Bakit ito ang napili kong kaisipan na ating pag-uusapan ngayon? Marami naman diyan na patungkol sa kasulatan, Gaano ba kahalaga ang isang pastor o taga-pangasiwa ng mga tupa? Ito ba’y maihahambing sa isang ama na nangangalaga ng kanyang mga anak o siya’y naroon upang masabi lamang na merong nangangasiwa sa mga tupa. Paano masasabi ng isang pastor na kilala niya ang kanyang mga tupa? Paano naman ipakikita ng mga tupa na meron silang pagpapasakop sa ngangasiwa sa kanila. Ilan lang ito sa mga katanungan na isa-isahin nating sagutin na naka-ugnay sa banal na kasulatan. Subalit bago natin gawin ang mga kasagutan, hayaan ninyong ilahad ko ang mga kwalipikasyon ng isang tagapangasiwa sa mga tupa.
Ayon sa sulat ni Apostol Pablo kay Timoteo ang tagapangasiwa ay dapat ganito:
1 Timoteo 3:1-7
1- Totoo ang kasabihang ito: Ang nagnanais na maging tagapangasiwa sa iglesya ay naghahangad ng mabuting gawain.
2- Kaya, kailangang wala siyang kapintasan, isa lamang ang asawa, marunong magpigil sa sarili, maingat, kagalang-galang, bukas ang tahanan, at mabuting tagapagturo.
3- Kailangan ding siya’y hindi mahilig sa alak, hindi mapusok kundi mahinahon at maibigin sa kapayapaan, hindi gahaman sa salapi.
4- Kailangang siya’y mahusay mamahala sa sariling sambahayan, iginagalang at sinusunod ng kanyang mga anak.
5- Paano makakapangasiwa nang maayos sa iglesya ng Diyos ang isang tao kung ang sambahayan lang niya’y hindi kayang pamahalaan?
6- Kailangang siya’y matagal nang nananampalataya, kung hindi naman, baka siya’y maging palalo at tuloy mahatulan gaya ng diyablo.
7- Kailangan ding siya’y iginagalang ng mga taong hindi kaanib sa iglesya at nang di siya mapulaan at hindi mahulog sa bitag ng diyablo.
Matapos ninyong mabasa ang mga kwalipikasyon ng isang tagapangasiwa sa mga tupa, may nakikita ba kayong mga bagay na maaaring nilalabag sa mga sitas sa itaas sa kasalukuyang mga taga-pangasiwa daw ng iglesya ng Diyos. Balangkasin muna natin ang mga talata sa itaas bago natin balikan ang mga katanungan. Sa talata 1 sinabi ni Apostol Pablo kay Timoteo ang isang kasabihan na ang nagnanais na maging tagapangasiwa (pastor) ay kailangang, naghahangad ng mabuting gawain para sa mga tupa at sa Diyos. Ganon ba ang nakikita at napapanood natin sa ngayon o merong mga tagapangisiwa na may pansaliriling intension. Marami ang gumagawa nito na sa una lang sila kakikitaan ng mga ganitong pag-uugali subalit pagtagal tagal lumalabas ang intension nila. Ang talata 2 ang isa sa mabigat na kwalipikasyon ng tagapangasiwa ay kailangang walang kapitansan – ano ang ibig sabihin nito? Kung sa pangkalahatang ibig sabihin dapat ang tagapangasiwa ay walang masasabi, makikita, maiisip, mapipintas na anuman sa kanya, wow naman eh si Hesus lang yun. Tama kayo sapagkat Siya lamang talaga ang dapat at tunay na tagapangasiwa o tagapag-alaga ng mga tupa ng Diyos’
Talata 3 oh tabi tabi po sa mga taga-pangasiwa na gumagawa ng labag sa sitas na ito, magbago na kayo, at tanungin ninyo ang inyong sarili bakit ka ba nariyan sa kalalagayang iyan, dahil ba inilagay ka ng Diyos o kinakitaan ka lang ng kaunting kaalaman ay pwede na. Sa talatang 4 makikita natin na sinabi ni Apostol Pablo kay Timoteo na kailangan maganda at buo ang sambahayan ng isang taga-pangasiwa, sapagkat ito ay sinasalamin ng mga tupa. Paano yung ang kasambahay ng taga-pangasiwa ay hindi taga-sunod ni Hesus? Hindi siya dapat naroon sa kanyang kalalagayan. Kung meron man ganitong nangyayari sa isang iglesya dapat maisip ng taga-pangasiwa na nilalabag niya ang sitas na ito. Kailangan daw sa isang taga-pangasiwa ay matagal na sa pananampalataya, ayon sa talata 6, bakit naman ganon eh kung pwede na yung isang kapatid kasi kinakitaan na ng kwalipikasyon bilang taga-pangasiwa ng iglesya. O ginagawa lang ito kasi kailangan ng palitan ang kasalukuyang nangangasiwa sa iglesya. Kung pagbabatayan natin ang sitas na ito hindi maaari sa pagpili ng taga-pangasiwa yung salitang “pwede na”, sapagkat hindi ito isang laro.
At sa talatang 7, sinasabi na kailangang iginagalang hindi lang sa loob ng iglesya kunti mas lalong higit sa labas sa mga hindi kasama niya sa iglesya. Anong ibig sabihin nito? Sinasabi na kailangan ang taga-pangasiwa ay kakikitaan ng tunay na pagsunod sa sinasabi sa kasulatan, sino ang dapat makakita yung mga taong nakapaligid sa kanya doon sa labas hindi sa loob. Kung kakikitaan ka ng magandang asal, pananalita, pakikisama, turo, halimbawa sa loob ng iglesya dapat ay mas higit na nakikita ito sa labas. Iyan ang mga kahulugan ng mga sitas na dapat taglay ng isang magiging taga-pangasiwa ng mga tupa ng Diyos.
Ngayon sagutin naman natin yung mga katanungan sa simula ng kaisipang ito. Bakit ko ba ito napiling pag-usapan? Sapagkat makikita na natin sa maraming mga iglesya na ang mga taga-pangasiwa ay hindi kakikitaan ng mga ganitong katangian. Ibig sabihin sa simula pa ng italaga sila ay may kamalian na, sapagkat kung ang Diyos ang talagang nagtalaga sa kanila doon, hindi magaganap ang ganon. Gaano nga ba kahalaga ang isang taga-pangasiwa sa isang iglesya? Hindi ba tatakbo ang isang iglesya ng Diyos kung walang pastor? Sa ganyang katunungan tanging si Hesus lamang ang makakasagot para sa Kanyang mga tupa. Para magkaroon ng kaayusan, yan ang ibang sabi kaya daw kailangan ang pastor. Kung nananalig ka sa Diyos alam mo na Siya ang Diyos ng kaayusan, at yan ay batid ng bawat isa – ibig sabihin meron ang bawat isa ay may kaalaman patungkol sa kaayusan ng anumang bagay. Sa isang samahan kailangan ang pinuno – yan ang depensa ng iba, pero heto naman uulitin ko “ang bawat isa ay may kaalaman patungkol sa kaayusan ng anumang bagay” yan ay bigay ng Diyos.
Kariringgan mo ang ilang tagapangasiwa na nagsasabi na kilala nila ang kanilang mga tupa. Dapat nga naman na kilala nila ang kanilang mga tupa, tulad ng sinabi ni Hesus na kilala Niya ang Kanyang mga tupa. Kayo tatanungin ko, paano mo makikilala ang isang tao? Dib a dapat makasama mo siya, maging palagay ang loob ng bawat isa, may respeto sa isa’t isa at marami pang iba. Ganon din ba sa mga tupa mong inaalagaan? Dib a kung ikaw ay taga-pangasiwa marunong kang himasin, alalayan at pagpayuhan ang iyong mga tupa, pero kung ang katwiran ay ganito, malalaki, matatanda at alam na nila ang salita ng Diyos, pag-aalaga ba yun? Si Apostol Pablo, ay masasabi kong isang tunay at maaaring gayahing taga-pangasiwa sapagkat noong panahong ina-akay palang niya si Timoteo, hindi niya ito iniwan, isinasama, inalalayan, pinayuhan at marami pang iba, kaya nga sinulat niya yung mga talata sa itaas kay Timoteo sapagkat nakita niya yun, naranasan at ipinakita niya. Paano at sino ba ang kailangang pumili, magtalaga ng kapalit na taga-pangasiwa sa iglesya ng Diyos? Kailangan ba itong daanin sa butuhan, napipisil, kinakitaan ng kaunting kwalipikasyon, sakop ng salitang “pwede na”, o paano ba ito dapat isagawa? Ito ang ilang mga katanungan na kung titingnan mo sa totoong kaganapan ay makikita mo, na basta na lang magtalaga, pumili. Naalala ko nga sa lumang tipan ng piliin kung sino ang sunod na magiging hari ng Israel, idinaan nila sa katatayuan, hitsura ng tao. Subalit ang Diyos ay sa puso laging naka-tingin, yan ang ating tatandaan…
Sa marami pang kapahayagan puntahan lang po ang http://explanation-ko.blogspot.com . God bless you… ang bawat isa na kaalaman patungkol sa kaayusan ng anumang bagay

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento