Martes, Hunyo 10, 2008

A place like “Hell”

“Hell” siguro narinig o nakarinig nyo na ito sa mga usapan, upukan o mga kwentuhan o sa pelikula lalo na sa mga banyagang pelikula. Ano ba ang ibig sabihin nito? Kung isasalin natin sa wikang tagalog ito ay “dagat dagatang apoy o impiyerno”. Bakit ba ito nagagamit? Sa mga usapan o ginagawang isang bukang bibig kapag nagagalit ang isang tao o sabi sa wikang English “expression”. Upang ipakita ang damdamin bilang galit sa isang tao o sitwasyon. Ano ang kinalaman nito sa bago nating kaisipan na pag-uusapan at tatalakayin? May kaugnayan ba ito sa banal na kasulatan?

Sagutin natin yung ilang katanungan sa itaas, kung anong ibig sabihin ng salitang “hell” – pwede itong i-tukoy sa isang lugar na magulo, madumi, maingay at makalat – na karaniwang sasabihin ng taong nakaranas o ayaw ng ganoong lugar, kaya niya masasabi ito. Ganon din marahil sa buhay ng tao pagka-minsan nakakaranas ng mga pagsubok, problema at ibat-ibang sitwasyon, aburido, kariringgan natin siya ng salitang ito na pinatutukoy sa mga nangyayari sa kanyang buhay. Sa iba naman ito na lang ay nagiging bukang bibig nila sa anumang sitwasyon. Ibig sabihin na dito sa ating mga kasagutan lumalabas na parang inilalarawan ang empiyerno na isang lugar na magulo, madumi, maingay, problema at marami pang iba.. Subalit kung i-uugnay natin sa kasulatan maraming kahulugan ang salitang “hell”.

May nabasa akong kapahayagan ayon sa kaniyang pananaliksik patungkol sa salitang “hell” binigyan niya ng dalawang kahulugan ayon sa mga dictionary:

First meaning for the word “hell” on four centuries ago, taken from Webster’s Twentieth Century Dictionary.

Hell – noun, ME, helle; AS, hell, from helan, to cover, conceal

Second meaning for the word “hell” on 21th Century, taken from The American Collegiate Dictionary.

Hell – the abode of condemned souls and devils…. The place of eternal punishment for the wicked after death, presided over by Satan …. A state of separation from God … a place of evil, misery, discord, or destruction… torment, anguish.

If the English word “helan/helle/hell” had retained it Middle English/Anglo Saxon meaning of to “hide”, “cover”, and “conceal”. It might still be an acceptable translation of “sheol/hades”. But as this word has long since taken on the meaning of the pagan teachings concerning the realm of the dead and the supposed evils contained therein, it is absolutely out of place as a translation of any Hebrew or Greek word found in the manuscripts.

How many times have changed. Tell a person to “go to hell” today, and it is an insult of the highest level. Tell a person back in the dark ages of England the “go to hell” and he would probably go to a cool cellar and bring back some potatoes for dinner. For that is where they stored potatoes – in “hell”.

Nakuha nyo ba ang ibig ipakahulugan ng salitang “hell”. Pero heto ang ilang salin sa salitang ating pinag-uusapan:

Here are the words for which “hell” was inserted as a translation into English:

The Hebrew word SHEOL (31 times)
The Greek word GEHENNA (12 times)
The Greek word HADES (10 times)
The Greek word TARTARUS (1 time)

Every time the word “hell” is found in the King James Bible it is translated from one of these four words. We find the word “hell” 31 times in the KJV Old Testament and 23 times in the KJV New Testament for a total of 54 times and 31 times the “sheol” is translated as “grave”.

Iyan ang ilan sa mga nabasa ko na naka-ugnay sa ating pinag-uusapan. Listen to what I am about to say very carefully: if the word “hell” is the most accurate and correct English word available to translate, the Hebrew word “sheol”, and the Greek words “gehenna”, “hades”, and “tartarus”, then these four words must all have the same meaning. But in reality only two of these four words have the same meaning.

The Hebrew word SHEOL and the Greek word HADES are SYNONIMOUS in meaning. Ibig sabihin itong dalawa lang ang magkapareho ng kahulugan. Meron ba itong sitas sa kasulatan, meron siempre heto..

Acts 2:27 – Because You will not leave My soul in hell (Greek: hades), neither will You suffer you Holy One to see corruption. This quoted from old testament:

Psalm 16:10 – For You will not leave My soul in hell (Hebrew: sheol); neither will You suffer your Holy One to see corruption.

Marami pa tayong makikitang mga sitas sa kasulatan na tumutukoy sa pagkasalin ng salitang “hell”, subalit ano ba ang ating pinupunto dito? Totoo ba na may lugar talagang hell na paglalagyan ng mga makasalanan para kaparusahang walang hanggan. Ang isa pang tanong eh, meron na bang laman ngayon ang sinasabing hell na para sa mga makasalanan? Kapag sinabi nating meron nang laman ang hell ngayon ng mga makasalanan, ibig sabihin na meron na ring mga mabubuti sa langit sa ngayon. Kapag ka nangyari ito maraming sitas sa kasulatan ang nilalabag ng kaisipan iyan. Una na ay ang sinasabi sa
Juan 14:1-3Huwag kayong mabalisa; manalig kayo sa Diyos at manalig din kayo sa Akin. Sa bahay ng Aking Ama ay maraming silid; kung hindi gayon, sinabi ko na sa inyo. At paroroon Ako upang ipaghanda ko kayo ng matitirhan. Kapag naroroon na Ako at naipaghanda na kayo ng matitirhan, babalik Ako at isasama kayo sa kinaroroonan Ko.

Isa lang ito na lalabagin kung ang kaisipan natin ay tulad ng nabanggit natin sa itaas na meron ng mabubuti sa langit. Ganon din sa hell na wala pang laman ito sapagkat ang lahat ay naghihintay ng ikalawang pagbabalik ni Hesus at ng paghuhukom kung saan malalaman kung sa hell ka o sa langit. Pero marami ang nagsasabi na kapag namatay ka nang mabuti o matuwid, walang kasalanan at nakipag-isa ka kay Hesus tiyak na pagkamatay mo sa langit ka pupunta. Hindi kaya ang ibig sabihin nito ay kapag na kay Hesus ka at nanatili ka sa Kanya, may katiyakan na sa Kanyang pagbabalik makakasama ka sa mga bubuhaying muli at makakasama Niya sa langit tulad ng nasabi Niya sa mga sitas sa itaas.

Pero saan pupunta ang mga namatay na makasalanan at hindi makasalanan? Ayon sa kasulatan sila’y tulog, bakit tulog, upang maghintay ng pagbabalik ni Hesus para hukuman ang lahat. Saan lugar ito, merong lugar na inihanda ang Diyos para sa kanila.

Sa karagdagang kaalaman patungkol sa salita ng Diyos bukas po ang aking
http://explanation-ko.blogspot.com .

God bless you.

Walang komento: