Sa buhay ng tao sa mga panahong ito ang kailangan ay talino, kaalaman at pag-iingat sa anumang gagawin – talino at kaalaman sa salita ng Diyos. Bakit? Sapagkat ang daigdig na ito ay puno na ng kasalanan, kamunduhan at laganap na ang kasamaan. Ang tao ay madaling mabihag sa materyal na bagay, sa katanyagan, sa kagandahan, sa kayamanan. Walang halaga sa tao ang Diyos sinasabi lang nilang mahalaga pero hindi totoo sa kanila puso, ganyan tayong tao sa ngayon. Pero ano ba ang kaugnayan nito sa bagong entre ko? Ano ba ang kaisipan natin ngayon na nakaugnay sa kasulatan. Sa kasulatan maraming mga sitas ang tumutukoy sa tinatawag na “agimat” o “pampasuwerte” o madyik daw.
Kasama ba rito yung tinatawag sa makabagong panahon na “feng-sui” na kinuha sa kaugalian ng mga Intsik. Sa mga naunang panahon naging palasak o kilala ang mga agimat ng mga matatanda lalo na sa mga probinsya. Ibat ibang uri meron nito, kahit pa noong mga naunang panahon laganap na rin ito. Pero ano ang sabi ng kasulatan tungkol dito – ito ay pag-samba sa diyos diyusan, na napakalaking kasalanan sa Diyos. Subalit ano ba ang sinasabi ng Diyos patungkol sa mga ito, tingnan natin sa mga sumusunod na sitas:
Isaias 2:6 – Itinakwil mo ang lahi ni Jacob na iyong bayan, pagkat ang lupain ay puno ng mga manghuhula. At mga manggagaway, gaya ng mga Filisteo. Nakikibagay sila sa kaugalian ng mga dayuhan.
Yan yung unang sinasabi sa kasulatan, itinakwil ng Diyos ang lahi ni Jacob sapagkat naki-ayon sila sa mga kaugalian ng mga dayuhan, napuno ng ibat ibang manghuhula, manggagaway, mga agimat, at ibang paniniwala, sa kabila na alam nilang ayaw ng Diyos na magkaroon sila ng ibang diyos maliban sa Kanya. Ang ganito kaya ay hindi nangyayari sa ngayon o mas masahol pa? Subalit sinabi rin ng Diyos sa kasulan na:
Isaias 3:18-20
18 – Sa araw na iyon, aalisin ni Yahweh ang mga pahiyas sa paa, ulo at leeg.
19 – Ang mga kuwintas, pulseras at bandana
20 – Ang mga pahiyas sa buhok, braso, baywang, mga sisidlan ng pabango at mga AGIMAT.
Ezekiel 13:20 – Kaya nga ipinasasabi ni Yahweh, “nasusuklam ako sa mga benda ninyong may madyik” para mabihag ang loob ng mga tao. Hahablutin ko iyon sa inyong mga galang galangan at papalayaing tulad ng ibon ang isipan ng mga taong nabihag ninyo.
Siguro dahil sa pagbabago ng panahon nawawala na yung mga agimat, subalit marami naman ang ipinalit na ibang bagay, meron pa na ginagamit ang pangalan ng Diyos sa kanilang ginagawa. Yung iba naman inaakala nilang tama yung kanilang ginagawa at paniniwala sa mga bagay na walang kabuluhan. Ang masakit nito kahit na mga taga-sunod na ni Hesus, may gumagawa at naniniwala pa rito tulad na lang sa feng-sui, wala daw namang mawawala kung susunod – “malay nga daw kung totoo”. Kapag ganito ang katuwiran, mapapahamak sa kawalan ng kaalaman tungkol sa kung ano ang nakasulat sa kasulatan na dapat sundin at gawin… Sa ngayon meron pa bang ganitong agimat at iba pa, marami at kayo ang makakasagot niyan – baka kayo meron nito, galit ang Diyos sa inyo.

1 komento:
malay mo nga naman.. he he he..
dagdag mo pa 'tong classic alibi na "wala namang mawawala kung maniwala eh"...
anong masama rito?
its the thought of depending on those magical stuff, "bulong", agimat, etc. rather than depending to the mighty One, the Creator, the Provider, our GOD.
Mag-post ng isang Komento