Huwebes, Hulyo 31, 2008

Tagasunod Kailan Ito?

Sa ibang anyo ito rin ay tagasunod, alagad. Naging palasak o kilala sa banal na kasulatan ang mga alagad o tagasunod ni Hesus na hanggang ngayon ay kilalang kilala ng lahat na naniniwala sa Diyos. Ilan sa alagad ni Hesus ang nagamit pa upang maitala ang mga kaganapan noong panahong naririto pa si Hesus. Sila yung mga taong kasa-kasama ni Hesus na nangangaral ng pag-hahari ng Diyos. Pero ang tanong ay – Ang mananampalataya ba ni Hesus ay masasabi ng taga-sunod ni Hesus?

Kapag sinabing mananampalataya ito’y kumikilala na, sumusunod at nagsasagawa ng mga aral ni Hesus. Kailan masasabi na isang nang mananampalataya ang isang tumanggap kay Hesus? Ito ba’y pagkatapos tanggapin si Hesus bilang panginoon at tagapagligtas? Masasabi bang sila’y tagasunod na ni Hesus? Maraming katanungan diba, kasi nga marami ang nag-aakala na kaagad-agad ang isang tao ng tumanggap siya ay mananampalataya na. Pero kalian nga ito masasabi? Ayon sa kasulatan ay ganito – Juan 6:44 - Walang taong makakalapit sa akin malibang ilapit siya ng Ama na nagsugo sa akin at ibabangon ko siya sa huling araw.

Ano ang ibig kong sabihin sa mga sitas na inilahad ko sa itaas? Malinaw na walang sinuman ang makakalapit sa akin, sino yun, kay Hesus maliban na siya ay ilapit, dalhin, ibigay ng Ama kay Hesus. Kaya merong mga sinasabing mananampalataya ni Hesus pero hindi pa siya inilalapit, dinadala at ibinibigay ng Ama kay Hesus. Bakit? Sapagkat hindi pa nakikita sa kanya yung tunay na palatandaan na ng isang mananampalataya. Marami ang ganyan sa loob mismo ng iglesya ni Hesus. Paano nangyari ito? Simple sa bibig lang nila nasabi na sila’y mananampalataya o taga-sunod na ni Hesus, sa gawa at buhay ay walang pagbabago.

Ang pagiging mananampalataya ni Hesus ay isang mahabang proseso ng buhay Kristiyano, bakit ko nasabi sapagkat hindi ito isang pagkain na agad ay malalasahan mo kung masarap o hindi. Ang tunay na proseso ng pagiging mananampalataya ay masakit sa una sapagkat marami sa buhay mo ang unti unting mawawala, mababago at isusuko. Kapag naganap na lahat ng ito sa iyong buhay saka mo lang masasabi na ikaw ay isa ng mananampalataya ni Hesus. Makikita na sa iyo yung sinsabi sa Galatia 5:22-23 na bunga ng Banal na Espiritu. At kapag nasabi na ng mga nakapaligid sa iyo na kakaiba ka na ngayon.

Kung titingnan natin sa buhay ng mga alagad ni Hesus noon. Makikita mo ba yung agad na pagbabago sa kanila, gayong tatlo’t kalahating taon silang tinuruan, kasama at nakakita sa mga ginawa ni Hesus. Marami silang natutunan, naranasan, nakitang mga kababalaghan subalit hindi agad sila masasabing nanampalataya agad, subalit tinatawag silang mga alagad ni Hesus. Pero bakit sa tuwina sinasabihan sila ni Hesus na “kayong maliliit ang pananampalataya”. Sapagkat sa loob ng mga panahong yaon hindi pa sila lubusang naniniwala sa kabila ng napakarami nilang nasaksihang mga kababalaghan mula kay Hesus.

Kailan sila totoong nanampalataya diba noong matapos mabuhay na muli si Hesus at doon lang silang nagsimulang gampanan ang kanilang tinanggap na gawain na alagad ni Hesus. Doon sila masasabing isang mananampalataya at lingkod si Kristo. Kaya para sa akin sa taong karirinig pa lang ng salita ng Diyos hindi agad-agad ito masasabing mananampalataya naroon pa rin yung proseso. Subalit hindi ko sinasabing salungat ito doon sa kasulatan na “hindi babalik ang salita ng Diyos ng walang kabuluhan”. Makikita lang doon na ang Diyos ay may layunin at naaayon doon sa sarili Niyang plano sa taong iyon… Ikaw ano ang naging karanasan mo bago ka naging mananampalataya ni Hesus?

Linggo, Hulyo 27, 2008

Araw ng Pagsamba Tama o Mali?

Sa daigdig ng Kristianismo ang araw ng pagsamba o pag simba ay isa ng kaugalian ng lahat, sapagkat ito ang kanilang nakagisnang aral na sinusunod. Merong ilan na kakaiba ang kanilang pagsasagawa ng araw ng Diyos, tulad ng mga Seventh Days Adventist o kung tawagin ay Sabadista. Araw ng Sabado sila sumisimba. Sa mga muslem naman araw ng Biernes ang kanilang araw na laan para sa kanilang Allah. Pero ano ba ang tamang araw ng pagsimba ng isang Kristiano? Kung tayong mga tagasunod ni Hesus ay talagang tapat sa sinasabi sa kasulatan patungkol sa araw na ilalaan para sa Diyos, susundin natin kung ano yung nakasulat, diba? Pero ano ang nangyayari sa ngayon, parang pinalitan na ng ayon sa pinagkaisahan, sa kaugalian at kautusan ng tao.

Ano ba ang sinasabi sa kasulatan patungkol sa araw na dapat ilaan sa Diyos. Heto yung ilan sa mga sitas na sinasabi sa kasulatan:

Genesis 2:2-3 – 2 By the seventh day God had finished the work he had been doing; so on the seventh day he rested from all his work. 3 And God blessed the seventh day and made it holy, because on it he rested from all the work of creating that he had done.

Exodus 20:8-11 – 8 "Remember the Sabbath day by keeping it holy. 9 Six days you shall labor and do all your work, 10 but the seventh day is a Sabbath to the LORD your God. On it you shall not do any work, neither you, nor your son or daughter, nor your manservant or maidservant, nor your animals, nor the alien within your gates. 11 For in six days the LORD made the heavens and the earth, the sea, and all that is in them, but he rested on the seventh day. Therefore the LORD blessed the Sabbath day and made it holy.

Ano ang sinsabi sa Genesis sa itaas na sitas ang Diyos ay namahinga sa ikapitong araw matapos Niyang likhain ang lahat at ito ay Kanyang pinag-pala. Pero ang tanong ng iba ano bang araw ang ikapitong araw? Sa ating sinusunod na araw sa isang linggo, araw ng Sabado ang tinutukoy na ikapitong araw na ganon din naman ang sinsabi sa kasulatan. Bakit kaya ito hindi sinusunod lalo na ng mga tagasunod ni Kristo sa ngayon, sa kabila nito ano ang kanilang paniniwala sa ngayon?

Heto ang mas matinding katibayan na kung talagang ang pag-uusapan ay yung pagsunod kung ano ang naka-sulat sa kasulatan, lahat tayo ay may pagsuway, sapagkat makikita sa itaas na inilagay mismo ng Diyos sa kanyang kautusan ang araw na dapat ilaan sa Kanya. Subalit ano ang mga depensa natin, kasi yan na yung kinagisnang araw na pagsimba at pangingilin. Si Hesus ano ang Kanyang kaugalian at turo patungkol dito. Sa mga sumusunod na sitas makikita na si Hesus mismo ay sumusunod hindi lamang sa kaugalian Nilang mga Hudyo kundi pati kautusan ng Diyos.

Lucas 4:16 - Siya ay pumunta sa Nazaret, ang lugar na kinalakihan niya. Ayon sa kaniyang kinaugalian, siya ay pumasok sa sinagoga sa araw ng Sabat. Siya ay tumayo upang bumasa.

Marcos 6:2- Nang sumapit ang Sabat, nagsimula siyang magturo sa sinagoga. Ang maraming nakarinig ay nanggilalas. Sinasabi nila: Saan kinuha ng taong ito ang ganitong ang mga bagay? At ano itong karunungang ibinigay sa kaniya na maging ang ganitong himala ay ginawa ng mga kamay niya?

Ang isang malaking katanungan bakit naging Linggo ang araw na inilaan para sa Diyos? Ayon sa mga nakaraang kasaysayan, ito ay nagsimula pa noong kapanahunan pa ng mga Romano sa pamumuno ni Constantine. Sa panahong yaon ang mga pagano at ang kristiano ay nag-aaway patungkol sa relihiyon. Kaya nagpalabas si Contantine na “kautusan” na gawin Linggo o Sunday ang araw ng pagsamba. Mula noon hanggang ngayon bulag na ang lahat patungkol dito kung ano ang tama at mali sa kautusang iyon. Meron bang nilabag sa utos ng Diyos? Oo, sapagkat ang “Sunday” ay kinuha sa pangalan ng diyos ng mga pagano na “Sun” – na kung iisipin natin ito ay pagsamba sa diyos diyusan. Tama o Mali.

Pero sabi ng iba wala namang epekto kahit anong araw ang ilaan mo para sa Diyos ang mahalaga ay ibinigay mo sa Diyos ang araw na yun. Kung titingnan natin parang walang masama naman diba? Pero ano sa tingin ninyo nalulugod kaya ang Diyos doon na hindi nasunod yung sinsabi Niya sa kasulatan? Kayo ang makasasagot niyan….

Martes, Hulyo 22, 2008

Sukatan ng Tao..

Paano nga ba nasusukat ang isang tao? Ang pinag-uusapan natin ay yung pananaw, kalalagayan, pananalig ng isang tao hindi kung gaano siya kataas o katangkad. Meron nagsasabi na masusukat daw ang isang tao sa pamamagitan ng kaniyang kalalagayan sa buhay. Ano ito? Kung mayaman o dukha. Paano nasusukat ang tao sa pamamagitan ng yaman? Madaling masukat ito sapagkat tiyak akong nakalabas yun sa kaanyuan ng isang taong mayaman, kasunod noon ang karakter niya para sa ibang tao. Ibig sabihin sa pagtingin mo pa lang makikita mo na kung ang isang tao ay mayaman – siempre, pero hindi mo kaagad makikita yung karakter niya sapagkat ito’y makikita kapag nakasama, naka-usap at kumilos. Yan ang tao….

Paano naman sumusukat ang tao? Sumusukat ang tao karaniwan na sa pagtingin na kasunod ang pag husga sa kapwa tao, ganyan ang karaniwang tao. Ano ba ang babala ni Santiago sa mga taong may ganitong karakter, tunghayan natin sa mga sumusunod na talata:

Santiago 2: 1-4 - 1 Mga kapatid ko, kayo ay may pananampalataya na nasa Panginoong Jesucristo na Panginoon ng kaluwalhatian at kayo na may pananampalatayang ito ay huwag magkaroon ng pagtatangi ng mga tao. 2 Maaaring may pumasok sa inyong sinagoga na isang taong may gintong singsing at marangyang kasuotan. Maaari ding may pumasok na isang taong dukha na napakarumi ng damit. 3 At higit ninyong binigyan ng pansin ang may marangyang kasuotan at sinasabi mo sa kaniya: Maupo po kayo rito sa magandang dako. Sa taong dukha ay sinasabi mo: Tumayo ka na lang dito o di kaya ay maupo ka sa tabi ng patungan ng aking paa. 4 Hindi ba kayo rin ay may mga pagtatangi-tangi sa inyong mga sarili? Hindi ba kayo ay naging mga tagahatol na may masasamang isipan?

Sa unang sitas sa itaas babala ni Santiago na wag tayong magtangi sa pagtingin sa ibang tao. Ano ang ibig ipakahulugan nito na kaugnay sa ating pinag-uusapan? Ibig sabihin na tumingin tayo sa tao ng pantay pantay walang mayaman at dukha, wag agad manghusga sa isang tao sa pagtingin pa lamang hanggat hindi nalalaman ang tunay na dahilan. Dito sa ating pinag-uusapan nagbigay si Santiago ng halimbawa kung paano tumingin at magtangi ang mga tao noon, na tiyak ako na hanggang sa ngayon ganito pa rin ang nangyayari kahit sa loob ng Iglesya ni Jesus. Meron pa ngang masahol pa dito kung magturing sa ibang tao na sa tingin ay isang dukha – naroon yung masasakit na salita, pagsasapwera at pangmamaliit. Tama ba ito sa mga lingkod ng Diyos?

Santiago 2: 5-75 Makinig kayo, minamahal kong mga kapatid. Hindi ba pinili ng Diyos ang mga dukha sa sanlibutang ito na mayayaman sa pananampalataya? Hindi ba pinili silang taga-pagmana ng paghaharing ipinangako niya sa mga umiibig sa kaniya? 6 Hinamak ninyo ang taong dukha. Hindi ba ang mayayaman ang umaapi sa inyo at kumakaladkad sa inyo sa harap ng mga hukuman? 7 Hindi ba sila ang lumalait sa mabuting pangalan na itinatawag sa inyo?

Heto naman ang katotohanan na sinasabi ng kasulatan, na yaong mga nakakarinig ng mga masasakit na salita, pangmamaliit ang siyang pinili ng Diyos na maging mayaman sa pananampalataya, sapagkat ang karaniwang mayayaman ay yaman ang tinitingala hindi ang Diyos, ayon ba kayo doon? Yan ang katutuhanan na silang mga dukha ang piniling taga-pagmana ng kaharian ng Diyos, sapagkat sinabi sa kasulatan na mahirap pumasok ang mayaman sa langit..

Santiago 2: 8-11 8 Kung tinutupad ninyo ang maharlikang kautusan ayon sa kasulatan, mabuti ang inyong ginagawa. Ito ay nagsasabi: Ibigin mo ang iyong kapwa tulad ng pag-ibig mo sa iyong sarili. 9 Kaya kung kayo ay nagtatangi ng tao, kayo ay nagkakasala at sinusuway ang kautusan bilang mga lumalabag. 10 Ang sinumang tumutupad sa buong kautusan ngunit natitisod sa isang bahagi ay nagkakasala sa buong kautusan. 11 Ito ay sapagkat sinabi ng Diyos: Huwag kang makiapid. Sinabi rin niyang huwag kang papatay. Kung hindi ka man nakiapid ngunit ikaw naman ay pumatay, ikaw ay lumabag din sa kautusan.

Sa sitas na 8 mahirap matagpuan sa mayaman ang pag-big sa kapwa sapagkat masasabi nating wala rin silang pag-ibig sa kanilang sarili, sapagkat nakatoon sa yaman ang kanilang kaisipan at kung paano pa yumaman. Doon naman sa nagsasabi na tumutulong naman ako sa mga dukha, tanungin nila ang kanilang sarili kung tunay ba ang kanilang pagtulong o ito’y ginagawa lang sapagkat nakikinabang sila sa mga taong ito.

Santiago 2:12-13 12 Kaya magsalita ka at gumawa tulad ng mga hahatulan na ng kautusan ng kalayaan. 13 Ito ay sapagkat walang kahabagang hahatulan ng Diyos ang sinumang nagkait ng habag. Ang kahabagan ay nananaig sa kahatulan.

Anong sinasabi sa mga sitas sa itaas magpakumbaba hindi tama ang sagot na depende sa tao yun, sapagkat ang hinihingi ng Diyos ay laging pagpapakumbaba, hindi yung pag husga sa mga taong hindi nila kauri. Sapagkat alalahanin ninyo na lahat tayo’y nilikha na kawangis ng Diyos….

Linggo, Hulyo 20, 2008

Binaluktot Ang Tama!

Siguro sa mga nakakabasa ng ilan sa mga entre ko iisipin na subra naman ako kasi lahat na ay pinapansin, kahit kaunting pagbabago. Maliit o malaking kasalanan ito ay kasalanan pa rin at kasama rito ang pagbabago, pagbabawas, at pagdaragdag sa anumang salita na nakasulat sa mga orihinal na kasulatan. Para sa akin hindi mo masisisi ang mga ibang pananampalataya kung tahasan nilang ipinahahayag na marami ang pagbabago, pagkakamali sa pagkasalin ng banal na kasulatan.

Marami ang nag wawalang kibo na lamang sa kabila ng alam nila na mali ang kanilang binabasa, pinag-aaralan. Meron nga bang pagkakamali sa mga pagkakasalin buhat sa orihinal na kasulatan? Alam nga ba nila na mali ang kanilang pagkasalin? Doon sa mga taong nagwawalang kibo na lamang sa mga ganitong pagkakamali – wala akong masasabi kundi ang imulat nila ang kanilang mga mata sa katutuhanan. Marami ang nagsasabi na ang lahat ng kasulatan ay “kinasihan ng espiritu ng Diyos”. Tama, subalit tandaan na ang sinasabing kinasihan ay ang orihinal na salin, hindi ang mga bagong salin sapagkat kung yan ay kinasihan walang pagkakamali ito. Naniniwala ako na ang orihinal na kasulatan ay walang pagkakamali. Narito ang ilan sa mga salin na makikita natin sa mga bagong salin ng kasulatan.

1 John 5:6-8 (NIV) 6 - This is the one who came by water and blood—Jesus Christ. He did not come by water only, but by water and blood. And it is the Spirit who testifies, because the Spirit is the truth. 7- For there are three that testify: 8 - the Spirit, the water and the blood; and the three are in agreement.
Footnotes:
a. 1 John 5:8 - Late manuscripts of the Vulgate testify in heaven: the Father, the Word and the Holy Spirit, and these three are one. 8 And there are three that testify on earth: the (not found in any Greek manuscript before the sixteenth century)

Heto makikita sa itaas na meron silang inilagay na “footnotes” upang ipabatid na meron silang idinagdag sa kasulatan, sa kabila na alam nilang ito’y hindi tama sa mata ng Diyos, para bang sinasabi nilang kulang ang nakalagay sa kasulatan.

1 John 5:6-8 (NASB) 6 - This is the One who came by water and blood, Jesus Christ; not with the water only, but with the water and with the blood It is the Spirit who testifies, because the Spirit is the truth. 7 - For there are three that testify: 8 - the Spirit and the water and the blood; and the three are in agreement.
Ito ay medyo malapit sa katutuhanan, pero hindi pa rin ako sigurado kung ito nga ang tamang salin nito mula sa orihinal na kasulatan.

1 Juan 5:6-8 (Salita ng Diyos) – 6 Siya itong naparito sa pamamagitan ng tubig at dugo, si Jesucristo. Hindi siya naparito sa pamamagitan ng tubig lamang kundi sa pamamagitan ng tubig at dugo. Ang nagpapatotoo ay ang Espiritu sapagkat ang Espiritu ay katotohanan. 7 May tatlong nagpapatotoo sa langit, ang Ama, ang Salita, ang Banal na Espiritu at ang tatlong ito ay iisa. 8 May tatlong nagpapatotoo sa lupa, ang Espiritu, ang tubig at ang dugo. Ang tatlong ito ay nagkakaisa.

1 John 5:6-8 (Amplified Bible) - 6 This is He Who came by (with) water and blood [His baptism and His death], Jesus Christ (the Messiah)--not by (in) the water only, but by (in) the water and the blood. And it is the [Holy] Spirit Who bears witness, because the [Holy] Spirit is the Truth. 7 So there are three witnesses in heaven: the Father, the Word and the Holy Spirit, and these three are One; 8 and there are three witnesses on the earth: the Spirit, the water, and the blood; and these three agree [are in unison; their testimony coincides].

1 John 5:6-8 (Darby Bible) – 6 This is he that came by water and blood, Jesus [the] Christ; not by water only, but by water and blood. And it is the Spirit that bears witness, for the Spirit is the truth. 7 For they that bear witness are three: 8 the Spirit, and the water, and the blood; and the three agree in one.

Napakaraming salin ang makikita mo sa isang sitas na ito, na tayo ay magkakaroon ng mga katanungan, alin ba talagang tunay na salin mula sa orihinal na kasulatan. Wala namang problema kahit alin sa salin na ito, yan ang depensa ng iba, pero hindi yun ang punto – ang punto rito ay kung may nilalabag ba silang kautusan mula sa Diyos ang magbago, magdagdag at magbawas sa kasulatan.

1 John 5:6-8 (Young’s Literal Translation) – 6 This one is he who did come through water and blood -- Jesus the Christ, not in the water only, but in the water and the blood; and the Spirit it is that is testifying, because the Spirit is the truth, 7 because three are who are testifying [in the heaven, the Father, the Word, and the Holy Spirit, and these -- the three -- are one; 8 and three are who are testifying in the earth], the Spirit, and the water, and the blood, and the three are into the one.

Sa dami kong inilahad sa inyong mga salin sa kasulatan sa iisang sitas ng salita ng Diyos, kayo na ang bahalang kumuha kung alin ang sa tingin ninyo ay tama. Sapagkat tayo ay kakasihan ng Diyos kung marubdub nating pag-aaralan ang anumang salita ng Diyos na inyong nababasa sa kasulatan.

Sabado, Hulyo 12, 2008

The Wicked Tongue

Ang ating katawan ay binubuo ng ibat-ibang bahagi na may kanya kanyang katawagan, gamit at kahalagahan. Kung ang katawan mo ay kulang ng anumang sangkap na talagang makikita sa isang taong nilikha ng Diyos – masasabi na siya’y isang taong hindi buo, siempre naman, pero may mga parte naman ng katawan na hindi masyadong mahalaga. Meron naman na napakahalaga, meron din naman na ito'y nagagamit sa mabuting paraan at minsan sa masamang paraan. Sa bago nating kaisipan ipakikita ko sa inyo ang dulot nitong kabutihan at kasamaan sa ating katawan na naka-ugnay sa kasulatan.

Makikita sa kasulatan Mateo 18:6-9 - Ngunit ang sinumang maging katitisuran sa isa sa mga maliliit na ito na sumasampalataya sa akin ay mabuti pang talian ng malaking gilingang bato ang kaniyang leeg at itapon sa dagat. Sa aba ng sangkatauhan dahil sa mga katitisuran. Ito ay sapagkat kailanman ay hindi mawawala ang mga kadahilanan ng pagkatisod. Ngunit sa aba ng taong pinanggalingan ng pagkatisod. Kaya nga, kung ang iyong kamay o ang iyong paa ang makakapagpatisod sa iyo, putulin mo ito at itapon. Higit pang mabuti para sa iyo ang pumasok sa buhay na pingkaw o pilay kaysa may dalawang kamay o dalawang paa, ngunit ihahagis naman sa apoy na walang hanggan. Kung ang iyong mata ang makakapagpatisod sa iyo, dukitin mo ito at itapon. Higit pang mabuti para sa iyo ang pumasok sa buhay na may isang mata, kaysa may dalawang mata, ngunit ihahagis naman sa apoy ng impiyerno.

Nakita natin sa itaas kung sa kapahayagang nasusulat o (literal) ipinakikita na kung ang isang bahagi ng iyong katawan o sangkap ng katawan ay nagiging sanhi ng katitisuran, kasalanan, kamatayan mabuti pa rito ang putulin, dukitin, alisin, talian at itapon mas mabuti pa ang mapunta sa langit ng walang mga sangkap na ito kaysa sa impiyerno na buo ang lahat ng ito. Bakit natin natanong ito sapagakat sa mga nabanggit sa itaas isang bahagi ng katawan ang malaki ang nagagawang kasamaan sa katawan ang hindi kasama sa sitas na ating pinag-uusapan. Ano ang bahagi ng ating katawan na ito ang aking nais ipabatid sa inyo? Ito ay ating matatagpuan sa aklat ni Santiago. Ito ay ang “DILA”.

Santiago 3: 1 -2 -Mga kapatid ko, nalalaman ninyo na tayong mga guro ay tatanggap ng lalong higit na kahatulan. Kaya nga, huwag maging guro ang marami sa inyo. Ito ay sapagkat tayong lahat sa maraming paraan ay natitisod. Kung ang sinuman ay hindi nagkakamali sa kaniyang pananalita, siya ay taong ganap at napipigil niya ang kaniyang buong katawan.

Ano ang kaugnayan nito sa ating pinag-uusapan, sabi rito huwag daw nating mithiin na maging taga-pagturo sapagkat mabigat ang kasalanan dito. Bakit nasabi ni Santiago ito, dahil kaya sa nakikita niya ang nangyayari sa palagid na marami ang nagtuturo ng mga aral na labag sa kasulatan. Alam natin na hindi naman lahat sila, meron din naman na tapat sa kung ano ang sinasabi sa kasulatan. Tama walang makapagsasabi na siya ay hindi nagkakamali sa pamamagitan ng kanyang dila o pananalita. Bakit ang dila ay maliit na bagay subalit malaki ang nagagawa nito sa ating katawan? Sapagkat sinasabi rin ng kasulatan sa Proverbs 18:21 The tongue has the power of life and death, and those who love it will eat its fruit.

Santiago 3: 3 -6 - Narito, nilalagyan natin ng bokado ang bibig ng mga kabayo upang tayo ay sundin nila. Sa pamamagitan ng bokado ay naililiko natin ang buong katawan nila. Tingnan din ninyo ang mga barko. Ang mga ito ay malalaki at itinutulak ng malalakas na hangin. Gayunman, bagamat malalaki, ang mga ito ay inililiko ng napakaliit na timon saan man naisin ng taga-timon. Gayundin naman ang dila. Ito ay isang maliit na bahagi ng katawan ngunit nagyayabang ng mga dakilang bagay. Narito, ang maliit na apoy ay nagpapaliyab ng malalaking kahoy. Ang dila ay tulad ng apoy, sanlibutan ng kalikuan. Ang dila ay bahagi ng ating katawan na dumudungis sa kabuuan nito. Sinusunog nito ang mga pamamaraan kung paano tayo nabubuhay at ito ay pinag-aapoy ng impiyerno.

Ang dila ay hinalintulad sa giya o bukado ng kabayo na kung saan nais natin pumunta ito’y susunod, inihalintulad din sa timon ng barko na maliit na bahagi ng barko pero kayang idako kahit saan ang barko. Subalit ang dila ay maliit na bahagi rin subalit hindi kayang supilin ninuman, nagagawa nitong maging masama ang boong katawan. Ito’y isang apoy na tumutupok sa kabuuan nang isang tao, kapag hindi nasupil. Kahit na sabihing mga tagasunod na ni Hesus marami pa rin ang hindi nasusupil ang kanyang dila.

Santiago 3: 7 - 9 - Ito ay sapagkat napaamo na ang lahat ng uri ng mga hayop at mga ibon at mga gumagapang na hayop at mga bagay sa dagat. At ito ay paaamuin ng tao. Ngunit walang nakapagpaamo sa dila. Ito ay masamang bagay na hindi mapipigil at puno ng kamandag na nakakamatay. Sa pamamagitan ng dila ay pinupuri natin ang Diyos Ama. Ginagamit din natin ito sa pagsumpa sa mga taong ginawa ng Diyos ayon sa kaniyang wangis.

Tama mula pa noong una sa kasulatan naroon na yaong napapa-amo ang lahat ng uri ng hayop lumilipad, gumagapang at lumalangoy, subalit ang dila ay hindi kayang supilin ninuman. Ang masakit nito ang dila ang ginagamit natin sa pagpupuri at pagsamba sa Diyos at ito rin ang ginagamit natin sa pag-alimura sa tao na nilikha ng Diyos na kawangis. Ano ang mariing sinsabi ni Santiago na hindi dapat ito mangyari sapagkat hindi maaring bumalong ang tubig alat at tubig tabang sa iisang agos. Ngayon, meron bang lunas upang masupil ang dila?

Meron ang kasulatan din ang maaring sumupil sa ating dila. Ayon sa 2 Corinto 5:17 - Kaya nga, kung ang sinuman ay na kay Cristo, siya ay bago nang nilalang. Ang mga dating bagay ay lumipas na, narito, ang lahat ng bagay ay naging bago. Woow nakita ninyo malinaw ito na ang sinumang “na kay o nagkipag-isa” kay Jesus ay bagong nilalang, anong ibig sabihin nito? Ibig sabihin ang boo nating pagkatao ay isinuko natin upang baguhin tayo ni Kristo. Meron pa sa Galatia 5:22-23 tungkol sa bunga ng Banal na Espiritu, na kailangang makita sa atin…. Ang bunga.

Linggo, Hulyo 6, 2008

Judas Iscariot Who?

Hudas ka! Tiyak na maririnig mo ang ganitong pananalita kapag may nagawang kang katrayduran sa isang tao. Bakit kaya? Sapagkat kilala ng lahat kung sino si Hudas (Judas) na isa sa mga alagad ni Jesus. Sa mga Pilipino tiyak ako na wala kang makikita na ang pangalan sa kanilang mga anak ay Hudas. Kilala rin ng lahat ang ginawa ni Hudas kay Kristo na pagkakanulo sa 30 pirasong pilak. Ang paggamit sa pangalang Hudas ay kasing sama sa paggamit ng pangalang Lucifer. Ito yung mga pangalan o mga tauhan sa Banal na Kasulatan na itinuturing na kontrabida.

Kung tatanungin mo ang bawat Kristiayano – kung ang pagkapako kay Hesus ay naka-plano na noong pang pasimula, ang isasagot sa iyo ay walang kagatol gatol na "OO". Pero walang pagsidlan ang galit nila sa pangalang Hudas, sapagkat ng dahil sa kanya napako raw si Hesus. Ang gulo ano… Heto ipina-aalam ko lang na hindi ako pabor sa ginawa ni Hudas, pero ito rin naman ang masasabi ko na si Hudas ay may malaking bahagi sa kaganapan ng mga pangyayari kay Hesus. Si Hudas ang naglalarawan ng kung ano ang karaniwang tao sa ngayon. Si Hudas ang naglalarawan kung bakit si Hesus ay ipinadala ng Diyos Ama ditto sa lupa. Sapagkat ang tao ay may ganitong katauhan.

Dapat bang sisihin si Hudas sa nangyari sa ating tagapaglitas na si Hesus? Marami ang nagsasabi na siya lang ang dapat sisihin, sapagkat kung hindi dahil sa kanya hindi mahuhuli para ipako si Hesus. Kapag ganito ang inyong katuwiran tahasan kong masasabi na pinangungunahan ninyo ang mga nakalagay sa kasulatan. Ilang ulit sinabi o ipinag-pauna na ni Hesus ang tungkol sa kanyang pagbabata. At laging sinasabi ng mga alagad Niya na silay sasama kahit saan. Pero silang lahat ay nangalat nangawala ng mga panahong hinuli na si Hesus. Ganon din si Pedro pinagkaila pa niya si Hesus. Pero mabigat ang ginawa ni Hudas at siya’y hindi nagsisi bagkus nagpakamatay pa.

Tayong lahat ay naniniwala na ang lahat ng nangyayari sa ating buhay, kanilang buhay at kaninuman ay may “purpose” o layunin ayon sa kalooban ng Diyos. Sa pagtupad ng layunin ng Diyos itong lahat ay sa ikabubuti, kalooban at sa pagka Diyos, Niya. Bakit? Sapagkat, ginagawa Niya ito ng ayon sa Kanyang kapamaraan at kapangyarihan. Halimbawa – Ng ipagkaila ni Pedro si Hesus sa harap ng mga tao, ano ang layunin Niya? Dib a bago nangyari yaon, sinabihan na ni Hesus si Pedro na mangyayari yaon ng tatlong beses bago tumilaok ang manok? Nagsalita pa nga si Pedro na hindi mangyayari yun, pero nangyari “yun ang layunin ng Diyos” na mangyayari ang lahat ng Kanyang sinsabi. Kung hindi nangyari yun ginagawa nating sinungaling ang Diyos.

Sino ba itong si Hudas (Juda) sa Lucas 22:3 - Pumasok si Satanas kay Judas, na tinaguriang taga-Keriot, na kabilang sa labindalawang alagad. Si Hudas ay isa sa mga alagad ni Hesus, tagapag-ingat ng kaban ng mga alagad. Yung taguri sa kanyang Iscariote ay kinuha sa kanyang pinagmulang lugar ang Keriot. Sinasabi na si Hudas daw ang kakaiba sa lahat sa mga alagad ni Hesus. Pero ang tanong lahat ba ay may bahagi ang mga alagad sa naganap na pagkapako ni Hesus. Ang sagot – "OO". Tulad ng nasabi ko si Pedro ipinagkaila si Hesus, at yung ibang mga alagad tinalikuran nila si Hesus. Si Hudas ang bahagi niya ay ang “ipagkanulo” sa halagang 30 pirasong pilak si Hesus.

Ibig mong sabihin ito yung sinasabi mong layunin ng Diyos. Sa pagtupad ng layunin ng Diyos tiyak akong magaganap lagi ito tulad ng sinabi niya sa Isaiah 55:11 - so is my word that goes out from my mouth: It will not return to me empty, but will accomplish what I desire and achieve the purpose for which I sent it. Heto malinaw na hindi babalik ang salita ng Diyos ng walang kabuluhan, ibig sabihin na matutupad ito kahit sa anumang paraan, ayon sa Kanyang kalooban. Ibig sabihin walang magagawa si Hudas kundi gawin yun o yun talaga ang naturalisa ng isang tao. Ibig sabihin walang kalayaang pumili ang tao parang tayong rubot.

Kung titingnan natin sa makataong palagay talagang masama ang ginawa ni Hudas. Subalit tingnan natin ito ayon sa kalooban ng Diyos, makikita natin yung kahalagahan ng ginawa ni Hudas para sa katuparan ng salita ng Diyos. At para sa kaligtasan ng mga nakararami. Hindi natin pwedeng pigilan ang mga nangyari o hindi natin pwede itong baguhin ayon sa ating magandang nakikita. Maraming bagay ang ipinakita ng Diyos dito, nakita natin ang kapangyarihan Niya, nakita at napag-alaman natin ang pagkabuhay na muli ni Hesus.

Martes, Hulyo 1, 2008

Differences Important?

Ano ang pinaka magandang salin ng Kasulatan? Meron nga bang tama ang pagkakasalin ng Banal na Kasulatan? Bakit natin natanong ito? Sapagkat marami ang nagtatalo, naguguluhan at marami ang nagtatanong, ano nga ba ang tamang salin ng banal na kasulatan. Mahalaga ba ang pagkakasalin ng kasulatan sa ating patuloy na pagtuklas at pag-aaral ng salita ng Diyos. Sa ganang aking kaisipan at pang-unawa malaki ang kaugnayan nito sa ating pag-aaral, pagbabasa at pang-unawa sa kasulatan. Sa mga taong ang gusto lang ay mabasa wala itong halaga sa kanila. Pero ang tanong meron nga bang tamang salin ng kasulatan? Sa ganang aking nakikita walang tama o eksaktong tama ang salin sa kasulatan, ito’y depende sa mga nagsalin.

Kaya ngayon balangkasin natin ang iba’t-ibang salin sa kasulatan na nakatuon tayo sa iisang sitas sa kasulatan. Bakit naman? Sapagkat marami kang makikitang mga salin na sa tingin ko ay lumalabag sila sa kung ano ang nakasulat at ano ang ibig sabihin ng sitas na yun. Ano yung tinutukoy ko, sinabi ni Apostol Juan sa aklat ng Pahayag ang patungkol dito. Siguro dedepensa kayo, sapagkat sinabi doon na sa “aklat na ito” lang niya nasabi na ang nasa isip ninyo ay sa aklat lang ng Pahayag. Pero hindi lang yun ang sinasabi kong sitas sa inyo, na matutunghayan natin sa kaisipang ito.

Pahayag 22:18-19 - Ang dahilan nito ay nagpapatotoo rin ako sa lahat ng nakakarinig ng mga pahayag ng Diyos sa aklat na ito. Sinabi ko: Kapag dinagdagan ng sinuman ang mga bagay na ito, idadagdag ng Diyos sa kaniya ang mga salot na aking isinulat sa aklat na ito. Kung binawasan ng sinuman ang mga salita sa aklat ng pahayag na ito, aalisin ng Diyos ang kaniyang bahagi sa aklat ng buhay. Aalisin din ang kaniyang bahagi sa banal na lungsod at mula sa mga bagay na isinulat sa aklat na ito.

Ang tanong may halaga ba o may epekto ba o merong mga paglabag sa mga pagkakasalin ng sitas na ito? Malaki…. Heto ang sinasabi ko sa inyo…

Amplified Bible Version (ABV)
Romans 8:28 -We are assured and know that [God being a partner in their labor] all things work together and are [fitting into a plan] for good to and for those who love God and are called according to [His] design and purpose.

Makikita sa itaas ang paraan ng pagkasalin ng sitas na ating pinag-uusapan, dito ang nagsalin ay isinama yung “isang kaisipan tungkol sa Diyos” upang malubos na makita ng mga mambabasa kung sino ang tinutukoy na kabalikat natin sa lahat ng bagay at ito ay inilagay niya sa loob ng panaklong. Masasabi natin na hindi ito labag sa kahalagahan ng salitang “God” doon sa pagkasalin.

New King James Version (NKJV)
Romans 8:28 – And we know that all things work together for good to those who loved God, to those who are the called according to His purpose.

New King James Version (NKJV – Tagalog)
Roma 8:28 - At nalalaman natin na ang lahat ng mga bagay ay nagkakalakip na gumagawa sa ikabubuti ng mga nagsisiibig sa Dios, sa makatuwid baga’y niyaong mga tinawag alinsunod sa kaniyang nasa.

May napanasin ba kayong pagbabago kumpara sa itaas na ating binalangkas. Di ba meron, dito makikita natin na “wala” ang “Diyos” na sinasabing ang lahat ng bagay ay nagkakalakip lakip ayon sa mga umiibig sa Diyos. Ang tanong, ang “lahat ba ng bagay” ay gagawa o magiging makabuluhan kung hindi kikilos ang Diyos para doon? Eh ganon din naman yun na ang ibig sabihin na ang Diyos ay kumikilos sa lahat ng bagay sa ikabubuti ng mga umiibig sa Kanya. Kung titingnan natin sinabi na “lahat ng mga bagay” ano sa tingin ninyo may nilalabag ba ito ayon sa kasulatan..

New American Standard Bible (NASB)
Romans 8:28 - And we know that God causes all things to work together for good to those who loved God, to those who are called according to His purpose.

New International Version (NIV)
Romans 8:28 – And we know that in all things God works for the good of those who love Him, who have been called according to his purpose.

Revise Standard Version (RSV)
Romans 8:28 – And we know that in everything God works for the good of those who love him, who have been called according to his purpose.

Today’s English Version (TEV)
Romans 8:28 – And we know that in all things God works for the good of those who love him, who have been called according to his purpose.

Alam nyo itong salin na ito ang para sa akin ang pinaka maganda sapagkat malinaw na binigyan ng nagsalin ng halaga yung Diyos na siyang gumagawa, kumikilos at dahilan sa lahat ng bagay para sa lahat. Subalit doon sa NIV ayos n asana kaya lang yung “his” ginamit na maliit na titik. Doon naman sa RSV at TEV maliit din ang pagkagamit sa “him” samantalang ito ay tumutukoy sa Diyos, kaya dapat malaking titik siya. Ano sa palagay ninyo?

Sa tingin ko nasabi na natin yung mga bagay patungkol sa sitas na ating pinag-uusapan at nakita natin na merong nawala, merong lumiit sa mga mahahalagang sangkap ng sitas. Kaya masasabi natin na ito’y naganap sa mga kamay ng mga nag-salin, na tayong mga mambabasa kailangang mapanuri at matalino. Bilang panghuli heto yung ibang sitas patunkol sa kasulatan.

Deuteronomy 4:2 -You shall not add to the word which I am commanding you, nor take away from it, that you may keep the commandments of the LORD your God which I command you.
Deuteronomy 12:32 -Whatever I command you, you shall be careful to do; you shall not add to nor take away from it.
Proverbs 30:5-6 – Every word of God is tested; He is a shield to those who take refuge in Him. Do not add to His words Or He will reprove you, and you will be proved a liar.