Kung tatanungin ninyo, kung kalian ako naging “born again”? Hinding hindi ko ito makakalimutan sapagkat marami ang masasabi na nabago sa aking buhay, hindi naman sa isang kisap mata subalit sa pananatili ko sa Diyos ayon sa pamamahala sa akin ni Hesus sa loob ng 8 taong singkad, masasabi ko na hindi Niya ako binitiwan. Taong 1999 ng ipakilala sa akin ang tunay na daan patungo sa Diyos sa taong ding yun nagsimula akong makarinig, makabasa at mag-aral ng salita ng Diyos na deretsang hinango sa banal na kasulatan ang Bibliya. Ano ba ang kaugnayan nito sa bago nating kaisipan? Malaki rin naman sapagkat dito iikot ang ating paksa, kung ano ang talagang nilalaman ng talatang nasa itaas. Sapagkat marami ang sumasalungat sa katutuhanan ng sinabi ng sitas na ito at marami ang salungat ang mga paliwanag gayong napakalinaw naman ng nakasulat doon.
Una sa loob ng 8 taon ko sa pagdalo para makarinig ng salita ng Diyos, pag-aaral, pagbabasa ng ibat ibang aklat na kaugnay sa salita ng Diyos, mabibilang sa daliri ang nagbigay ng malinaw na kapaliwanagan sa talatang ito. Bakit ko nasabi sapagkat wala akong nabasa na ugma sa kung ano ang nakalagay sa talata, sinusubukan ng iba na bigyan ng kanilang pag-unawa subalit lalo lamang nalalayo sa ibig ipakahulugan ng talata.
Ikalawa, wala pa akong naririnig sa mga lingkod ng Diyos na ginamit ito upang mag pahayag ng salita ng Diyos sa gawain o pagtitipon na ito ang ginawang pagkukunan ng kapahayagan ng Diyos. Ang tanong – Bakit? Ano nga ba ang nilalaman ng talatang ito? At kung bakit walang maglakas ng loob na gamitin ang sitas na ito sa mensahe nila. Mahirap bang ipaliwanag ito? O may kinatatakutan silang maipahayag yung talagang tunay na kahulugan ng sitas na ito..
Bibigyan ko ng ilang mga salin ang talatang ating pinag-uusapan upang makita natin kung bakit nasabi natin ang mga pananalita sa itaas: Tandaan na ang pananalitang ito ay mismong galing sa bibig ng Diyos (Yahweh). Masasabi natin na ito ang pagiging Diyos ng Diyos (God’s sovereignty)
Dake’s Annotated Bible References:
Isaiah 45:7 - I form the light, and create darkness: I MAKE PEACE AND CREATE EVIL: I the Lord do all these things.
New International Version (Tagalog):
Isaias 45:7 – Ako ang lumikha ng dilim at liwanag, AKO ANG NAGPAPADALA NG KAGINHAWAHAN AT KAPAHAMAKAN. Akong si Yahweh ang gumagawa ng lahat ng ito.
Kung titingnan natin wala namang napakahirap ipaliwanag sa sitas na ito kung ibibigay lang natin ang pinaka payak na kahulugan nito. Tulad ng simula ng sitas “Ako ang lumikha ng dilim at liwanag” – malinaw bilang Siya ang manlilikha at nabanggit din ito sa aklat ng Genesis na ang Diyos si Yahweh ang lumikha ng liwanag at dilim at tinawag itong umaga at gabi. Pero pansinin ninyo sa wikang English “I form the light, and create darkeness” – pwede naman sabihin na lang na “I form the light and darkness”, pero ang tanong bakit kaya inilagay yung salaitang “create” doon sa darkness. Kasi kong bibigyan natin ng kahulugan may sitwasyon na tinatawag na yung darkness ay kasamaan ng tao o mga pangyayari sa tao, diba? Ano sa palagay ninyo? Kung doon natin i-uugnay malinaw na ang Diyos pa rin ang lumilikha ng kasamaan ng tao (walang papalag ha) paliwanag lang ito. Siempre kong kadiliman yung darkness yung light ay kaliwanagan, kabutihan. Naririnig nyo ba sa paligid nyo minsan ang ganito – “kampon ka ng kadiliman” kung narinig nyo yun – yun na yun..
Sa sunod na phrase ay “I make Peace and Create Evil” – wow, paano natin ito ipaliliwanag na ang dating ay hindi magiging masakit sa pandinig ng iba. Pero bakit natin gagawin yun samantalang yan yung nakalagay sa sitas na ito. Ang Diyos (Yahweh) ang nagpapadala ng kapayapaan, Amen ako dito walang pasubali dito kasi nakikita ito sa lahat ng naniniwala sa Kanya. Subalit ang sunod na salita “CREATE EVIL” – magagawa ba ng Diyos ito sa kanyang nilikha? Merong nagsasabi na ang Diyos ay “makatarungan”, totoo yun, ang Diyos ay “pag-big” siempre walang tanong doon. Pero yung sabihin na Siya yung “nagpapadala, gumagawa, nagbibigay” ng kapahamakan marami ang hindi ito matanggap at ang katuwiran ay ginagawa ito ng Diyos doon sa mga makasalanan lamang. Oo nga naman doon lamang sa mga gumagawa ng kasalanan – pero ang tanong - Lahat ba ay hindi nakagagawa ng kasalasan, lumalabag, at nakakasunod sa kalooban ng Diyos? Kung ang sagot ninyo ay meron – wala ng usapan pa – pero sabi sa 1 Juan 1:8 – kung sinasabi nating tayo’y walang kasalanan, dinadaya natin an gating sarili, at wala sa atin ang katutuhanan. At yung huling pananalita ng Diyos ay - I the Lord do all these things.
Hindi ko na bibigyan pa ng ibang kahulugan ito, ang punto ko lang dito ay ang Diyos ang Siyang may kontrol sa lahat ng bagay na Kaniyang nilikha, Siya ang Magpapalayok at tayo ang luad, maaari Niyang gawin ang lahat ng maibigan Niya sa atin at wala tayong karapatang magreklamo sa Kanya, sapagkat ang lahat ng Kanyang ginagawa sa atin ay para sa ating ikabubuti – anuman ang paraan ng Diyos kung paano makipag-ugnayan sa bawat sitwasyon ng Kanyang nilikha. Iisa lang ang sagot sa talatang ito – yun ay ang “LAYUNIN at KALOOBAN” ng Diyos sa atin.
Sa iba pang kapaliwanagan tungkol sa salita ng Diyos bumisita sa akin http://explanation-ko.blogspot.com

1 komento:
pinalabo mo lang lalo yung ibig sabihin ng naturang bible verse...
ayon sa 'yo, kontrolado nd D'yos ang lahat ng mangyayari/nangyayari sa atin.
ayon din sa 'yo ay ginagawa lang n'ya ang "evil" para sa mga makasalanang tao.
ayon din sa 'yo ay makasalanan tayong lahat.
anong ibig mong sabihin?
makasalanan tayo dahil ginawa tayong makasalanan ng D'yos.
at binibigyan N'ya tayo ng "kadiliman" dahil sa makasalanan tayo?
hindi ba't parang kalokohan yan?
bakit N'ya tayo bibigyan ng "evil" kung S'ya rin naman pala ang gumawa sa 'ting makasalanan?
ayon sa 'yo ay kung anong pinakamabuti sa ating lang ang ginagawa N'ya.
sabihin mo sa akin, nakakabuti ba ito para sa ating lahat?
sabay nating hanapin ang sagot.
: ,
Mag-post ng isang Komento