Linggo, Hulyo 6, 2008

Judas Iscariot Who?

Hudas ka! Tiyak na maririnig mo ang ganitong pananalita kapag may nagawang kang katrayduran sa isang tao. Bakit kaya? Sapagkat kilala ng lahat kung sino si Hudas (Judas) na isa sa mga alagad ni Jesus. Sa mga Pilipino tiyak ako na wala kang makikita na ang pangalan sa kanilang mga anak ay Hudas. Kilala rin ng lahat ang ginawa ni Hudas kay Kristo na pagkakanulo sa 30 pirasong pilak. Ang paggamit sa pangalang Hudas ay kasing sama sa paggamit ng pangalang Lucifer. Ito yung mga pangalan o mga tauhan sa Banal na Kasulatan na itinuturing na kontrabida.

Kung tatanungin mo ang bawat Kristiayano – kung ang pagkapako kay Hesus ay naka-plano na noong pang pasimula, ang isasagot sa iyo ay walang kagatol gatol na "OO". Pero walang pagsidlan ang galit nila sa pangalang Hudas, sapagkat ng dahil sa kanya napako raw si Hesus. Ang gulo ano… Heto ipina-aalam ko lang na hindi ako pabor sa ginawa ni Hudas, pero ito rin naman ang masasabi ko na si Hudas ay may malaking bahagi sa kaganapan ng mga pangyayari kay Hesus. Si Hudas ang naglalarawan ng kung ano ang karaniwang tao sa ngayon. Si Hudas ang naglalarawan kung bakit si Hesus ay ipinadala ng Diyos Ama ditto sa lupa. Sapagkat ang tao ay may ganitong katauhan.

Dapat bang sisihin si Hudas sa nangyari sa ating tagapaglitas na si Hesus? Marami ang nagsasabi na siya lang ang dapat sisihin, sapagkat kung hindi dahil sa kanya hindi mahuhuli para ipako si Hesus. Kapag ganito ang inyong katuwiran tahasan kong masasabi na pinangungunahan ninyo ang mga nakalagay sa kasulatan. Ilang ulit sinabi o ipinag-pauna na ni Hesus ang tungkol sa kanyang pagbabata. At laging sinasabi ng mga alagad Niya na silay sasama kahit saan. Pero silang lahat ay nangalat nangawala ng mga panahong hinuli na si Hesus. Ganon din si Pedro pinagkaila pa niya si Hesus. Pero mabigat ang ginawa ni Hudas at siya’y hindi nagsisi bagkus nagpakamatay pa.

Tayong lahat ay naniniwala na ang lahat ng nangyayari sa ating buhay, kanilang buhay at kaninuman ay may “purpose” o layunin ayon sa kalooban ng Diyos. Sa pagtupad ng layunin ng Diyos itong lahat ay sa ikabubuti, kalooban at sa pagka Diyos, Niya. Bakit? Sapagkat, ginagawa Niya ito ng ayon sa Kanyang kapamaraan at kapangyarihan. Halimbawa – Ng ipagkaila ni Pedro si Hesus sa harap ng mga tao, ano ang layunin Niya? Dib a bago nangyari yaon, sinabihan na ni Hesus si Pedro na mangyayari yaon ng tatlong beses bago tumilaok ang manok? Nagsalita pa nga si Pedro na hindi mangyayari yun, pero nangyari “yun ang layunin ng Diyos” na mangyayari ang lahat ng Kanyang sinsabi. Kung hindi nangyari yun ginagawa nating sinungaling ang Diyos.

Sino ba itong si Hudas (Juda) sa Lucas 22:3 - Pumasok si Satanas kay Judas, na tinaguriang taga-Keriot, na kabilang sa labindalawang alagad. Si Hudas ay isa sa mga alagad ni Hesus, tagapag-ingat ng kaban ng mga alagad. Yung taguri sa kanyang Iscariote ay kinuha sa kanyang pinagmulang lugar ang Keriot. Sinasabi na si Hudas daw ang kakaiba sa lahat sa mga alagad ni Hesus. Pero ang tanong lahat ba ay may bahagi ang mga alagad sa naganap na pagkapako ni Hesus. Ang sagot – "OO". Tulad ng nasabi ko si Pedro ipinagkaila si Hesus, at yung ibang mga alagad tinalikuran nila si Hesus. Si Hudas ang bahagi niya ay ang “ipagkanulo” sa halagang 30 pirasong pilak si Hesus.

Ibig mong sabihin ito yung sinasabi mong layunin ng Diyos. Sa pagtupad ng layunin ng Diyos tiyak akong magaganap lagi ito tulad ng sinabi niya sa Isaiah 55:11 - so is my word that goes out from my mouth: It will not return to me empty, but will accomplish what I desire and achieve the purpose for which I sent it. Heto malinaw na hindi babalik ang salita ng Diyos ng walang kabuluhan, ibig sabihin na matutupad ito kahit sa anumang paraan, ayon sa Kanyang kalooban. Ibig sabihin walang magagawa si Hudas kundi gawin yun o yun talaga ang naturalisa ng isang tao. Ibig sabihin walang kalayaang pumili ang tao parang tayong rubot.

Kung titingnan natin sa makataong palagay talagang masama ang ginawa ni Hudas. Subalit tingnan natin ito ayon sa kalooban ng Diyos, makikita natin yung kahalagahan ng ginawa ni Hudas para sa katuparan ng salita ng Diyos. At para sa kaligtasan ng mga nakararami. Hindi natin pwedeng pigilan ang mga nangyari o hindi natin pwede itong baguhin ayon sa ating magandang nakikita. Maraming bagay ang ipinakita ng Diyos dito, nakita natin ang kapangyarihan Niya, nakita at napag-alaman natin ang pagkabuhay na muli ni Hesus.

2 komento:

Si Me ayon kay ...

wierd kasi 'yong confirmation word ko for this comment sounds like "traitor"...at si Judas talaga ang topic.. he he he

i felt sad for Judas, as if gusto nya talaga 'yon, i mean he has to do that in order for the word of god to be fullfilled, right? what if he dont do that? puede bang tumanggi?

if you've watched martin scorcece's "The Last Temptation of Christ", i was portrayed in there how much Judas struggled, will he follow his will not to betray his teacher or will he follow "his betrayal act" so as for the prophecy to be fullfilled?

Unknown ayon kay ...

Nakita ko yung point mo mangyan, pero tingnan mo yung ginawa ni Jonas ng mag pasya siya ng sarili niya ng gusto niya, di ba nanaig pa rin yung WILL ng Diyos. Di ko napanood yung sinasabi mo.