Noong nakaraang yugto napag-usapan natin na lumalabas na ang pangalang Jehovah ayon sa kasulatan at siya ring pangalang ibinigay Niya sa Kanyang Anak. Subalit naroon yung ating tanong na paano ito nangyari samantalang Jesus ang alam nating pangalan Niya. Balikan natin yung sitas:
John 17:11 - Holy Father, keep them in Your Name, the Name which You have given Me, that they may be one even as We are. (American Standard Bible)
Pansinin natin muli, kausap ni Jesus ang Diyos Ama (Jehovah) sinasabi ni Jesus na "keep them in Your Name" - anong pangalan yun di ba nakita natin na Jehovah ang pangalan ng Diyos Ama. Tapos heto na "the Name which You have given Me" - pangalan daw na ibinigay sa Kanya ng Diyos Ama, di ba malinaw at hindi na kailangan pa ang mahabang paliwanag. Pero ang tanong at bakit Jesus ang alam natin na ibinigay sa Kanya.
Hayaan ninyo na ipakita ko sa inyo ang isa pang sitas sa kasulatan na magpapaliwanag ng ating pinag-uusapan. Dito malalaman natin kung kailan ibinigay ng Ama sa Kanyang anak ang Kanyang pangalan.
"I am come in my Father's name, and ye receive me not: if another shall come in his own name, him ye will receive." (John 5:43).
Kailan daw iyon ibinigay, ng isinugo Siya ng Ama dito sa lupa para sa atin. Kaya malinaw na noong ipanganak ng berhen si Jesus ang tamang panahon ng ibinigay sa Kanya ang pangalan ng Ama na Jehovah.
"She shall bring forth a Son, and you shall call His Name JESUS [Jehovah]" (Matt. 1:21).
Mukhang malabo pa rin.. bakit naging Jehovah ang Jesus samantalang malinaw na nakalagay sa itaas na Jesus ang ipangalan sa Kanya. Heto ang tatandaan natin ang Diyos ay madalang magsabi na ibigay ang pangalan sa sinumang tao. Joseph and Maria ay isa sa kanila na sinabihan ng Diyos na Jesus ang ipangalan sa Kanyang anak. Ang Diyos din ang nasabi na palitan ang pangalan ni Abram sa Abraham (Gen 18:5), kay Jacob sa Israel (Gen 32:28), sa iba hinayaan na ng Diyos sa tao, kasama roon ang pagpapangalan sa mga hayop at iba pa.
Natatandaan ninyo ang sitas na ito:
"For unto us a child is born, unto us a son is given: and the government shall be upon his shoulder: and His Name shall be called Wonderful, Counselor, The mighty God, The everlasting Father, The Prince of Peace" (Isa. 9:6).
Makikita mo na ito ay patungkol sa hula para kay Jesus sa kanyang pagparito. Pansinin ninyo lahat ng katangiang yaon ay patungkol din sa Diyos Ama. Ibig sabihin na malapit sa katutuhanan ang mga puntos na inilalarawan ko para sa inyo. Kung meron pa kayong pasubali, hayaan ninyo sa sunod na yugto maipakita sa inyo kung paano nangyari yun...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento