Linggo, Hunyo 15, 2008

Whose Elders and Deacons?

Matapos nating malaman batay sa Banal na Kasulatan kung ano ang mga tunay na kwalipikasyon ng pagpili, pagtatalaga at mga kinakailangan upang maging isang pastor o taga-pangasiwa sa mga tupa ng Diyos. Narito naman ang isa pang bahagi ng iglesya na nagiging pangkaraniwan na lang, bakit ko nasabi ito, sapagkat naroon din yung ibang paglabag kung paano, sinu-sino ang mga karapat dapat na maging mga tagapaglingkod sa iglesya ng Diyos. Sinu sino ba ang tinutukoy ko dito? Walang iba kundi ang mga tinatawag na elders (matatanda sa iglesya) at mga deacons (katulong ng mga elders). Walang pasubali ito na nasa kasulatan ang mga bagay na ito, pero ang tanong – nasusunod ba ang kwalipikasyong sinasabi sa kasulatan patungkol sa pagpili at pagtatalaga ng mga gawaing ito sa iglesya? Ayon sa kasulatan ganito dapat ang mga itatalaga sa iglesya:

1 Timoteo 3:8-13

8- Kailangan namang ang mga magiging tagapaglingkod sa iglesya ay marangal, tapat mangusap, hindi sugapa sa alak at hindi sakim.
9- Kailangang sila’y tapat sa pananampalataya na ating ipinahayag at walang dapat ikahiya.
10- Kailangang subukin muna sila at makitang marapat bago gawing tagapaglingkod.
11- Kailangang ang kanilang mga asawa ay matitino, hindi mapanirang-puri kundi mabait, at tapat sa lahat ng bagay.
12- Kailangan ding isa lang ang asawa ng isang tagapaglingkod sa iglesya, maayos siyang mamahala sa sariling sambahayan at mabuting magpasunod sa kanyang mga anak.
13- Ang tagapaglingkod na tapat sa tungkulin ay igagalang ng lahat, at buong tapang nilang maipapahayag ang pananampalatayang napasaatin dahil sa ating pakikipagkaisa kay Cristo Jesus.

Tulad ng ginawa natin doon sa kaisipan tungkol sa kwalipikasyon ng tagapangasiwa, balangkasin din natin isa-isa ang mga talatang nabanggit sa itaas bago tayo magbigay ng mga kuro kuro at pala-palagay at nakikita natin patungkol dito. Sa talatang 8 nabanggit na kailangang marangal ang pipiliin – ano ang ibig sabihin nito? Sa pangkalahatang kaunawaan ang pagiging marangal ay tumutukoy sa kung ano ka sa paningin ng mga taong nakapaligid sa iyo, kahalintulad ng walang kapintasan, mabuti ang ginagawa hindi lang sa loob ng iglesya kundi higit sa labas ng iglesya at kung may asawa siempre iisa ang asawa. Makikita rin sa pangungusap kung ito ba ay nagiging tapat o nagkukunwari, nagsisinungaling at gumagawa lang ng estorya. At siempre hindi sakim sa anumang bagay. Sa talatang 9 ito’y pangunahing kwalipikasyon sapagkat kailangan ito na tayuan ng sinumang kumikilala sa Diyos.

Kung mapapansin ninyo sa talatang 10 nasabi na kailangang subukin upang makitang karapat-dapat ang tagapaglingkod bago sila italaga o piliin. Ang tanong. Paano, sino at ano ang magbibigay ng pagsubok sa kanila, ang pastor ba, ang mismong iglesya o ang Diyos. Sa talatang 11 sinabi na kailangan daw ang mga asawa ng bawat itatalagang tagapaglingkod ay matitino – ibig sabihin unang una na ay isa ring mananampalataya ni Hesus, matapat sa asawa, kaagabay ng asawa sa pagpapalaki ng mga anak nila. Sa talatang 12 ay hindi nalalayo sa kailangan ng pagiging tagapangasiwa ng iglesya na kailangang isa ang asawa, mahusay magpalakad ng pamilya at sinusunod ng mga anak bilang ama ng tahanan. At ang talata 13 sinasabi na kailangan tapat sa tungkulin upang igalang ng lahat ng nakapaligid sa kanila, isang halibawa sa paggawa ng kabutihan at sa kaayusan ng iglesya, hindi masisitsit, kagalang-galang.

Ngayon matapos nating balangkasin isa-isa ang mga talata nakakita ba kayo ng mga paglabag sa ngayong patakaran sa pagpili at pagtatalaga ng mga tagapaglingkod sa iglesya ng Diyos. Ako meron. Sa aking mga nakikita sa ngayon sa pagtatalaga ng mga tagapaglingkod sa iglesya ay bumabagsak ulit doon sa ating nabanggit na “pwede na siya” kasi matagal na at panahon na upang bigyan ng pagkakataon ang kapatid. Yan ang napansin ko, pero sino ang nagsalita nito – ang pastor. Tinanong mo ba kung bakit naman yun ang napili niya – kasi raw siya yung napipisil niya. Oppsss, may napansin ba kayo parang isang tao lang ang nagpasya. Kapag tinanong mo ang nagpasya ang sagot eh, kilala ko ang aking mga tupa. Karaniwang sagot na makikita natin na balido naman pero sa katunayan kilala nga ba niya ang tupa niya, oh nakikilala lang niya kasi nakakasama lamang kung araw ng lingo sa iglesya.

Nabanggit natin sa itaas na paano, sino at ano ang pagsukat sa pagpili ng tagapaglingkod sa iglesya. Yung sino nasagot na natin yun. Kung paano ang pagpili nasabi natin na “napipisil” ibig sabihin pansariling gusto, kinakitaan ng mabilis na paglago – katibayan naba yun, matagal na sa gawain. Sila lang ang nakikitaan ng potensyal na kaalaman at pagkilos. Yan yung mga bagay na karaniwang makikita mo sa pagpili sa ngayon ng mga tagapaglingkod sa iglesya. Ano ang napansin mo meron bang nawawala dito? Ang nawawala dito ay ang pinaka-pangunahing hakbang, ano yun? Walang iba kundi ang ipanalangin muna ang mga taong nakalinya upang maging tagapaglingkod ng iglesya. May sumagot, ipinanalangin ko na naman yan eh? Sino ang nagsabi nito ang pastor lamang (sariling gusto ulit). Kung titingnan natin sa kasulan bago sila pumili ipinapanalangin pa at may pag-aayuno pa ng mga kapatid upang ilapit ang mga karapat dapat – hindi yung pastor lamang, hindi yung kilala ko ang aking tupa, sapagkat ang Diyos at si Hesus lang ang nakakakilala sa mga tupa.

Bakit lumalabas na minsan palpak ang pagpili ng mga tagapaglingkod ng iglesysa? Sapagkat silay nakabatay sa mga nabanggit natin sa itaas, hindi yung kung ano yung sinasabi sa kasulatan. Iyan ay nakita ko at naranasan. Meron pa ngang mabilisang pagpili kasi sabi kailangang punan ang mga bakante at minsan naman para lang magkaroon ng karagdagang aktibidadis kapag kaarawan ng pagkakatatag ng iglesya – ito ba ay nangyayari sa iba o sa isang particular na iglesya lang kasi mula’t mula may nilalabag ng sitas sa kasulatan patungkol sa pagpili ng mga tagapangasiwa at tagapaglingkod sa iglesya

Sa karangdagang kaalaman at kapaliwanagan tungkol sa salita ng Diyos maaaring sundan ang link na ito
http://explanation-ko.blogspot.com.

God bless you..

Walang komento: