Martes, Hulyo 21, 2009

Saan Ka Patungo Tao?

Kung ang pagbabasehan natin ay ang pasimula kung bakit nilalang ng Diyos ang tao makikita natin ang talagang layunin Niya. Makikita rin natin kung ano ang Kanyang nilikha na hinugis na kawangis Niya. Mababasa natin sa banal na kasulatan na sa pasimula nilakha Niya ang tao sa dalawang kasarian lamang ang lalake at babae, na ang bawat kasarian ay mayroon sariling layunin sa buhay. Noon pa mang una ay may mga babala na ang dalawang kasarian na hindi katanggap tanggap ang magsama o makipag-ugnayang sensuwal ang parehong kasarian.

Hindi naman madaling malimutan ang isang tagpo sa kasulatan na nagalit ang Diyos sa mga tao sa kanilang mga ginagawa partikular ang pakikisiping sa kapwa lalake o kaya ay kapwa babae, yan ay nangyari sa Sodom at Gomora. Yan ang isang dahilan kung kaya ginawa ng Diyos ang ayaw Niyang gawin sa Kanyang mga nilikha sapagkat mahal Niya tayo. Subalit nagging matigas ang ulo nila at sinunod ang pita ng laman.


Ganon din ang babala ni Apostol Pablo sa mga taga Roma at sa ating lahat na mababasa sa
Roma 1:26-27 - Sa dahilang ito, hinayaan sila ng Diyos sa pagnanasang walang dangal sapagkat maging ang kababaihan nila ay nagbago ng likas nilang gamit patungo sa taliwas sa kalikasan. Gayundin ang mga lalaki sa pag-iwan nila sa likas na gamit ng mga babae. Sila ay nag-aalab sa pita sa isa't isa. Ang mga lalaki kasama ang lalaki ay gumagawa ng kahihiyan at tinanggap nila ang kaparusahang karapat-dapat sa mga liko nilang gawa.


Kaya naman sang-ayon ako sa nabasa ko sa isang pahayagan ang hayagang pagtutol ng mga taga simbahan. Ganito ang sabi nila “Iginiit kahapon ng isang mataas na opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na hindi pa rin katanggap-tanggap para sa Simba­hang Katoliko ang “same sex marriage” kahit pa legal na ito sa ibang mga bansa tulad sa ilang es­tado sa Amerika.


Ayon kay CBCP-Episcopal Commission on Ca­non Law chairman at Tag­bilaran Bishop Leo­nardo Medroso, kung ila­lagay sa usaping moral, ang pag­papakasal ng magkapa­rehong kasarian ay maiiba ang tunay na ka­hulugan ng kasal na itinakda para lamang sa lalaki at babae. Ipinaliwanag pa ng Obispo na malinaw na ang same sex marriage o kasal ng lalaki sa lalaki o kasal ng babae sa babae ay isang pagsuway sa natural law o universal law na kailangang sundin aniya ng lahat. Kung anya hindi susu­nod ang tao sa natural law sa pamamagitan ng hindi pagrespeto o pag­ga­lang dito, tiyak na masi­sira ang kultura at posib­leng ma­kaapekto sa mora­lidad ng tao."


Nawa kayo diyan na nakaka-isip ng mga ganitong hakbang babala ko lang na isiping mabuti at piliin ang nararapat at kalugod lugod sa Diyos. Tandaan na pinaghahandaan natin yung kaligtasan ng ating kaluluwa sa darating na panahon hindi yung tawag lang ng laman.

Walang komento: