Miyerkules, Disyembre 16, 2009

Nalulugi para Makinabang

2 Corinto 9:6 – Ang naghahasik ng kaunti at mag-aani ng kaunti at ang naghahasik ng marami ay mag-aani ng sagana

May mga lugar sa palayan ng tatay ko na tinatamnan sa pagsasabog niya ng palay. Isasabit sa leeg o baywang ang isang tila sako o buslo pupunuin ng binhi at itatanim sa pagsasabog sa iba-ibang parte ng palayan. Sa pagsasabog niya parang itinatapon ito. Parang nasasayang ngunit hindi. Sa takdang panahon, tutubo ito at ibabalik sa kanya ng higit na marami.

Sa pagbibigay ng ating buhay kay Cristo parang sinasayang natin ito, sa tingin ng mundo. Ngunit sinabi Niya na pagbibigay lang ng buhay para sa Kanya, masusumpungan natin ang tunay na buhay (Mateo 10:39).

Itinuturo ni Jesus na bilangin natin ang ating mga araw sa pagkalugi kaysa pakinabang sa pagsasakripisyo sa halip na panghawakan nang mahigpit ang sariling buhay. Gugulin ito para sa kapwa kaya masaganang ibuhos sa sariling kaginhawaan. Padaluyin ang pag-ibig sa iba kaysa tanggapin nang tanggapin at gamitin sa sarili.

Batas ng buhay ito: Pinagpapala ng Diyos ang nagsasakripisyo ng buhay at tinatangkilik (2 Corinto 9:6). Ipamahagi ang katotohanang iyong nalalaman, at bibigyan ka pa nang bibigyan upang maibahagi sa iba. Magbigay ng panahon at dadagdagan ang panahon mong ipamimigay. Huwag limitahan ang iyong pag-ibig at dadagdagan pa ang pag-ibig mo sa iba.

Sinabi ng pantas ng Israel, “Ang taong bukas ang palad at mapagbigay lalong sumasagana” (Kawikaan 11:24). Isa ito sa magkasalungat na talinhaga sa mundo, ngunit epektibo ito. Mawawala ang ginugol sa sariling kapakanan anumang bigay ng Diyos ay kayamanan na ang halaga ay walang hanggan lahat Siya nagbigay. Pagsinunggaban mo malulugi ka, kung ihandog mo sa Diyos, makikinabang ka.

Linggo, Disyembre 13, 2009

Lakas ng Paglilingkod

Filipos 2:5-7 Kusa Niyang (Cristo Jesus) hinubad ang lahat ng ito at kinuha ang kalikasan ng isang alipin.

Ang salapi o kwarta ay kapangyarihan. Ito ang prinsipyo o lakas na nag-uudyok sa maraming kultura sa mundo. Lahat ay nasasaklaw ng pera. Nagkakandarapa sa pagpapayaman. Madalas isinasakripisyo ang panariling integridad upang masunod ang nais or ginagawa ang lahat para sa pera kung papaano at kung saan mabubuhay at makakamtan ang lahat ng gusto.

Sa kulturang salapi ang sinasamba, nanganganib na magawa rin ito ng mga tagasunod ni Cristo. Ginagamit ang salapi upang makontrol ang pamilya, o kaya din a magsisimba pag di nasunod ang gusto at hindi nakamit ang minimithi, dagdag pa rito kapag nakakaranas ng pagsubok.

Anong laking kaibhan kay Jesus! May kapangyarihang labanan ang sakit at ginamit Niya ito sa pagpapagaling ng may sakit. May kapangyarihan Siyang kontrolin ang dagat, at ginamit Niya ito sa pag-aalis ng takot ng tao; may kapangyarihan Siyang lumikha at napakain Niya ang libu-libo. May kapangyarihan Siya laban sa kasalanan at ginamit Niya ito upang magpatawad ng makasalanan. May kapangyarihan Siya sa sariling buhay, ngunit kusang isinakripisyo ang buhay Niya para iligtas ang sinumang tumatawag sa Kanya (Roma 10:13).

Lahat ng kapangyarihan ay nasa Kanya ngunit ginamit Niya ito sa paglilingkod sa iba. Tinawag Siyang “Panginoon” ng Kanyang mga disipulo ngunit Siya lang ang naging alipin doon (Juan 13:2-17). Hinugasan Niya sa silid sa itaas ang kanilang paa! Nang tumanggi si Pedro, sagot ng Panginoon, “hanggat hindi kita hinuhugasan ng paa ay wala kang kaugnayan sa Akin (8).

Sa halip na gamitin ang pera sa anumang pansariling kapakanan gamitin sa panglilingkod sa iba. Iyan ang tamang paggamit ng kapangyariahan. Kung sa paglilingkod tayo ay abals at isa’t isa nagtutulungan sa ating isip, salita at gawa ang Panginoon ang ating tinutularan.

Kapag lalo nating paglilingkuran ang iba, lalong mababawasan ang panglilingkod sa sarili.

Miyerkules, Oktubre 14, 2009

Meron bang Perpektong Hula?

Napakarami ng taon ang nagdaan dumating, umalis ang mga taong sinasabi ng marami na magaling humula ng mga mangyayari sa hinaharap. Naging sikat ang isang Mehikano sa kanyang mga hinula patungkol sa mga mangyayari pero iisa ang naiiwang katanungan nagkatotoo ba ang mga hinula niya o may nagkatotoo pero nagkataon lang ito. Kapag hindi kilala parang hangin na dumaan ang iyong magiging hula madaling lilipas. Subalit sabi nga kung sikat ka nagiging pangmatagalan ang pagkilala sa iyo tapos nagkatotoo pa ang hula diba.

Sabi sa kasulatan ay ito – Ang hula ay di nagmumula sa kalooban ng tao, kundi nagsalita ang mga tao mula sa Diyos nang kasihan sila ng kapangyarihan ng Espiritu Santo 2 Pedro 1:21.

Ganito tayo sa simula ng bagong taon maraming mga hula. Ngunit hindi na bago ito. Noong 1983 nabasa ko sa isang pahayagan ang tungkol sa mga mangyayari sa susunod na 50 na taon. Naroon ang mga dating inihula sa pag-unlad ng computer, mga bagong tuklas sa medisina at mas mabilis na paglalakbay. Sabi sa unang pangungusap “ang paghula ay mapanganib na sapalaran". Subalit may nagsabi na ang mga panaginip at panghuhula ay bagay lamang pag-usapan sa mga oras ng pamamahinga at pagrerelaks.

Maaaring totoo ito sa hula ng tao, ngunit hindi sa Diyos. Magsasapalaran ang tao sa panghuhula, ngunit ipinakita ng Diyos sa kasulatan na alam Niya ang hinaharap. Ang katotohanan ang dahilan kung bakit makakapagtiwala tayo ng lubos sa aklat ng mga aklat. Puno ang Matandang Tipan ng daan-daang hula tungkol sa mga tao, mga pangyayari sa bansa na mga natupad na. Ang magkatotoo itong mga hulang ito ay tila may kalabuan ngunit mangyari kaya nga.

Kulang ka ba ng tiwala sa Bibliya? Maggugol ng sapat na panahon upang pag-aralan ang mga hula nitong natupad na. Hinuhulaan ko na makukumbinsi kayo na tunay na salita ito ng Diyos, at maaasahan sa lahat ng inyong hinahanap.

Sa mundong pabago-bago, makapagtitiwala sa di nagbabagong salita ng Diyos.

Linggo, Oktubre 4, 2009

Meron Bang Lihim?

Awit 19:12 – Walang taong pumupuna sa gawa n’yang hindi angkop. Kaya ako ay iligtas sa lihim na gawang buktot.

Ninanais ng Isang Matuwid
1. Iligtas sa mga lihim na Kasalanan - 12 - Walang taong pumupuna sa gawa n’yang hindi angkop. Kaya ako ay iligtas sa lihim na gawang buktot. Sa buhay ni Haring David may mga bagay siyang kasalanan na pilit niyang pinagtatakpan, subalit may isang makapangyarihan na nakikita ito. Tayo ay ganon din pilit nating itinatago, pinagtatakpan yung mga lisya nating nagagawa. Si Haring David humingi ng tulong kay Yahweh para iligtas sa lihim na kasalanan, kayo o tayo humihingi ba ng tulog sa Diyos para iligtas sa ganitong kasalanan?

2. Iligtas sa mga hayag na Kasalanan - 13 – ang lingkod mo ay iligtas sa hayag na kasalanan. At huwag mong pong itutulot na ako ay paghirapin, mamumuhay akong ganap na walang nang kapintasan. Ako’y lubos na lalayo sa kuko ng kasalanan. Sa itaas nasabi natin na lihim na kasalanan paano yung marami ang nakakakita nasasabi ba natin yung tulad ng hinaing ni Haring David sa Diyos? Hinaing na may pagsamo ng kaligtasan.

3. Wag itulot na makapanaig ang kasalanan - 13 – ang lingkod mo ay iligtas sa hayag na kasalanan. At huwag mong pong itutulot na ako ay paghirapin, mamumuhay akong ganap na walang nang kapintasan. Ako’y lubos na lalayo sa kuko ng kasalanan. Tulad ni Haring David naging mahina siya sa tukso - yun din ang ipinararating sa atin dito.

4. Maging kalugod-lugod ang ating pananalita sa harap ng Diyos - 14 – Nawa’y itong salita ko at ang aking kaisipan sa Iyo ay makalugod, Panginoon ko’t kanlugan. O ikaw na kublihan kong ang dulot ay kaligtasan. Pinasasakop ni Haring David ang buo niyang pagkatao kasama ang kaniyang pagsasalita at gawa.

Pansariling Pagbalangkas - Panuntunan

1. Pamalagiing kasama ang sarili sa ating pagbabasa at pakikinig ng salita ng Diyos
2 Timoteo 3:16-17 – Lahat ng kasulata’y kinasihan ng Diyos at magagamit sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagpapabulaan sa maling aral, sa pagtutuwid sa likong gawain, at sa pag-akay sa matuwid na pamumuhay – Sa gayon ang lingkod ng Diyos ay magiging handa sa lahat ng mabubuting gawain.

2. Suriing mabuti kung ano ang sinasabi ng iba sa ating mga ginagawa – Baka tayo lang ang nakaka-alam na tama ang ginagawa, pero ang iba ay hindi ganon ang sinasabi – lalo na kung mga lingkod ng Diyos ang nagsasabi.

3. Pahalagahan ang kung ano ang sinasabi ng iba tungkol sa iyo/atinMateo 7:1-5

Kawikaan 27:6 – May pakinabang sa hampas ng tapat na kaibigan kaysa halik ng isang kaaway.
Pahalagahan o makinig sa sinasabi ng mga kaibigan o kapatid kay Kristo. Suriin at pangkinggan mabuti ang sinasabi ng mga kaaway – Dito masusukat ang ating character kung paano tayo humarap, sumagot sa ganitong sitwasyon.

4. Kapag nakakita ng kamalian o kapalpakan sa iba suriin ang sarili baka ganon ka rin

Mga Panganib sa mga Natatagong Kasalanan

1. Babaliwalain ng Diyos ang iyong mga panalangin ng kaligtasan

2. Hindi ka lalago sa biyaya ng Diyos - Mateo 13:22 Inilalarawan naman ng nahasik sa dawagan ang nakikinig ng salita, ngunit nagging abala sa mundong ito, at nagging maibigin sa mga kayamanan anupa’t ang salita’y nawalan na ng puwang sa kanilang puso, kaya’t hindi makapamunga.

3. Maaaring bumagsak sa mabigat na kasalanan

4. Maaaring mawala ang magandang pabor ng Diyos
5. Makakatanggap ka ng pagtutuwid mula sa Diyos

6. Katatakutang Mamatay

2 Corinthians 7:1 - Kaya nga, mga minamahal, yamang nasa atin ang mga pangakong ito, linisin natin ang ating sarili sa lahat ng karumihan ng laman at espiritu. Lubusin natin ang ating kabanalan sa pagkatakot sa Diyos.


You were created to know three worlds -- the spiritual, psychological, and material worlds. These can be considered the world above us, the world within us, and the world around us. These worlds are related to the three parts of our human nature -- spirit, soul, and body. When you are rightly related to the material world with your body, you are healthy. When you are rightly related to the psychological world with your soul, you are happy. And when you are rightly related to the spiritual world in your spirit, you are holy. God's aim is that ultimately you are to experience all three realities: health, happiness, and holiness.

Linggo, Agosto 2, 2009

Kalaban nga ba ito? Ikalawang Yugto

Narito ang pagpapatuloy ng mga totoong sanhi ng kaguluhan, sabi ko nga mula sa loob ng pamilya palabas ng kumonidad at ng bansa. Mga dalahin ng pamilya na pinipilit na ipapasan sa gobyerno at ibang tao.. Mag-isip naman tayo para makatulong hindi para makagulo.

5. Mga Taong Tamad – tanong ko nga sa aking sarili “ang mga Pilipino ba ay tamad? Tayo ba yung kumikilos lamang kung may nagbabantay, may nakakakita , tayo ba yung naghihintay na lang bumagsak yung bunga ng bayabas sa ating bibig. Bakit ito nagiging dahilan ng kaguluhan? Tulad na lang sa atin sino ang mga karaniwang pinagmumulan ng gulo diba yung mga taong walang ginagawa, tambay ika nga. Naalala ko sabi ng lolo ko “huwag daw pakainin ang tamad”.
2 Tesalonica 3:10 - Nang kasama ninyo kami, iniutos namin sa inyo na kung ang sinuman ay ayaw gumawa ay huwag ding siyang kumain.

6. Hindi nagpapasakop sa mga kina-uukulan – Kung sino pa yung mga walang ginagawa sila pa yung mga pasaway sa lipunan. Sila yung mga taong lumalabag sa batas ng walang kadahilanang mabigat. Sinisisi ang gobyerno sa kanilang kinasasadlakan. Sila yung mga taong tingin sa sarili ay hari sa labas ng kanilang tahanan mga taong pikon at wala sa katuwiran.
Tito 2:9-10 - Ang mga alipin ay magpasakop sa sarili nilang mga amo. Sa lahat ng mga bagay ay maging kalugud-lugod at hindi palasagot. 10Hindi sila dapat magnakaw ngunit nagpapakita ng lahat ng mabuting pagtatapat upang ang aral ng inyong Diyos na Tagapagligtas ay kanilang palamutian sa lahat ng mga bagay.

7. Hindi Pagsunod ng Anak – masasabi nating dito nagsisimula ang gulo sa pamilya ang hindi pag-sunod ng mga anak sa mga sinasabi ng magulang. Ito yung dapat isinaalang-alang ng isang anak na ang magulang ay walang iniisip kundi ang ikabubuti ng kanyang anak. Subalit nagiging lapastangan ang ibang mga anak wala silang pag-respeto at paggalang sa kanilang mga magulang, sila yaong mga sanhi ng sakit ng ulo ng mga magulang, nagiging pasaway ang karamihan sa mga anak. Karaniwang nasasadlak sa hindi magandang karanasan.
Colosas 3:20 – Mga anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang sa lahat ng bagay sapagkat nakalulugod ito sa Diyos.

8. Mga Taong Iwas Pusoy – ito ang mga taong gagawin lahat para maka-iwas sa anumang gulo na kanyang pinasukan. Mga taong ang iniisip lamang yung pansariling ikabubuti wala siyang paki-alam kong masagasaan, masaktan ang sinumang tao. Para sa kanya ang lahat ay bali-wala sa kanya, hindi makatutulong lahat ay walang pakinabang.
Filipos 2:4 - Huwag hanapin ng isa't isa ang ikabubuti ng kaniyang sarili lang kundi ang ikabubuti rin naman ng iba.

Sa totoo lang maraming nagiging sanhi ng kaguluhan pero sa tingin ko ilan ito sa mga pangunahing sanhi pero tingnan natin sa mga susunod na araw kung may pagkakataon tayong ihayag ito sa lahat.

Martes, Hulyo 21, 2009

Saan Ka Patungo Tao?

Kung ang pagbabasehan natin ay ang pasimula kung bakit nilalang ng Diyos ang tao makikita natin ang talagang layunin Niya. Makikita rin natin kung ano ang Kanyang nilikha na hinugis na kawangis Niya. Mababasa natin sa banal na kasulatan na sa pasimula nilakha Niya ang tao sa dalawang kasarian lamang ang lalake at babae, na ang bawat kasarian ay mayroon sariling layunin sa buhay. Noon pa mang una ay may mga babala na ang dalawang kasarian na hindi katanggap tanggap ang magsama o makipag-ugnayang sensuwal ang parehong kasarian.

Hindi naman madaling malimutan ang isang tagpo sa kasulatan na nagalit ang Diyos sa mga tao sa kanilang mga ginagawa partikular ang pakikisiping sa kapwa lalake o kaya ay kapwa babae, yan ay nangyari sa Sodom at Gomora. Yan ang isang dahilan kung kaya ginawa ng Diyos ang ayaw Niyang gawin sa Kanyang mga nilikha sapagkat mahal Niya tayo. Subalit nagging matigas ang ulo nila at sinunod ang pita ng laman.


Ganon din ang babala ni Apostol Pablo sa mga taga Roma at sa ating lahat na mababasa sa
Roma 1:26-27 - Sa dahilang ito, hinayaan sila ng Diyos sa pagnanasang walang dangal sapagkat maging ang kababaihan nila ay nagbago ng likas nilang gamit patungo sa taliwas sa kalikasan. Gayundin ang mga lalaki sa pag-iwan nila sa likas na gamit ng mga babae. Sila ay nag-aalab sa pita sa isa't isa. Ang mga lalaki kasama ang lalaki ay gumagawa ng kahihiyan at tinanggap nila ang kaparusahang karapat-dapat sa mga liko nilang gawa.


Kaya naman sang-ayon ako sa nabasa ko sa isang pahayagan ang hayagang pagtutol ng mga taga simbahan. Ganito ang sabi nila “Iginiit kahapon ng isang mataas na opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na hindi pa rin katanggap-tanggap para sa Simba­hang Katoliko ang “same sex marriage” kahit pa legal na ito sa ibang mga bansa tulad sa ilang es­tado sa Amerika.


Ayon kay CBCP-Episcopal Commission on Ca­non Law chairman at Tag­bilaran Bishop Leo­nardo Medroso, kung ila­lagay sa usaping moral, ang pag­papakasal ng magkapa­rehong kasarian ay maiiba ang tunay na ka­hulugan ng kasal na itinakda para lamang sa lalaki at babae. Ipinaliwanag pa ng Obispo na malinaw na ang same sex marriage o kasal ng lalaki sa lalaki o kasal ng babae sa babae ay isang pagsuway sa natural law o universal law na kailangang sundin aniya ng lahat. Kung anya hindi susu­nod ang tao sa natural law sa pamamagitan ng hindi pagrespeto o pag­ga­lang dito, tiyak na masi­sira ang kultura at posib­leng ma­kaapekto sa mora­lidad ng tao."


Nawa kayo diyan na nakaka-isip ng mga ganitong hakbang babala ko lang na isiping mabuti at piliin ang nararapat at kalugod lugod sa Diyos. Tandaan na pinaghahandaan natin yung kaligtasan ng ating kaluluwa sa darating na panahon hindi yung tawag lang ng laman.

Miyerkules, Hulyo 1, 2009

Kalaban nga ba ito? Unang yugto..

“Ang sakit ng kalingkingan ay ramdam ng boong katawan. Tulad na lang ng mga nangyayari sa paligid natin sa mga kapwa natin Pilipino, makikita natin ang mga ganitong sanhi ng kaguluhan. Heto sa ibaba ang unang apat na kadahilanan ng kaguluhan…

1. Mga Matandang Nagbabata-bataan – ayon sa ginintuang katutuhanan “noong ako ay bata nag-iisip, kumikilos, nagsasalita akong isang bata, ng ako ay lumaki at nagkaisip nawala na yung mga isip bata kundi ako’y nag-iisip, kumikilos bilang isang matanda. Subalit kabaligtaran ata ang nangyayari sa ngayon kung alin pa yung mga matatanda ang siyang kakikitaan mo ng kilos at isip bata. Lalo na sa mga kababayan nating nagtatrabaho ditto sa kaharian marami ang tumatanda ng paurong ika nga kaya karaniwan gulo ang kinasasandlakan
I Corinto 13:11 - Nang ako ay bata pa, nagsalita ako tulad ng bata, nag-isip ako tulad ng bata, nangatwiran ako tulad ng bata. Nang ako ay malaki na, iniwan ko na ang mga bagay na pambata.

2. Mga Nanay na nakikipag-kompetensya pa sa manugang na babae – heto pa yung isang bagay na nagiging sanhi ng kaguluhan sa mag-asawa, pamilya at sa komonidad natin. Ang mga beyanang ay hindi gaanong nakakasundo ang manugang bagkos naroon yung sinisiraan, panagdaramutan at minsan nag-aaway. Lalo na kapag hindi gusto ng beyanan ang naging manugang, eh sino nga ba ang pipili ng magiging asawa ng kanyang anak ang nanay o yung anak? Ano ang nagiging dahilan? Di ba pera. Ito yung nakagugulo kapag naki-alam na ang mga nanay sa pamilyadong anak.
Efeso 6:4 - Mga ama, huwag ninyong ibunsod sa galit ang inyong mga anak sa halip ay alagaan ninyo sila sa pagsasanay at sa turo ng Panginoon.

3. Ikatlong Partido sa Mag-asawa – ang pag-aasawa ay marangal sa lahat at ang pagsasamahan ng mag-asawa ay wala dapat dungis. Sapagkat hahatulan ng Diyos ang mga mapakiapid at mga mangangalunya. Dapat alam ng mag-asawa ang ganitong panuntunan sapagkat kung hindi kaguluhang pampamilya ang idudulot. Masakit matawag na kulasisi o may kulasisi pero bakit karaniwang nagaganap ito? Tulad na lang ditto sa kaharian “bato-bato sa langit ang tamaan ay bukol”, kaya tayo naririto ay upang mabigyan o mabago man lang ang katatayuan ng pamilyang iniwan, pero nawala ang ganong kaisipan ng makakilala ng iba.
Marcos 10:8 - Ang dalawa ay magiging isang laman kaya hindi na sila dalawa kundi isang laman.
Hebreo 13:4 – Ang pag-aasawa ay marangal sa lahat at ang pagsasamahan ng mag-asawa na walang dungis. Ngunit hahatulan ng Diyos ang mga mapakiapid at mga mangangalunya.

4. Magulang na Nakiki-alam sa Pangarap ng mga Anak – bakit ba nagkakaroon ng mga anak na nagrerebelde, nagiging adik, walang dereksyon ang buhay? Diba minsan kapag ang gusto ng anak na maging ay nahahadlangan ng mga magulang. Diba ang magandang gawin lang ng magulang ay supurtahan ang anak sa kanyang napiling kuning pag-aaral hindi yaon pilitin ang bata sa hindi nila gustong pag-aralan.

Mga sempleng dahilan na nagiging sanhi ng kaguluhan una sa pamilya palabas sa komonidad at sa bansa. Tayo’y mga tinatawag na bagong bayani masasabi mo bang isang bayani kong may dungis ang iyong pagiging may-asawa?

Linggo, Mayo 31, 2009

Palatandaan ng isang Hangal

Tanong ng marami - paano ba makikilala ang isang hangal sa kanyang pananalita, kilos, paggawa, pag-uugali? Paano nga ba? Pero ang kasulatan ay nagpapahiwatig ng mga palatandaan ng isang hangal narito ang ilan sa mga palatandaan. Matapos ninyong basahin ang 10 palatandaan tingnan ninyo at tanungin ninyo ang inyong sarili ako ba to, siya ba to? Ang layunin dito ay upang ipakita o salamin ang ating mga sarili hindi ang ibaba sila.
Kawikaan 18:6-7 – Ang pagsasalita ng HANGAL (MANGMANG) ay humahangga sa kaguluhan, pagkat ang salita niya’y lagging may bantang taglay. Ang bibig ng HANGAL (MANGMANG) ang maghahatid sa kapahamakan, at ang labi niya ang maglalagay sa kanya sa kapanganiban.
Proverbs 18:6-7 - A fool's lips bring him strife, and his mouth invites a beating. A fool's mouth is his undoing, and his lips are a snare to his soul.

1.) SPREADING MALICIOUS TALKS (mga taong hilig ang manira ng ibang tao)
Kawikaan 10:18 – Ang nagtatanim ng poot ay puno ng kasinungalingan, ang naninira sa kanyang kapwa ay isang taong HANGAL.
Proverbs 10:18 - He who conceals his hatred has lying lips, and whoever spreads slander is a fool.

2.) ANNOYANCE AT ONCE (mga taong madaling mainis kahit maliit na bagay lang)
Kawikaan 12:16 – ang pagkainis ng HANGAL pagdaka ay nahahayag, ngunit ang damdamin ng matalino ay di agad mababakas.
Proverbs 12:16 – A fool shows his annoyance at once, but a prudent man overlooks an insult.

3.) HOTHEADED AND RECKLESS (mga taong laging init ng ulo ang pinaiiral)
Kawikaan 14:16 – Ang taong may unawa ay lumalayo sa kasamaan, ngunit ang HANGAL ay napapahamak dahil sa kapabayaan.
Proverbs 14:16 - A wise man fears the LORD and shuns evil, but a fool is hotheaded and reckless.

4.) SHOWING ANGRY COMPLETELY (mga taong ang galit ay di mapigil ninuman)
Kawikaan 29:11 – Kung magalit ang HANGAL ay walang patumangga, ngunit ang matalino’y nagpipigil na ang galit niya’y mahalata.
Proverbs 29:11 - A fool gives full vent to his anger, but a wise man keeps himself under control.

5.) REJECTING PARENTAL CORRECTION (mga taong hindi nakikinig sa pagtutuwid)
Kawikaan 15:5 – Di pansin ng HANGAL ang turo ng kanyang ama, ngunit dinirinig ng may isip ang paalala sa kanya.
Proverbs 15:5 - A fool spurns his father's discipline, but whoever heeds correction shows prudence.

6.) EXPOSES YOUR FOLLY (mga taong kinakalandakan ang kanilang kahangalan)
Kawikaan 13:16 – Ang katalinuhan ng isang tao’y nakikita sa kanyang gawa, sa kilos ay nakikilala ang taong HANGAL
Proverbs 13:16 – Every prudent man acts out of knowledge, but a fool exposes his folly.

7.) PLEASURE IN EVIL CONDUCT (mga taong natutuwa sa paggawa ng masama)
Kawikaan 10:23 - Ang paggawa ng kasalanan ay kasiyahan ng masama, ngunit ang mabuting asal kasiyahan ng may unawa.
Proverbs 10:23 – A fool finds pleasure in evil conduct, but a man of understanding delights in wisdom.

8.) LACKING THIRST FOR WISDOM (mga taong ayaw matuto o magkaroon ng kaalaman)
Kawikaan 17:16 – Walang pakinabang ang HANGAL gumugol man sa pag-aaral, pagkat siya’y sadyang walang muwang.
Proverbs 17:16 – Of what use is money in the hand of a fool, since he has no desire to get wisdom?

9.) DELIGHTS AIRING OPINION (mga taong natutuwang ipakita ang kaalaman)
Kawikaan 18:2 – Walang saysay sa HANGAL ang lahat ng bagay, ang layon ay ipakitang mayroon siyang nalalaman.
Proverbs 18:2 - A fool finds no pleasure in understanding but delights in airing his own opinions.

10) REPEATING THE FOOLISH ACT (mga taong di natuto at inuulit pa ang kahangalan)
Kawikaan 26:11 – Ang taong nananatili sa kanyang KAHANGALAN ay tulad sa aso, ang suka ay binabalikan
Proverbs 26:11 - As a dog returns to its vomit, so a fool repeats his folly.

CONCLUSION:
Kawikaan 8:5 – Kayong walang nalalaman ay mag-aral ng maingat, at kayong mga HANGAL pang-unawa ay ibukas.
Proverbs 8:5 - You who are simple, gain prudence; you who are foolish, gain understanding.
Kawikaan 14:7 – Iwasan mong makisama sa mga taong HANGAL, pagkat sa kanila ay wala kang mapupulot na kaalaman.
Proverbs 14:7 - Stay away from a foolish man, for you will not find knowledge on his lips.

Sabado, Mayo 30, 2009

Maligaya Hindi Malungkot

Marami ang nagsasabi na ang buhay daw ditto sa ibabaw ng lupa ay lipos ng kalungkutan, kapighatian at kabiguan. Kung pagbabatayan natin ang mga nakikita natin sa paligid maaari ngang tama ang ating naririnig. Subalit kung matuto tayong tumawag, alamin kung sino ba tayong nilakha ng Diyos mapag-aalaman natin na maling mali pala tayo sapagkat – sabi nga tayo’y nilikha ng Diyos para maging maligaya. Payag ba kayo roon, kung hindi samahan ninyo akong tuklasin at alamin kung ano ang sinasabi ng kasulatan patungkol dito.

Colosas 3:2 – Isaisip ninyo ang mga bagay na panlangit, hindi ang mga bagay na panlupa.

Ang kalungkutan daw ay mahahalintulad sa isang sakit na nakakahawa o epidemiya. Nakikita natin sa paligid ang ibat ibang uri nito kung paano kasama ang mga tagasunod ni Hesus ay nakakaranas. Pero ang sabi nila ang kasiyahan daw sa lupa ay napapanis, nauubos, kinakalawang at nawawala. Kaya ang tanong natin na hahanapan natin ng kasagutan sa kasulatan ay - Paano maging masaya?

1. ISAISIP lang ang magaganda at karapat-dapat (THINK about Good). Paano ito – madali lang iwasan ang mga negatibong pag-iisip maging positibo sa lahat ng bagay. Isaisip ang magandang bagay na karapat dapat at mabuti sa atin. Kailangan nating magkaroon ng pag-asa sa buhay upang magkaroon ka ng kasiyahan ditto sa lupa, kapag may pag-asa ang isang tao tiyak ang pagkakroon niya ng kasiyahan sa buhay. Filipos 4:8Sa wakas, mga kapatid, dapat maging LAMAN ng inyong isip ang mga bagay na KARAPAT-DAPAT at KAPURI-PURI, mga BAGAY NA TOTOO, MARANGAL, MATUWID, MALINIS, KAIBIG-IBIG at KAGALANG-GALANG. Kapag ang lagging laman ng isip ninyo ay mga negatibong bagay wag umasa ng kasiyahan.

2. TINGNAN ang magaganda at karapat-dapat (LOOK for the good). Hebreo 12:2ITUON natin ang ating paningin kay Jesus na siyang pinagmulan ng ating pananampalataya, at siya ring nagpapasakdal nito. Dahil sa kagalakang naghihintay sa kanya, hindi niya ikinahiya ang mamatay sa krus, at siya ngayo’y nakaluklok sa kanan ng trono ng Diyos. Simple lang ito, kung titingnan mo ang mga nakapaligid sa atin at hanapan mo sila ng kamalian tiyak akong magtatagumpay ka na Makita ito. Subalit kung ang titingnan mo sa kanila yung mga magandang bagay sa kanila magiging masaya ka.

3. PAKINGGAN ang magaganda at karapat-dapat (LISTEN to the good) Roma 10:17 kaya’t ang pananampalataya ay bunga ng pakikinig at makakapakinig lamang kung may mangangaral tungkol kay Kristo. Kung sa buhay natin nagagalit tayo kapag tinatapunan ang ating bakuran ng mga basura, dapat ganon din ang maging pamantayan natin sa ating mga pandinig. Salain ang lahat ng ating naririnig sapagkat ito ang nagiging dahilan kung kaya minsan malungkot tayo.

4. PAG-USAPAN ang magaganda at karapat-dapat (TALK about the good). Sabi sa ating sitas sa ibaba iwasan ang mga walang kwentang usapan, alam natin ito na mayaman sa paligid lalo na ang mga tsimis. Sinasabi pa rin na kung magsasalita tayo ay sikaping makatutulong sa kausap at makabubuti at angkop sa pagkakataon.

2 Timoteo 2:16 Iwasan mo ang walang kabuluhan at malalaswang usapan sapagkat ang mga gumagawa niyan ay lalong nalalayo sa Diyos.
Efeso 4:29 Huwag kayong gumamit ng masamang pananalita; sikaping lagi na ang pangungusap ninyo’y yaong makabubuti at angkop sa pagkakataon upang pakinabangan ng makaririnig.

5. ISAGAWA ang magaganda at karapat-dapat (WORK for the good)

Galatia 6: 9Kaya’t huwag tayong magsawa sa PAGGAWA NG MABUTI pagdating ng takdang panahon, tayo’y mag-aani kung hindi tayo magsasawa.
10- Samantalahin natin ang lahat ng pagkakataon sa paggawa ng mabuti sa ating kapwa lalo na sa mga kapatid sa pananampalataya.
Hebreo 13:16 At huwag nating kaligtaan ang PAGGAWA NG MABUTI at ang PAGTULONG sa iba sapagkat iyan ang haing kinalulugdan ng Diyos.

We cannot change the direction of the wind, but we can adjust our time to always reach our destination.

Sabado, Mayo 2, 2009

Pagkilos ng Diyos – 2c

Bakit tayo tinutukso?
Ang ating mga problema at pagsubok ay hindi sa Diyos na kapakinabangan. Ito ay nangyayari para sa ating kapakinabangan, pero sa paningin at pakiramdam ng tao ito ay parusa na sa kanila, nalilimutan na tayo’y kilala ng Diyos. Ang Diyos ang naglikha sa atin kaya alam Niya ang mga bagay na makakabuti sa atin at ito ay nakatakda na sa ating mangyari upang tayo ay maging kalarawan niya – na ito ang plano ng Diyos noong una pa man bago pa tayo likhain. Awit 103:14 Alam niya na alabok, yaong ating pinagmulan. Alam niyang babalik din sa alabok kung mamatay.

Ang lahat ng ating pagsubok, ang ating mga pagnanasa, at paggiging mahina ang nagpapakita na kung sino talaga tayo sa laman. Jeremias 17:9Sino ang makauunawa sa puso ng tao? Ito’y magdaraya at walang katulad, Wala nang lunas ang kanyang kabulukan. Ngayon ano ang kailangan ni Job para Makita niya ang kanyang sarili? Kung bakit niya dinanas ang lahat ng pasubok nay un kasama ang pagkawala ng lahat ng ari-arian pati ang kanyang mga anak tapos nagkaroon pa siya ng mga sugat mula ulo hanggang paa.

Kung si Job ay matuwid at mabuting tao at may takot sa Diyos at walang kasalanan (Job 1:1), bakit ginawa ng Diyos na ibagsak siya at sa isang iglap ipadala sa kanya ang kalaban upang wasakin lahat ng kanyang mga ari-arian at magkaroon ng sugat ang buo niyang katawan (Job 2:7)?

Ang kasagutan sa mga katanungan yaon ay upang ituro sa atin ang katiyagaan tulad ng ginawa ni Job. Ang pinaka layunin ng aklat ni Job upang malaman natin ang kahalagahan ng pagiging matuwid, ating mga mabubuting gawa ay hindi pansarili nating kalayaan. Ang ibig kung sabihin tulad ng kay Job na naranasan at ating ding dapat maranasan upang matuto tayong maging matiyaga sa Diyos. Alam natin na tayo’y basahan sa harapan ng Diyos (Isaias 64:6). At lagi nating tatandaan na tayo ay kamanggagawa lamang ng Diyos (Efeso 2:10).

Sa totoo niyan hindi nauunawaan ni Job ang mga nangyari sa kanya, naniniwala siya na siya’y matuwid. Iniisip niya na siya’y mabuting tao sapagkat siya’y piniling maging mabuting tao. Nakalimutan niya na ang “lahat ng bagay ay sa Diyos” (2 Corinto 5:18 at Isaias 26:12). Narito ang ilang mga sitas na magpapatunay sa itaas patungkol kay Job.

Job 34:5-6
Job 27:2, 5-6

Sa kanyang ugaling yan kaya siya’y nagging matuwid sa paningin ng Diyos.

Miyerkules, Pebrero 25, 2009

Pagkilos ng Diyos – 2b

2.2 Pagsubok kay Job

Sa pagpapatuloy natin sa yugto ng ating tinatalakay tungkol sa pagtukso kay Job. Napag-alaman natin na si Job ay hindi ito nangyari ayon sa kanyang kalooban kundi sa plano at panukala ng Diyos na siyang kumikilos sa lahat ng bagay. Alam natin kung bakit ito nangyari kay Job. Maraming mga sitas sa kasulatan ang nagpapatotoo sa ating sinasabi hindi ito sa kaalaman ko lang, tulad ng sinasabi sa 2 Timoteo 1:9na nagligtas at tumawag sa atin upang tayo’y maging kanyang bayan. Ito’y ginawa niya sa pamamagitan ni Kristo Jesus, hindi dahil sa ating mga gawa kundi ayon sa kanyang layunin at kagandahang loob na inilaan sa atin bago pa magsimula ang panahon.

At meron pa sa Tito 1:2at bigyan ng pag-asa sa buhay na walang hanggan. Bago pa lalangin ang sanlibutan, ang buhay na ito’y ipinangako na ng Diyos na hindi marunong magsinungaling. Hayan ang dalawang sitas na magsasabi na ang lahat ng nangyari, nangyayari at mangyayari sa lahat ng bagay ay ayon sa pagkilos at panukala ng Diyos. Hindi ito yung sinasabing may laya ang bawat isa na inaakala ng iba na ginawa n gating mga unang magulang doon sa hardin kung saan kinain nila ang ipinagbabawal na bungang kahoy.

Makikita natin na mula sa Genesis hanggang Pahayag ang lahat ng bagay ay para sa Diyos, lahat ng bagay kasama an gating mga pagpapasya. At sa huli sinasabi sa Roma 11:36 Sapagkat mula sa kanya at sa pamamagitan niya at sa kanya ang lahat ng bagay. Sa kanya ang karangalan magpakailanman, Amen.

Ngayon matatanong ninyo – paano naman ang mga gumagawa ng karumal dumal na kasalanan, ang siyang nagpapatay sa Kordero ng Diyos? Okay, tingnan natin ang inyong tanong kung paano nga naman. Ano ang sinasabi sa Mga Gawa 4:28 Isinagawa nila ang lahat ng bagay na dapay mangyari na itinakda mo noong una pa. Wow, anong sabi “isinagawa nila ang nararapat” – ano itong kanilang isinagawa, ito yung pagpatay sa Kordero ng Diyos, ito yung mga bagay na nangyayari sa ngayon na sa tingin natin ay mga karumal-dumal na kasalanan. Pero ano ang sabi – nangyayari ito sapagkat itinakda na ng Diyos na mangyari ito noong una pa man.

Nakita natin kung paano ipinakita sa unang bahagi ng aklat ni Job na ang mga anak ng Diyos ay haharap sa Diyos kasama si Satanas – Job 1:6. Pansinin ninyo hindi sinabi doon na si Satanas ay ang anghel na nagrebelde sa Diyos. Ipinakita ditto na meron siyang ginagawa at yun ang kaniyang Gawain – ang manukso, kalaban, ang demonyo. Si Satanas ay umaga’t hapon nagiging kaharap ang Diyos – yan ang hindi natin pwedeng katutuhanan sa kasulatan sapagkat yun ang kaniyang Gawain ang humanap ng mga taong kaniyang masisila.

Pero meron tayong matatanong – bakit ba sila ay sinubok at sinusubok ng Diyos? Hindi ko sasagutin sa ngayon ito sa sunod nating kaisipan ito sasagutin na buhat sa mga sitas sa kasulatan.

Sabado, Enero 24, 2009

Pagkilos ng Diyos – 2a

2.1 Ang Pagsubok kay Job

Sa ating nakaraang paksa napag-aralan natin ang kung papaano natukso sina Adan at Eba na ayon sa kalooban at pagkilos ng Diyos. Ngayon sa pangalawang halimbawa natin ay ang pagsubok sa buhay ni Job. Alam at natunghayan natin kung gaano siya katiyaga sa kanyang naging buhay. Sa kabila ng kanyang tinatangkilik at tinatamasa naransan din niyang subukin ng ang lahat ng kanyang alagang mga hayop at mga bukirin at ang pinaka matindi ng ang kanyang lahat na anak ay mamatay sa unos.

Sa unang kabanata ng aklat ni Job makikita natin na halos kaparehas ng ating naunang halimbawa, bakit ko nasabi ito: Tingnan natin sa mga sumusunod na pagkakatulad:

Kaninong panukala na subukin si Job sa gayong pamamaraan? Job 1:8Napansin mo ba ang lingkod kong si Job? Tanong uli ni Yahweh, Wala siyang katulad sa daigdig. Malinis ang kanyang pamumuhay. Siya’y mabuting tao, may takot sa akin, at hindi gumagawa ng masama, dugtong pa ni Yahweh. Napansin ninyo si Yahweh ang nagbigay ng pansin kay Satanas patungkol kay Job, para bang ipinagmamalaki niya si Job. Pero ano kaya ang ginagawa ni Satanas sa mga sandaling yaon bago siya tawagin ni Yahweh. Job 1:7Tinanong ito ni Yahweh, Ano ang gawain mo ngayon? Nagpaparoot parito sa lahat ng sulok ng daigdig, sagot ni Satanas. Bakit ginagawa ni Satanas yon? 1 Pedro 5:8 Humanda kayo at magbantay. Ang diyablo na kaaway ninyo ay parang leong umaatungal at aali-aligid na humahanap ng masisila. Yun pala naman kaya si Satanas ay akyat manaog sa lupa upang maghanap ng masisila sa mga tao.

Kaninong panukala para kainin ni Adan ang bunga ng punong ipinagbabawal? Sino ba ang naglagay ng puno sa gitna ng halamanan si Satanas ba? HINDI diba. Ang Diyos ang lumikha ng dilim at liwanag, nagpapadala ng kapahamakan at kabutihan – Isaias 45:7. Nakita natin si Yahweh ang naglagay ng punong iyon hindi si Satanas, kaya masasabi natin na ang lahat ng iyon ay nakaplano ng mangyayari ayon sa kalooban at panukala ng Diyos noong una pa man Efeso 1:11. Bakit kaya yung ibang puno sa halamanan tulad ng puno na nagbibigay ng buhay ay hindi napakaganda sa paningin nila kumpara doon sa pinagbabawal na kainin? Sapagkat sinabi sa kasulatan Isaias 53:2Kalooban ni Yahweh na ang kanyang lingkod ay matulad sa isang halamang natanim sa tuyong lupa. Walang katangian o kagandahang makatawag pansin. Wala siyang taglay na pang-akit para lapitan siya. Baka matanong ninyo sino ba ang lumikha sa ahas nayun – ayon sa kasulatan Job 26:13 Sa pamamagitan ng hininga niya’y umaaliwalas ang langit. Nilikha ng kamay niya ang dambuhalang tumalilis. Ang lahat ay pinayagan doon ay ayon sa kanyang kalooban, sa kanyang kamay at ito ay nakaplano na noong una pa bago pa mangyari iyon. Gawa 4:28 Isinagawa nila ang lahat ng bagay na dapat mangyari na itinakda mo noon pa.

Ipagpatuloy na lang natin ang halimbawang ito sa sunod nating pagkikita, sapagkat marami pa tayong ipakikita mula sa kasulatan ang tungkol dito.

Sabado, Enero 10, 2009

Pagkilos ng Diyos – 1

A. Pagtukso sa Tao

Tulad ng nasabi ko sa mga nakaraang kaisipang tinatalakay natin, ngayon ibibigay ko dito mula sa simula ng kasulatan kung paano kumilos ang Diyos sa Kanyang nilikha ng ayon sa Kanyang sariling kalooban at panukala. Ang unang pagkilos ng Diyos ayon sa Kanyang kapangyarihan ay ng tuksuhin ang mga unang nilikha sa hardin ng Eden. Sa Kanyang kapangyarihan at panukala si Jesus ay pinatay dahil sa ginawang pagsuway ni Adan, ito’y natala bago pa likhain ang unang tao si Adan – 2 Timoteo 1:9 - Siya ang nagligtas at tumawag sa atin sa pamamagitan ng isang banal na pagtawag, hindi dahil sa ating mga gawa ngunit ayon sa kaniyang sariling layunin at biyaya. Ito ay ibinigay sa atin kay Cristo Jesus bago pa man nagsimula ang panahon.. Ibig sabihin noong una pa bago magkasala ang unang tao ay nakaplano na kung paano ipakikilala ang tagapagligtas na si Jesus. At heto pa ang katunayan mula sa kasulatan Tito 1:1-2 - Akong si Pablo ay alipin ng Diyos at apostol ni Jesucristo ayon sa pananampalataya ng mga hinirang ng Diyos. Ayon sa kaalaman ng katotohanan at ayon sa pagkamaka-Diyos. Mayroon akong buhay na walang hanggan na nakabatay sa pag-asa. Ito ay ipinangako na ng Diyos na hindi makapagsisinungaling, bago pa sa pasimula ng panahon..

Napakalinaw naman na ang Diyos ay nagpauna na si Adan ay tutuksuhin at yon ang Kanyang naging kasalanan ng suwayin ang Diyos ng kanin niya ang ipinagbawal na bunga. Na ayon sa kasulatan ang nilikha ay mula sa alabok, mahina, marupok at hubad, ika nga madaling magkasala. (Pahayag 3:17 - Sinasabi mo: Ako ay mayaman. Ako ay naging mayaman at hindi nangangailangan ng anuman. Hindi mo alam na ikaw ay sawimpalad, nararapat kahabagan, maralita, bulag at hubad.). Alam natin na si Adan at ang ipinagbawal na puno ay isa lamang sa mga nilikha ng Diyos. Subalit ang natitirang katanungan ay kung papaano si Adan ay natukso samantalang sabi ng Diyos na Siya’y hindi nanunukso ng tao? Wala itong problema sa manlilikha. Si Adan at Eba ay nadala ng kanilang pita ng laman – Santiago 1:14 - Ang bawat tao ay natutukso kapag siya ay nahihila ng kaniyang masidhing pita at siya ay nasisilo nito.. Tinukso ba ng Diyos sina Adan at Eba? Hindi. Pinilit ba ng Diyos si Adan para sumuway s autos na wag kanin ang bunga? Malinaw na hindi.

Hinding hindi pinilit ng Diyos ang sinuman para magkasala o sumuway. Ginawa Niya tayo na mahina at madaling matukso na tulad ng alikabok na ating pinagmulan. Hindi kailangan ng Diyos na tuksuhin tayo sapagkat ang ahas na manunukso ay talagang alikabok sa lupa ang kanyang pagkain. Pero kung tutuusin hindi talagang kumakain ng alikabok ang ahas, ang ibig sabihin ng alikabok sa ating pinag-uusapan ay ang espiritung nananahan sa atin (Santiago 4:5 - Sinasabi ng kasulatan: Ang Espiritung nananahan sa atin ay labis na naninibugho. Sa palagay ba ninyo ay walang kabuluhan ang sinasabing ito ng kasulatan?). Si Santiago rin ang nagsabing ang Diyos ay hindi nanunukso ng tao. At siya ang nagpatotoo na ang tao ay natutukso kapag ito’y nadadala ng kanyang pita na magreresulta ng kasalanan at pagsuway.

Sino ang makakapagsabi na batid nila ang sitas na ito: Juan 6:63 - Ang Espiritu ang siyang nagbibigay buhay. Walang napapakinabangan ang laman. Ang mga salitang sinasabi ko sa inyo ay espiritu at buhay., Awit 104:30, Job 32:8 at marami pang iba na pasusubalian na ang “espiritu na nananahan sa atin ay may pagnanasa sa pag-iimbot na siyang espiritu na inihinga ng lumikha kay Adan at Eba at nagbigay ng buhay at hininga kay Adan. Tumpak ang Diyos ang nagbigay ng espiritu na meron tayo na nagnanasang mag-imbot, sumuway at iba pa.

Hindi, si Santiago ay hindi natuturo ng kalayaang pumili. Siya’y nagtuturo lang ng mga simpleng pagpili, pagpili na ang dahilan ay nagmumula sa lumikha ng langit at lupa. Ang Diyos ang Siyang dahilan ng anumang nangyayari sa lahat ng bagay ayon sa Kanyang kalooban at panukala. Nagyon masasabi na ba natin na ang kapangyarihan ng Diyos ang siyang kumikilos sa lahat ng nilikha Niya?
Sa ating pang-unawa at pag-iisip hindi natin matanggap ang kapangyarihan at pagkilos ng Diyos. Pinipilit natin ang ating kakayahan at pang-unawa na ang bawat pagpili natin ay ating kalayaan at kagutustuhan lamang na walang kinalaman ang Diyos patungkol dito. Saan kayo rito?

Sabado, Enero 3, 2009

Bago Simulan ng Bago..

Tulad na aking nasabi noong nakaraang kaisipan patungkol sa pagkilos ng Diyos ayon sa Kanyang kalooban at panukala, naipangako kong sisimulan ito mula sa panimula ng salita ng Diyos na ang ibig sabihin ay mula sa Genesis at tiyak ko sa inyo sa biyaya ng Diyos tatapusin ko ito hanggang sa dulo ng kasulatan ang Pahayag (Apokalipsis). Maraming bagay ang ating matutunan dito na may katiyakang mula lahat sa kasulatan hindi sa dunong ng tao. Dito ipakikita ko ang lahat ng halimbawa ng pagkilos ng Diyos sa Kanyang nilikha.
Pero hayaan ninyong balik tanaw natin ang mga kapahayagan sa pitak na ito bago natin simulan ang bagong kaisipan na nakaugnay sa kung paano kumilos ang Diyos sa Kanyang mga nilalang. Noong simulan ko ang blog na ito noong nakaraang taon maraming katanungan ang ating nasagot, maraming katotohanan ang ating natuklasan. Sa mga nakaraang kaisipan natin nagpapasalamat ako sapagkat may ilang mga mambabasa na naging matiyaga na makipag-aralan patungkol sa salita ng Diyos. Meron din naman na walang tiyaga na makibahagi sa mga ganitong pag-uusap.
Dati nga natatanong ko ang aking sarili dapat ko bang ipagpatuloy pa ito, samantalang parang wala namang may interesadong makabasa nito. Pero nanatili pa rin sa akin ang mithiin na sa anumang paraan ay maipahayag ang salita ng Diyos para sa mga taong may pandinig (Filipos 1:18). Naniniwala ako na kahit munting paraan ay maipapahatig ng pitak na ito ang mga katotohanan sa salita ng Diyos. Nasa isip ko na siguro hindi sa panahong ito magkakaroon ng malaking bahagi ang pitak na ito kundi sa mga susunod pang mga panahon ayon sa kalooban ng Diyos.
Naisip ko rin at nakita na umabot na pala ako sa mahigit na 60 kaisipan ang naibahagi sa mga mambabasa. Dalangin ko ngayon na maabot o malampasan ang bilang ng mga kaisipan naibahagi ko sa taong ito, mga kaisipang hango lamang sa salita ng Diyos. Alam ko na bibigyan ako ng Diyos ng pagkakataon upang matupad ko ang mithiing yaon.
Dalangin ko rin na kayo sa lahat ng panig ng mundo na makakabasa nito ang bigyan ninyo ng kaunting panahon o sandali man lang upang mabasa ang ibat ibang katotohanan nilalaman ng pitak na ito.
Salamat po... Inaasahan ko ang inyong pagsubaybay.. Pagpalain po kayo ng Diyos..