Walang katapusang katanungan ng napakaraming naniniwala sa Diyos at sa ating Panginoong Hesus ang patungkol sa ating usapin ngayon. Hindi lamang katanungan, nagiging paksa pa rin ito ng mga usapan sa simbahan, kalye, skool, internet, chatting at email, walang pinipiling edad ang usaping ito hanggang naiintidihan ng sinuman ang pinag-uusapan. Saan ba ito nalagay sa banal na kasulan sa lumang tipan o bagong tipan? Marami ang nagsasabi pareho daw nabanggit ang pagbibigay ng ikapu sa luma at bagong tipan, kaya balido na kailangang magbigay nito ang isang nakakilala kay Kristo bilang pagsunod. Lahat naman sumasang-ayon na nakalagay nga ito sa kasulatan, na ibig sabihin ay kailangang sundin ninuman na sumusunod. Subalit ang tanong ng marami, tama bang magbigay ng ikapu ang lahat ng nanampalataya kay Jesus samantalang hindi ito itinuro Niya noong Siya’y narito pa sa lupa?
Tama ba ang aking narinig at nabasa na pati mga Katoliko ay magsisimula ng magbigay ng ikapu? Tingnan natin ang bahagi ng isang lathalain na patungkol dito:
TACLOBAN CITY , Philippines --Citing a decline in collections during masses, Catholic priests in Leyte have said they are considering tithing to shore up the local Church's finances.
Tama ba ang aking narinig at nabasa na pati mga Katoliko ay magsisimula ng magbigay ng ikapu? Tingnan natin ang bahagi ng isang lathalain na patungkol dito:
TACLOBAN CITY , Philippines --Citing a decline in collections during masses, Catholic priests in Leyte have said they are considering tithing to shore up the local Church's finances.
This was revealed by a high-ranking priest of the Metropolitan Diocese of Palo, the biggest diocese in the Eastern Visayas . "But there is no [finality] on this yet. We are just exploring that possibility," Father Amadeo Alvero, social communications director of the diocese, said on Saturday. Alvero said the issue on tithing would be discussed by all the priests within the diocese at their meeting on June 9 to be held in Ormoc City .
Alvero added the priests would discuss how to carry out the tithing. The Metropolitan Diocese of Palo has under its jurisdiction more than 70 parishes in Leyte province and is under the stewardship of Archbishop Jose Palma. Alvero said the plan to tithe parishioners stemmed from the decline of their collections during masses experienced by many parishes of the diocese over the past few months.
The diocese has many projects and other financial obligations that needed to be to met, he added. Collections during mass remain one of the main sources of funds for the Catholic Church, according to Alvero. Tithing is strictly followed by other religious sects, but not the Catholic Church. A tithe is one-tenth of one's annual income, paid as a voluntary contribution or a tax or levy usually to support a religious organization.
Alvero said the financial difficulties facing the country resulted in the decline of the collections received by the church from parishioners every celebration of Mass. But while the Church understood the plight of their parishioners, parishes also needed to survive, he said. "The diocese is growing. We have so many expenses to meet and we cannot just spend freely. So we must have some sort of stable or ready source where we can get when the there is a need for it," Alvero said. So far, Alvero revealed, only a big parish like the Santo NiƱo Church is not feeling the financial pinch.
At mula rito marami ang naglabasang usapin patungkol dito, nariyan yung pagbibigay ng mga kuro kuro ng bawat isa. Meron naman todo ang kanilang depensa sa kanila daw pananampalataya. Meron ngang nagtanong sa isang “tither”. Diba ikaw ay nagbibigay ng ikapu buwan buwan? Sagot ng tither siempre kasi yan ang aking pananampalataya. Halimbawa: bago mo ibigay ang ikapu sa katapusan ng buwan nakatanggap ka ng pasabi, tawag, o text galing sa mga magulang mo, sinasabi na kailangan nila ang pera sa dahilang buhay at kamatayan ng isang kapatid sa pagamutan – ano ang iyong gagawin? Ibibigay mo ba ang pera mo sa tithes o idaragdag mo sa ipadadala para makatulong? Kayo po ang makasasagot niyan ang akin lang po ay ang mga maaaring mangyari sa isang mananampalataya.
Pasinin nga natin ang nilalaman ng balita sa itaas, kung ano ang dahilan ngayon kung bakit nila kailangang manghingi o ipatupad ang ikapu sa simbahan. Ilan sa mga sinasabi roon na kailangan matugunan ang pangangailangan ng simbahan, tumataas ang mga gastusin, may mga proyekto sila. Sa ganang akin kawawa naman yung ikapu kasi panakip butas lamang sa mga gastusin sa loob ng simbahan. Pero pwede naman yun kasi nga naman wala silang ibang pagkukunan. Eh yung sinasabi na marami silang proyekto tama pa ba yun sa layunin para sa ikapu? Sapagkat kung babalikan natin yung sinasabi sa kasulatan patungkol sa ikapu – ito ay para sa mga Levita na nangangasiwa sa bahay sambahan sapagkat wala silang ibang ikabubuhay. Tapos para sa ikalalaganap ng salita ng Diyos baka kasama doon sa proyekto yun. Pero heto ang tanong ko pa doon sa lathalain na yun, matuloy man o hindi, wala nabang nagpapabinyag, kumpil, kasal, namamatay doon sa lugar na yun o kinukulang pa rin ang kinikita doon.
Balikan natin yung ipinatutupad na ikapu sa mga iglesya ni Hesus. Saan ba napupunta ang mga ito? Ito ay ginagamit sa mga pangangailangan ng sambahan, saan sa sambahan bayad sa upa ng bahay, kuryente, tubig, pagkain, pambigay sa mother church kasi ginagamit ito para doon sa mga kapatid na humahayo sa bansang Pilipinas, kasi naka-tuon na ang kanilang lahat na oras sa paglilingkod sa Diyos (wala silang ibang trabaho) yan ang suma total noon, pantulong sa mga nangangailangan, nasabi bang lahat ang pinaggagamitan. Sa kasulatan meron bang nasabi si Hesus na magbigay kayo ng ikapu para sa mga ganitong bagay? Meron Siyang sinabi sa Mateo 23:23 subalit ito ay pagpapamukha sa mga Pariseyo sa kanilang mga likong gawa. Tandaan na ang mga ito ay naniniwala sa kautusan ng lumang tipan at kinakalaban ang lahat ng turo ni Hesus.
Paano nga naman matutugunan ang pangangailangan ng sambahan kung hindi ibibigay ang ikapu? Ikapu lang ba ang tanging paraan para matugunan ito o ginagamit lang itong sangkalan. Ang pagbibigay ba ng ikapu ay isang batas na dapat sundin sa bagong tipan kasi kailangan ito sa pangangailangan sa simbahan? Kung ganito ang layunin nito wala kayang nilalabag sa kasulatan ito? Hindi po ako laban sa pagbibigay ng ikapu, subalit gamitin itong sangkalan, o gawing batas sa bagong tipan yan po ang taliwas sa aking paniniwala at karapatan. Sapagkat kahit si Apostol Pablo ay hindi binigyan ng anumang bigat sa kanilang balikat ang bawat naniniwala sa ating Panginoong Diyos, bagkus ginawa niyang pagaanin kung paano makatulong sa kapwa, sa simbahan at yun ay sa pamamagitan ng pagkakaloob ng kusa loob at sa makakayanan.
Kung kinakailangan po ninyo ang karagdagang kaalaman patungkol sa salita ng Diyos makatutulong po ang aking blog na http://explanation-ko.blogspot.com para po sa pang araw-araw na kalakasan espiritwal…
God bless….
2 komento:
1. Taliwas sa pangkaraniwang kaisipan na "walang ikapu" sa simbahang Katolika, though hindi ito direktang hinihingi o "obligasyon" ng isang kasapi, may mangilan-ngilang deboto ang nagsasagawa nito. Sa parokya sa lugar namin, kung hindi man salapi ay nagkakaloob ang mga magsasaka ng kanilang ani sa simbahan.
2. Higit sa lahat ang "BUHAY" ay mahalaga. Sa mga pagkakataong nakataya ang buhay ang isang tao, ang unang prayoridad ay ang buhay. Sa ganang akin lamang, uunahin ko ang "nangangailangang buhay" though susukatin dito ang aking pananampalataya, pero hindi naman siguro ganoon kadamot ang Diyos (given na ito ay hindi naman buwan-buwan) para magparaya sa "nangangailangang buhay".
naniniwala ako sa tithing kasi it is mentioned in the Bible na you really have to give back at least a tenth of your income. hindi naman satin yan eh. biyaya yan ng Diyos. tsaka 10% nga lang ang hinihingi nya na ibalik sa Kanya.
2nd, di ba sabi ng Diyos na itest sya through this kasi pupunuin nya ang bahay mo with his blessings?
3rd, ang tithing is based on the INTENTION of the heart at dapat CHEERFUL GIVER ka. if not, do you think God will still consider your offering?
4th, the tithes are really used/given to the church, church workers at para din sa projects ng church although depende yan sa committee if they will take the funds from the offerings or magkaron ng ibang fund raising.
5th, i don't think people should be obliged kasi nga dapat it should be done with good intention on the part of the giver (at di napipilitan) at cheerful giver nga dapat.
hehehe! mahaba na! bagong daan po.
Mag-post ng isang Komento