Makigalak kayo sa mga nagagalak, makiramay sa mga tumatangis Roma 12:15
Ang kahabagan at pakikiramay ay dawalang pusong nagtutulungan sa pagbuhay ng isang mabigat na pasanin.
Nang makita ni Jesus ang ina na nakabantay sa krus, nakaramdam Siya ng malaking kahabagan. Alam Niya na ang kirot sa puso ng ina ay higit kaysa kanino mang naroon, at binigyan Niya ito ng natatanging atensyon.
Napakasakit sa magulang kung naghirap sa sakit at namatay ang isang anak. Paulit-ulit kong nakita ito sa mga kaibigan kong mananampalataya. Nakikidalamhati ako sa kanila ngunit di kasing tindi kung ang naghirap at namatay ay ang sarili anak o kapamilya.
Minsan nakokosensya ako rito. Kahit gusto kong maging napakamahabagin at makiramay sa mga tumatangis, alam kong hindi ako mapighati nang kasing tindi ng miyembro ng pamilya ngunit hindi dahilan ito upang mabawasan ang pakikiramay dahil labas naman sa pamilya.
Nais ng Diyos na tayo’y makibahagi sa kalungkutan ng iba (Roma 12:15). Sa halip di gaanong pansinin ang sakit nila, dapat damayan sila ng ating buong pusong pananalangin, pampaaliw na salita at pagtulong.
Pasalamatan ang Diyos sa pagkakabuklod ng pamilya. Natural na ang dalamhati ay napakatindi pag namatay ang isang malapit sa ating puso. Ngunit gumawa tayo ng mga paraan upang makiramay ng taos-puso sa ibang namimighati.
Bigyan po ng talas ng pakiramdam na mahabag sa mga nasa kapighatian. Dumamay sa lungkot at kanilang pagluha at ipakita ang pag-ibig, di lamang sa salita.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento