Roma 7:7 – Ano nga ang ating sasabihin? Ang kautusan baga’y kasalanan? Huwag namang mangyari. Datapuwat hindi ko sana nakilala ang kasalanan, kundi sa pamamagitan ng kautusan sapagkat hindi ko sana nakilala ang kasalanan, kung hindi sinabi ng kautusan, huwag kang mananakim.
Aba meron ba kayong ipupuntos pa, sapagkat lumalabas na meron kayong ibig ipakahulugan na kung hindi sa kautusan ng Diyos hindi malalaman na kasalanan pala yung mga ginagawang masama ng tao. Ano ba ang sinasabi rito tungkol doon?
Exodo 20:17 Huwag mong iimbutin ang bahay ng iyong kapwa, huwag mong iimbutin ang asawa ng iyong kapwa, ni ang kanyang aliping lalake o babae, ni ang kanyang baka o asno, ni anuman bagay ng iyong kapuwa.
Dito malinaw na sinasabi sa mga mananampalataya ni Hesus na huwag iimbutin o pagnanasahan ang asawa ng kapwa, kasama ang katulong o aliping lalake at babae. Nagpapatunay ito na si Hesus ay galit at itinatakwil ang gumagawa ng kasalanang pagiging alanganin maliban sa lalake o babae – ibig sabihin kasalanan ang pagiging bakla o tomboy, tiyak na may kaparusahan para sa mga gumagawa nito.
Ano ang magandang kasagutan sa mga ganitong sitwasyong. Ayon kay Pablo sa (1 Corinto 7:7-9) na kailangan mag-asawa ang walang asawa sapagkat ang bawat isa ay may kaloob ang Diyos para sa kanya, hindi magbibigay ang Diyos ng mali sapagkat siya yung nagbibigay ng kautusan.
1 Corinto 7:7-9
7- Ibig ko sana na ang lahat ng lalaki ay maging tulad ko, ngunit ang bawat isa ay may kani-kaniyang kaloob mula sa Diyos. Ang isa ay may kaloob sa ganitong bagay at ang isa ay may kaloob sa ganoong bagay.
8 - Sa mga walang asawa at sa mga balo ay sinasabi ko: Mabuti para sa kanila ang manatili sa kalagayang tulad ko.
9 - Ngunit kung hindi sila makapagpigil, hayaan silang mag-asawa sapagkat higit na mabuti ang mag-asawa kaysa mag-alab sa matinding pagnanasa.
Upang maiwasan ang pakiki-apid kailangan sa bawat lalake at babae ay mag-asawa (1 Corinto 7:2 - Gayunman, upang maiwasan ang pakikiapid, makapag-asawa nawa ang bawat lalaki at gayundin nawa ang bawat babae.) , hindi sinabi dito na kumuha ng lalake at maging asawa ng kapwa lalake, ganon din ang mga babae. Batid ni Pablo ang tungkol sa babae sa kapwa babae at lalake sa kapwa lalake ng sulatin niya ang sulat para sa mga taga-Roma (Roma 1:26-27). Sapagkat nakikita niya iyon sa paligid na iniugnay lamang niya iyon sa mga pangyayari noong unang mga panahon pa. Ang ganong gawa ay hindi sagot sa anumang nararamdamang init o para makaiwas sa pakiki-apid madaragdagan pa nga ng lubhang malaking kasalanan.
Tandaan natin ayon kay Pablo may katapat na parusa ang mga gumagawa nito sa (Roma 1:32). At ganon din si Santiago ang nagsasabi na lahat ng magandang kaloob ay galling sa taas at yun ay bigay ng Diyos hindi kasama ditto na kaloob ang pagiging bakla o tomboy (Santiago 1:17)
Santiago 1:17 - Ang bawat mabuting pagbibigay at bawat ganap na kaloob ay mula sa itaas at nagbubuhat sa Ama ng mga liwanag na walang pagbabago, ninoman ng pagtalikod.
Nawa po may natutunan kayo at kayong mga gumagawa nito magbago na kayo at manumbalik sa Diyos hindi pa po huli ang lahat…. Hinihintay kayo ng Diyos…