Martes, Hulyo 1, 2014

Ang Natatagong Lihim Sa Pangalan Ng Diyos: Part 4

Pagsasalin ng Pangalan (Transliterating)

Heto ang ilan sa Hebreo na pangalan ni Jesus - Yeshu, Yeshua, Yehoshua o ibang pang pantig sa ngayon. Ito ang tamang pangalan ni Jesus sa wikang Hebreo at kung paano ito nasulat sa wikang Greyego sa Bagong Tipan. Subalit may ilang mga problema:

1. Ang Bagong Tipan ay di nasulat sa wikang Hebreo
2. Ang Banal Na Espiritu ay kinasihan ang pangalan ng Panginoon na IESOUS sa wikang Greyego sa Bagong Tipan
3. Ito ang tugma at tamang pagbalangkas o pagsalin mula sa isang wika tungo sa iba upang makaboo ng tamang pangalan.

Subalit tulad ng nasabi ko sa nakaraang mga yugto na ang pangalang JESUS ay hango sa pangalang G-zeus na isa sa mga diyos ng mga pagano. Pero sa kabila ng mga pagbatikos nila wala tayong nakitang patunay na tama ang kanilang sinabi patungkol dito sapagkat meron tayong basehan ang kasulatan. Sa totoo lang wala akong nakitang ginamit na pangalang Yahshua sa Bagong Tipan na sinasabing ito rin ang salin mula sa Greyego at Hebrew.

Ayon sa isang web site - sinasabing malinaw daw na meron tinatawag na "etymological path" patungkol sa pangalang Jesus na nagpapakita ng malinaw na pinagmulang Hebreo. Ang pangalang Yahshua ay hindi matatagpuan sa salin ng kasulatan sa Hebreo tulad ng nasabi ko na. Ito rin ay hindi ginawa sa tinatawag na transliterable para sa saling Greyegong pangalan - ayon sa kanilang (web site).

Tanungin natin sa kanila ang ilang tanong:

Ano ang ibig ipakahulugan ng pangalang Hebreo na YHWH (Yahweh/Jehovah)? Sagot: Jehovah ay kaligtasan o pagliligtas

Tapos, ano ang ibig ipakahulugan ng IESOUS tranliterated sa Jesus? Sagot: Jehovah ay kaligtasan / pagliligtas.

Lumalabas na pareho lang sila ng ibig ipakahulugan. Heto inilagay ko yung tunay na sinabi ng isang scholar at manunulat na si Richard Rives patungkol dito (English):

"A translation conveys meaning, so Yeshua and Iesous mean the exact same thing. Jesus is not a translation, it's a modernized Latin transLITERation of Iesous. A transliteration is simply a letter-for-letter switch: the letters in one language are swapped for letters in another language that make the same sounds. Jesu is a Latin word that sounds like the Greek Iesous. Jesus does not mean "Yahweh saves" or "the Lord saves" or even "He saves". Despite the fact that Jesus Himself means a great deal to many people, there's no English meaning to Jesus at all. The name Jesus is merely the English pronounciation of Joshua/Iesous which means "Jehovah is Salvation."

IESOUS was the word chosen by the writers of the Greek New Testament to represent both the Hebrew Old Testament Joshua and the English New Testament Jesus.

Heto pa:

This word was derived by way of transliteration (the representation of the sounds of the Hebrew word Yeh Shua with the Greek letters having the closest corresponding sound.)

JESUS: was the word chosen by the King James translators to represent the Hebrew spelling of the Biblical Joshua Yeh Shua after Ezra and Nehemiah. This word was also derived by way of transliteration ( the representation of the sounds of the Greek word IESOUS with the English letters having the closest corresponding sound.)

In an effort to determine the truth I personally [Richard Rives] made a trip to Greece to study inscriptions and to talk with experts concerning the name Zeus. The conclusion of my investigation is that there is no association with the name Zeus and that of Jesus.

Richard Rives

Makikita at mababasa natin na libo-libo mga pahina na naisulat na nagsasabi raw na ang pangalang Jesus at Jehovah ay hindi maaaring iisa, na yung kanilang mga ginawa at mga nakaraang pagkakamali ay nabali wala lang sa ilang pagpapatunay lamang.

Narito sabi nila ang pangalang YAH na ang kahulugan ay kaligtasan. Tapos nais kung ipakita sa inyo kung paano ang Jesus/Joshua ay makikita sa Hebreo na kung pantigin ay Yehoshua.

Heto rin you ilang pangalan kung paano yung pangalang Jesus ay transliterates o isinalin sa ibang wika tulad ng Chinese:

 
Nakikita o naiisip ba natin kung gaano kahirap para sa mga Chinese na hindi marunong ng wikang Hebreo or English para lang maunawaan ang salitang kaligtasan, kung hindi nangyari ang pagsasalin (transliterated) nito sa kanilang wika. Kaya sa palagay ko tama lang ang nangyari ang mahalaga dito nakita natin yung pinagmulan.

Sunod nating makikita eh sino o saan ba ito ng mula ang sinasabing kamaliaan sa pangalan ng Diyos Ama at Anak.

Lunes, Hunyo 9, 2014

Ang Natatagong Lihim Sa Pangalan Ng Diyos: Part 3

JESUS ay JEHOVAH na Kanyang pangalan

Noong nakaraang yugto napag-usapan natin na lumalabas na ang pangalang Jehovah ayon sa kasulatan at siya ring pangalang ibinigay Niya sa Kanyang Anak. Subalit naroon yung ating tanong na paano ito nangyari samantalang Jesus ang alam nating pangalan Niya. Balikan natin yung sitas:

John 17:11 - Holy Father, keep them in Your Name, the Name which You have given Me, that they may be one even as We are. (American Standard Bible)

Pansinin natin muli, kausap ni Jesus ang Diyos Ama (Jehovah) sinasabi ni Jesus na "keep them in Your Name" - anong pangalan yun di ba nakita natin na Jehovah ang pangalan ng Diyos Ama. Tapos heto na "the Name which You have given Me" - pangalan daw na ibinigay sa Kanya ng Diyos Ama, di ba malinaw at hindi na kailangan pa ang mahabang paliwanag. Pero ang tanong at bakit Jesus ang alam natin na ibinigay sa Kanya.

Hayaan ninyo na ipakita ko sa inyo ang isa pang sitas sa kasulatan na  magpapaliwanag ng ating pinag-uusapan. Dito malalaman natin kung kailan ibinigay ng Ama sa Kanyang anak ang Kanyang pangalan.

"I am come in my Father's name, and ye receive me not: if another shall come in his own name, him ye will receive." (John 5:43).

Kailan daw iyon ibinigay, ng isinugo Siya ng Ama dito sa lupa para sa atin. Kaya malinaw na noong ipanganak ng berhen si Jesus ang tamang panahon  ng ibinigay sa Kanya ang pangalan ng Ama na Jehovah.

"She shall bring forth a Son, and you shall call His Name JESUS [Jehovah]" (Matt. 1:21).

Mukhang malabo pa rin.. bakit naging Jehovah ang Jesus samantalang malinaw na nakalagay sa itaas na Jesus ang ipangalan sa Kanya. Heto ang tatandaan natin ang Diyos ay madalang magsabi na ibigay ang pangalan sa sinumang tao. Joseph and Maria ay isa sa kanila na sinabihan ng Diyos na Jesus ang ipangalan sa Kanyang anak. Ang Diyos din ang nasabi na palitan ang pangalan ni Abram sa Abraham (Gen 18:5), kay Jacob sa Israel (Gen 32:28), sa iba hinayaan na ng Diyos sa tao, kasama roon ang pagpapangalan sa mga hayop at iba pa.

Natatandaan ninyo ang sitas na ito:

"For unto us a child is born, unto us a son is given: and the government shall be upon his shoulder: and His Name shall be called Wonderful, Counselor, The mighty God, The everlasting Father, The Prince of Peace" (Isa. 9:6).

Makikita mo na ito ay patungkol sa hula para kay Jesus sa kanyang pagparito. Pansinin ninyo lahat ng katangiang yaon ay patungkol din sa Diyos Ama. Ibig sabihin na malapit sa katutuhanan ang mga puntos na inilalarawan ko para sa inyo. Kung meron pa kayong pasubali, hayaan ninyo sa sunod na yugto maipakita sa inyo kung paano nangyari yun...

Linggo, Hunyo 1, 2014

Ang Natatagong Lihim Sa Pangalan Ng Diyos: Part 2

Mga Hiwaga Ng Biblia

Noong nakaraang bahagi na pinag usapan natin wala parin tayong konkretong impormasyon patungkol sa ating katanungang ano ang pangalan ng Diyos Ama at ng Kanyang Anak.

Para natin makita ito magbibigay ako ng ilang sitas sa kasulatan na kaugnay sa ating pinag-uusapan. Gagamit ako ng english version para mabigyan diin ang sinasabi ko.


  • "Jesus answered them, I told you, and ye believed not: the works that I do in My Father's Name, they bear witness of Me" (John 10:25). 
  • "And I have declared unto them Thy Name, and will declare it..." (John 17:26). 
  • "Our Father which art in heaven, Hallowed be Thy Name" (Matt. 6:9). 
  • "I have manifested Thy Name unto the men which Thou gavest Me." (John 17:6). 
  • "While I was with them in the world, I kept them in Thy Name..." (John 17:12). 
  • "I am come in My Father's Name, and ye receive Me not: if another shall come in his own name, him ye will receive..." (John 5:43). 


Tanong: Ano ang pangalan ng Kanyang tatay? Paano sinasabi ni Jesus ng paulit-ulit ang pagsugo ng Ama sa Kanya, kung paano ipakilala ni Jesus ang kanyang ama, gawin ang kanyang gawain dahil sa Kanyang Ama at iba pa. Subalit hindi Niya nabanggit ang pangalan ng Kanyang Ama.

Pangalang Natago sa Mulat na mga Mata

Karamihan sa atin ay walang kaalaman patungkol sa Lumang Tipan sa pangalan ng Diyos. Pero ayon sa mga nabasa ko at nakita may ilang sitas na nagsasabi ng tunay na pangalan ng Diyos:


  • Psalm 2:2- "The kings of the earth set themselves, and the rulers take counsel together, against the LORD, [Heb: YHWH-Jehovah] and against His Anointed, saying," 
  • Psalm 2:7-"I will declare the decree: the LORD [Heb: YHWH-Jehovah] hath said unto me, Thou art My Son; this day have I begotten Thee." 
  • Psalm 2:11-"Serve the LORD [Heb: Jehovah] with fear, and rejoice with trembling. Kiss the Son..." (and Psalm 2:12) 


Mapapasin natin na nabanggit diyan ang Lord (Jehovah - YHWH), kung kaya masasabi na natin ang pangalan ng Diyos Ama ay JEHOVAH. Alam nyo ba na ang pangalang Jesus na ibinigay ng Diyos Ama sa kanya ay kanyang minana o ibinigay ng Ama sa Kanya; heto

Being made so much better than the angels, as He has by INHERITANCE obtained a more excellent name than they." (Heb. 1:4).

Ano raw pangalan?

"Wherefore God also has highly exalted Him, and given Him A NAME which is ABOVE EVERY NAME" (Phil. 2:9).

Anong pangalan yan?

Huwag kayong magugulat kasi sa susunod na ipakikita ko sa inyo ay ang pangalang ibinigay ng Diyos Ama kay Jesus.

"And now I am no more in the world, but these are in the world, and I come to Thee. Holy Father, keep through Thine Own Name "those whom" Thou hast given Me, that they may be one, as we are." (John 17:11).

Anong sinabi? Nakita ba ninyo kung anong pangalan ang ibinigay? Sa itaas nauna rito na sinabi ko sa inyo na ang pangalan ng Diyos Ama ay Jehovah. Kung magka ganon na Jehovah ang pangalan ng Ama yun din ba ang pangalang ibinigay Niya sa Kanyang Anak. Pero ang alam natin ay Jesus.. gumugulo ata. Paano nangyari ang ganon..

Kaya sa susunod na yugto pag-uusapan natin ang patungkol diyan...

Linggo, Mayo 18, 2014

Ang Natatagong Lihim Sa Pangalan Ng Diyos: Part 1

Ano ang pangalan ng Diyos at ng Kanyang Anak?

Ano ba yan tanong o pagbibiro? Dapat pa bang tanungin yan samantalang kilala natin ang Diyos. Talaga kilala mo, kasi sasabihin mo mula pa ng pagkabata tayo kilala na natin ang Diyos. Hello ang ibig kong sabihin anong pangalan ng Diyos at ng Kanyang Anak. Halimbawa: yung kapitbahay mo na 4 ang anak na trisikel driver - ay kilala mo sa pangalan. Kasi nga kapitbahay mo sila apat o limang taon na, na ang pangalan noong lalaki ay Perfecto at si babae naman ay Perfecta. Yan ang ibig kung sabihin.. Seryuso na ako, dito sa sisimulan nating kaisipan pagkatapos ng ilang taon na rin di natin nadagdagan yung pitak natin sa blog na ito. Marami tayong tatalakaying hiwaga at mga bagay na masasabi natin na mahalaga bilang tagasunod ng Diyos.

Hiwaga ng mga hiwaga daw ang usaping ito kasi hanggang sa ngayon marami ang katanungang lahat ay mga haka-haka lamang ang sagot ng karamihan. Dito ipakikita natin kung ano ang maaari o posibilidad na katutuhanan sa kasulatan. Unang tanong ang pangalan ba ni Hesus na "Jesus" na ating Panginoon at tagapaglitas ay hindi huwad o peke lamang.

Sa mga taong lumipas sa mga nababasa at naririnig natin marami ang naglalabasan na ang pangalan ng Diyos Ama at Kanyang Anak ay hindi raw tama o pinalitan ng mga nagsalin ng Bagong Tipan. Ang pangalan daw na Jesus ay hango sa paganong pangalan na mula sa Greyego diyos na si Zeus-G-zeus. Wow... nabasa ba ninyo ito?

Patulan natin ang ilang alegasyon patungkol dito:

Jehovah Witness at iba pa ay nagsasabing ang Diyos Ama sa Bagong Tipan ay pinalitan ang pangalang "JEHOVAH" ng DIYOS o PANGINOON  na syang naka linlang daw ng karamihan sa tagasunod sa aspeto ng tamang pangalan ng Diyos Ama.. Nakakasunod ba kayo?

Balikan natin ang matandang panahon ng libo libong kopya ng ebanghelyo at sulat raw ng mga alagad ni Kristo ang ipadala sa buong Gitnang -Asia na hanggang sa ngayon tinatayang meron pang anim hanggang pitong libong kopya meron. At ito'y kinupya ng kinupya at pinadala matapos na ito'y isulat ng mga alagad. Ayon sa nabasa ko ito'y ipinamahage sa mga simabahan at kalipunan at mga pamilya. Pero walang nakababatid kung ilang kopya ang naipadala sa mga Ramano ng panahong yaon tanging Diyos lamang ang nakaka-alam. Yan ang kanilang aligasyon patungkol sa pagkakapalit ng pangalan ng Diyos.

Subalit sabi ng iba HINDI ito nangyari. Ang Banal na Spiritu ng Diyos raw ay hindi kinasihan ang lahat ng sumulat ng Bagong Tipan ng kanilang ginamit ang Hebrew name na "YHWH" na tinawag nilang (transliterated) sa "JEHOVAH" na makikita natin sa ibang kopya o salin ng kanilang ebanghelyo at mga sulat. Okay heto naman ang panangga ko kung si Jesus ay naparito upang itaas, igalang at itanyag ang pangalan ng Kayang Ama bakit hindi tayo nakakita kahit lang pahina o halibawa na si Jesus mismo ay gumamit ng pangalan ng Diyos Ama na JEHOVAH.

Sigurado ako na ang mga Jehovah Witness ay may kopya ng Greek na nakalagay doon ay ang pangalan na Jehovah sa boong Bagong Tipan. Pero wala silang ganong kasulatan kahit sa bago nilang New World Translation of the Holy Scriptures? Wala, kasi ang Greek word na "Lord" (Greek: kurios, hindi YHWH), na sabi pinalitan nila ng "Jehovah". At ang Greek sa "God" (Greek: theos, hindi YHWH) na kanilang pinalitan ng Jehovah. Sapagkat hindi iyon ang kahulugan noon kundi iyon ang kanilang pagkakahulugan doon. Tandaan natin sa: Pahayag 22:18-19 na hindi ipinagkaloob ng Diyos sa atin ang kapangyarihang palitan o dagdagan ang Kanyang Salita.

Ang pangalang "Jehovah" ay mula sa tinatawag na (tetragrammaton) kung saan hinango sa mga letrang YHWH. Mula sa mga letrang ito ay nahango sa English name na "JEHOVAH. Sa mga susunod na talakayan ipakikita ko sa inyo kung paano nangyari ang ganon.

Saan matatagpuan ang mga nawawalang kasulatan?

Ayon sa nabasa ko, ito'y patuloy pang pinag-uusapan ang patungkol sa orihinal na ebanghelyo na hindi raw nasulat sa salitang Greyego, kundi sa Hebreo kung saan ang pangalan ng Diyos Ama ay YHWH. Subalit meron namang nagsasabi na walang ebanghelyo na nasulat sa Hebreo ang mga alagad. Walang nakita kahit saan.

Tingnan natin ang ibang panig sa mismong anak ng Diyos na si Jesus, ano ba ang Kanyang ginawa patungkol sa pangalan ng Kanyang Ama na Jehovah? Sasabihin ko sa inyo mga kapatid kay Kristo at sa lahat makikita natin na naroon ang Diyos sa lahat ng dako pero hindi sa paraan kung ano ang ginawa ng mga naunang nag sulat nito patungkol sa pangalang YHWH / Jehovah.

Para mapaikli ang paglalahad sa mga taliwas heto ang tanong ko: Ano ang tamang pangalang itatawag ni Jesus sa Kanyang Ama? Sinasabi ko sa inyo kung ang ibinigay sa akin na pangalan ng Diyos Ama ay Jesus yun ang gagamitin ko sa pagtawag sa Kanya.

Other Blog: CLICK HERE

Huwebes, Pebrero 13, 2014

Talaga bang Mahal Tayo ng Diyos?

"Mahal ako ni Hesus, yan ang alam ko kasi sinabi ng Biblia sa akin" - Karaniwang isasagot ng isang karaniwang tao lalo na kapag Roman Catholic.

Yan ang natatadaan ko noong bata pa at nag-aaral pa. Ito rin ang laging sinasabi sa akin ng iba kasi nga raw sinabi sa Biblia. Totoo naman na sinabi ng Biblia sa aklat ni Juan 3:16 ganito yun:
"Gayun na lang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan ng ibigay Niya ang Kanyang bugtong na anak, na kung sinuman ang manampalataya ay hindi mapapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan."

Pero ang tanong bakit nga ba tayo mahal ng Diyos? Hindi ito yung basta basta rason lang na walang kabuluhan sa Diyos. Ito yung pag-ibig na hindi masusukat ng tao sa anumang paraan. Hindi lang sa sinabi sa Biblia o ang Diyos ay maraming dahilan para mahalin ang tao. Pero batid ba natin ang hangganan ng pagmamahal ng Diyos sa tao? Yan ang malaking tanong sapagkat marami ang nagsasabi na may hangganan ito kung gagawa ka ng kasalanan sa Diyos.

Di ba ang bata ay minamahal dahil sa kanyang pagiging bata, madaling alagaan, subalit pag-lipas ng mga taon nakikita natin ang malaking pagbabago ng isang bata noon pero ngayon ay isang binata o dalaga na, naroon yung umusbong na ugali sa kanila, baka naging maingay, malikot o makulit pero naroon pa rin yung ating pagmamahal sa kanila. Ganon din ang Diyos na ayon sa Biblia na walang nakarating sa kaluwalhatian ng Diyos, lahat ay sumalungat at nagkasala - pero naroon pa rin yung Kanyang pagmamahal sa atin kasi nga nilikha Niya tayo.

Pero ang tanong - mahal pa rin ba ng Diyos ang mga taong patuloy na sumasalungat o nagkakasala sa Kanya? Marami ang naniniwala na mahal tayo ng Diyos pero may hangganan daw ang pag mamahal na yaon (tulad ng nasabi ko sa itaas) - ibig sabihin kapag nagkasala ka halimbawa maraming beses mong nagagawa may tiyak kang kalalagyan - yun ang dagat dagatang apoy. Meron namang nagsasabing dahil sa pagmamahal ng Diyos kaya Niyang patawarin anuman ang iyong naging kasalanan - ibig sabihin kahit na gaano kalaki o karami ang iyong kasalanan kaya kang patawarin ng Diyos kasi mahal ka Niya.

Kung ganon ang Diyos na walang hangganan ang pagpapatawad sa nagkasala - sinasabi mong mahal ng Diyos ang kasalanan or kinukunsinte Niya yung gumagawa ng kasalanan. Ang sagot ko ay HINDI nangungunsinte ang Diyos bagkos binibigyan Niya ng tamang pag-husga at pag-tutuwid ang nagkasala para manumbalik sila sa Diyos. Kasi kung yung mga taong nagkakasala ng maraming beses at hindi makiki-alam ang Diyos dahil dapat may parusa na sila - ano sa tingin mo ang Diyos - mapagmahal ba o malupit? Maraming paraan kung paano ipinakikita ng Diyos ang Kanyang pagmamahal - hindi ito yung sinasabi na kung nagkasala ka ngunit di ka humingi ng patawad tiyak na sa impierno ang punta mo tulad ng ibang namatay na sa kasalanan.

Maaari natin isipin na dapat nga parusahan o makamit ng mga taong nagkakasala ang mahigpit na kaparusahan - ayon ako doon pero yung sabihin mong kaparusahang walang hanggan sa dagat-dagatang apoy - nasaan ang pagmamahal mo doon. Nasabi rin sa Bible na ang lahat ng tao ay matututo ng katuwiran ng Diyos at manunumbalik ang lahat sa Diyos, hindi sa kapamaraan ng tao kundi sa pag-ibig ng Diyos sa Kanyang nilikha. Ang ibig ko bang ipakahulugan dito at mayroon pang pagkakataon yung mga nagkasala na maligtas kahit na sila ay nasa impierno na. Ang sagot ko diyan ay hindi maaaring mangyari sapagkat hanggang sa mga sandaling ito wala pang laman ang impierno na sinasabi nyo - sapagkat hindi pa bumabalik si Hesus tulad ng nasusulat sa kasulatan. Tulad din yan na ang langit ay walang pang tao na namatay na naroon na sa langit - Juan 14:1-3 sinsabi na babalikan ni Jesus ang mga nananalig sa Kanya at isasama sa langit. Nasaan ang mga namatayan na? Sila'y nasa isang lugar na di nakikita (unseen place - as bible mentioned) at natutulog.
Maraming katanungan sa isip natin na tanging Diyos lamang ang makasasagot ng tamang puntos at makakabuti sa atin...

Lunes, Pebrero 3, 2014

Paano na Kami Ngayon?

Roma 8:28 - Alam natin na ang Diyos ay kumikilos sa lahat ng mga bagay at pinaglalakip-lakip para sa kabutihan nila na mga umiibig sa Diyos, sa kanila na mga tinawag ng Diyos ayon sa kaniyang layunin.

Kababasa ko lang sa Facebook ang kwento ng isang pamilya na nagkaroon ng di magandang pangyayari sa kanilang buhay na sa bandang huli natanong nila na "paano na kami ngayon?". Karaniwang naririnig, nasasabi natin mismo kapag tayo ang nakaranas ng isang sitwasyon ng panghihinayang, nawalan o di kaya di nakuha ang isang bagay. Katanungang magdadala sa ating buhay ng isang hamon o ito ay isang dahilan sa ating pagbagsak.

Marami na akong narinig nito lalo na kapag sa isang pamilya ang tatay ay namatay at ang nanay ay walang trabaho - na ibig sabihin paano na ang kanilang buhay, paano na sila kakain, paano na ang kanyang mga anak. Mga katanungang palaging naghahanap ng kasagutan base sa sitwasyong kinalalagyan. Masasabi ba nating normal lamang ang ganitong kaisipan ng isang tao, siguro ganon nga, subalit kapag nakakilala ka na sa Diyos, ganito pa rin ba ang dapat karaniwang tanong?

Kung titiningnan natin ang sitas sa itaas at bibigyan natin ng kaugnayan sa ating pinag-uusapan mayroon tayong makukuhang kasagutan na ang problema o sitwasyon sa ngayong nararanasan ay ayon sa Kanyang layunin. Subalit naroon pa rin yung katanungang - ito ba ang bagay na pinaglakip-lakip ng Diyos para sa ikabubuti? Samantalang nawalan na nga o natatakot na nga sa maaaring maganap kasi nawalan, namatay o posebling kahirapan ang haharapin nila.

Balikan natin yung sitas na "ang Diyos ay kumikilos sa lahat ng bagay" walang pasubali na yung mga nangyari, nangyayari at mangyayari pa sa buhay ng tao kasama ang mga mananampalaya ng Diyos ay ang Diyos ang Siyang kumikilos o may kagagawan para sa layunin Niya para sa atin. Masakit kung titingnan natin pero kung naniniwala tayo sa Diyos ito ay isa lamang sa mga paraan ng Diyos para masukat kung gaano tayo nanampalataya sa Diyos.

Naalala ko ang buhay ni Job ng subukin siya ng Diyos gamit ang galamay ni Satanas. Naranasan ni Job ang lahat ng pasakit, nawalan, karamdaman sa buhay. Kahit ang asawa niya ay nagtuturo o nag-uudyok na sa kanya na sumpain na ni Job ang Diyos dahil sa hirap at sakit na dinaranas ni Job sa panahong yaon. Subalit naroon ang katatagan ni Job ni hindi niya sinisi ang Diyos ng mawala ang lahat niyang anak.

Santiago 5:11 - Narito, itinuturing nating pinagpala ang mga nakapagtiis. Narinig ninyo ang pagtitiis ni Job at nalaman ninyo ang ginawa ng Panginoon sa katapusan na lubhang mapagmalasakit at maawain.

Tayo sa bawat problema o pagsubok sa ating buhay naroon lagi ang pagsisi natin sa Diyos at minsan nga laging nating natatanong ang ganito - Paano na Kami Ngayon? Para bang tapos na ang lahat, para bang wala ng kabuluhan ang kanilang buhay, para bang katapusan na ng mundo nakakalimutan natin ang makapangyarihang Diyos. Pero ang katutuhanan kung naniniwala lang tayo sa Diyos hindi Niya tayo pababayaan sapagkat mahal tayo ng Diyos.