Linggo, Enero 31, 2010

Ang Huling Libra

Lucas 14:33 - Gayundin nga, ang bawat isang hindi nag-iiwan ng lahat ng tinatangkilik niya ay hindi siya maaaring maging alagad ko.

Nasa pagtitiis at pagtitiyaga ang ipinagkakaiba ng kabiguan at tagumpay.

Kung may sinusunod kang plano na magbawas ng timbang, talagang magbabawas ka ng ilang libra – sa ilang panahon. Ngunit maraming nagreredyus ang sumasapit sa punto na humihina ang loob pagkatapos ng ilang panahong bumaba ang timbang. Maraming tumitigil sa pagdiyeta at pag-ehersisyo at bumabalik sa dating nakasanayan.

May ganyan ding nangyayari sa buhay nating mga Cristiano. Sa simula magaganda at nakaaantig na damdamin ang mga patotoo tungkol sa paglilingkod sa mga masamang bisyo o ugali. Pagkatapos mapapansin ang isang bagong mananampalataya, at masusumpungan ang maliliit na kasalanan – ang pagkainggit, pagkainis, at galit ay di kasing daling iwaksi tulad ng malalaking kasalanan.

Ang iba’y naghihina ang pananalig at lumalamig ang pagtatalaga sa Diyos at bumabalik sa ilang ugali ng dating pamumuhay.

Nang magsalita ang Panginoon tungkol sa pagsasakripisyo sa buhay ng isang disipulo, (Lucas 14:25-35), nais Niyang ang mga nakarinig sa Kanya ay malaman na ang pananampalataya sa Kanya at pagsunod ay pangharap sa higit pa kaysa pagsisimula ng bago at masiglang buhay. Ibig sabihin nito ay pananatiling matiyaga sa isang mahirap na pagtakbo.

Kaya kung pag-uusapan ang pagpababa ng timbang o espiritwal na pakinabang, iisa ang mensahe – Di lang ang unang hakbang ang mahalaga kundi ang patuloy na pagtakbo hanggang wakas.

Pasulong pataas ang Cristianong pag-unlad sa nais lumago sa banal na lakad. Kahit na mahirap, patuloy magsikap may laang gantimpala sa ating hinaharap.

Linggo, Enero 24, 2010

Banal na Pag-Ibig

Banal, banal, banal ang Panginoon sa makapangyarihan sa lahat sa aba ko, wasak na ako. Isaias 6:3,5

Ang Diyos ay may matang nakikita ang lahat, at may pusong nagpapatawad ng lahat. Linisin po ako’t iwan ko ang kasalanan makita karumihang sa akin tumatahan. Nang aking matupad Iyong pinagagawa sa araw-araw at sa darating pang mga araw.

Maraming tagasunod ni Cristo ang laging isinasaisip ang pag-ibig at kabutihan ng Diyos, ngunit di gaanong naiisip ang Kanyang kabanalan. Ang ilan nga ay nanginginig sa takot dito! Bakit? Ito ay sa dahilan: Pag nasulyapan ang kadakilaan at luwalhati ng Panginoon, lalo nating nakikita ang sariling kasalanan. At iyan ay isang karanasang nagpapababa sa tingin natin sa sarili!

Maliliwanagan tungkol sa katotohanang ito sa ebanghelyo ng Lucas. Pagkatapos masaksihan ni Pedro ang isang himala, nagpatirapa siya sa paanan ni Jesus na nagsasabi: Lumayo kayo sa akin, Panginoon; ako’y makasalanan! Lucas 5:8

Kung masasaksihan natin ang Kanyang ningning at kabanalan, matutulad tayo kay Isaias na ating masasabi at tatanggapin ang ating pagkamakasalanan (Isaias 6:5). Ito ay mabuting sagot, ngunit kalahati po lang iyan ng inilalarawan. Ang Diyos ay di nais na wasakin tayo ng Kanyang kabanalan. Ang layon Niya ay linisin tayo sa ating kasalanan (7). Sabik Siyang maranasan natin ang Kanyang kapatawaran at tamasahin ang malapit na pakikisama sa Kanya.

Malapit na malapit ang katotohanang ito sa aking puso. Ilang taon na ang nakalipas mula sa isang nakagigimbal na sandali nang mas malinaw kong nakita ang aking pagkamakasalanan. Bagsak na bagsak ako sa espirituwal na kalagayan noon at naghahari ang takot sa akin – hanggang nakita ko ang di masayod na pag-ibig ng Diyos at ang kapangyarihan Niyang patawarin ako’t linisin (I Juan 1:9). Inihahayag ng Diyos ang Kanyang kabanalan, hindi upang wasakin tayo, kundi ilantad ang ating kasalanan. Ipanalanging linisin ka ngayon at ilayo sa dating kasalanan.

Linggo, Enero 17, 2010

Labas sa Pamilya

Makigalak kayo sa mga nagagalak, makiramay sa mga tumatangis Roma 12:15

Ang kahabagan at pakikiramay ay dawalang pusong nagtutulungan sa pagbuhay ng isang mabigat na pasanin.

Nang makita ni Jesus ang ina na nakabantay sa krus, nakaramdam Siya ng malaking kahabagan. Alam Niya na ang kirot sa puso ng ina ay higit kaysa kanino mang naroon, at binigyan Niya ito ng natatanging atensyon.

Napakasakit sa magulang kung naghirap sa sakit at namatay ang isang anak. Paulit-ulit kong nakita ito sa mga kaibigan kong mananampalataya. Nakikidalamhati ako sa kanila ngunit di kasing tindi kung ang naghirap at namatay ay ang sarili anak o kapamilya.

Minsan nakokosensya ako rito. Kahit gusto kong maging napakamahabagin at makiramay sa mga tumatangis, alam kong hindi ako mapighati nang kasing tindi ng miyembro ng pamilya ngunit hindi dahilan ito upang mabawasan ang pakikiramay dahil labas naman sa pamilya.

Nais ng Diyos na tayo’y makibahagi sa kalungkutan ng iba (Roma 12:15). Sa halip di gaanong pansinin ang sakit nila, dapat damayan sila ng ating buong pusong pananalangin, pampaaliw na salita at pagtulong.

Pasalamatan ang Diyos sa pagkakabuklod ng pamilya. Natural na ang dalamhati ay napakatindi pag namatay ang isang malapit sa ating puso. Ngunit gumawa tayo ng mga paraan upang makiramay ng taos-puso sa ibang namimighati.

Bigyan po ng talas ng pakiramdam na mahabag sa mga nasa kapighatian. Dumamay sa lungkot at kanilang pagluha at ipakita ang pag-ibig, di lamang sa salita.

Linggo, Enero 3, 2010

Matalinong Paggugol

Turuan po kaming bilangin nang wasto ang aming mga araw upang magtamo kami ng matalinong puso Awit 90:12

Huwag lang basta gugulin ang panahon, puhunanin ito. O Diyos, akin ang oras na ito gamitin para sa Inyo, bawat saglit na magdaan bahagi ng walang hanggan.

Isang guro sa mataas na paaralan ang may pambihirang paraan upang itulak na mag-isip ang mga estudyante. Pana-panahon isusulat sa pisara ang maiikling mensahe na walang kaugnayan sa kasalukuyang pinag-aaralan.

Isang umaga nakita ng mga estudyante na nakasulat sa pisara ang numerong 25,550. Sa banding huli, nagtanong ang isang estudyante kung bakit isinulat ang numerong iyon. Ipinaliwanag ng guro na ang 25,550 ang bilang ng araw sa taong nabuhay ng 70 taon. Nagsisikap ang guro na idiin ang kaiklian ng buhay at ang halaga ng bawat araw.

Noong ako’y bata pa at tinatanaw ang hinaharap, parang napakabagal tumakbo ng oras. Mahirap maunawaan ang madalas sabihin ng matatanda – napakabilis ng pagtanda ko, tila ang mga taon ay maikli at mabilis na lumilipas kung ihahambing sa walang hanggan.

Idinidiin nito kung anong sinabi ni Santiago tungkol sa buhay. Ito’y parang aso na sandaling lilitaw at pagkatapos, mawawala (Santiago 4:14). Kaya mahalaga na samantalahin ang bawat pagkakataong bigyang karangalan ang Diyos, maglingkod sa kapwa at ibahagi si Cristo. Hilingin sa Diyos na turuang bilangin an gaming mga araw (Awit 90:12) upang gugulin sila na may karunungan!