talinghaga sapagkat may pangalan ng tao o pangalan ang tauhan. Ngayon ay matutunghayan ninyo ang paglalahad o pag-aalis ng talukbong kay Lazaro. Sa talatang 22 makikita natin na - dinala ng anghel si Lazaro sa piling ni Abraham (bossom of Abraham) – unang tanong nasaan ba si Abraham sa sanaysay na ito? alam ko ang sagot ninyo nasa langit. Subalit tandaan ninyo na may sinabi na ako noong nakaraan na hindi kapani-paniwala na si Abraham ay nasa langit, bakit? Sapagkat si Abraham ay hindi unang bunga ng pagka-buhay na muli, ang ating Panginoong Hesus pa lamang ang unang bunga ng pagka-buhay at yan ay ipinakita ko ang sagot mula sa bibliya. Ayon sa kasulatan at sa mga turo ni Pablo ang mga namatay na, mamamatay palang ay mapupunta sa isang lugar at doon sila'y mga tulog, ibig sabihin si Abraham ay tulog pa hanggang sa ngayon. Kung ganon kailan sila bubuhaying muli? Ayon sa banal na kasulatan bubuhayin muli ang mga patay (tulog) sa muling pagbabalik ni Hesus, nakuha ninyo - kung hindi hanapin na lang ninyo ang sagot sa bibliya lagi na lang ba ako...

Pero paano nangyari ito samantalang sinabi sa bibliya na dinala ng mga anghel si Lazaro sa piling ni Abraham. Bigyan natin ng mabuting paglalarawan ito “sa piling ni Abraham” – ibig ipahiwatig nito malapit, kasama, laging kasama, kasambahay ni Abraham. Tulad ng ating Panginoong Hesus, Siya’y masyadong malapit sa piling ng Kanyang Ama (Juan 1:18). Ganundin si Juan na malapit sa puso ni Hesus (Juan 13:23). Ibig sabihin si Judah ay hindi malapit sa piling ni Abraham subalit si Lazaro ay malapit o kasama at nasa piling ni Abraham – sino siya?

Ngunit sinabi ni Abram. Yahweh ano pang gantipala ang ibibigay mo sa akin? Wala naman akong anak! Wala akong tagapagmana kundi si Elieser na taga-Damascus. Hindi mo ako pinag-kalooban ng anak, kaya isa kong alipin ang magmamana ang aking mga ari-arian (Genesis 15:2-3). Subalit kung babasahin ninyo ang Genesis 13 ipinangako na ng Diyos kay Abraham na magmamana at magkakaroon ng mga kayamanan ang kanyang mga magiging anak, pero wala siyang anak, paano yun?

Si Elieser ay tapat na katiwala ni Abraham na mula sa Damascus ibig sabihin isa siyang Hentil or Gentiles (aso or dog – kung ituring, kilalanin ng mga Hudyo). Siya ay magiging mayaman kapag nangyari ang ganon kung ibibigay ni Abraham ang kanyang mga ari-arian sa kanya. Nabigay ba sa kanya? Parang hindi eh.. Kung titingnan nga natin ang kasaysayan ni Elieser walang nabanggit na kayamanang ibinigay ang Diyos sa kanya samantalang sinabi ni Abraham na itinuturing niyang tagapagmana ito. Nakita ninyo na si Elieser ay isang Hentil, ibig sabihin siya ay "aso" (dogs) na naghihintay lamang sa “mumo” malalaglag sa dulang ng mayaman. Bakit naman aso ang turing nila, pakibasa na lang sa (Marcos 6:27-29).

Wala ba kayong napapansin na parang nawala na ang talukbong kay Lazaro at lumalabas na siya si Elieser ang matapat na katiwala ni Abraham. Lazaro ay si Eliezer. Noong nakaraan din nasabi natin na ang ibig sabihin ng pangalang Lazaro ay (helpless) sa tagalong ata ito ay “kaawa-awa” subalit may nakita akong isang bagay na magpapatotoo na ang pangalang Lazaro at Eliezer ay iisa. Sapagkat yung Hebreo ng Lazaro ay Elazar or Eleizer galing sa EL (God) at AZAR (Help). Wow ang galing diba? Kung alam lang ni Lazaro ang ibig sabihin ng kanyang pangalan sa Hebreo matatanto niya na ang pagpapala ay nalalapit na sa kanya.

Ngayong nalaman na natin kung sino talaga si Lazaro maron pa tayong tutuklasin sapagkat mga tauhan palang ang ating naiipakilala, marami pang mga bagay ang kailangang masagot upang mawala ng lubusan ang mga tanong patungkol dito na kung ito ba ay “talinghaga o kasaysayan”. Sino ang tama?

Itutuloy

Lunes, Abril 14, 2008

Ang Mayaman at si Lazaro (Ikatlong Yugto)

Bago ko ipagpatuloy ang kapahayagan kaugnay sa banal na kasulatan para sa usaping ito nararamdaman ko na kailangan ang maayos na paghahayag ng kaalaman o pahapyaw na kapaliwanagan kinakalangan para dito. Narito siya sa kanyang bayan ngunit hindi siya tinanggap ng kanyang mga kababayan (Juan 1:11). Sino ang mga taong ito na hindi tumanggap kay Hesus? Diba yung mga nagsasabing sila’y mga Hudyo. Tama sila subalit sino ba ang tunay na Hudyo. Si Pablo ay galing sa angkan ni Benjamin, at siya mismo ay tinatawag na Hudyo. Ayon sa nabasa ko sa ngayon meron sa Jerusalem na Hebrew University sa dako ng Judea ang lahat ng nag-aaral ay mga Hudyo. Kung pagbabatayan natin ang bibliya may dalawang uri ng tao sa daigdig noon – ito yung tinatawag na Anak ng Israel at ang ibang mga bansa, pagkatapos ito ay naging “The Jews and The Gentiles” o Hudyo at Hentil.

Kung mapapansin ninyo nagkaroon ng pagpapalit sa katawagan sapagkat noon isa lang tawag sa kanila Israelita noong hindi pa nahahati ang dalawang pangkat pero ngayon ay naging mga Hudyo ang tawag sa kanila ito man ay galing sa angkan ni Reuben o kanino man natatawag na rin silang Hudyo na ang ibig ipakahulugan galing sa angkan ni Judah at tandaan ninyo na kahit sila lahat ay Israelita subalit lubos na napakalakas ng Judah ng mga panahong yaon. Ito’y mahalagang bagay sa pagtalakay ng talinghagang ito.

Sa ating tinatalakay si Hesus ay hindi nagsasalaysay lamang ng isang tao na mayaman at isang pulubi sa daan. Tandaan ninyo na lahat ng talinghaga sa bibliya hindi maaaring isalin ito ng literal sapagkat meron lagi itong kaakibat na kapahayagang makukuha kung ito ay isasalarawan ng tama ayon sa hinihingi. Makikita rin dito ang paggalaw ng Diyos, Satanas, ang panahon at ang kalalagayan ng tao.

Napakaraming mayaman, pulubi at ang pangalang Lazaro tulad ng nasabi natin ay naging karaniwang pangalan ito. Subalit sino ang mayamang ito na tinutukoy natin?, at sino ang Lazaro na ito? Yan ang katanungan natin na kailangang sagutin sa pitak na ito. Sino nga ba itong mayamang ito – si Bill Gates ba ito hindi pwede diba? Iisa ang taong ito na tinutukoy na mayaman sa lahat ng paglalarawan tungkol sa kanya – ito’y walang iba kundi si “JUDAH”. Hindi basta Judah na anak ni Jacob kundi yung pangkalahatan ng Israel sa pangunguna ni Judah o mga Hudyo ang mayaman. Bigyan ko kayo ng ilang patunay na tama ang aking sinasabi.

Sa Genesis 15:14 sinabi ng Diyos na ang lahi ni Abraham ay magiging mayayaman at ang kanilang bansa. Tingnan din sa 2 Chronicle 17:5, 12, 13-19. Naniniwala kayo? Na si Judah ang mayaman – tingnan ninyo sa ngayon sa mga paaralan, mga negosyo, sa mga nagmamay-ari ng malalaking kompanya sa mundo diba kung tawagin sila ay mga Hudyo (sino sila? diba sila ay mga nagmula sa Israel pero mas kilala silang mga Hudyo).

Nabanggit natin na ang mayaman ay nagdaramit ng mamahalin at damit na lino – si Judah ba ito o mga Hudyo. Si Haring David ay galing sa angkan ni Juddah at ang ating Panginoong HesuKristo ay ang Hari ng Judah at nasa linya rin ng angkan ni Judah (Mateo 1:2), hindi lang hari ng Judah kundi Hari ng mga Hari sa buong mundo, payag kayo? Si Judah ay patatlo sa mga anak ni Jacob subalit makikita mo sa Pahayag 7:4 si Judah ang nangunguna. Bakit? Sapagkat makikita natin na ang nakakapag damit ng mga ganong mamahaling damit, damit na lino ay mga hari lamang at iginagalang na pinuno ng bansa. Ewan ko, kung payag kayo na ang Diyos ang unang supling niya ay pinangalanang Judah, kaya nga merong tinatawag na "Lion of Juddah". Sino sya? Di ba si Hesus ang anak ng Diyos...

Balik tayo sa ating tinatalakay, nasabi ng mayaman na meron siyang limang mga kapatid, gusto ba ninyo makilala ang mga ito kung sinu sino sila. Kung si Juddah ang mayaman hindi pwede raw na meron siyang limang kapatid sapagkat may 12 (labing dalawa) siyang mga kapatid. Subalit nakita ba ninyo ang maaaring inilalarawan sa limang kapatid ni Judah na tinutukoy?, naisip ninyo ba na magkakapatid lang sila sa dahil kay Jacob subalit ibat iba ang kanilang ina?. Ang ina ni Juddah ay si Lea (kasama ang katulong niya) at ang mga kapatid niya dito ay sina Reuben, Simeon, Levi, Issachar, Zebulun (Genesis 29:31-35, 30:18-19) at pang-anim siya. Wow malaking kaisipan ito para sa mga taong ngayon lang nila nakita ang ganitong kapahayagan, hindi ko ito kaisipan kundi ito ay hango lamang sa banal na kasulatan. Malaya po kayong pumuna patungkol dito....

Sa sunod nating pagkikita ilalahad ko sa inyo kung sino si Lazaro.

Itutuloy

Linggo, Abril 13, 2008

Ang Mayaman At Si Lazaro (Ikalawang Yugto)

Nasusundan ba ninyo ang bawat puntos na inihahayag sa unang yugto. Ngayon naman ay isa-isahin natin ang ilang talata ng kaisipang ito kung masasabi ba nating isang kasaysayan lamang ito o isang talinghaga.

Talata 19: may isang mayaman – marami sa makababasa nito ay magtatanong, ang pagiging mayaman ba ay isang kasalanan?, totoo ba ito? Nagkakamali kayo sapagkat si Abraham ay napaka yaman (Genesis 13:2), Isaac ay mayaman, Jacob ay mayaman, Joseph ay mayaman, David ay mayaman. Job ay ang pinaka mayaman sa lugar nila (Job 1:3). At ang Diyos ang nagpala sa kanila kung kaya sila ay mayayaman. Ang pagiging mayaman ay hindi masasabing kasalanan. Sa karagdagan kaalaman basahin ang Galacia 6:7 at 2 Corinto 9:6-7 patungkol sa mga pagpapala na kaloob ng Diyos.

Talata 19: nagdaramit ng mamahalin – bakit natin bibigyan ng masamang kahulugan yung kulay o yung yari ng damit na suot ng mayaman? Ito ba ay kasalanan kung magsuot siya ng maganda sapagkat kaya naman niyang bumili ng ganon. Ano ba ang nagiging dulot o epekto nito sa ugali ng tao, meron ba? Kung literal nating susuriin walang epekto ito. Subalit tulad ng sinabi ko ito ay naglalarawan ng isang bagay na malaki ang kaugnayan upang makita natin ang katutuhanan sa kanilang pagkatao. Ang paglalarawan sa kasuotan ng mayaman at ang kalagayan ni Lazaro sa kandungan ni Abraham ang siyang pangunahing susi upang maunawaan ang kapaliwanagan ng talinghalang ito.

Talata 20: may isa namang pulubi – ang pagiging isang pulubi o mahirap ay walang karangalang maipagmamalaki sapagkat maraming sinasabi sa bibliya ang patungkol dito. Sundan sa mga sumusunod na talata (Kawikaan 6:10-11, 10:4, 13:4. Ito rin ang nagbubuyo sa tao upang magkasala. Subalit ang Diyos ang siyang gumagawa para sa mayaman at mahirap (1 Samuel 2:7).

Talata 20: pangalan ay Lazaro – na ibig sabihin nito sa salitang Hebreo ay “helpless”. Bakit natin nais alamin ang kahulugan ng kanyang pangalan samantalang ang sinasabi natin dito ay dapat isalin sa literal. Lazaro ay isang palasak o karaniwang pangalan sa Israel at sino ang may gustong gayahin ang ganitong pangalan kung nangangahulugang "helpless". Naalala ko yung pangalang Hudas na hanggang sa ngayon ay ayaw maging pangalan o tawag man lang ng isang tao kasi sa nangyari sa kanya, ganon ba tayo? Ganun din sa pangalan ng mayaman dapat din ba nating alamin kung isasalin lamang ito sa literal walang kaugnayan ito. Subalit tulad ng iginigiit natin na ito ay talinghaga na kailangang malaman natin ang kahulugan nito.

Aminin man ninyo o hindi ang mayaman ay nakalasap ng pagpapala ng Diyos sa kabila ng kanyang ugali, diba? Ayaw ninyong maniwala tingnan natin kung paano magpala ang Diyos sa (Deut. 28:11, 12). Natanggap niya ang kasaganaan sa buhay katulad ng nakasulat sa bibliya (Santiago 1:17) at si Lazaro ay walang pasubali na nasa ilalim ng sumpa, payag ba kayo? (Deut 28:16, 27, 29). Kasi tingnan ninyo kapag ang tao ay walang bahay, nagugutom, may sakit, nasa daanan ano sa tingin ninyo pinagpala ba siya? – tumingin ang may mata..

Talata 22: namatay ang pulubi, at dinala ng mga anghel sa piling ni Abraham – kapag ito ay isinalin sa literal na salin ito ay imposible bakit kamo kasi si Hesus ay narito pa sa lupa samantalang sabi nyo si Lazaro at Abraham ay nasa langit, paano yun si Hesus ang unang umakyat sa langit matapos pagtagumpayan ang kamatayan at tandaan ninyo ang pagkabuhay na muli ay sa hinaharap (1 Corinto 15:20). Si Abraham ay hindi ang unang bunga ng pagkabuhay na muli kundi si Kristo. At tandaan ninyo ito – walang sinuman ang umayat sa langit, kundi ang siyang bumaba mula sa langit (Juan 3:13). Nakita ninyo ang pagsalungat nito sa bibliya kung isasalin natin ito sa literal.

Gusto pa ba ninyong ituloy nating isa-isahin ang bawat talata pero sa tingin ko sapat na yung ilang ipinakita natin sa itaas upang makuha ninyo ang pinupunto ko rito. Subalit kung hindi pa ito sapat wala na akong magagawa pa kundi ang ipagpatuloy na lang ito sa panibagong bahagi kaugnay sa usaping ito. Matatalino kayo, marunong bumasa, umunawa at tumuklas o sadyang matigas ang ulo ninyo. Bato bato sa langit ang tamaan ay bukol, masakit yun.......

Itutuloy...

Sabado, Abril 12, 2008

Parable (Talinghaga)


Sa buhay ng tao marami ang mga pangyayari na binibigyan ng ibat-ibang kahulugan ayon sa kalagayan, antas, pananampalataya ng isang tao. Sa pasimula pa ng kasaysayan ng tao nagpalipat-lipat ang ibat-ibang kaugalian, kasaysayan, paniniwala mula sa bibig ng kanilang mga ninuno naroon ang mga kasabihan, bugtong, paniniwala, kaugalian. Dahil dito makikila ang ibat-ibang tao. Bakit ko nasabi ito sapagkat ang bagong kaisipan na ating tatalakayin ay tungkol sa mga natalang naging tatak ng ating Panginoong Hesus mula ng simulan ang kaniyang ministeryo - ano itong sinasabi kong naging tatak Niya. Ito yung "talinghaga" na sinasabing lahat ng mga pagpapahayag Niya sa harap ng mga kalipunan ng tao ay nagsasalita Siya sa pamamagitan ng talinghaga. Naniniwala ba kayo?

Sa mga natala sa bibliya na mga talinghaga (parables) ito ay karaniwang makikita sa apat na aklat ng mga apostoles ni Hesus na sina Mateo, Marcos, Lucas, at Juan, karaniwang natala ang mga talinghaga na ito ayon sa pagkakahayag ng mga sumulat subalit kung papansinin ninyo hindi nalalayo ang bawat isa sa kanilang ginamit na kapahayagan. Ang mga ito ay nasulat sa ibat-ibang kapamaraanan, panahon, pangyayari at ibat-ibang lugar. Makikita sa bawat talinghaga ang mahusay na pagpapahayag kung ano ang tinutukoy sa kaisipang binabanggit at kalagayan ng mga kaharap.

Sa isang bahagi ng banal na kasulatan ay matalino at maayos na inihayag ni Lucas sa Lucas 16:19-31 ang pinagtatalunang “Ang Mayaman at si Lazaro” – marami ang nagtatanong ito ba ay isang talinghaga o isang sanaysay lamang ng isang manggagamot para sa kanyang mambabasa? Tahasan nilang pinasusubalian na ito ay isang talinghaga sapagkat binabanggit sa sanaysay ang pangalan ng isang tao – si Lazaro. Sa pagbanggit ng pangalan ng isang tao ay hindi masasabi na batayan ng isang talinghaga, sapagkat sa ibang mga talinghaga ay nabanggit ang mga sumusunod: Marcos 4:15 (nabanggit ang pangalang Satanas), Mateo 13:37 (nabanggit ang Anak ng Tao), sa Mateo 13:39 (nabanggit ang demonyo), Mateo 15:13 (nabanggit ang Diyos Ama). Tulad ng nasabi ko na sa itaas na si Hesus ay nagsalita sa mga tao, Pariseo ng mga talinghaga, karaniwang sinisimula niya ang pagsasalita ng patalinghaga (Marcos 12:1) at sa Mateo 13:34. Suriin ninyo ang hanay ng mga talinghaga na inihayag ni Hesus mula sa Lucas 15 ang “Ang nawalang Tupa, Ang Nawalang Salaping Pilak, Ang Alibughang Anak, Lucas 16 Ang Tusong Katiwala at ang pang lima ay itong Ang Mayaman at si Lazaro”. Suriin ninyong mabuti ang pakasunod sunod ng pagkakahayag ni Hesus mula sa nawalang tupa, ang nawalang salaping pilak kung kayo ay palabasa sa ibang mga salin ito ay ginamitan ng “o” at “sinabi pa” na ibig sabihin magkakarugtong o magka-ugnay. At doon sa Lucas 16 tingnan ninyo na ang pagkakalahad ni Hesus – “may isang mayaman” at sa pang limang talinghaga ginamit ulit niya ito “may isang mayaman” Tandaan po natin na ang talinghaga ay di maaaring isalin sa anyong nabasa lamang, sapagkat ito’y dapat isalin ayon sa hinihingi ng paglalarawan o mga kahulugan ayon sa angkop na kahulugan. Tulad ng alibughang anak nabanggit doon na sinabi ng ama sa panganay ang kanyang bunsong anak ay “patay na” – subalit ito ay hindi talaga patay kundi umalis o naglayas, humiwalay lamang. Doon sa talinghaga sa Lucas 6:39-42 nabanggit dito na “ang tinitingnan mo’y ang puwing ng iyong kapatid, ngunit hindi mo pinapansin ang talihan sa iyong mata” di pwede nating isalin ang “talihan” sa ganong anyo sapagkat hindi kapani paniwala ang ganong kalaking puwing sa isang mata. Ang alam natin na ang talinghaga ay isang tunay na kasaysayan na ginagamit lamang ni Hesus upang maunawaan ang kanyang mga turo, subalit kabaligtaran nga ang nangyari sapagkat ilan sa mga talinghaga ay hindi binigyan ng kahulugan ni Hesus kaya sila'y nagbubulong-bulungan.

Makikita ninyo ang katutuhanan sa dalawang tauhan na mahirap makita ang sinasabing kapahamakan dinaranas ng mayaman at kaligtasan o kaaliwan ni Lazaro. Ang masisiguro lang natin ang mayaman ay nasa lagay na kaparusahan at si Lazaro ay nasa pagkalinga at kaaliwan, ngunit di nasabi sa sanaysay kung bakit ito nangyari. Kung titingnan natin ito sa kapahayagang literal, ito ay masasabi nating walang lohikal, taliwas sa bibliya, at salungat ang mga pangyayari at hindi kapani-paniwala. Subalit kong susuriin natin ito sa anyong naglalarawan sa hinihinging kahulagan makikita natin ang talagang ipinahihiwatig ng Diyos sa tao. Kailangan nating malaman ang totoong katauhan ng dalawang ito bago natin makita ang totoong pinakakahulugan ng Diyos sa atin. Ang mayaman ay nakakalasap ng “magagandang bagay” sa kanyang buhay dito sa lupa samantalang si Lazaro ay nakakalasap ng “masamang bagay” sa kanyang buhay dito. Yan ang totoo diba? Natatandaan ninyo ang sinabi ni Hesus – mahirap sa mayaman ang makamit ang kalangitan o pagharian ng Diyos, totoo yun diba? Subalit hindi batayan yun sa pagiging mayaman ang isang tao sapagkat maraming mayaman na maka-Diyos ang sinasabi ko lang dito ay kung ang pina-iiral ay ang kapangyarihan ng kayaman sa buhay hindi ang kalooban ng Diyos. Hindi ko sinasabi dito na ayon ako sa mayaman nais ko lang ipakita na yung mayaman ay pwede ring pagharian ng Diyos at magkaroon ng mana sa Kanyang kaharian kung gagamitin niya ang kanyang kayamanan sa nararapat.

Itutuloy




Biyernes, Abril 11, 2008

Free Will (Laya mag-pasya o pumili)


Ang nakaraang kaisipan sa ibaba ay isang balangkas lamang ng isang salita na ang pinagmulan ay ang ugat na salitang “laya”. Kaya ngayon subukan nating balakasin ang ugat na salitang LAYA – subalit talakayin natin ito sa anyong naka-ugnay sa pagpapasya at pagpili. Isunod natin ang tanong na mayroon bang laya tayong magpasya o pumili ng anupaman ng wala tayong iniisip na anupamang mangyayari. Bakit ko nasabi yun sapagkat ang salating laya na ang ibig sabihin ay malaya sa anumang kaganapang nakalipas, kasalukuyan at panghinaharap.

Tulad ng ating mga unang mga magulang totoo bang may laya silang gawin, piliin, magpasya anumang bagay doon sa halamanan ng sila ay ilagay ng Diyos doon? Alalahanin natin na nagbigay ng kautusan o babala ang Diyos para sa dalawa. Ano ang magiging apekto nito sa ating pinag-uusapan, malaki sapagkat kung may laya silang gawin anuman ang maibigan nila doon di na sana sila binigyan ng babala o utos ng Diyos. Subalit marami ang nagsasabi na ang tao ay hindi ROBOT, tama kayo sapagkat ang tao ay di nilikhang isang robot na di-susi. Ang tao ay nilikha na mayroong karapatang pumili, magpasya, gawin ang anuman ngunit walang laya sa anupaman sapagkat bawat gawin natin masama man o mabuti meron itong katapat na parusa o pag-papala sa mga gigawa nito. Ibig kong ipuntos dito na may pagpili, pagpasya tayo subalit hindi ito ligtas sa anumang kaganapang pangnakaraan, kasalukuyan at panghinaharap, maaari itong masama o mabuti ang magiging kaganapan sa atin. Taliwas sa ating kaisipan at kahulugan na ang salitang laya ay ligtas sa anumang bagay na nakaugnay sa nakalipas, sa ngayon at sa hinaharap.

Sige ilagay natin yung iniisip ninyo na si Lucifer a.k.a. Satanas noong bago pa siya mag-rebelde sabi nga. Tulad ng nauna nating paglalarawan sa kanya, siya ay isang anghel, mang-aawit sa harapan ng Diyos sa kalangitan, payag kayo? Subalit nagkaroon siya ng pagnanasa na mataasan ang Diyos, kaya siya ay nagbalak mag aklas laban sa Diyos kaya lang nabuko siya (tama ba yung isinasaad ko dito). Nangyari nga ang pag-aaklas niya at ang mga kasama niyang mga aktibista na ang naging kaganapan sila’y napatapon dito sa lupa. Lumalabas nga naman na may laya siyang gunawa, pumili, nagpasya sa kanyang mga ginawa. Pero ito ang mga tanong – Matapos niyang balakin, isagawa iyon – ano na ang nangyari? Di ba pinarusahan sila, kasi kung sinasabi ninyong may laya siya dapat sanay wala silang kaparusahan, kundi ay hinayaan lang sila kasi kalayaan nilang gawin yun. Subalit sa kabilang dako na wala silang laya kasi pinarusahan sila ng Diyos. Nakuha ba ninyo ang puntos ng kaisipang walang laya si Lucifer/Satanas.

Heto pa ang tanong alam kaya ng Diyos yung mga binalak si Lucifer na pag-aaklas? Kung ang sagot ninyo ay hindi, diyan kayo nagkakamali sapagkat ang Diyos ang Siyang nakababatid ng lahat ng bagay, nangyari, nangyayari at mangyayari pa. Kung ganon bakit nangyari ang ganong bagay sa kalangitan? Dapat pa bang sagutin yan? Kung babalikan natin ang napakaraming sitas sa bibliya na ang lahat ng nangyari, nangyayari at mangyayari pa sa daigdig o sa tao ay naka-plano na noong una pa man sa Diyos. Ibig sabihin na mula kay Lucifer/Satanas na sinasabi, Adan at Eva sa halamanan, ang punong kahoy ang kasalanan ang lahat ng ito ay nasa plano ng Diyos. BAKIT?

Bakit? Hindi ninyo alam ang sagot. Naalala ninyo ang mga hula ng mga naunang lingkod ng Diyos ang sinasabi ko ay ang mga propeta ng Diyos marami sa kanila ang humula, sinabi at ipinabatid sa atin na may isisilang, darating na mangunguna, maghahari at makikilala ng lahat, sino ito? – di ba si HESUS yun ang pinangakong tagapagligtas….ang ipinangako, ang inihula. Payag ba kayo? Kung hindi tigilan na natin ito kasi kahalitulad kayo sa sinabi ko na TUOD na hindi alam ang pasimula at ayaw tuklasin kung bakit sila naging tuod.

Itutuloy na lang nating sa darating na panahon.. sa kalooban ng Diyos. Mga kaibigan ko sa sunod na kaisipan ilalahad natin dito ayt tungkol sa isang malawak na usapin - ito ay ang tungkol sa parabula ni Hesus or Parables in the bible.

Miyerkules, Abril 9, 2008

May Kalayaan

Bago ang lahat ay hayaan nating balangkasin ang salitang Kalayaan. Ano bang ibig sabihin nito? Ito ba’y isang bagay na puwede mong ilagay sa isang sulok at iwan nalang sukat. Kung bibigyan natin ng kaunting pansin ang salitang kalayaan sa buhay ng tao – marami ang napapahamak sa malabis na pag-abuso sa kalayaan. Bilang isang magulang natutuhan ko na gamitin ang kalayaan ng tama para sa aking dalawang anak na sa tingin ko ay angkop sa kanila sapagkat nakita ko ang naging kaganapan noon na naging mabuti sa kanila. Sinasabi na ang salitang kalayaan – ay nangangahulugang malaya ka sa anumang gawin, isipin, salitain na walang anumang kaganapang mangyayari mabuti man o masama ito. Ito ba ang ibig ninyong kahulugan o meron pang iba kayong nasa-isip? Binigyan nga ba si Adan at Eva ng kalayaang pumili, kumain, gawin ang lahat sa halamanan?, pero bakit sinabi pa ng Diyos sa kanila na maaari ninyong kanin ang lahat ng bunga ng punong kahoy dito huwag lamang ang bunga ng punong kahoy na iyon sa gitna. Maliwanag na may alituntunin ang Diyos sa harden na kapag nilabag may kaganapang mangyayari sa gumawa, may batas doon. Nasaan ang kalayaan, nawala dib a……

Walang kalayaang ibinigay ang Diyos kay Adan at Eva. Ibig sabihin kabaligtaran ng nasa itaas na kaisipan ang pinatutungkulan nito. Subalit, paano mo masasabi na walang kalayaang ibinigay ang Diyos sa unang magulang. Tahasang masasabi ko na hindi kalayaan yaon sapagkat nagbigay ng babala ang Diyos sa tao. Alam ng Diyos na mahina ang tao, alam ng Diyos na magkakasala ang tao. Subalit nasaan ang sinabi na nilikha ang tao na kawangis, kalarawan ng Diyos.

Ang puntos ko rito alin ba sa dalawang kaisipan ang tama – meron tayong kalayan o walang kalayaan. Kayo na ang humusga sapagkat kapag sinabi mo na wala tayong kalayaan darating ang panahon na sisisihin ng tao ang Diyos (pero karaniwan naman ganon ang ginagawa ng tao sa Diyos). Mag-isip naman kayo, ako na lang lagi eh….


Tingnan natin sa maka-mundong kapaliwanagan kung meron bang kalayaan o wala ang tao. Ang gobyerno ng alinmang bansa ay nagkakaroon ng kani-kanilang batas na susundin ng bawat nasasakupan nila o pinamamahalaan nila. Karaniwang nakapaloob sa bawat batas na kanilang ginawa ay mayroong kaparusahan ayon sa bigat ng kanilang kasalanan.

Ang Pasimula (Huling Yugto)


Nasagot na ba natin ang katanungan o nanatiling katanungan pa rin. Mula ng magrebelde si Satanas at magkasala ang unang mga magulang natin naging makasalanan na ang tao. Tinanggap ng ahas at ng tao ang parusa mula sa Diyos, ang ahas ay gagapang sa lupa habang siya'y nabubuhay. Ang lalake ay maghihirap bago nito pakinabangan ang bawat kanyang tinatangkilik, sa babae naman mabibingit sa hukay ang kaniyang buhay sa tuwinang magluluwal sa sinapupunan bawat supling na buhay. Ang parusang ito ay naranasan ng bawat nilalang dito sa ibabaw ng lupa. At naging matindi ang mga naging kasalanan ng tao.

Sa mga inilahad natin dito patungkol sa kaisipang ito masasabi na ba natin na sa harden nagsimula ang kasalanan o sa langit na kung saan nagrebelde ang dating anghel at itinapon dito sa lupa na naging sanhi ng kasalanan ng tao. Subalit lumalabas na ang tao ay napakahina, samantalang sinasabi sa bibliya na noong likhain ng Diyos ang tao, ito’y nilikha ayon sa kanilang wangis o larawan. Ang ibig sabihin sa madaling salita banal ang tao sapagkat ang lumikha sa kanila ay banal. Bakit kaya? May nagsasabi na nangyari ito dahil sa ang tao ay binigyan ng kalayaang pumili at magpasya para sa masama at mabuti. Kaya nga mga minamahal sa sunod na yugto nito ay masasabi nating meron ulit tayong bagong mga katanungan, ito’y. Ang tao ba ay binigyan ng kalayang magpasya at pumili o ito ay talagang katangian na ng tao ang pagiging mahina at makasalanan?


Magkita muli po tayo sa mata.....

Ang Pasimula (Ikatlong Yugto)


Siguro nakukulitan na kayo sa aking ginagawang walang katuturang layuning ito subalit kung pag-aaralan at lilimiin ninyo ang bawat yugto ng kaisipang ito, meron kayong mapupulot na bagay na makatutulong sa inyong buhay mananampalataya. Hayaan ninyo na isa-isahin ko ang mga natutunan ko mula ng matuto akong magbasa, tumuklas ng mga bagay na tungkol sa pinag-mulan ng Diyos, unang mga tao na kasama na rito ang ilang mga kaisipan patungkol sa pinag-mulan ng daigdig na ito. Subalit tandaan ninyo na hindi yun ang ating pinag-uusapan dito, kundi kung sino ang tama sa dalawang kaisipan patungkol sa pinagmulan ng kasalanan? Sa una at sa ikalawang yugto may mga bagay na akong natalakay patungkol dito, subalit nananatili pa ring may naiiwang katanungan na subukan nating tuklasin ang mga kasagutan upang hindi manatiling katanungan ang layunin nito.

Nabanggit natin sa mga nakaraang pahina na si Adan at Eva ay inilagay ng Diyos sa halamanan ng Eden at mula doon ay natala sa bibliya na si Eva ay natukso sa ipinagbabawal na punong kahoy. Ang tanong - sino ang naglagay ng punong kahoy sa gitna ng halamanan? Bakit inilagay ito sa halamanan? Bakit naging maganda sa paningin ng lalake at babae ang punong ito? Ilan lang ito sa mga katanungan laging kumikintal sa isang nilikha ng Diyos. Ang unang tanong SINO – may sumasagot ng ganito ang Diyos at meron namang nasasabing kagagawan ito ng demonyo sa layuning gamitin nga sa pag-tukso sa unang tao. Subalit masasabi nating tama ang una na ang Diyos ang naglagay nito sa gitna ng halamanan. Pero paano naman ang tanong na BAKIT – may nagsasabi na gagamitin ito upang subukin ang unang mga tao sa pagsunod sa Diyos, may iba nag sasabi na ang tao ay may sariling kalayaang pumili ng anumang magustuhan. Pero, bakit di na lang sinabi ng Diyos na wag ninyong kanin yan sapagkat ayaw ko kayong subukan kasi mahal ko kayo at nasisiyahan ako sa pag-kalikha sa inyo. Subalit natala sa bibliya na nalungkot at nagsisi ang Diyos sa pagkalikha sa tao kasi naging makasalan ang lahat, walang nakarating sa kaluwalhatian ng Diyos.

Kayo na nakabasa nito may mga kaisipan at katanungan kayo na nanatiling katanungan sa inyong isip – pero isa lang ang masasabi ko patuloy ninyong tuklasin sa kanyang salita ang hiwagang nakabalot sa ating katanungan – Sino ba ang tama?

Itutuloy….

Ang Pasimula (Ikalawang Yugto)

Halo kumusta ulit narito ang karugtong ng nasimulan kong katanungan kanina o kahapon, kanina pala lang yun, medyo kasi nagpaturo pa ng ilang bagay para maipagpatuloy ko ang nasimulang layunin ng pitak na ito. Naiwang katanungan eh ganito "sino nga ba ang naunang pinagmulan ng kasalanan? Yung sinasabing si Satanas at yung sinasabing si Adan at si Eva. At sabi pa nila sa langit nagmula ang unang kasalanan at di sa halamanan ng Eden. Di ba kapag sinabing langit banal ang naroon liban na lang doon sa iba na ipakahulugan ng langit sa lupa (he he he...), bakit nangyari ang ganon?

Balik tayo sa langit pero may nabanggit ding mga sitas sa bibliya na nagkaroon ng unang pagrerelde sa langit sa pangunguna ni Satanas na sinasabing dating isang maamong anghel at tagapanguna sa pag-aawitan sa langit ngunit naging pangunahing kalaban ng Diyos, kaya doon nagsimula yung pagkakaroon ng "mabuti at masama". Nakukuha nyo ba ang pinupunto ko? Kaya lumalabas na sila ang nagsimula ng kasalanan - inggitero kasi si Satanas hayun itinapon sila ng mga kasama nila sa Fort Bonifacio bakit napunta roon, sa daigdig pala... pasensya na tao lang po....


Subalit may mga sitas din sa bibliya na nagsasabing ang unang kasalanan ay nagmula sa unang mga magulang sa panunukso ni Satanas (ayun pala naman eh, kontra bida pala). Ito ay nangyari sa halamanan ng Eden na hanggang sa ngayon sa pagkaka-alam ko di pa alam kung saan ang lugar na ito (pakihanap lang sa mapa o sa google earth map para makatulong man lang tayo sa paghahanap).



Ang Pasimula

Kapag narinig, nabasa ninyo o natin ang salitang pasimula di ba agad na maiisip mo ay tungkol sa Diyos, si Adan at si Eva at ang daigdig... kung ganon Tama kayo.. Subalit iilan lamang sa atin ang may pansariling pagnanais na alamin, pag-aralan at tuklasin kung ano nga ba ang pasimula ng lahat.. Meron nag-aaral ng patungkol dito sa kanilang kolehiyo, meron naman sa mga pagtitipon natutunan ang mahalaga merong ilan na naghahanap noon.

Naalala ko tuloy ang katanungang saan ba tayo nagsimula? di ba sa maliit na bata sa batang walang muwang sa mundong ito.. walang alam sa paligid ni ang ating paningin ay malabo rin, ang alam lamang gawin ay dumede, matulog. Pero dumating ang panahon na unti-unti tayong natuto mag salita, gumalaw kahit minsan ay natatakot ang nanay natin sa mga galaw natin. Pero naroon ang patuloy na pagtuklas natin sa mga nakapaligid sa atin. Ganon tayo nagsimula di naman na sa pag-silang sa atin alam na natin lahat lahat... di ba? Pero ano ang kaugnayan nito sa aking pinupunto? Malaki sapagkat kung wala tayong pagpupursige malaman ang pasimula para tayong isang tuod na di nalaman kung paano siya naging tuod.

Sinasabi sa bibliya na ang Diyos ay walang simula walang katapusan. Anong ang ibig iparating sa atin nito di ba malaki. Kung ang Diyos ay walang simula at katapusan paano kaya ang daigdig may pasimula kaya ito at may wakas... saanat kailan kaya ang wakas. Alam natin na ang tao ay nagsimula sa unang mga magulang natin kay Adan at Eva na nabanggit sa bibliya. Na naunang nilikha si lalake mula sa alabok hinugis na kawangis ng Diyos at pagkatapos ay hiningahan sa ilong at ito'y naging buhay na kaluluwa. Tama ba ako o hindi?
Napag-alaman din natin na doon nagsimula ang unang kasalanan sa ating unang mga magulang - tama ba yun? Pero may mga sumasalungat na hindi raw doon nagsimula ang kasalanan kundi sa langit mismo. Sa langit mismo nag simula ang unang kasalanan kanino eh langit yun - ang tahasang sinasabi ng iba - kay Satanas daw. Ayon ba kayo sa sagot nila o ilalahad ko pa kung bakit siya nagkasala, pwedeng di na siguro kasi pang elementariya pang usapan yan... Kayo ano ang inyong masasabi rito - Sino ang tama sa kanila na sa tingin natin meron silang mga puntos sa kanilang mga kasagutan.

Itutuloy...