Kahit sino kapag narinig niya, natin ang tawag o mabanggit ang ating pangalan tiyak na lilingon ka o tayo. Bakit? Sapagkat narinig natin ang pangalan natin, ibig sabihin kilala tayo ng tumawag o nagbanggit ng pangalan natin. Pero hindi yun ang ibig kung ipakahulugan sa tanong na "sino ako?"
Ikaw sigurado ako na kapag tinanong ka kung sino ka may tiyak kang isasagot na pangalan kasama ang apelyedo. Kasama nito upang tiyak na kumpleto ang sagot mo - ang pangalan ng tatay at nanay mo at tirahan kung medyo napapasarap ang paglalahad mo. Ito ba yung ibig kung ipakahulugan sa tanong na "sino ako?".
Sa bibliya ng tanungin ni Kristo sa mga alagad kung Sino Siya? Ano ang sagot nila? Di ba sumagot sila ng ganito. Sabi ni Pedro, ikaw ang anak ng Diyos at ang iba ang sabi ikaw ang anak ng tao na nakagagawa ng maraming himala. Sumagot si Hesus, tama kayo, Ako ang sinugo ng Ama para sa ikaliligtas ng lahat ng makasalanan.
Subalit ikaw, ako at sila - ano ang pakahulugan ninyo sa tanong na "sino ako?". Merong magsasabi na siya ay isang mabuting ama sa kanyang mga anak, meron namang ginagawa niya ang lahat para sa kanilang pamilya. Meron din namang sinasabing ako ang dumi ng aking pamilya sapagkat ako ang
nagbibigay kamumihan sa kanilang pangalan. Maraming bagay ang patungkol sa atin namasasabing tayo ito, makapaglalarawan kung sino tayo sa paningin ng taong nakapaligid sa atin.
Naalala ko pa yung sinabi ng aking kaibigang mestisong chinese. Noon daw siya'y napakatalas ng dila sa dahilang mahilig siyang magtinda ng kahit ano, nasanay na daw siya hanggang nadala niya ito hanggang sa pagtanda niya. Nakapag-abroad na dala pa rin niya ang ganong ugali, hanggang nakakilala sa Panginoon (nagkaroon ng relasyon - naging BA). Subalit naroon pa rin ang kaniyang ugali na pagiging matalas ang dila, walang pakundangan, kung ano ang maisip yun ang sinasabi. Minsan meron naman siyang punto kaya lang mali ang paraan ng pagkakasabi. Kapag sinasabihan sya ang tanging isinasagot ay ganito: "ganito na ako noon pa".
Ang tanong: alam natin na kung sino tayo sa ugali, sa pagkatao. May posibilidad ba na mabago ito? May paraan ba na maiwasto ang ganitong paningin nila sa kanyang sarili? Sabi ko nga minsan may punto naman siya sa mga sinasabi niya at katwiran... Ikaw saan ka sa kanila?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento