Ang salapi o kwarta ay kapangyarihan. Ito ang prinsipyo o lakas na nag-uudyok sa maraming kultura sa mundo. Lahat ay nasasaklaw ng pera. Nagkakandarapa sa pagpapayaman. Madalas isinasakripisyo ang panariling integridad upang masunod ang nais or ginagawa ang lahat para sa pera kung papaano at kung saan mabubuhay at makakamtan ang lahat ng gusto.
Sa kulturang salapi ang sinasamba, nanganganib na magawa rin ito ng mga tagasunod ni Cristo. Ginagamit ang salapi upang makontrol ang pamilya, o kaya din a magsisimba pag di nasunod ang gusto at hindi nakamit ang minimithi, dagdag pa rito kapag nakakaranas ng pagsubok.
Anong laking kaibhan kay Jesus! May kapangyarihang labanan ang sakit at ginamit Niya ito sa pagpapagaling ng may sakit. May kapangyarihan Siyang kontrolin ang dagat, at ginamit Niya ito sa pag-aalis ng takot ng tao; may kapangyarihan Siyang lumikha at napakain Niya ang libu-libo. May kapangyarihan Siya laban sa kasalanan at ginamit Niya ito upang magpatawad ng makasalanan. May kapangyarihan Siya sa sariling buhay, ngunit kusang isinakripisyo ang buhay Niya para iligtas ang sinumang tumatawag sa Kanya (Roma 10:13).
Lahat ng kapangyarihan ay nasa Kanya ngunit ginamit Niya ito sa paglilingkod sa iba. Tinawag Siyang “Panginoon” ng Kanyang mga disipulo ngunit Siya lang ang naging alipin doon (Juan 13:2-17). Hinugasan Niya sa silid sa itaas ang kanilang paa! Nang tumanggi si Pedro, sagot ng Panginoon, “hanggat hindi kita hinuhugasan ng paa ay wala kang kaugnayan sa Akin (8).
Sa halip na gamitin ang pera sa anumang pansariling kapakanan gamitin sa panglilingkod sa iba. Iyan ang tamang paggamit ng kapangyariahan. Kung sa paglilingkod tayo ay abals at isa’t isa nagtutulungan sa ating isip, salita at gawa ang Panginoon ang ating tinutularan.
Kapag lalo nating paglilingkuran ang iba, lalong mababawasan ang panglilingkod sa sarili.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento