Marami ang nagsasabi na ang buhay daw ditto sa ibabaw ng lupa ay lipos ng kalungkutan, kapighatian at kabiguan. Kung pagbabatayan natin ang mga nakikita natin sa paligid maaari ngang tama ang ating naririnig. Subalit kung matuto tayong tumawag, alamin kung sino ba tayong nilakha ng Diyos mapag-aalaman natin na maling mali pala tayo sapagkat – sabi nga tayo’y nilikha ng Diyos para maging maligaya. Payag ba kayo roon, kung hindi samahan ninyo akong tuklasin at alamin kung ano ang sinasabi ng kasulatan patungkol dito.
Colosas 3:2 – Isaisip ninyo ang mga bagay na panlangit, hindi ang mga bagay na panlupa.
Ang kalungkutan daw ay mahahalintulad sa isang sakit na nakakahawa o epidemiya. Nakikita natin sa paligid ang ibat ibang uri nito kung paano kasama ang mga tagasunod ni Hesus ay nakakaranas. Pero ang sabi nila ang kasiyahan daw sa lupa ay napapanis, nauubos, kinakalawang at nawawala. Kaya ang tanong natin na hahanapan natin ng kasagutan sa kasulatan ay - Paano maging masaya?
1. ISAISIP lang ang magaganda at karapat-dapat (THINK about Good). Paano ito – madali lang iwasan ang mga negatibong pag-iisip maging positibo sa lahat ng bagay. Isaisip ang magandang bagay na karapat dapat at mabuti sa atin. Kailangan nating magkaroon ng pag-asa sa buhay upang magkaroon ka ng kasiyahan ditto sa lupa, kapag may pag-asa ang isang tao tiyak ang pagkakroon niya ng kasiyahan sa buhay. Filipos 4:8 – Sa wakas, mga kapatid, dapat maging LAMAN ng inyong isip ang mga bagay na KARAPAT-DAPAT at KAPURI-PURI, mga BAGAY NA TOTOO, MARANGAL, MATUWID, MALINIS, KAIBIG-IBIG at KAGALANG-GALANG. Kapag ang lagging laman ng isip ninyo ay mga negatibong bagay wag umasa ng kasiyahan.
2. TINGNAN ang magaganda at karapat-dapat (LOOK for the good). Hebreo 12:2 – ITUON natin ang ating paningin kay Jesus na siyang pinagmulan ng ating pananampalataya, at siya ring nagpapasakdal nito. Dahil sa kagalakang naghihintay sa kanya, hindi niya ikinahiya ang mamatay sa krus, at siya ngayo’y nakaluklok sa kanan ng trono ng Diyos. Simple lang ito, kung titingnan mo ang mga nakapaligid sa atin at hanapan mo sila ng kamalian tiyak akong magtatagumpay ka na Makita ito. Subalit kung ang titingnan mo sa kanila yung mga magandang bagay sa kanila magiging masaya ka.
3. PAKINGGAN ang magaganda at karapat-dapat (LISTEN to the good) Roma 10:17 – kaya’t ang pananampalataya ay bunga ng pakikinig at makakapakinig lamang kung may mangangaral tungkol kay Kristo. Kung sa buhay natin nagagalit tayo kapag tinatapunan ang ating bakuran ng mga basura, dapat ganon din ang maging pamantayan natin sa ating mga pandinig. Salain ang lahat ng ating naririnig sapagkat ito ang nagiging dahilan kung kaya minsan malungkot tayo.
4. PAG-USAPAN ang magaganda at karapat-dapat (TALK about the good). Sabi sa ating sitas sa ibaba iwasan ang mga walang kwentang usapan, alam natin ito na mayaman sa paligid lalo na ang mga tsimis. Sinasabi pa rin na kung magsasalita tayo ay sikaping makatutulong sa kausap at makabubuti at angkop sa pagkakataon.
2 Timoteo 2:16 – Iwasan mo ang walang kabuluhan at malalaswang usapan sapagkat ang mga gumagawa niyan ay lalong nalalayo sa Diyos.
Efeso 4:29 – Huwag kayong gumamit ng masamang pananalita; sikaping lagi na ang pangungusap ninyo’y yaong makabubuti at angkop sa pagkakataon upang pakinabangan ng makaririnig.
5. ISAGAWA ang magaganda at karapat-dapat (WORK for the good)
Galatia 6: 9– Kaya’t huwag tayong magsawa sa PAGGAWA NG MABUTI pagdating ng takdang panahon, tayo’y mag-aani kung hindi tayo magsasawa.
10- Samantalahin natin ang lahat ng pagkakataon sa paggawa ng mabuti sa ating kapwa lalo na sa mga kapatid sa pananampalataya.
Hebreo 13:16 – At huwag nating kaligtaan ang PAGGAWA NG MABUTI at ang PAGTULONG sa iba sapagkat iyan ang haing kinalulugdan ng Diyos.
We cannot change the direction of the wind, but we can adjust our time to always reach our destination.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento