Banal, banal, banal ang Panginoon sa makapangyarihan sa lahat sa aba ko, wasak na ako. Isaias 6:3,5
Ang Diyos ay may matang nakikita ang lahat, at may pusong nagpapatawad ng lahat. Linisin po ako’t iwan ko ang kasalanan makita karumihang sa akin tumatahan. Nang aking matupad Iyong pinagagawa sa araw-araw at sa darating pang mga araw.
Maraming tagasunod ni Cristo ang laging isinasaisip ang pag-ibig at kabutihan ng Diyos, ngunit di gaanong naiisip ang Kanyang kabanalan. Ang ilan nga ay nanginginig sa takot dito! Bakit? Ito ay sa dahilan: Pag nasulyapan ang kadakilaan at luwalhati ng Panginoon, lalo nating nakikita ang sariling kasalanan. At iyan ay isang karanasang nagpapababa sa tingin natin sa sarili!
Maliliwanagan tungkol sa katotohanang ito sa ebanghelyo ng Lucas. Pagkatapos masaksihan ni Pedro ang isang himala, nagpatirapa siya sa paanan ni Jesus na nagsasabi: Lumayo kayo sa akin, Panginoon; ako’y makasalanan! Lucas 5:8
Kung masasaksihan natin ang Kanyang ningning at kabanalan, matutulad tayo kay Isaias na ating masasabi at tatanggapin ang ating pagkamakasalanan (Isaias 6:5). Ito ay mabuting sagot, ngunit kalahati po lang iyan ng inilalarawan. Ang Diyos ay di nais na wasakin tayo ng Kanyang kabanalan. Ang layon Niya ay linisin tayo sa ating kasalanan (7). Sabik Siyang maranasan natin ang Kanyang kapatawaran at tamasahin ang malapit na pakikisama sa Kanya.
Malapit na malapit ang katotohanang ito sa aking puso. Ilang taon na ang nakalipas mula sa isang nakagigimbal na sandali nang mas malinaw kong nakita ang aking pagkamakasalanan. Bagsak na bagsak ako sa espirituwal na kalagayan noon at naghahari ang takot sa akin – hanggang nakita ko ang di masayod na pag-ibig ng Diyos at ang kapangyarihan Niyang patawarin ako’t linisin (I Juan 1:9). Inihahayag ng Diyos ang Kanyang kabanalan, hindi upang wasakin tayo, kundi ilantad ang ating kasalanan. Ipanalanging linisin ka ngayon at ilayo sa dating kasalanan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento