"Mahal ako ni Hesus, yan ang alam ko kasi sinabi ng Biblia sa akin" - Karaniwang isasagot ng isang karaniwang tao lalo na kapag Roman Catholic.
Yan ang natatadaan ko noong bata pa at nag-aaral pa. Ito rin ang laging sinasabi sa akin ng iba kasi nga raw sinabi sa Biblia. Totoo naman na sinabi ng Biblia sa aklat ni Juan 3:16 ganito yun:
"Gayun na lang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan ng ibigay Niya ang Kanyang bugtong na anak, na kung sinuman ang manampalataya ay hindi mapapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan."
Pero ang tanong bakit nga ba tayo mahal ng Diyos? Hindi ito yung basta basta rason lang na walang kabuluhan sa Diyos. Ito yung pag-ibig na hindi masusukat ng tao sa anumang paraan. Hindi lang sa sinabi sa Biblia o ang Diyos ay maraming dahilan para mahalin ang tao. Pero batid ba natin ang hangganan ng pagmamahal ng Diyos sa tao? Yan ang malaking tanong sapagkat marami ang nagsasabi na may hangganan ito kung gagawa ka ng kasalanan sa Diyos.
Di ba ang bata ay minamahal dahil sa kanyang pagiging bata, madaling alagaan, subalit pag-lipas ng mga taon nakikita natin ang malaking pagbabago ng isang bata noon pero ngayon ay isang binata o dalaga na, naroon yung umusbong na ugali sa kanila, baka naging maingay, malikot o makulit pero naroon pa rin yung ating pagmamahal sa kanila. Ganon din ang Diyos na ayon sa Biblia na walang nakarating sa kaluwalhatian ng Diyos, lahat ay sumalungat at nagkasala - pero naroon pa rin yung Kanyang pagmamahal sa atin kasi nga nilikha Niya tayo.
Pero ang tanong - mahal pa rin ba ng Diyos ang mga taong patuloy na sumasalungat o nagkakasala sa Kanya? Marami ang naniniwala na mahal tayo ng Diyos pero may hangganan daw ang pag mamahal na yaon (tulad ng nasabi ko sa itaas) - ibig sabihin kapag nagkasala ka halimbawa maraming beses mong nagagawa may tiyak kang kalalagyan - yun ang dagat dagatang apoy. Meron namang nagsasabing dahil sa pagmamahal ng Diyos kaya Niyang patawarin anuman ang iyong naging kasalanan - ibig sabihin kahit na gaano kalaki o karami ang iyong kasalanan kaya kang patawarin ng Diyos kasi mahal ka Niya.
Kung ganon ang Diyos na walang hangganan ang pagpapatawad sa nagkasala - sinasabi mong mahal ng Diyos ang kasalanan or kinukunsinte Niya yung gumagawa ng kasalanan. Ang sagot ko ay HINDI nangungunsinte ang Diyos bagkos binibigyan Niya ng tamang pag-husga at pag-tutuwid ang nagkasala para manumbalik sila sa Diyos. Kasi kung yung mga taong nagkakasala ng maraming beses at hindi makiki-alam ang Diyos dahil dapat may parusa na sila - ano sa tingin mo ang Diyos - mapagmahal ba o malupit? Maraming paraan kung paano ipinakikita ng Diyos ang Kanyang pagmamahal - hindi ito yung sinasabi na kung nagkasala ka ngunit di ka humingi ng patawad tiyak na sa impierno ang punta mo tulad ng ibang namatay na sa kasalanan.
Maaari natin isipin na dapat nga parusahan o makamit ng mga taong nagkakasala ang mahigpit na kaparusahan - ayon ako doon pero yung sabihin mong kaparusahang walang hanggan sa dagat-dagatang apoy - nasaan ang pagmamahal mo doon. Nasabi rin sa Bible na ang lahat ng tao ay matututo ng katuwiran ng Diyos at manunumbalik ang lahat sa Diyos, hindi sa kapamaraan ng tao kundi sa pag-ibig ng Diyos sa Kanyang nilikha. Ang ibig ko bang ipakahulugan dito at mayroon pang pagkakataon yung mga nagkasala na maligtas kahit na sila ay nasa impierno na. Ang sagot ko diyan ay hindi maaaring mangyari sapagkat hanggang sa mga sandaling ito wala pang laman ang impierno na sinasabi nyo - sapagkat hindi pa bumabalik si Hesus tulad ng nasusulat sa kasulatan. Tulad din yan na ang langit ay walang pang tao na namatay na naroon na sa langit - Juan 14:1-3 sinsabi na babalikan ni Jesus ang mga nananalig sa Kanya at isasama sa langit. Nasaan ang mga namatayan na? Sila'y nasa isang lugar na di nakikita (unseen place - as bible mentioned) at natutulog.
Maraming katanungan sa isip natin na tanging Diyos lamang ang makasasagot ng tamang puntos at makakabuti sa atin...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento