Lucas 14:33 - Gayundin nga, ang bawat isang hindi nag-iiwan ng lahat ng tinatangkilik niya ay hindi siya maaaring maging alagad ko.
Nasa pagtitiis at pagtitiyaga ang ipinagkakaiba ng kabiguan at tagumpay.
Kung may sinusunod kang plano na magbawas ng timbang, talagang magbabawas ka ng ilang libra – sa ilang panahon. Ngunit maraming nagreredyus ang sumasapit sa punto na humihina ang loob pagkatapos ng ilang panahong bumaba ang timbang. Maraming tumitigil sa pagdiyeta at pag-ehersisyo at bumabalik sa dating nakasanayan.
May ganyan ding nangyayari sa buhay nating mga Cristiano. Sa simula magaganda at nakaaantig na damdamin ang mga patotoo tungkol sa paglilingkod sa mga masamang bisyo o ugali. Pagkatapos mapapansin ang isang bagong mananampalataya, at masusumpungan ang maliliit na kasalanan – ang pagkainggit, pagkainis, at galit ay di kasing daling iwaksi tulad ng malalaking kasalanan.
Ang iba’y naghihina ang pananalig at lumalamig ang pagtatalaga sa Diyos at bumabalik sa ilang ugali ng dating pamumuhay.
Nang magsalita ang Panginoon tungkol sa pagsasakripisyo sa buhay ng isang disipulo, (Lucas 14:25-35), nais Niyang ang mga nakarinig sa Kanya ay malaman na ang pananampalataya sa Kanya at pagsunod ay pangharap sa higit pa kaysa pagsisimula ng bago at masiglang buhay. Ibig sabihin nito ay pananatiling matiyaga sa isang mahirap na pagtakbo.
Kaya kung pag-uusapan ang pagpababa ng timbang o espiritwal na pakinabang, iisa ang mensahe – Di lang ang unang hakbang ang mahalaga kundi ang patuloy na pagtakbo hanggang wakas.
Pasulong pataas ang Cristianong pag-unlad sa nais lumago sa banal na lakad. Kahit na mahirap, patuloy magsikap may laang gantimpala sa ating hinaharap.