Turuan po kaming bilangin nang wasto ang aming mga araw upang magtamo kami ng matalinong puso Awit 90:12
Huwag lang basta gugulin ang panahon, puhunanin ito. O Diyos, akin ang oras na ito gamitin para sa Inyo, bawat saglit na magdaan bahagi ng walang hanggan.
Isang guro sa mataas na paaralan ang may pambihirang paraan upang itulak na mag-isip ang mga estudyante. Pana-panahon isusulat sa pisara ang maiikling mensahe na walang kaugnayan sa kasalukuyang pinag-aaralan.
Isang umaga nakita ng mga estudyante na nakasulat sa pisara ang numerong 25,550. Sa banding huli, nagtanong ang isang estudyante kung bakit isinulat ang numerong iyon. Ipinaliwanag ng guro na ang 25,550 ang bilang ng araw sa taong nabuhay ng 70 taon. Nagsisikap ang guro na idiin ang kaiklian ng buhay at ang halaga ng bawat araw.
Noong ako’y bata pa at tinatanaw ang hinaharap, parang napakabagal tumakbo ng oras. Mahirap maunawaan ang madalas sabihin ng matatanda – napakabilis ng pagtanda ko, tila ang mga taon ay maikli at mabilis na lumilipas kung ihahambing sa walang hanggan.
Idinidiin nito kung anong sinabi ni Santiago tungkol sa buhay. Ito’y parang aso na sandaling lilitaw at pagkatapos, mawawala (Santiago 4:14). Kaya mahalaga na samantalahin ang bawat pagkakataong bigyang karangalan ang Diyos, maglingkod sa kapwa at ibahagi si Cristo. Hilingin sa Diyos na turuang bilangin an gaming mga araw (Awit 90:12) upang gugulin sila na may karunungan!

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento