Masyadong mura. He who backslides for pleasure is shortchanged. Lugi.! Biruin nyo ipagpapalit natin iyong joy na hindi nawawala with something as fleeting as pleasure. When the agent that brings pleasure is gone, tanggal na kaagad e yung pleasure. Nariyan lang ang pleasure habang nariyan pa iyong ginagamit para maging pleasurable sa atin e ang isang bagay. Para lang electric fan, pag pinatay mo na, nawawala na ang lamig. Parang iyong sensation habang umiinom ka ng malamig na tubig sa gitna ng tag- init. Pag naubos na yung laman ng baso e wala narin yung pleasure.
Any pleasure matter is dependent on a physical source and the moment it is withdrawn, the pleasure is gone. So whoever will trade joy for pleasure is really stooping low. But that is what we do many times. " Backsliding robs us of joy " Meron ba namang nagbabackslide na ay meron paring joy? Kapag lumayo na tayo sa Panginoon, parang nilamukot na papel ang ating puso.!
Tama yun kapatid kaya nga lang sad to say na yung iba mas pinipili yung temporary kaysa sa pangmatagalang kagalakan. Tulad ng sinasabi mong pleasure hindi yan pangmatagalan. Pero yung
pleasure na dulot ng kaligtasan bigay ng Diyos pangmatagalan yun, sabi nga iba na yung nakasandal sa matatag.
Backsliding robs us of ministry and service to the Lord unless you are professional liar and a great pretender, you cannot be in a backsliding state at the same time, be in an active ministry. Maliban na lang kung talagang napakahusay mong manghuwad. Eto ang kalimitang dialogue ng mga spiritual backslider. Lie low muna ako ngayon. Leave muna ako. Hindi na muna ako magtuturo sa B.S., Magpapahinga muna ako. Puro mga excuses lang! Dahil ang katotohanan, bago pa man sila magbitiw ng ganyang pananalita, matagal nang naputol ang spiritual link. Pino-formalize na lang. Kawawa naman siya dahil nawalan ng ministry. Bakit siya umalis sa ministry? Kasi, a person that backslides creates ghost out of shadows. Kahit hindi mo siya inuusig, inaakalang siya'y inuusig. Kapag mayroon kang nasabi, aakalain niya pinariringan mo. Kahit wala ka namang ibig sabihin, akala ay mayroon. Kasi guilty.! Diba ganun naman talaga ang taong may sugat, madaling masaktan? At ang taong umaaray, tinatamaan! Kaya sila mismo ang unang umaalis sa ministry. Wala na nga naman silang joy sa ginagawa nila, bakit pa nga naman itutuloy? O kaya ay naiilang sila sa mga kasama. At kadalasan, kapag talamak na ang backsliding, nahihinayang na sila sa panahon o pagod na ibinibigay nila sa ministry.
A backsliding person is robbed of ministry and service. And if you are robbed of ministry and service, what happens? You are robbed of the privilege of gathering up for yourself treasures in heaven. Ikaw ang lugi. Pero yung mga taong nasa ministry na nagpapagod, nagpapakahirap, at nagmumukang kawawa - hindi.! Our God is a God of justice. And God knows how to repay. He repays a hundred fold, a thousand fold.
Ooops batu bato sa langit ang tamaan wag magagalit bagkus isipin ninyo na mahal kayo ng Diyos. Tamang tama yan sa lahat ng may mga ugaling "mala mala" sa paglilingkod at pagkilala sa Diyos alam natin yan kasi sinabi yan sa "Pahayag (Revelation)" na kung ang ating ugali tungo sa Diyos a sala sa lamig at sa init - isusuka ka ng Diyos - di ba masakit yun.. Kaya mag kapatid nakapagsimula na tayo natuto bakit pa natin ito pakakawalan. Ito yung sinasabi na "pag-iipon ng kayamanan sa langit".. so ang manatili hanggang wakas siya ang maliligtas... God bless