Narito ang ilang halimbawa ng mga bagay a kakaiba na sa ngayon kumapara sa nakaraan. Isang ama apat na taong ginagahasa ang sariling mga anak. Ano ang tingin mo sa mga gumagawa nito di ba walang Diyos sa kanyang buhay.
Ang nasa isip lamang ay ang tawag ng laman. Isipin ninyo dalawa niyang anak ay inabuso sa murang edad pa lamang. Ano ang nagiging dahilan nito - kahirapan o kakulangan sa tamang kaalaman tungkol sa Diyos? Masasabing kahirapan pero kung susubukan mong tumingin sa kapaligiran marami naman na mahihirap na kayamanan nila ang paggawa ng mabuti at may kaalaman at takot sa Diyos.
Ang ikalawa ay kakulangan sa kaalaman sa salita ng Diyos. Maaaring ito ang malaking kadahilanan kasi nasa liblib silang lugar na ilan lamang ang nakakabasa ng salita ng Diyos. Hosea 4:6. sinasabi dito na "napapahamak ang aking bayan dahil sa kakulangan ng kaalaman". Ano ang ibig ipakahulugan ng kulang sa kaalaman? Kulang sa kaalamang pang espiritwal ang ibig ipakahulugan nito - kailangang makilala ninuman ang Diyos bilang Diyos, at manalig sa Kanya. Siya (Diyos) lamang ang makagagawa sa tao na mabago at malaman ang tamang pamumuhay ng maganda at marangal.
Pero ang pinag-uusapan natin dito ay kalakaran ng buhay. Marami ang nagsasabi na ang tamang buhay ay yung lagi kang naka-ayon kung ano yung patok at uso. Sa puntong ito ay hindi mo makukuha ang aking simpatya sapagkat naniniwala ako na hindi dapat nakabase ang buhay sa uso at kung ano ang patok sa ngayon. Naniniwala ako na dapat tayong manalig at matuto sa ating mga pagkakamali. Ano anu ba ang mga patok at uso sa ngayon na mas kinakailangang sundin ng mga kabataan kaysa sa mga payo ng magulang. Uso na daw ngayon na wag mong bibigyan ng anuman payo ang iyong mga anak sapagkat alam na nila ang kanilang ginagawa. Pero ano ba ang karaniwang
nagiging resulta nito - di ba kapahamakan. Utos ng Diyos na "ibigin natin ang ating mga magulang upang humaba ang atin buhay sa mundong ito.
Nagiging wala na sa ayos ang ating kabataan, marami na ang pasaway. Marami na ang nasasangkot na mga kabataan sa katiwalian. Marami ang hindi na umuuwi sa kanilang tahanan. Pero minsan makikita natin na ilan sa mga kabataan ay natutulak lang sa masama dahil sa barkada at minsan dahil na rin sa mga magulang na walang oras sa kanilang mga anak - kapabayaan. Ang masakit nito kapag nangyari na gobyerno ang sinisisi... Sino nga ba ang tama sa puntong ito?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento